Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

"Goodmorning ma." Bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya habang naghahanda ng breakfast.

"Kailan po ba uuwi si papa at John, ma?" Tanong ko sa kanya at umupo para kumain ng agahan.

"Siguro sa kasal nina Alexander alam mo naman ang papa mo maraming inaasikasong negosyo dun sa States. Yung kapatid mo naman pipilitin pa ng papa mo para umuwi." Tumango ako at dumating si grandma sa dining. Nakapagligo at nakabihis na.

"Goodmorning mi." Bati ko at tumayo ako sa kinauupuan ko para humalik sa pisngi niya't inalalayan ko siya para makaupo.

"Salamat hijo ha, wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong niya sakin.

"Meron mi pero mamaya pa ako pupunta sa pictorial. Pwede naman pong ma-late kahit once lang. Saan po pala kayo pupunta mi?" Tanong ko kay grandma at sumubo ng sandwich na ginawa ni mama.

"Sa puntod ng Daddy Louis mo." Natigilan ako baka may nakaligtaan kami. Pero hindi pa naman death anniversary ni daddy.

"May nakalimutan po ba kami mi? Diba po matagal pa naman ang anniversary ni daddy mi."

"Wala kayong nakalimutan hijo. Pupunta lang ako kasi gusto kung bumisita. Lara hindi ka ba sasama samin ng anak mo?" Tanong pa niya kay mama.

"Ma, gustuhin ko man sumama pero may tatapusin pa kasi ako sa opisina. Ok lang ba na hindi na muna ako sasama ma?" Mahinahong ani ng aking ina. At inilapag ang pagkaing hinanda niya sa mesa.

"Walang problema anak ang importante may kasama ako papunta sa puntod ng papa mo." Ani pa ni grandma.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain, palagi nalang ang naging subject namin ang negosyo. Dahil ang pagiging seryoso sa mga bagay-bagay ay kailangan talagang pagtuonan ng pansin.

Alam kong ako ang pinaparinggan nila hanggang sa na-hot seat na talaga ako.

"Hijo, nasabi sakin ni Zander na gusto mo raw na maging bachelor lang."

Dammit! Ang Alexander na yun!napamura ako sa aking isipan.

"It's not a question right, mi?" At umiling pa siya habang si mama naman ay nakikinig lang.

"Mi, what I mean is, hindi pa ako handa para sa mga seryosong bagay. Lalo na ang gusto niyong mangyari. Hindi naman po ata tama yan mi." May konting inis kong ani.

"Anak, hindi naman sa ganun yun. Ang amin lang naman mas magiging panatag kami, when you take things seriously." Ani pa ng aking ina. Isa pa si mama, lahat na lang ata sila ganito ang iniisip sakin.

"Like what ma? I am taking things seriously especially my career and also the agency." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumagot.

"Hijo, alam naman namin yan. Pero ang planong maging isang single lang hindi ako makakapayag niyan. Your good-looking ang gorgeous guy bakit mo naman iisipin na maging single lang." grandma stated.

Talaga bang pinagtutulakan nila akong mag-asawa.

Fuck!!! Sa ayaw ko pa nga! Ba't ba nila ako pinipilit!

"So, mi your trying to say. Is I had to pick some girls, just to make my wife immediately?" Sarkastikong ani ko habang pinipigil ko ang aking temper dahil sa inis.

"Its not like that apo, ayaw ko lang na maging ganyan lang palagi ang routine mo sa buhay. Your serious in comes to your job, but you haven't think other things like being settle down." Ani pa ni grandma habang umiinom ng juice.

"Of course mi, I do think about that. But this is not the right time for me. I hope you will understand my decision." Seryosong ani ko sa kanila.

"Sige hijo, I will look forward to that. Kasi ayaw kong may isa sa mga apo ko ang nagkakaganyan. You know that girls are not a toy." Paalala niya sakin.

Tumango na lang ako para tapusin ang aming usapan. Pagkatapos kong kumain ay humalik ako sa kanila. Kahit na nagkasagutan kami ni grandma may respeto parin ako dahil mahal ko sila.

Kung minsan nakakainis lang subalit wala akong magagawa. Sana man lang maghintay sila kung kailan talaga yung tamang panahon para dyan.

Infact, I can be serious if that what they want me to be. Trust me! Being married is not the best answer just to be matured enough!!! Hell no!!!

Umakyat ako sa aking kwarto at naligo't nagbihis. Kinuha ko ang paborito kong shirt sa na huling regalo sakin ni grandpa. That's why I do cherished it with all of my life. Kaya naman pinakaiingatan ko talaga ang bagay na ito.

Bumaba na ako at nakita kung andoon na si grandma sa salas nakaupo at naghihintay sakin.

"Mi, lets go." Patakbong sabi ko sa kanya.

"Sige hijo. Salamat naman ay sasamahan mo ko ngayon. Kung hindi---"hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil dinugtungan ko na.

"Mag-cocommute ka na naman mi! Hay nako ngayon ko pa nalaman na may katigasan rin po pala ang ulo niyo mi." Nakangiting ani ko at nagtawanan kami.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng aking Evo9 GSR. Ito ang gusto kong dalhin ngayon kasi malayo ang byahe papuntang sementeryo at ihahatid ko pa si grandma papauwi.

"Hijo, pasensya ka na sakin kanina ha. Nag-aalala lang naman ako sayo apo ko e." Ani pa ni grandma.

"Alam ko naman po yun mi, and I appreciate your concern. Pero okay lang naman po ako wala po kayong dapat na ipag-alala. Dahil masaya po ako sa pagiging single ko. Besides mi, I don't take rush into things lalo pa't hindi pa pala talaga sakin." Esplika ko sa kanya at tinuon ko ang sarili ko sa daan.

"Your right hijo, no one can push you even if we want what's the best for you." Seryosong aniya na tila ba nagpapakonsensya dahil gusto nila yung bagay na nakakabuti sakin. Pano naman yung bagay na ayaw ko muna???... So damn irony!!!

Dumaan muna kami ng flower shop. Tatlong tulips ang binili ko dahil yun ang utos ni grandma. Nang marating namin ang puntod ni grandpa ay sinamahan ko muna si grandma roon.

Alam kong matatagalan talaga ako sa bagong studio na kumuha sa taglay kong kakayahan.

Kaya tinext ko ang manager ko na may dinaanan akong importante at malelate ako.

"Alam mo hijo, ang daddy mo ang kauna-unahang lalaking minahal ko ng buong-buo. At ang mga tulips na ito ay simbolo ng aming pagmamahalan." Ani pa ni grandma sabay lapag ng bulaklak sa lapida ni grandpa. Nakita ko sa kanyang mukha ang pangungulila niya kay grandpa.

Masakit man sa kanya pero tinanggap niya parin yun dahil wala naman siyang magagawa kung hindi diba. But she never stop loving my grandfather until now. Yun, ang nagpabilib sakin...

- * - * - * - * - *


"Ren, patulong naman nitong tripod oh." Ani pa ni Tita Adrianna.

"Para saan ang tripod Tita?" Usisa ko sa kanya.

"Nasira kasi yung tripod sa studio. Kaya ito na muna ang ipapahiram ko tutal hindi naman mapapakinabangan ang mga ito dito sa bahay." Ani niya sabay bitbit ng kanyang bags para makapunta na sa trabaho.

Kinuha ko ang dalawang tripod at binitbit ko yun ng magkabilang kamay ko... Nilagay ko ang mga iyon sa baggage ng kanyang sasakyan.

"Tita ok na po nalagay ko na po lahat sa baggage." Ani ko.

"Salamat Ren. Sige mauna na ako. Bye." Pasigaw na wika niya sabay labas ng isang kamay sa bintana ng sasakyan para kumaway sakin.

"Bye, Tita." Kumaway rin ako pabalik.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nag-ayos dahil papasok pa ako.

Mabilis kong hinablot ang aking bag sa sofa at kinandado ang bahay. Talagang huli ako umaalis pero ako rin ang maagang uuwi...pumara ako ng taxi.

"Manong sa may post office po." Tama sa post office ako nag-tratrabaho. Siguro nga dito na talaga nararapat ang mga kagaya kong napag-iiwanan ng panahon.

"Ma, dito na lang po." Ani ko sabay bayad. Tahimik lang akong pumasok sa opisina. Wala akong ginawang kakaibang kilos. The usual. Diretso lang ang paglakad ng makarating sa aking mesa.

Alam kong pinagtitinginan nila ako at pinag-uusapan. Eh sa ganito ako may magagawa ba sila?

"Hala ayan na ang werdo oh..." narinig kong sabi ng isa kong kasamahan.

"Hay nako, for sure walang magkakagusto sa kanya dahil manang siya. Buti pa ako may lovers..." nakangiting sambit pa ni Ella.

Paki ko ba sa kanila..kong may lovers sila... may Carlo naman ako... tse!

Minarkahan ko ang lahat ng mga sobreng dapat markahan. Napakaboring ng trabaho namin dahil walong oras mo yung gagawin ng paulit-ulit...

Hanggang sa nag-lunch time na. Pero hindi pa ako tapos kaya tinapos ko muna yung mga sobreng natitira.

"Ren, mamaya ka pa kakain? Baka dumikit na yang pwet mo sa upuan ah..." natatawang biro pa ni Ruby.

"Grabe ka naman... makapanlait Rubs.. eh, Ren kung ayaw mo pang kumain pakisagot nalang yung telepono ha... Salamat sige mauna na kami.." utos pa ni Grace. Nagtawanan silang tatlo papalabas ng opisina.

Napakibit balikat na lang ako sa sinabi nila. Kung minsan naiisip ko na marahil totoo nga ang sinasabi nila. Werdo ako, pangit at napag-iiwanan. Kaya siguro hindi ko sila masumbat-sumbatan dahil totoo rin naman ang nakikita nila sakin... Can I blame them? Of course not...

Sa kalagitnaan ng katahimikan sa opisina dahil nasa labas ang lahat ng kasamahan ko.

Ay tumunog ang telepono, napapitlag ako dahil sa gulat. Nilapitan ko ang mesang kung saan naroon ang telepono.

"Hello?" Sagot ko.

"Andyan ba si Ruby?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Ay wala po sir, naglunch po."

"Sige, pakisabi na tumawag ako. Salamat."

"Makakarating." Ani ko at binaba yung telepono at tumunog na naman ang isa pang telepono. Kasi apat ang teleponong naroon. Kaya sinagot ko ulit yung tawag.

"Hello?"

"Andyan ba si Grace?" Tanong ulit.

"Wala po nagluch po sila." Ani ko. At nagpasalamat yung tumawag kaya binaba ko.

May tumunog na naman na isang telepono... kaya doon nalang talaga ako umupo sa tapat ng telepono!

"Hello po."

"Miss, police station ba, toh?" Tanong nito.

"Ay! Hindi po, post office po ang tinatawagan niyo."

"Ganun ba, akala ko police station may irereport sana akong insidente. Sige salamat nalang." At binaba ko ulit ang telepono. Isang oras akong nakatunganga roon sa kakasagot ng mga tawag sa telepono.

Dumating narin ang mga babaeng tingin nila sa kanilang sarili ay ubod ng ganda.

"Kain ka na Ren. Past 1pm na oh." Nakangiting ani pa ni Ella.

"Sige salamat." Simpleng ani ko at bumalik ako sa aking mesa't kinuha ko ang aking bag. Lumakad papalayo, alam ko ang bawat sinasabi nila sakin. Kasi dinig na dinig ng dalawa kong tenga. Nakawawa raw ako, kasi matatakot yung lalaki sakin. Baka may galis ako sa legs kaya ganito ang suot ko.

Nang papauwi na ako ng mga oras na yun. Habang nag-aabang ako ng taxi. Ilang sandali lang ay may taxi ng pumarada sa harapan at akmang hahawakan ko na sana yung handle ng pinto. Natigilan ako dahil may isa pang kamay ang humawak roon.

Napalingon ako at na tigilan ako. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko ng makita ko ang maamong mukha niya. Napalunok ako dahil sa tensyon.

"Ay! Pasensya na miss. Nagmamadali kasi ako, akala ko hindi ka sasakay." Ani pa niya.

"A---ahhh.. sige mauna kana okay lang sakin." Pautal na sabi ko.

"Hindi, ikaw ang nasa harapan nakakahiya naman. Kung kukunin ko yung taxi."

"D--di okay lang talaga ako." Ani ko.

"Ano ba! Sasakay kayo o hindi!?" Inis na ani ng taxi driver.

"Sasakay ho kami manong. Sige miss sabay na lang tayo tutal pareha naman natin'g nakita tong taxi." Ani niya at pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok ako.

Oh my God!!!! Ang gwapo niya! Napatitig ako sa kanya, di hamak na mas gwapo talaga ang Carlo ko. Pero hindi ibig sabihin ay pinagpalit ko na siya. Na-aadmire lang ako sa kagwapuhan niya. At tingin mo naman naging kayo ni Carlo para sabihin mong pinagpalit mo siya... ani ng aking isipan.

"By the way, I'm Paul." Sabay lahad ng kamay niya.

"R-Ren."nahihingal kong sabi sabay tanggap ng kanyang kamay.

"So, Ren saan ba ang punta mo?" Tanong niya kinakabahan talaga ako sa bawat pagsasalita niya.

"A--ahh... Sa may Springville." Nauutal parin ako.

"Manong, isang Springville at BGC."

"Okay ka lang ba? Parang hinihingal ka ata Ren may sakit ka ba?." Concern niyang ani.

"O--okay lang ako." Napatango-tango kong sabi.

Medyo nag-usap rin kami sa loob ng taxi. Nang dumating na ako samin.

"M-manong paki kanan nalang po." Nang napuna ko ang aming lugar.

"Dito nalang po manong." At hininto na ng driver ang sasakyan.

"Salamat Paul and nice meeting you. Ma, bayad po."

"Huwag ka ng magbayad, sagot ko na yung pamasahe mo. Nice meeting you too Ren. Hope we will see each other again." Ani pa niya at lumabas na ako ng taxi.

"S-salamat ulit Paul. Bye." Kumaway siya at nang makaalis na ang taxing sinasakyan niya. Doon na ako na kahinga ng maluwag.

"Ren, sino yung naghatid sayo?! Boyfriend mo?!" Takang tanong ng tambay na nakaupo sa tindahan sa tapat ng aming bahay.

"Hindi ko boyfriend yun!" Pasigaw kong wika.

"Sabagay wala namang magkakagusto sa kagaya mong manang!" ani pa ng kasama niya at nagtawanan sila. Pumasok na lang ako sa bahay. Bahala sila kung pagtatawanan nila ako.... kung pwede lang silang batukan matagal ko ng ginawa. Hay nakakainis talaga!!!!

------A/N-------- ♡♡♡

READ.VOTE.COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro