Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13

"Opo, papagawa po sana ako ng pampalimot. Hindi pa rin po kasi nawawala ang pagmamahal ko kay Enro, nasasaktan lang po ako," pagpapalusot ko sa harap ng mag-asawa at sa harap din ni Ken. Alam kong walang kwenta ang mga sinasabi ko pero kailangan ko man lang mag-isip ng alibi para hindi nila mabuko na sinusundan ko lang talaga si Ken.

Naniwala naman si Mang Ben sa akin ngunit sabi niya ay hindi siya gumagawa ng mga gamot na tulad ng ganyon kaya sinabi ko na lang na magpapahilot ako ng aking mga braso at kamay dahil masakit ang mga ito. Pinaupo naman niya agad ako sa silya sa kanilang salas.

Nakatingin naman sa akin si Ken na nakaupo rin sa isa sa mga upuan. Kanina ko pa ring iniiwasan ang mga tingin niya akin. Hindi ko alam kung bakit biglang nalungkot ako sa ginawa n'ya, tinago n'ya sa amin ang pamilya n'ya. Bakit? Ano ang dahilan n'ya? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Humanda s'ya pagkatapos kong magpahilot.

"May bali ka ineng," sabi naman ni Mang Ben pagkahawak niya ng kanang kamay ko.

"Talaga po? Hindi ko po ramdam," sagot ko naman.

"Ay, baka kakaselpon mo lang." Grabe naman 'tong si Mang Ben, ang judger. Hindi p'wedeng dahil sa pakikipaglaban ko sa masasamang-loob? Ang dami ko na rin kayang pinagdaanan, hindi lang ito sa pagce-cell phone.

Sa kabila ng aking mga iniisip ay hindi na lang ako sumagot sa kan'ya at napangibit na lang. Wala na rin namang mangyayari kung magpapaliwanag ako. Ang sarap din naman sa pakiramdam ng paghihilot n'ya kaya hindi na ako papalag.

Pinapanood pa rin ako ni Ken. Hindi pa rin siya nagsasalita. Siguro'y alam na rin n'ya na narinig ko kung paano n'ya tinawag sa Manang Ising.

Ma.

Hay, masyado talaga akong nadidismaya ngayon pero ayoko pa ring ma-turn off kay Ken, bilang isang kaibigan. Syempre naman no, ang dami na rin naming pinagsamahan. Ayokong mabaliwala lang ang mga 'yon nang dahil sa hindi pagkakaintindihan kaya gusto ko talagang marinig ang paliwanang niya. Kahit gaano pang kahaba ito ay makikinig ako.

Pagkatapos akong hilutin ni Mang Ben ay hindi na siya nagpabayad sa akin. Kaibigan ko naman daw ako ni Ken. Sapat na raw iyon para sa kan'ya. Napakabait naman talaga ng pamilyang ito.

Nagpasalamat naman ako nang madami sa kan'ya at sinabing babalik ulit ako para magpahilot. Walang takot ko namang nilapitan si Ken at nagulat naman siya sa paglapit ko.

"Alam kong may sasabihin ka," sabi ko agad sa kan'ya.

"Affy," panimula niya. "Sorry."

Sumenyas ako sa kan'ya na sa labas kami mag-usap. Ayokong marinig nina Manang Ising at Mang Ben ang mapag-uusapan namin. Gusto ko ay kami muna ni Ken ang magkaintindihan.

Dali-dali akong lumabas at nakasunod naman siya sa'kin. Humakbang pa ako ng ilang metro palayo sa bahay nila bago ako nagsimulang magtanong. "Ano 'yon, Ken? Magulang mo sila? Bakit mo tinago?" naiinis ngunit may panghihinayang na saad ko sa kan'ya. Bilang isang kaibigan n'ya, ayoko ng naglilihim s'ya sa akin. Kung ano man ang dahilan n'ya ay tatanggapin ko.

Napa-iwas siya ng tingin sa'kin. "Nahihiya kasi ako atsaka baka isipin nyo rin na may kinalaman ako sa pagkawala ni Kate."

Napapikit ako ng mariin at nilagay ang aking dalawang kamay sa aking bewang. "Hindi naman eh! 'Di ba magkaibigan na tayo?"

Nahihiya naman siyang tumango. "Pasensya na talaga."

Tinapik ko naman ang balikat n'ya. "'Wag mo ng uulitin 'yon a," saad ko.

Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

Hay, bakit hindi ko agad nahalata noong umpisa na magkamag-anak sila. Teka? Mapanalunan ang apelyido ni Manang Ising 'di ba pero sa pagkakaalala ko ay hindi naman ganoon ang apelyido ni Ken?

"Ken, magkaiba ba kayo ng apelyido ni Manang Ising? Nagtataka lang kasi ako," tanong ko naman agad sa kanya.

"Ah oo. Hindi pa kasi talaga kasal sina nanay at tatay e kaya yung apelyido ko kay tatay tapos si nanay 'di pa rin nagpapalit ng apelyido," paliwanag niya.

Kaya naman pala. Hm, mukha namang kapani-paniwala ang lahat ng sinabi n'ya. Okay, so hindi na ako tampo sa kan'ya. Siya na ulit ang happy pill ko, bukod kay Enro.

"May dapat pa ba akong malaman?" Marahan kong siniko ang kaniyang tagilidan.

"Gusto kita?" nakangiting sabi n'ya. Napanganga naman ako pero agad niya itong binawi. "Joke lang," sabi n'ya sabay siko rin sa aking tagilidan.

Hinampas ko naman siya sa braso at mukhang napalakas ito dahil medyo nadala siya. Nakakainis, muntik na akong maniwala. Kaya ka madaling masaktan Affy e, ang uto-uto mo masyado.

"Gusto mo bang sa bahay na maghapunan?" alok niya sa'kin. "Sasabihin ko kayna mama na isama ka sa pagsaing ng kanin."

"Nako, nagluto rin kasi si mama sa bahay e," tugon ko naman. "Salamat na lang." Nakangiti kong saad habang nagpapa-cute sa kan'ya.

"Meryenda na lang?" tanong niya.

"Naks, sige ba!"

Sinama ako ni Ken sa sari-sari store malapit sa bahay nila at binili ako ng chichirya at soft drinks.

"Salamat!" sabi ko sa kanya pagkaabot niya sa'kin ng libre n'yang meryenda.

Ngumiti naman siya. Ang cute talaga ni Ken.

Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko ako ng mukhang 'yan, mukhang anghel e. Naiinis ako sa kanya pero nawawala ang inis ko 'pag ngumingiti s'ya. Kagigil talaga! Patawarin n'yo po ako sa pagtataksil sa asawa kong si Enro. Hay, ayos lang 'yan. May Kate na rin naman 'yong si Enro. Hmph, laki lang talaga ng nawala sa kan'ya.

"Anong iniisip mo?" tanong naman sa akin ni Ken nang mapansin n'yang natutulala na naman ako.

"Wala, ang galing mong umarte pati sina Manang Ising at Mang Ben. Aakalain mo talaga na hindi kayo magkaano-ano e." nagtatampo pero paloko kong sabi.

"Galit ka pa ba sa'kin?" tanong niya sabay sandal ng ulo n'ya sa aking balikat. Hindi ko naman ito inalis at hinayaan lamang siya.

"Hindi naman," saad ko habang nagpipigil ng kilig, "pero 'wag mo na sanang ikahiya 'yong mga magulang mo. Mahal na mahal ka ng mga 'yon, sigurado ako."

"Kung pwede nga lang na ipagmalaki ko sila sa buong mundo e pero ayaw din nina nanay baka rin daw kasi ako madamay sa nangyaring pagkawala ni Kate. Isa kasi sila sa pinaghihinalaan e dahil dating tagapag-alaga ni Kate si nanay," paliwanag naman niya.

May point naman siya at hindi ko siya masisisi. Buhay naman niya 'to eh. Na-guilty pa tuloy ako sa pagsunod at paghihinala sa kaniya. Malinis talaga itong si Ken, malinis na malinis. Sana'y mas makilala pa namin ang isa't isa.

Maayos naman ang naging pag-uusap naming dalawa. Walang galit o kung ano man. Masaya siya na nag-usap kami at sinabi niya sa'kin na magtiwala lang daw ako sa kanya. Iyon naman ang ginagawa ko sa ngayon.

Umalis na ako sa bahay nila at uuwi na sana pero biglang pumatak ang napakalakas na ulan. Bagyo na nga ata ito, napakalakas e. Wala pa naman akong payong.

Laking gulat ko nang may biglang pumaradang motor sa harapan ko. Natilamsikan pa ako ng putik dahil sa mabilis na pagparada n'ya.

Bwiset naman talaga, oo. Magpapakilig na nga lang, mang-aasar pa.

"Sakay bilis!" sabi niya sabay abot ng extra helmet niya. Inabot ko naman ito at isinuot.

At ito na naman ako, naka-angkas sa motor ni Enro.

Mahigpit na ang hawak ko ngayon sa kan'ya. Bukod sa malakas ang ulan, natatakot din ako na baka mahulog ako sa motor. Ang bilis niyang magpatakbo e.

Napansin ko naman na papunta kami sa bahay. Ang sweet naman n'ya, ihahatid n'ya talaga ako pauwi. Sino na ba talagang pipiliin ko sa inyo ni Ken? Masyado na akong nahihirapan. Pero may jowa ka na Enro e, paano ba 'yan?


...


"Buti na lang sinundo mo ako. Ang lakas ng ulan!" sabi ko kay Enro pagkarating namin sa bahay. Alam ko namang may kailangan lang ulit 'to sa'kin kaya ako sinundo. O baka naman ako na talaga ang kailangan n'ya?

Grabe, basang-basa talaga kami. May bagyo nga raw sabi ni mama. Agad n'ya naman kaming ipinaghanda ng mainit na sabaw.

Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng pampalit na damit at iniwan si Enro sa salas pero laking gulat ko nang nasa likod ko na pala siya. Inabutan ko na lang siya ng malaking tuwalya at bigla naman siyang naghubad sa harapan ko.

"Huy! Huy! Ano 'yan?" saad ko habang kungwaring tinatakluban ang aking mga mata. Hindi naman niya ako pinansin at nagtuyo na lang siya ng kanyang katawan gamit 'yong tuwalya.

Napukaw naman ng aking pansin ang mga peklat niya sa katawan. Apat na mahahabang hiwa iyon. Mukhang malalim din ang tama ng mga ito sa kaniyang katawan.

"Ano 'yang mga 'yan?" tanong ko naman agad sa kanya sabay turo sa mga peklat niya.

Napatingin naman siya sa kanyang katawan tapos sa'kin. "Isang beses nagkainitan kami ni Simon ng ulo tapos parehas kaming naka-inom. May kutsilyo pala siyang dala, pinagsasaksak niya iyon sa akin."

Sa gulat ko ay napatakip ako ng aking bibig habang hindi ko mapigilang hindi ngumanga. Buti na lamang noon dinakip ako nina Simon ay wala ng nangyaring ganitong kalala. Napakarahas n'ya palang tao, nakakatakot siya.

"Buti't hindi ka napuruhan?" saad ko na may halong pag-aalala

"Ilang araw din ako sa ospital. Sinabihan na rin ako ng mga kamag-anak ko na lumayo kayna Simon." Napayuko siya bigla. "Pinagbawalan din nila ako na makipagkita kay Kate pero wala eh, hindi ko kaya."

Napatahimik naman ako. Napakakumplikado naman talaga ng buhay nitong si Enro. Against all odds naman talaga ang pagmamahalan nila ni Kate pero hindi pa rin sila sumuko. Mahal na mahal nga siguro nila ang isa't isa. Sana all 'di ba.

"May damit ka ba d'yan?" tanong naman niya bigla sa'kin. Oo nga pala, hubad siya sa harapan ko. 'Wag ko na kayang abutan ng damit? Ang sarap sa mata e. Hay, hindi naman pwede at lalamigin siya. Sayang naman.

"Meron ako ditong mga loose na shirt, ikaw na lang ang pumili." sabi ko sa kanya sabay turo sa kabinet ko.

Tumungo naman agad siya doon. Bigla siyang napatahimik at lumingon ulit sa'kin. "Nasa'yo pa rin pala ito," sabi niya sa'kin habang pinapakita ang isang pirasong papel.

Aba! Iyon pala ang eroplanong papel na pinapadala ko sa kan'ya noon. Napakalandi ko naman talagang bata. Natuwa naman ako at naaalala n'ya pa rin iyon kahit na hindi n'ya talaga ako pinapansin.

"Ah,oo. May sentimental value e," sabi ko saka pinilit tumawa ng mahina. "Nakahanap ka na ba ng shirt?" Binago ko naman agad ang usapan at medyo nagiging awkward na ang paligid.

"Oo," sagot naman niya sabay suot ng itim na pangtaas. Damn, ang hot n'ya talaga. Nang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa ay muntik na akong maglaway. Tamang-tama lang sa kanya 'yong loose shirt ko habang suot n'ya pa rin ang mamasa-masa n'yang pantalon. Nagulat naman siya nang ma-realize niyang nagkasya ang t-shirt ko sa kan'ya.

"Hindi ako mataba, okay? Maluwag lang talaga 'yan sa'kin," paglilinaw ko kahit wala naman siyang sinasabi. Mabuti na 'yong sigurado. 'Yon din naman siguro ang nasa isip niya ngayon.

Ngumisi lang siya sa'kin at umupo sa kama ko.

"Cute," biglang sabi niya at nagkatinginan naman kaming dalawa.


Flashback: 3rd Year High School

"Girl, bakit ka naman kasi tumakbo palayo? Chance mo na 'yon e," naiinis na saad ni Liana habang pinapaikot ang yelo sa juice gamit ang dulo ng kan'yang straw.

Napakamot naman ako at humigop ng milktea. "'Wag na nating pilitin. Si Kate na ang gusto n'ya e, may magagawa pa ba ako?" Ka-date ko ngayon si Liana. Noong JS Prom pa ni Enro ang huli naming pagkikita. Sabado naman ngayon at malapit ng magsem break kaya naisipan naming magkita, masyado na naming na-miss ang isa't isa.

Binaba niya ang hawak niyang juice at naghalukipkip. "Kidnapin kaya natin 'yang si Kate para ikaw na lang ang jowain ng pinsan ko?"

Nabulunan naman ako ng milktea dahil sa sinabi n'ya. "Huy, bad 'yan!" suway ko sa kan'ya.

Napahinga siya ng malalim at seryosong tumingin sa akin. "Pero hindi nga girl, what if mawala si Kate one day? Magkaroon ka kaya ng chance kay Enro?"

Napatigil naman ako at napaisip din. "Hindi naman ako ganoong kasama para gawin sa kanila 'yon. Kung mahal talaga nila ang isa't isa, then I will be happy for them."

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa paghigop ng kaniyang juice.


What if?


End of flashback

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro