Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 45

While his in the distance. Ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng text.

"Ang kumag dumating na." aniya. Kaya binalik niyang muli ang phone sa bulsa. Bahagya siyang pumara sa shuttle cab para bumaba at para salubungin ang pinsang niyang si Vernon.

Nilakad niya ang kalsadang pabalik sa information area kung saan naroon rin ang parking area ng lugar.

Medyo malayo-layo rin ang nilakad niya. Kaya naman medyo sumasakit narin ang kanyang mga paa.

Hanggang sa narating nga ng binata ang information area. Nakita niya sa gawi ang pinsang niyang si Vernon.

Nakatayo sa information area habang dala-dala ang bagahe nito. Lumapit siya rito.

"Ba't ngayon ka lang?" Iritadong tanong niya rito.

"Alam mo naman na may kalayuan itong lugar na ito. Yan ang itatanong mo sakin." Anito sa kanya. Nakapamaywang na lamang siya sa inasta nito.

Kung hindi nga lang niya ito pinsan. Babatukan niya talaga ito ng totohanan.

"Miss isang room nga po." Anito habang nagtitimpi siya sa kanyang inis.

"Bilisan mo nga." Iritadong aniya.

"Ano bang nakain mo at ang init-init ng ulo mo ha? Don't be like that insan. Sa ugali mong iyan baka mas lalo mong hindi makuha si Ren. Sige ka." Nakangising ani nito sa kanya.

"At bakit naman siya napasok sa usapang ito? Ikaw ang kausap ko diba?" Sarkastikong sagot niya.

"Coz you can't wait. I'll just arrived then this is what I get from you?" Matigas na sagot rin ni Vernon. Napansin niyang napatahimik ang receptionist.

Dahil sa sagutan nilang magpinsan. Kaya maagap na ibigay nito ang susi kay Vernon. Isang tango lang ang ginawa nito. At humakbang na papaalis.

Umandar tuloy ang pagiging suplado nito. Si Vernon lang ang vibes niya sa lahat ng kanyang kagaguhan. Lalo na kapag sa ganitong sitwasyon. Dahil alam niyang ang ilan niyang mga pinsan ay pagtatawanan siya't aasarin.

"Vern pwede ba, ikaw na nga lang tong pinapakiusapan ko ng matino. Magwo-walk-out ka pa."

"It's because your too damn annoying insan. Sana man lang pagpahingahin mo muna ako. Alam mo bang isinantabi ko yung trabaho ko para lang sa kagaguhan mo!" Asik nito sabay turo sa kanya.

Ayun tuloy, tila naubos na ang pasensya ni Vernon sa kanya.

"Okay fine, I'm sorry about that. Wag ka ng magalit dyan. Pinagtitinginan na tayo rito oh." Napatingin siya sa mga taong kakarating lang din sa Eden Garden.

"Fine.." pabalang na sagot nito sa kanya at lumakad ito papalayo. Kaya sinundan nalang niya ito.

Wala silang imikan na dalawa hanggang sa marating nila ang room ni Vernon. Tumunog naman ang phone nito. Habang siya naman ay nakatayo at nakapamulsa.

"Hello? Yes, tita I'm with him right now. Kararating ko lang po kasi. Okay po." Anito at marahang ibinigay nito ang phone sa kanya.

"Si tita, kakausapin ka." Anito.

"Why she didn't even call on my phone?" Tanong niya rito at napakibit-balikat na lang ito. Kinuha niya ang phone ni Vernon.

"Ma? Bakit hindi ka tumawag sa phone ko?" Naiinis na tanong niya.

"Huwag ka ng magalit anak. I'm just checking you out hijo. Kung talagang nagkita na kayo ni Vernon. Ano ba talaga ang ginagawa mo dyan sa Toril?" Nagtatakang tanong nito sa kabilang linya.

"It's important for me ma. Kaya ako andito, and besides you have nothing to worry about. You don't need to check me out ma." Pangatwiran niya sa ina.

"I know your too old enough. But your grandma is damn worried about you. Hindi ka man lang nagpaalam sa kanya na liliwas kang Toril."dagdag pa nito.

"I know ma, I'm sorry. May importante lang talaga akong aasikasuhin dito. Malay mo ito na yung pagkakataong hinihintay niyo ni Mommy." Diretsahang sagot niya rito.

"Hay nako anak, kung ano man yan. Hindi na ako kokontra pa. Basta sa ikaliligaya mo at alam mo ang ginagawa mo. I have no choice but to accept it and support you. If staying there will make your head softened then go. I won't stop you." Seryosong sagot din ng kanyang ina sa kabilang linya.

"Thanks ma, I know what I'm doing for now. Since Paul died everything change."

"I know son. Sige na ibababa ko na ito. Tinatawag na ako ng lola mo."

"Sige ma, ikamusta mo na lang po ako kay Mommy ma." At nagpaalam na siya sa ina.

Pumasok siya sa room ni Vernon. Pansin niyang mas malaki ang room nito kaysa kanya.

"Huge huh." Pilosopong aniya.

"Namimilosopo ka yata eh." Sagot nito habang inaayos ang dalang bagahe.

"Anong sabi ng mama mo?" Tanong nito at biglang tinapon niya ang phone kay Vernon na walang kahirap-hirap. Kaagad naman nitong nasalo.

"Loko ka ah! may sentimental value tong phone ko! Gago!" Asik nito sa kanya. Kaya napangisi na lamang siya sa ginawa niya.

"Sentimental? What makes that sentimental? Dahil ba sa kanya?" Aniya na may kasamang pilyong ngiti.

"Huwag na huwag mo siyang isasali dito Carlo!" Singhal nito sa kanya habang nilalagay ang mga damit sa kabinet.

"Okay, chill insan." aniya niyang bigla na naka-hands up pa.

"Kung gusto mong tulungan kita sa problema mo. Wag mong idamay ang personal kong problema rito Carlo." Matigas na pagbabanta nito sa kanya.

"Okay, hindi na kita aasarin. By the way did you get what I told you?" Paiba niyang subject at napaupo sa bakanteng silya.

"Yes of course. For sure mamamatay ka na naman dyan sa kakasuntok sa pader kapag hindi ko yun nagawa."

"Nah... did you get it or what?"

"I said yes right? Don't worry maybe they will deliver it by 9 o'clock sharp." Simpleng sagot nito at patuloy sa pag-aayos ng gamit.

"What?! 9pm?!" Nabulaslas niyang sabi.

"Sabi mo sakin diba gabi dapat. Eh mas mainam na yun. Para may time talaga kayong dalawa. Ako ng bahala sa kapatid niya." Ani pa nito na napangiti.

"What's that smile for? Remember Vernon she's the sister of the girl that I want...." hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil kaagad na nagsalita si Vernon.

"Hush! Carlo your being paranoid. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa kapatid niya? Gagapangin ko?" Napangising ani pa nito.

"I know you Vern, after what happened to her. Mas naging malupit ka..."

"So you think that she's the reason behind of my rudeness?" Nakaisang-kilay na sabi ni Vernon.

"Maybe, I thought so... Eh bakit ba kayo naghiwalay?" Usisa niya rito.

"Stop that non-sense Carlo! The problem here is between you and Ren. Not me and her!" Pabulyaw na ani nito sa kanya at padabog na sinara ang pintuan sa banyo.

"I'm sorry okay, I don't know that you didn't get over it, since then." Kaswal niyang sagot.

"I said stop!" Sigaw nito sa banyo.

"Okay..okay.. Ano ng sabi ng delivery?" tanong niya at napaupo sa kama ni Vernon.

Lumabas ito sa banyo at kakahilamos lang nito ng mukha.

"Aagahan raw nila ang pagde-deliver sabi sa text nila. Probably by seven sharp andito na sila. Para ibigay kay Ren yung inorder mo." Padabog nitong ani.

"Okay, that's good. Sige alis muna ako. Basta yung usapan natin huwag na huwag kang magkakamali kay Giselle Vernon." Pagbabanta niya rito.

"I know, I won't do anything just to harm her." Napangising-aso pa ito.

Napailing na lamang siya sa naging reaksyon ni Vernon. He know him very well. Since Vernon was fell in love but that was before. Pero nagtaka lang siya ng bigla itong naging malupit at magalitin.

Lalo na sa babae, huli na ng malaman niyang natunaw na pala ang kandila ng pagsasamahan nila ng babaeng iyon.

Napalakad siya pabalik sa kung saan ang room niya. Dumidilim narin ang paligid dahil sa lumulubog na ang araw.

Habang naglalakad siya'y napasipol siya. Para mawala ang pagkabagot niya sa mga oras na iyon.

Naiisip niya kung ano ang ginagawa ng dalaga sa mga oras na ito. Marahil nalilibang na ngayon nga dalaga sa pamamasyal.

Kahit anong pagpigil niya sa kanyang damdamin. Halos hindi niya yata magawa. Dahil habang tumatagal lalo pa ata siyang napapasubo sa bawat oras at araw na nagdaan.

Nang marating niya ang kanyang room. Tamang-tama na bubuksan na sana niya ang pintuan. Nang nabitawan niya ang kanyang susi. Kaya napayuko siya para damputin iyon. Napansin niyang may lumabas sa kabilang kwarto.

Na panay ang tawa kaya napasilip siya sa may paanan ng mga ito. Dahan-dahan siyang napatayo. Natigilan siya dahil ang kaharap niya ngayon ay ang babaeng gusto niya.

Napaawang na naman ang bibig niya. Ganoon din ang dalaga kahit na ang mga mata nito ay nanlilisik dahil nakita na naman ang pagmumukha niya.

"Oy... Carlo andito ka rin pala sa Davao? What a surprise!" Nakangiting ani ni Giselle na kapatid ni Ren.

"Oo, may pinuntahan lang kasi akong importante." Palusot pa ng binata. Tumaas ang kilay ni Ren sa sinabi ng binata.

"May importanteng lalapaing babae?" Mataray na tanong niya rito.

"Hoy.. mag tigil ka nga dyan." Saway ng kanyang kapatid sabay siko sa kanya.

"Aray..." napakunot-noong sabi niya.

"Uhmm... Carlo would you care to join us for our dinner?" Biglang sabi ng kanyang kapatid.

"Ate, wag na. May importante siyang gagawin remember?" Humarap siya sa kapatid niya at pinandilatan niya ito ng mga mata. Na ang ibig sabihin nun ay hindi pwedeng yayain ang binata.

"Tumigil ka dyan." Mahinang saway nito sa kanya at pinandilatan rin siya nito. Kaya napaismid nalang siyang napaatras ng konti.

"So, Carlo ano?" Humirit pa talaga ang kanyang kapatid.

"Ate.." giit niya.

Pinandilatan na naman siya ng kapatid niya. At napansin niyang napangiti nalang ang binata sa kanilang dalawa.

Inirapan niya ito at nauna siyang lumakad papalabas sa hallway ng villa.

"Kakainis talaga itong si ate. Bakit pa kailangan niyang yayain ang mokong na yun. Nakakaasar talaga!" Nanggigilaiti niyang sabi habang lumalakad.

"Ren! Ano ba wala ka bang kasama?" Pasigaw na ani ng kanyang ate. Kaya naniningkit ang kanyang mga matang napalingon sa mga ito.

Nakita niya ang binata na tila naglalaro ang mga mata nito. Na para bang inaasar na naman siya nito. She just roll her eyes. At tinaas niya ang kanyang kamao at sumenyas ng double time.

Habang nauna siyang lumalakad. Hindi niya alam na wala na palang tao sa likuran niya.

"Ate bakit ba ang tagal niyo dyan?!" Naiiritang aniya at pagkalingon niya. Wala na talagang sumusunod sa kanya. Nang biglang ginulat siya ng binata dahil nakaupo pala ito sa likuran niya.

"Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Hinampas hampas niya ang matigas na dibdib nito. At kaagad naman'g nahawakan ang magkabilang kamay niya.

"You know what, matagal na talaga akong nagtitimpi sayo." Sumeryoso ang mukha nito at napatigil rin siya sa kanyang paghihinagpis.

Tinitigan siya nito ng mabuti. She merely clear her throat. Ilang beses siyang napalunok. Dahil dahang-dahan na nilalapit ng binata ang mukha nito sa mukha niya.

"W-w-what are you doing?" Nanginginig niyang sabi.

"Hanggang ngayon ba Ren, nanginginig ka parin ba sakin?" Ani nito na may pilyong ngiti sa labi.

"Hindi noh! Bitawan mo nga ako!" Asik niya rito sabay hawi ng kanyang mga kamay rito. Humakbang siya ng isang beses. Papalayo rito.

But suddenly she slip. Maagap naman siyang nasalo ng binata. Kaya naman napahawak siya sa batok nito. Habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa beywang niya.

And now, their faces was definitely close. Isang pulgada nalang yata ang pagitan pwede na siyang halikan ni Carlo sa labi!!!

"Hindi ka kasi nag-iingat eh. Buti na lang at nasalo kita." Nakangiting ani nito sa kanya. Halos hindi siya makahinga sa sobrang lapit ng kanilang mukha. At napalunok na lamang siya para humugot ng lakas para mailayo ang binata.

Ramdam niya ang pawis sa kanyang mukha. Hindi naman mainit dahil sa may hangin naman at presko pa. Isa pa lumalalim narin ang gabi. Ngunit pinagpapawisan talaga siya sa kaba.

"L-umayo k-a nga sakin!" Ngunit hindi ito nakinig sa kanya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak sa kanyang beywang.

Hanggang sa maliit na lang talaga yung pagitan ng kanilang mga mukha. Hindi niya maatim sa sarili kong hahalikan nga ba siya nito o ano.

Papalapit na ang gwapong mukha ni Carlo sa kanyang mukha. Habang ang puso niya ay kumakabog na parang tambol. Kaya mariin siyang napapikit habang naroon parin ang kamay niyang nakahawak sa batok ng binata.

"You thought that I'm going to kiss you, isn't it?" Nakangising ani nito sa kanyang tenga. Kaya napatindig ang kanyang balahibo. Dahil sa ginawa ng binata. Napadilat siya at talagang binuhos niya ang buong pwersa para maayos ang kalalagyan nila.

Ngunit sa pagkakataong ito. Hindi nagpadaig ang binata kundi isang mabilis na halik ang bumulantang sa kanyang pagkatao. Habang hawak-hawak parin siya nito. Sinuntok-suntok niya ang likuran ng binata.

But the kiss was not that fast. It was just a kiss eventually without even moving. But then he slightly move his lips. Na naghatid sa dalaga ng kakaibang damdamin. Hindi niya nawari kong ano ba itong nararamdaman niya.

Yes! Her former boyfriend was died already. And here! The bestfriend of her late boyfriend blow her a goddamn kiss! Natauhan siya ng sandaling iyon.

Dinilat niya ang kanyang mga mata. At talagang ginawa niya ang lahat para maitayo lang sarili. Kaya tinulak niya ito ng malakas. Napaatras ang binata. Na may blankong reaksyon sa mukha nito.

"Walang hiya ka!" Mabilis na lumipad ang kamay niya patungo sa mukha nito. Bagama't naagapan ng binata ang kamay niyang aakmang sasampalin niya sana.

"This is the second time around that your going to slap me at my face Ren. Hindi pa ba sapat sayo ang pagpaparamdam ko. Para maunawaan mo!" Singhal nito sa kanya at bahagya siyang natigilan. Tila naubos yata ang pasensya nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Ano bang dapat kong unawain, Carlo? O dapat mong malaman ha?!" Asik niya rin sa binata.

"I want you to understand that I love you. I really do, Paul knows about that. Alam niyang mahal kita." Naging malumanay ang boses ng binata. At binawi niya ang kamay niya sa pagkahawak nito.

"You don't love me Carlo. Your just saying this because Paul left you some notes! Paano ko ba papaniwalaan ang isang tulad mo na playboy at hindi marunong sumeryoso! Si Paul ang mahal ko Carlo at wala ng iba!" Natigilan ang binata at mabilis niya itong tinalikuran.

Without knowing her tears fall. Napaluha na pala siya ng dahil doon. Para bang pinipiga ang dibdib niya. Paano ba niya haharapin ang taong ito? Na kahit saan siya pumunta naroon ito at nakasunod na parang anino.

"Kahit anong gawin mong pag-iwas sakin. Susundan parin kita dahil mahal kita!" Sigaw nito sa kanya. Ngunit hindi niya ito nilingon.

"Wala akong narinig! Asungot ka lang sa buhay ko!" Sigaw niyang pabalik rito na patuloy sa paglakad. Nagulat na lang siya ng bigla siyang binuhat ng binata.

"Ibaba mo ko! Ibaba mo ko sabi eh!" Paghihisterikal niya. Umalingawngaw tuloy ang boses niya sa lugar. At umingay ang paligid dahil sa pagsisisigaw niya. Dahil sa lumalalim na ang gabi. Natakot tuloy siya ay natahimik.

"Natahimik ka rin, sige sumigaw ka pa. Kung gusto mong...."

"Ano?! Anong gagawin mo hah!!" Singhal niya rito habang binubuhat siya ng binata.

"Kapag hindi ka pa tumigil dyan. Talagang uulitin ko yun." Banta nito sa kanya. Napaisip tuloy siya kung ano ang uuliting gawin ng binata. Tama, that kiss! Kaya napatigil siya sa kakadada niya.

Habang binubuhat siya nito. Naaamoy niya ang panlalaking pabango nito. Even his manly scent. Na siyang nakakalula sa ilong. Napailing siya para bumalik ang sarili sa katinuan.

"Carlo ibaba mo na ako please." Nagmamakaawang aniya.

"Hindi kita ibababa kung hindi mo nauunawaan ang mga sinabi ko sayo kanina." Sambit pa nito na hindi man lang siya sinusulyapan.

"Mahirap bang intindihan ang bagay na yun Carlo? Si Paul lang ang mahal ko at wala ng iba." Seryosong sagot niya rito. Damang-dama niya ang malalim na paghinga ng binata.

"Okay, if you love Paul. Then say it that you don't love me. And then, I walk away and never gonna see me again." Anito at napahintong lumakad ang binata at tinitigan siya nitong mabuti. Natigilan siya sa sinabi nito.

Shit! Naunahan akong lokong toh ah! Dapat ko pa bang sagutin yan!? Hindi ko na dapat sagutin ang bagay na yan!...

A/N

Sorry po guys kung ngayon lang napost... kasi may hinaharap na problema kasi... til now where still in the hospital.. 😢😢😢 i hope makakalabas na kami... huhu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro