Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

"Si Kate."

Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi ni Enro. Grabe, nalunok ko nang buong-buo 'yong spaghetti na kinakain ko. Ang sakit sa lalamunan! Ang OA naman kasi nitong si Enro e, hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata. Hay, ang gwapo pa rin. Ang unfair talaga ng mundo.

Lalo naman akong hindi nakahinga nang ipinakita niya sa akin ang larawan ng isang babae. Nakatalikod siya sa larawan ngunit alam kong siya nga ito. Nasa may dalampasigan siya at nakaharap sa dagat. Kinalibutan pa ako bigla nang maalala kong kaparehas ng suot niya sa larawan ang suot niya doon sa panaginip ko. Naalala ko rin ang sinabi sa akin ni Kate, "Save him." Ano kaya ang nais n'yang ipahiwatig?

Hindi ko na alam, ang alam ko lang ay isang misteryo na naman sa amin na kung sino ang nag-send nito, at kung anong trip niya sa buhay.

Napagtripan na ata kami n'ong nagtatago kay Kate at sinend na sa amin ang lahat ng gusto n'yang i-send. Bored na bored siguro siya ngayon dahil nabagyo at paniguradong wala ng pasok bukas. Nasa amin na lahat ng oras n'ya.

Pagkatapos naming kumain ng spaghetti ay nagdire-diretso si Enro sa desktop ko.

"May sd card reader ka ba d'yan?" biglang tanong n'ya sa akin habang sinasaksak 'yong computer ko.

"Aanhin mo?" tanong ko sa kanya habang hinahanap 'yong reader sa pouch ko.

"Magta-try ulit ako," sabi niya, "baka mabuksan ko na."

"Ah, 'yong memory card na ninakaw mo?" sabi ko sabay abot ng reader sa kanya.

Sinamaan n'ya lang ako ng tingin at kinuha ang reader mula sa kamay ko.

Napaka-kumportable naman ng pagkakaupo niya sa upuan ko habang nakaharap sa computer. Pagkapasok niya ng memory card sa reader, pinasok n'ya naman ito sa isa sa mga USB port sa CPU. Nakita ko na may nagflash sa screen at humihingi nga ito ng password.

Napahiga naman ako sa kama ko na katabi lamang ng desktop. Ganito ba lagi ang ginagawa niya? Napaka-desidio n'ya talaga siya sa paghahanap ng jowa n'ya. Sana all 'di ba may jowa pero 'wag naman sana 'yong nawawala.

Paano kaya kung ako naman ang mawala? May maghahanap kaya sa'kin bukod kay mama?

Hayst. Hindi nga n'ya ako hinanap noong na-kidnap ako e. Anong klaseng ina ba siya? Nakakatampo naman talaga iyon.

Napabaling naman ako ulit kay Enro at napanganga nang nakita kong naka-kagat-labi siya. Napakagat-labi rin ako ngunit marahas akong napailing nang maalala ko 'yong nakakatakot na Kate sa panaginip ko.

"Oo na, 'di ko naman inaagaw e," biglang sabi ko. Napatingin naman sa'kin si Enro at napa-iling na lang. Wow, akala mo talaga kung sinong perfect e.

Pero isipin mo 'yon, nasa kwarto ko na yung ultimate crush ko since elementary pero hindi ako maka-damoves sa kanya. Bakit? Tinutulungan ko kasi siyang hanapin ang nawawala niyang jowa. iniisip ko ito palagi, paulit-ulit, pasakit nang pasakit.

Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Tumingin ako sa wall clock ko. Mag-uumaga na pala. Napapasarap naman ata si Enro sa panghuhula ng password at nandoon pa rin siya sa desktop ko.

Bumangon ako at kinausap siya. "Oh, nabuksan mo na ga?" tanong ko sa kan'ya.

Umiling lang siya.

"Nagugutom ka? Pagprito kitang hotdog," alok ko naman as a friend.

Umiling lang ulit siya.

Inirapan ko lang siya at nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng makakain, Nova at Yakult. Kumuha rin ako ng mauupuan at nilagay sa tabi ni Enro. "Hindi ka na pala nagtatry eh," sabi ko sa kan'ya pagkaupo ko sa tabi n'ya at nakita na naglalaro na lang pala siya ng Solitaire sa computer.

Hindi siya umimik at dumampot na lang din sa kinakain kong Nova. Pshhh, si dukot. Pati puso ko, dinukot. Iling ka ng iling d'yan tapos dapot ka ng dapot.

Pasimple ko namang nilayo sa kanya yung Nova para hindi na siya makadampot. Tumingin naman siya sa'kin ng masama.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Yumuko naman siya at nagtungo sa kama ko saka umupo. "May bakante pa rin ba kayong kwarto sa boarding house?" tanong niya bigla. "Mukhang hindi na ako makakauwi sa lagay ng ulan na 'yan eh."

"D'yan ka na matulog," nasabi ko sa kanya, nagulat naman siya. "Tatabi na lang ako kay mama." Akala mo naman tatabi ako sa'yo? Hindi no!

Pumayag naman siya.

May balak din palang matulog ang mokong, hindi nga lang alam kung saan siya hihiga. Hay Enro, bakit ang cute mo talaga? Nakakainis ka, bawasan mo 'yan at baka magalit si Kate kapag jinowa kita sa panaginip ko.

Hindi nagtagal ay nag-announce na ang school namin na cancelled daw ang mga klase dahil sa bagyo. Stucked tuloy ako dito sa bahay kasama si Enro at si mama. Ayos na rin, makapagpahinga naman sa lahat ng drama.

"Kamusta ang tulog mo, Enro?" tanong ni mama sa kanya pagkalabas nito ng kwarto ko habang kami naman ay nakaupo na sa harap ng mesa para mag-umagahan.

Ngumiti naman si Enro kay mama. "Ayos naman po."

Inalok siya ni mama na sumabay sa'min sa pagkain. Tumabi naman siya sa'kin. Hay, ilang araw na rin na hindi ko na mawari ang binibilis ng tibok ng puso ko kapag may mga pangyayaring ganito. Magkakasakit na ata ako sa puso.

Habang sinasandukan ni mama ng kanin si Enro ay pinagsabihan niya ito. "Hoy, Enro! Medyo hindi ko na nagugustuhan 'yang mga lakad niyo ni Affy ha! Noong isang araw nga ay inumaga na kayo. Kung hindi ka nagsabi sa akin ay talaga namang hindi ko na mawawari ang pag-aalala d'yan kay Affy," dire-diretso ngunit malambing na sabi ni mama.

Noong isang araw? Inumaga? Ay kaya naman pala hindi nag-alala sa'kin si mama noon ay sinabihan siya ni Enro. Hindi nga talaga alam ni mama ang nangyari sa'kin. Mas ayos na nga siguro iyon para hindi na siya mag-alala nang sobra sa tuwing mawawala ako.

"Pasensya na po, iiwasan na po namin iyong ganoon," nahihiyang sagot ni Enro.

"Hay sige. Ay kayo na ba ga?" agarang tanong naman ni mama. Ang kulit talaga nitong si mama, sabing may jowa na iyan, pinagpipilitan pa rin sa akin. Bet.

Napatulala naman itong si Enro at nahalata kong hindi siya makasagot kay mama.

Ako na lang sumagot para hindi na siya ma-awkwardan. "Ma, hindi nga po. Iba nga gusto niyan."

Napatango naman si mama habang nakataas ang kaniyang mga kilay. Nakakaloko talaga 'to. Alam na alam ko na talaga kung saan ako nagmana.

Pagkatapos naming mag-umagahan ay may kaniya-kaniya na ulit kaming mundo. Bumalik na ulit si Enro sa desktop para sa memory card at sa pagreresearch na rin ng mga beaches na katulad n'ong nasa picture na ni-send sa kan'ya ng taong hindi pa namin nakikilala. Sinubukan niya ring ipa-trace sa kakilala n'yang magaling sa IT kung kanino ang account na iyon.

Ako naman wala akong magawa. Grabe! Estudyante ba talaga ako? Wala man lang akong assignments o hindi ko lang talaga alam na may assignments? Bahala na.

Minabuti ko na lang na alukin si Enro na ako na lang ang maghahanap kung saang beach iyon para makapag-focus na siya sa ibang bagay. Himalang pumayag naman siya. Malaki na talaga ang tiwala sa'kin ni bestfriend.

Tinitigan ko naman yung beach sa larawan, parang pamilyar pero hindi ako sigurado. Naisip ko tuloy, nagpapasarap lang ba si Kate habang itong si Enro ay pagod na pagod sa paghahanap sa kanya? Hay, hindi naman siguro. 'Wag naman sanang ganoon, nakakaawa naman 'tong si Enro.

Lumipas ang oras at lumuluha na ang mata ko sa paghahanap sa net pero wala pa rin akong makita. Ano ba naman 'yan? Wala naman ata sa mundong 'to itong beach na 'to eh. Magtatanghalian na, wala pa akong naipapakita kay Enro. 'Di bali na, sa tingin ko din naman ay wala pa rin siyang nakukuhang impormasyon. Kwits lang kami, hindi n'ya ako masusungitan.

Seryosong-seryoso pa rin ako sa paghahanap nang bigla niya akong kinulbit. "Shirt."

"Ha?" sagot ko naman.

"Pahiram ulit ng shirt, pati na rin pambaba," paglilinaw n'ya. "Maliligo na ako."

Bigla naman akong nahiya dahil hindi pa ako naliligo tapos siya maliligo na. Edi ako na ang dugyot!

Nagtungo naman agad ako sa aking kabinet at naghanap ng damit na p'wede niyang maisuot. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay para bang hindi ako babae dahil lahat ng nakikita ko sa aking kabinet ay mukhang babagay sa kan'ya. Binili ko ba ang mga ito para isuot n'ya? Pero kahit ata basahan pa namin ang ipasuot ko sa kan'ya ay ang lakas pa rin ng dating n'ya. Kainis!

Inabot ko naman sa kan'ya 'yong nadampot kong t-shirt at maluwag na short. Kulay purple parehas iyon. Tinignan ko ang reaksiyon niya noong nakita niya ang mga ito pagkaabot ko. Inaasahan ko na magagalit siya o susungitan niya ako ngunit nahiya na ata siyang magreklamo at sumimangot na lang.

"Underwear, kailangan mo?" walang-hiyang tanong ko. "Mayroon pa ako dito na hindi ko pa nagagamit." Pagkasabi ko nito ay nakatulala lamang siya sa akin. Napa-ngising aso naman ako nang narealize na ang laswa pala ng mga sinasabi ko.

"Lalabhan ko na lang akin," malamig na tugon niya at dumiretso na sa cr. Namula naman ang mukha ko nang dahil sa kahihiyaan. Iba talaga ang tabas ng dila mo, Affy! Hindi ka na nahiya sa crushi mo.

Humiga muna ako sa kama para magpakalma at mapahinga na rin ang mga mata ko at makaligo na rin pagkatapos ni Enro. 

Medyo napatagal naman siya sa panliligo kaya nainip ako. Tumayo muna ako at umupo sa harap ng desktop.  Napatingin ako sa monitor at nakita kong naka-open pa rin pala rito 'yong memory card na hinuhulaan niya ng password. Parang ang hirap naman atang manghula.

Pinalagutok ko ang aking mga kamay at sumubok naman ding manghula ng password.


"iloveenro" Try again.


"saranghaeenro" Try again.


"enroismine" Try again.


Hay! Ano ga namang password nito? Nakakasakit na ng ulo.

Umikot-ikot ako sa swivel chair ko at napaharap ako sa eroplanong papel na nakapatong sa kabinet ko.

Napaisip naman ako at tumungo ulit sa keyboard para magtype.

"parakayenro" Successfully opened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro