Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Ilang araw at gabi akong balisa. Nang dahil sa pangyayaring iyon. Coz I still remember everything and it gives me blue. Everytime I think of him...

Ganoon parin ang tingin ng mga tao sakin sa opisina. Na para bang wala ng ibang tao silang nakikita. Kundi ako lang!. Ganito ba talaga ang sikat o pinasikat ng sinauna...

Napabuntong hininga na lang ako. Habang ginagawa ko ng mabuti ang aking trabaho. Wala naman kasing magandang nangyayari sa buhay ko. Maliban sa nakita ko si Carlo ng personal. Pumalpak pa talaga dahil sakin...

Ano pa bang maipagmamalaki ko? Para kahit papano maiangat ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Simple lang Ren. Baguhin mo kahit konti ang pananamit mo..

Papano ko ba babaguhin? Eh sa hindi ako marunong. Ito na ang nakasanayan ko. Hay nako!... sasakit lang ang ulo ko sa bagay na yan! Tss.

Ginabihan ako ng mga araw na yun nang nag-aabang ako ng taxi pauwi. Hindi ko namalayan na may tao palang tumabi sa kinatatayuan ko.

"We met again." Aniya at napalingon ako sa kanya.

"Uie... kumusta na?" Ngumiti ako sa kanya at sinuklian rin niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Ok lang... napadaan lang kasi ako sa simbahan." Aniya na may kislap ang mga mata.

"Ah...kaya pala." Napatangong ani ko.

"Pauwi ka na? Gusto mo ihatid na kita?" Alok niya.

"Ha!? Ay nako.. wag na Paul kaya ko namang mag-taxi." Tanggi ko.

"Sige, Ren... I insist, please pagbigyan mo na ko." Ani niya na para bang nagpapacute.

I narrowed my eyes para usisain ang kanyang mata. Then I found out nothing. Maybe he really want to drive me home...

"Sige na nga! Mapilit ka e. "Ani ko na nakangiti.

"Yan.. mas gusto ko na palagi kang nakangiti. Kasi mas lalo kang gumaganda." Ani pa niya. Bahagya akong natigilan sa kanyang sinabi.

Maganda ako??! Yun ba ang narinig ko????? Sabihin niyo kong totoo ang narinig ko at hindi guni-guni!?

"Tayo na?" napalingon siya sakin..

"Ah! Oo!." Napapitlag ako at sumunod sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya sa may driver seat. Nilingon niya ako at nilapitan ako.
As in sobrang lapit na ng mukha niya sakin... Hindi ako gumalaw para akong batong nakatitig lang sa kanya.

Gosh!!! Ano bang gagawin niya?!! Hahalikan ba niya ako!? Diyos ko! Huwag naman sana...

Natigilan ako ng kinuha niya ang seat belt sa bandang gilid.

"You need to put your seat belt on." Nakangiting ani niya. Nabango ko ang kanyang pabango. Na siyang nanunuot sa aking ilong. Napatangu-tango na lang ako.

Bumalik na siya sa kanyang pagkakaupo at inayos ang sarili. Dahan-dahan akong huminga ng maluwag.

Ngumiti siya't napa-iling. Bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Tahimik lang ako habang nasa loob ng kanyang kotse.

"Ren, pasensya ka na kanina ha? Medyo bumilis ang kilos ko. Nakalimutan kong bago pa lang tayo magkakilala." Sumeryoso siya at sumulyap siya sakin at binalik ang tingin sa daan.

"Y-yun ba?" Ani ko.

"Oo, alam ko kasing nabigla ka sa ginawa ko. I'm sorry." Aniya at sinulyapan niya ulit ako.

"Ok lang yun." Ani ko. Pero sa totoo lang natakot ako sa posible niyang gawin sakin.

"Sabi nila kapag dun ka sumisimba ay magkakatotoo raw yung mga dasal mo. Para sayo naniniwala ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi nakakapanis naman ng laway kapag hindi ako magsasalita diba?...

"For me, at first hindi ako naniniwala kasi si mom lang yung may sabi sakin eh... But for now, I think I do believe on what she says or what people says." Ngiting ani niya.

"Ganoon ba? So, nasagot na ba ang mga dasal mo?" Ani ko na tila naeexcite.

"Sort of... hindi pa naman lahat. Pero gagawin ko lahat ng aking makakaya. Bago ako." Ani niya subalit di na niya ituloy yung huling sinabi niya.

"Bago ka? Ano?" Usisa ko. Napansin kong hindi kami dumiretso sa bahay kundi sa mamahaling restaurant.

Patay!!! Bakit dito niya ako dinala.

Nilingon ko siya, ngumiti lang siya sakin. Hay nako! Ang pogi niya rin kapag nakangiti tapos ang bait-bait pa talaga. Sana ganito na lang ang ugaling meron si Carlo.

"Nagugutom na kasi ako. If you don't mind, I'd like to dine with you Ren." Aniya.

"Seryoso ka? Hindi ka ba nagbibiro?" Humagalpak siya ng tawa.

"Ano palang iniisip mo? Binibiro kita? Of course not! So?" Aniya na napakibit balikat.

"Sige ba.." ani ko at lumabas siya at binuksan ko rin ang pinto at siya na mismo ang nagbukas ng tuluyan.

"You seem nervous." Aniya sakin habang tinatahak namin ang parking lot patungong restaurant.

"Kasi po, hindi ko lubusang maisip bakit ako ang niyaya mo na pwede naman ang ibang babae ang yayain mo." Ani ko sa kanya. Tinaas niya ang kanyang kilay na tumitig sakin.

"Ibang babae? Gaya nino?" Tanong niya sakin.

"Gaya ng mga babaeng magaganda." ani ko.

"Yun nga ang ginagawa ko diba. Kaya kita kasama." Nakangiting ani niya habang lumalakad. Uminit ang pisngi ko sa kilig...

"Paul, hindi kaya ako maganda. Hay nako!! Hindi mo talaga nakuha ang punto ko." Medyo nairita kong sabi na sumusunod sa kanya.

"Nakuha ko ang punto mo. Sabi mo dapat ang yayain ko ay yung magaganda. Kaya nga---" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin. Dahil nasa tapat na kami ng restaurant.

"Good evening sir, maam." Bati ng lalaking nakatayo sa labas. Tumango lang siya at ngingiti na sana ako. Nang kumunot noo ang lalaki. Kaya napayuko na lang ako kay Paul.

May sumalubong rin sa amin na isang waitress para makaupo kami sa couples table.

"Sir, maam. May I take your order?" Napatingin si Paul sa menus nila at ganun din ako.

"My order is Boneless Angus Ribeye Steak. Samahan mo na rin ng four season." Aniya.

"How about you maam?" Tanong ng waitress.

Binaling ko muna si Paul at tinakpan ko ng menu ang aking bibig.

"Paul, hindi naman sa hindi ko gusto ang mga pagkain dito. Pero hindi ko kasi alam kong anong oorderin ko." Pabulong na ani ko sa kanya.

"Sige... ako na lang ang o-order sa pagkain mo." Nakangiting ani niya sakin..

"Miss, one Surf N' Turf please." Tumango ang babae at umalis agad ito.

"Pasensya ka na sakin Paul ha. Hindi kasi ako sanay sa magagarang restaurant e. Bihira lang kasi akong sumasama sa tiyahin ko kapag pumupunta siya sa mga ganitong lugar." Esplika ko sa kanya.

"Ganoon ba. So you live with your auntie pala."

"Oo, kaming dalawa ng ate ko. Kinupkop niya kami kasi wala rin siyang kasama sa bahay. Pareho na kasing patay ang mga magulang namin kaya ayun." Ani ko sa kanya.

"I'm sorry to hear that." Aniya na naging malungkot ang mukha.

"Ok lang, isa pa matagal narin yun. Ikaw anong kwento ng buhay mo?"

"Ako? Bilang isang engineer hindi naman gaanong mahirap. Only child ako at hindi na ako nagkaroon ng kapatid. Siguro ang matatawag kong kapatid ko ay yung kababata ko."

"Ahhh.." ani ko. Getting to know each other ang peg namin. Habang iniintay ang aming mga order.

Nang ilang sandali ay dumating na nga ito.

"I hope, you'll like what I've ordered." Ningitian ko lang siya. Isang subo muna ang ginawa ko at nagustuhan ko agad ang timpla... Marunong nga siyang pumili... Maybe all the guys do... Except ONE!

"Masarap siya, salamat sa dinner ha." Bahagya akong napatingin sa aking wrist watch.

"Uuwi ka na?" Tumamlay ang tinig niya.

"Sana, baka kasi mag-alala sina tita at ate."

Ngumiti siya. "Okay, pero ubusin muba natin tong kinain natin ha."

Napatango nalang ako. Nang namataan kong ang mga babaeng naroon ay sobra kung makatitig kay Paul. Syempre dahil gwapo ang kasama ko pero ang kasama niya ay isang manang.

Inayos ko ang aking sarili. Sa aming pag-uusap tumunog ang kanyang phone.

Kinuha niya yun sa kanyang bulsa.
"Sandali lang, Ren ha sasagutin ko muna toh."

"Sige, okay lang." Tumayo siya at humakbang palayo. Narinig ko ang mga sinabi ng mga babaeng andun.

"Hay! Ang gwapo niya... sana ako nalang kesa yung manang." Tumawa ang kasama niya.

"Tahimik ka nga baka marinig tayo." Huminga akong malalim, at hindi ko na lang sila pinansin. Bumalik na si Paul at umupo.

"Pasensya kana, Tumawag kasi yung kababata ko. Nangungumusta." Aniya at ng matapos na kami. Ay binayaran na niya yung bill.

"Kita mo ba yun?" Ani ko habang papalabas na kami ng restaurant.

"Ang alin?" Tanong niya.

"The way they look at you. Daig mo pa ang hinuhubaran." Napalingon siya at tinapik ko ang kanyang balikat na para bang at ease ako sa kanya.

"Wag mo kaya silang tingnan." Napatawa kong sabi.

"Don't mind them. Inggit lang sila." Tumawa siya at hinapit ang aking baywang. Nagulat ako sa ginawang paghawak roon.

"Just relax... I'm just trying to pissed them off." Aniya ng makalabas na kami ay bahagya namin silang tiningnan.

"Look at their faces Ren." Natatawang aniya.

"Baka isipin nilang girlfriend mo ko." Ani ko at humakbang ng konti papalayo sa kanya.

"Why not." Aniya't napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko at tumawa siya.

"Di biro lang." Nakangiting ani niya at lumakad narin siya patungong sasakyan.

His being so kind to me, charming and so funny to be with. Hinatid niya ako papauwi...

"Salamat, Paul." Ani ko at dumungaw sa bintana ng sasakyan.

"Walang anuman... sasusunod ulit." Nakangiting ani niya at nagpaalam na ako.

Ngumiti lang ako habang pumasok sa bahay.

"Sino yung naghatid sayo Ren?" Usisa pa ni ate.

"Si Paul ate naging kaibigan ko nung mga oras na naghihintay ako ng taxi." Pormal ko siyang sinagot.

"I'm sure, kumain kana. Siya nga pala hinahanap ka ni tita kanina."

"Anong sinabi mo ate?" Tanong ko ng paakyat ng hagdan.

"Sabi ko hindi ka pa umuuwi." Nasa sala lang siya at nakaupo nanunuod ng tv.

"Anong sabi niya ate?" Medyo kinabahan ako at bumaba muna ako para alamin kung nagalit ba si Tita.

"Wala naman, sinabi niya lang na hindi siya makakauwi ngayon kasi may pupuntahan raw sila ng team niya sa Tagaytay." Aniya ng hindi inaalis ang tingin sa tv.

"Okay po." Biglang tumili si ate at halos mapatalon ako sa gulat.

"Ano ka ba! Ate!bakit ka sumisigaw! Nakakainis ka naman e!"

"Kasi yung pogi mo oh...! Lumabas na naman siya sa tv." Masayang sabi niya sabay turo sa tv.

Lumingon ako para alamin nga. Nakita kong siya yung nasa commercial. Na sobrang sexy niya sa shoot na ito.

"Hay nako ate! Wag na...hindi mo alam ang pag-uugaling meron ang lalaking yan." Giit ko sa kanya.

Tumawa pa siya. "I can sense something in you. Nag-iba ata ang ihip ng hangin ngayon." Panunukso pa niya sakin.

"Hmmmp... akyat na muna ako." Pabalang kong sagot sa kanya habang siya naman ay walang tigil sa kakangiti.. umakyat na ako.

"I'm sure, something happened." Nakangiting dagdag niya .

"Wala nga sabi.." sagot ko at padabog kong isinara ang pinto...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro