Kabanata 8
"Hijo, tumuwag ang kapatid mo. Bakit hindi raw macontact ang phone mo. Dahil may importante siyang sasabihin sayo. Better call him right now, Carlo." Ani pa ni mama ng makita ako sa terrace na nakaupo.
Tinanguan ko lang siya, ng maalala ko ang nangyari sa akin sa studio. Nadala ako sa galit, minura ko siya ng sobra, minaliit kahit hindi ko siya lubusang kilala.
"Bro." Tawag sakin at napalingon ako sa kinaroroonan nito. Nang namataan ko kung sino siya agad ko siyang kinawayan para pumasok sa loob ng bahay.
Bumaba ako sa staircase at nakangiting sinalubong ko ang aking kababata.
"Kelan ka pa dumating?" Ani ko sabay hi-five at napayakap sa kanya.
"Last week pa bro, hindi naman ako tumagal doon sa America dahil mas gusto ko rito. Ikaw kumusta ka na? Balita ko ang sikat mo na bilang isang modelo." Nakangiting aniya.
"Sikat? Hindi pa nga e..." biro ko sa kanya. Bata pa kami ay magkaibigan na kami nitong si Paul. Naging malapit rin ang pamilya namin kaya parang kapatid narin ang turin ko sa kanya.
"Hindi pa ba sikat para sayo, yung may mga billboards akong nakita sa labas ng mall at sa may sideways. I'm sure maraming nagkakandarapa dyan sa six pack abs mo." Natatawang ani niya.
"Mayroon ka rin naman ah... So, what brings you here?" Ngumiti ako.
"Yayain sana kitang mag-bowling. Gaya nung nakagawian natin noon nung mga bata pa tayo..." Maaliwalas ang kanyang mga mata na punong-puno ng kasiyahan. Marami kaming ginagawa nung kabataan namin kaya siguro na mimiss niya ang bonding naming dalawa.
"Sige ba... kailan ba ang gusto mo?" Ani ko sa kanya na hindi ako makapaniwala na sa ilang taon namin'g hindi nagkita ay naalala pa niya ako.
"Mga next week siguro bro. Ok lang ba sayo yun?"panigurado niya.
"Oo naman... at least we have sometime to bond again right?" At nagtawanan kami... Buwan lang ang agwat ng aming kapanganakan. Kaya naman magkasundo kami sa lahat ng bagay.
"Hijo, sino bang kausap mo?" Tanong ni mama ng lumabas galing kusina.
"Ma, si Paul andito." Ani ko.
"Hello po Tita Lara?" Nakangiting bati niya sa aking ina..
"Naku ikaw'ng bata ka. Kumusta ka na, ha? Ang tagal mong hindi bumisita sa amin ah." Nakangiting ani ni mama at lumapit samin. Nagmano naman ang kababata ko sa aking ina.
Ganoon rin kasi pinalaki si Paul. Family-oriented rin kagaya ng pamilya namin.
"Ok lang po ako tita. Galing po akong America kaya matagal-tagal rin akong hindi napadpad dito." Aniya.
"Ganoon ba. Sina Miguel at Marissa, kumusta na?" Tanong ni mama.
"Ok naman po sila tita. Darating rin sila by last week of the month po. Nauna lang po akong umuwi."
"Kailangan talaga nilang umuwi dahil marami kaming pag-uusapan." Ngiting ani ng aking ina.
"Oo nga po."
"Carlo hijo, huwag mong kalimutan na tawagan si Nathaniel ha. Sige dito muna ako sa kusina. Maghahanda muna ako ng meryienda niyong dalawa." Ani ni mama at bumalik sa kusina.
"Siya nga pala, si Nate kumusta na?" baling niya sakin.
"Ayon, nandoon sa Cebu inaasikaso ang negosyo. Kasama niya si Zander sa pagpapatakbo nito." Ani ko.
"Si Zander yung pinsan mong mahilig mangaral satin nung mga bata pa tayo." Ani niya ng maalala ang kabataan namin.
"Siya na nga at wala ng iba." Napatawa ako sa sinabi niya. Lumabas si Manang Rebecca dala ang meryienda namin ni Paul.
"Salamat manang." Tumango lang siya at bumalik sa kanyang trabaho.
"Grabe... talaga ang pinsan mong yun. Naalala mo ba nung araw na kinuha natin yung kabayo niya... at pinaglaruan natin si Sparks. Galit na galit siya nun." Natatawang ani pa niya at sumubo ng konting cake. Habang inaalala ang mga kapilyohan namin nung mga bata pa kami.
"Totoo!... gusto niya pang paluin tayo ni Tito Damian. Eh, ang babata pa natin nun at puro laro ang nasa utak natin nung araw." Sagot ko at kumain narin.
"Sinabi mo pa."ani niya sabay tawa.
"Pero, ngayon iba na si Zander. Kasi may Alex ng nakabangga sa ugaling niyang sobrang bossy at malapit narin silang ikasal."
"Talaga?! Wow! Ang swerte naman ng pinsan mo. Maganda ba?" Aniya.
"Maganda talaga, sino ba naman ang papatol dun sa pinsan kong mala-tigre. Siguro si Alex na at isa pa kahit pangit ata. Walang may lakas loob na paamuhin yun." Biro ko sabay tawa at nag-apiran kami sa sobrang tuwa.
"Siya nga pala bro. Nasaan na pala sina Daddy Louis at Mommy Maxine." Nang namataan niya ang picture frame nina grandpa at grandma. Kinain ang natitirang cake sa kanyang platito at uminom ng juice.
"Si mommy bro ok lang naman siya nasa mansyon. Pero si daddy Louis matagal na siyang pumanaw bro." Ani ko at nahalata ko ang pakatigil niya at lungkot ng kanyang mukha.
"Kailan pa bro?" Matamlay na tanong niya. Halos maubos ko na ang aking cake.
"Limang taon na bro." Sagot ko at uminom ng juice.
"Gusto kong bumisita sa puntod ni daddy Louis, bro." Seryosong aniya.
"Sige, bro. Walang problema, magbibihis lang muna ako." Tumayo ako at tumango lang siya. Umakyat ako sa aking kwarto. Naligo ako at nagbihis ng blue shirt at black pants...
Nagpaalam muna kami kay mama bago kami umalis patungong puntod ni grandpa.
"Hindi ko alam bro na matagal na palang patay si daddy Louis. Ano bang kinamatay niya?" Tanong niya ng papunta kami sa sementeryo. Sasakyan niya ang ginamit namin.
"Sakit sa puso bro."
"Hindi na ba naagapan ng mga doctor?"
"Ayaw na niyang uminom ng gamot dahil mamatay rin naman siya. He stop taking his meds, bro. Kahit na ayaw namin'g patigilin siya pero yun ang gusto niya. Sabi ng doctor na tanggapin nalang namin ang posibleng mangyari at ibigay ang mga gusto niya na walang kumokontra. Masakit man samin binigay namin ang hiling niya."
Tahimik lang siyang nakinig sakin, habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. Napabuntong-hininga siya.
"Bro, ok ka lang?" Ani ko.
"Ok lang ako. Makakadaan ba tayo ng flower shop bro?" Aniya.
"Oo naman." Dumaan nga kami ng flower shop. Same thing, we also bought a bouquet with 3 tulips.
Ilang oras ay dumating na kami sa sementeryo. Tahimik lang niyang nilapag ang mga bulaklak sa lapida ni grandpa.
Siguro dala lang ng kalungkutan kaya siya ganyan. Hinayaan ko na muna siya. Hindi na ako nangusisa pa.
Kumawala siya ng malalim na hininga. Napansin ko yun pero binalewala ko lang.
"Ang importante, hindi na nahihirapan pa si Daddy Louis sa sakit niya at payapa narin ang kaluluwa niya. Dahil alam niyang tanggap niyo ang pagkawala niya." Sumeryoso siya.
"Tama ka Paul. Isa pa, mas mahihirapan lang si daddy kong kagustuhan namin ang masusunod. Kaya huwag ka ng malungkot bro. Naiintindihan naman ni daddy yung kalagayan mo. Bakit ngayon ka lang nakadalaw." Nakangiting ani ko sa kanya.
Kiming ngiti ang sumungaw sa kanyang mga labi. Andun parin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Salamat bro. Talagang hindi ka parin nagbabago." Nakangiting ani niya.
"Syempre, parang kapatid na kaya turin ko sayo." Ani ko at ginulo ko ang kanyang buhok.
Humalakhak siya, at nakapagdesisyon na kaming umalis. Nagpaalam kami kay grandpa bago tuluyang umalis.
Hinatid niya muna ako sa bahay at nagpaalam na sa kanya. Mabilis kong tinakbo ang loob ng bahay. Muntikan pa akong madapa. Nang maalala ko ang sinabi ni mama kanina.
Kaagad kong tinawagan si Nathaniel. Nang na-on ko na ang phone ko. Lowbat pala kaya hindi niya ako ma-contact.
"Nate. Anong problema???" Tanong ko.
"Kuya, pwede bang ikaw na lang ang bahalang bumili ng regalo para sa kasal nina Kuya Zander?" Aniya.
Bumagsak ang bagang ko at uminit ang ulo ko sa galit, dahil yun lang pala ang sasabihin niyang importante!!! Pambihira tong taong toh!!!
"So, you define that statement as important Nathaniel?!" Matigas kong ani.
"Yes of course Kuya. Wala na kasi akong panahon para sa pamimili. Alam mo naman na busy dito sa hotel. Pinasa mo sakin ang trabaho mo. So, could you do me some favor too." Ani pa niya na nagpapakonsensya.
"Nah...!!! Porket pinasa ko sayo ang hotel. Uutusan mo na ako ngayon."
"Kuya naman, nakikiusap nga ako sayo diba? Alam ko namang mas magaling ka sa mga bagay na yan. Besides, I'm not good with gifts..." ani niya sa kabilang linya.
"Sus kong hindi lang kita kapatid binatukan na talaga kita." Mariin kong sabi.
"Thanks, kuya. At saka kuya, yung sabi pala ni Kuya Zander tungkol sa three days business meeting. Bukas na ng gabi yung meeting."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako na-informed tungkol sa date...
"What!??! Hindi sinabi ni Zander na bukas na pala yun. Hindi ako pwede!"
"Kuya naman, anong hindi ka pwede!? Inimail ko na sayo yung invitation mo at yung plane ticket mo. Kuya, matagal ko ng binigay sayo yun. Hindi ko alam kong bakit hindi pinaalala ni Kuya Zander sayo. You don't have to back-out on this Kuya. Its our investors, and it can give us another digits in our business. So you don't have to say no on this Kuya! Or else mom and dad will be furious!" Banta pa niya. I have no choice but to leave this place and also my career in a few days.
"Fine! Since you left me with no choice. Ano pang magagawa ko. Sa susunod ayoko ng ginaganito ako, Nathaniel alam mo yun! Kundi malalagot ka uli sakin!" Binantaan ko rin siya at kinansela ko ang aking tawag.
"Pahamak tong Zander na toh! Hindi sinabi kung kelan yung meeting na sinasabi niya! nakakainis!" Inis kong ani at dinanial ulit ang phone.
"Hello, Enrico pakisabi kay Miss Adrianna na hindi ako makakapasok ng tatlong araw simula bukas. Kasi may aasikasuhin akong importante sa Cebu." Ani ko sa kabilang linya.
"Ganon ba, Carlo? Sige sasabihin ko sa kanya. Mag-iingat ka sa Cebu ha." Ani pa niya na boses bakla.
"Sige salamat. Enrico" at binaba ko na ang phone.
Napailing nalang ako at tsineck ko ang aking email. Naroon nga ang email ni Nate. Two weeks ago pa pala niyang inimail sakin.
I jot down the address and pack my things. To get ready. Kasi mamaya na palang alas otso ang flight ko.
"Ma..." ani ko sabay dungaw sa staircase.
Nasa sala siya at nanonood ng telebisyon kasama si Manang Rebecca.
"Hijo bakit?" Takang tanong ni mama na napangat ang ulo.
"Aalis ako pupunta akong Cebu."paalam ko sa kanya.
"Ngayon na? Ang bilis naman ata..."
Aniya na nakapamaywang.
"Kasi ang magaling niyong pamangkin hindi sinabi sakin na bukas na pala yung business meeting. And I cancelled all my pictorials because of that." Inis na ani ko.
"You should cancelled it Carlo. Its for our business, hindi ko hahayaan na mapabayaan mo yun, Hijo. So better close that deal if it will bring good asset to our company. Are we clear?" Ani niya sakin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Yes ma... I will..."tanging sagot ko sa aking ina...
:♡♡♡READ.VOTE.COMMENT.♡♡♡
Please naman po... para malaman ko po kung sinong nagbabasa ng Pangarap ko ang Ibigin Ka...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro