Kabanata 44
Nang marating nila ang dako ng butterfly sanctuary. Namumungay ang kanyang mga mata sa kagandahan ng mga bulaklak at iba't-ibang paru-paro.
"This one is a work of an art." Sambit niya habang ang dalawang kamay niya ay naroon sa riles nakahawak.
"It's good to stare at them but it's beyond wonderful if I always stare at your beautiful face." Biglang sabi ng katabi niya. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Kaya naman marahan siyang napalingon.
"Ikaw na naman?! Talaga bang hindi mo ko lulubayan ha?!" Asik niya rito.
"You know what, instead of yelling at me. Just try to be nice just for a moment." Malumanay na wika nito.
"Paano ba ako magiging nice sayo? Kung ang pagmumukha mo ang nakikita ko." Pabalang niyang sagot rito at tinalikuran niya ito papalayo.
"Look, I'm not here for a fight okay? Gusto ko lang na maging okay tayo." Subalit ang tigas talaga ng ulo ng kumag na toh. Hindi nakakaintindi ng isang salita. Sinundan parin siya ng binata.
"Carlo, hindi na tayo magiging okay pa. At wala narin tayong dapat na ayusin." Seryosong aniya rito. Nakita niyang natigilan ang binata at napalunok rin ito.
Tumikhim muna ang binata bago ito nagsalita.
"Okay fine, if that's what you want. I'll drop the subject about that marriage thing. But you can't stop me Ren. Kung gusto kong sundan ka wala kang magagawa. Coz I will do everything I can for you to forgive me Ren." Matigas na sabi nito na may halong determinasyon. Napakurap-kurap siya dahil talagang hindi siya nito titigilan.
Nilagpasan lang siya nito at pinasadahan ng kamay nito sa buhok nitong malinis ang pagkagupit.
"Hoy! Kahit anong gawin mo wala kang mapapala sakin?!" Napalakas niyang sabi sabay turo sa binatang papalayo sa kanya.
Wala siyang pakialam kung may makakarinig sa kanya. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili niya.
"Ano ba talaga ang gusto niya?! Marami naman'g nagkakandarapang babae sa kanya ah! Bakit ba ako ang kinukulit niya! Kahit kailan hinding hindi ako lalambot sayo Carlo!." Pinangako niya sa kanyang sarili.
Bumuga na lamang siya ng malalim na hininga at pinagpatuloy ang paglakad. Palibot sa sanctuary kahit na naaasar siya sa binata. Hindi niya mapigilang mapaiyak ng bahagyang naalala niya ang kanyang nobyo.
"Paul bakit mo kasi ako iniwan? Di sanay kasama kita rito. Di sanay masaya tayong namamasyal sa lugar na ito." Maluha-luhang ani niya sabay punas ng kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay.
"Ren? andito ka lang pala." Ani ng kanyang kapatid sabay tapik nito sa kanyang balikat. Napasinghot siya ng kaunti. Dala ng kanyang pag-iyak.
"Oh.. anong nangyari sayo?" Kunot noong tanong nito.
"Wala ito Ate Ges." Sambit niya.
"Hay naku Ren, si Paul na naman ba?" Nag-aalalang tanong nito.
"Ate kasi.." napaiyak siya't napayakap rito.
Sinuklian rin siya ng kanyang kapatid ng isang yakap habang inaalo siya nito.
"Ren, alam kong mahirap kalimutan si Paul. Pero huwag mo naman pahirapan ang sarili mo. Imbes andito tayo para magsaya. Ito ka ngayon at umiiyak." Pangaral nito habang akap-akap siya.
"Hindi ko lang kasi mapigilang hindi siya maalala ate eh."
"Oh siya, tahan na. Huwag ka ng umiyak pa. Alam ko balang araw hihilom rin ang sugat na iniwan sayo ni Paul. Siguro nga may dahilan ang lahat ng toh." At inilayo nito ang sarili sa kanya. Pagkuwa'y pinunasan nito ang kanyang mga luha.
"Kung ako lang ang masusunod. Mas gugustuhin ko pang imulat mo ang iyong mga mata. Para mawala na yang sakit na dinaramdam mo." Komento nito na may kakaiang tinutumbok.
"Ate, hindi ko naman pwedeng balewalain ang pinagsamahan namin ni Paul. I know what you mean, pero hindi ko kayang palitan siya ng dahil lang sa pagkawala niya. Mahal ko siya ate. Mahal na mahal." Matigas niyang sabi rito.
"Alam ko Ren. So, saan na tayo pupunta ngayon?" Ani nitong iniba ang usapan.
"Doon nalang." Sabay turo niya
"Siguro naman pagbibigyan nila tayo ng oras para makapaglibot rito."dugtong niya. Ang tinutukoy niya ay ang tour guide.
Pagkuwa'y nilakad nila ang kabuuan ng butterfly sanctuary. Kumuha rin sila ng maraming pictures.
Nakakatuwa isipin na kaagad napawi ang kalungkutan niya. Nang makita niya ang nagliliparang mga paru-paro sa loob ng hawla.
Nang makarating sila sa may entrance ng sanctuary. Pumila silang magkapatid para mas lalong matanaw nila ang loob ng sanctuary.
Gayunpaman hindi narin niya nasilayan ang gwapong mukha ng binata. Siguro naroon ba ito ngayon sa ibang lugar kung saan may mga magagandang babae.
Habang naghihintay silang dalawa ng kanyang ate makapasok. Medyo kumirot ang paanan niya. Kaya na napangiwi siya't napahawak roon.
Hindi sila makakasingit agad dahil may mga nauna sa kanilang mga bata kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Kaya tiniis na lamang niya ang kirot hanggang sa unti-unti itong humilom. Nakakatuwa ngang tignan ang mga bata na kasama ang kanilang pamilya.
Nakakainggit, yun ang nasa isip ni Ren dahil sa twing nakakakita siya ng isang masayang pamilya. Sumasagi sa kanyang isipan ang kanilang mga magulang. Ang kanilang masayang pamilya.
"Ren halika na sa loob." Nakangiting anito ng kanyang kapatid. Tumango na lamang siya at sumunod. Papasok sa butterfly sanctuary.
Rinig na rinig niya ang tawanan at hiyawan ng mga bata pati narin ang mga kasama nito. Tila naging kampana ang mga tawa nito sa kanyang mga tenga.
Nang may isang paru-paro ang dumapo sa kanyang kamay. She was stunned and amazed. Kasi bihira lang talagang dumapo ang mga paru-paro sa tao.
Kapag hindi ka gumagalaw syempre. Eh hindi siya gumalaw kaya doon dumapo sa kanya.
Maagap niyang inangat ang kanyang kamay para tingnan ng maigi ang paru-paro.
Napangiti siya sa kagandahan nito. it was combined with white and blue colors. That makes it more lively and attractive.
Napansin ito ng kanyang kapatid. Kaya sinenyasan siya nito na kukunan siya ng litrato.
Ngumiti siya at ilang clicks ang ginawa ng kanyang Ate Giselle. Hanggang sa dinapuan na naman siya ng iilan pang paru-paro. Na siyang ikinatuwa niya.
Masayang-masaya siya kahit hindi siya gumagalaw. Ang bawat paru-parong dumapo sa kanyang katawan ay nagbigay sa kanya ng ibayong kaligayan.
That's why she felt a little bit of dismay. Dismay of the past. Kaya napagalaw siya na kaunti. Kung kaya't nagsipagliparan ang mga ito.
Habang malayang nakangiti sa malayo ang magandang dalaga na si Ren. Hindi mapigilan ng binata ang kanyang damdamin para sa dalaga. Mas lalong umusbong muli ang kanyang pagnanais para rito.
Every inch of Glaiza's being misses him damn much! Namiss niya ang mabango at mahabang buhok nito. Ang mga mapupungay nitong mga mata. Ang mga labi nitong kaysarap dampian ng libu-libong mga halik.
Bakit ba kasi siya pinapahirapan ng dalaga? Kung tutuusin marami narin siyang natutunan. Simula noong minahal ng matalik niyang kaibigan ang dalaga. Hanggang sa nawala ito dahil sa malubhang karamdaman.
Carlo realized everything as the days go by. Napagtantuan niyang may hangganan nga talaga ang lahat.
Just like his attitudes where he can get the girls easily. It's all because of his charisma that penetrates the entire being of a girl. In just on blink of an eye.
But for him Ren is different. The only thing that makes him like her to the extent. Is when Ren rejects him and treat him like his no one. Kundi isang hangin lamang.
Ngayon lang siya nakadama ng hirap sa isang babae. Mahirap para sa kanya kung paano niya ulit makukuha ang loob ng dalaga.
Noon nga puro away ang kanilang napag-uusap. Kung may mga araw nga siguro na hindi sila magbabangayan.
Yun ay kung wala na talagang pagpipilian ang dalaga. Kund gawin ang bagay kahit na hindi bukal sa loob nito. Kagaya nung kompetisyon nila sa Boracay.
Gayunpama'y may mahal na itong iba. At sigurado siya na si Paul parin ang laman at sinisigaw ng puso nito.
Kahit pa gusto niyang iukit ang pangalan niya sa puso ng dalaga. Mahirap para sa kanya na gawin ang bagay na yaon.
Masakit man sa kanyang kaibuturan subalit dapat niyang tanggapin. If the girl doesn't want his love. Then why he will pursue the things which is impossible. Perhaps he was damn crazy about her..
Maybe he believes in something that someday Ren will forgive him. Maybe someday Ren will love him too. He expect too much about the girl. Na wala naman siyang assurance kung mamahalin siya nito pabalik.
"I will do everything Ren. I will do everything. Mababaliw ako kapag hindi kita kasama. Kapag hindi ako ang nasa tabi mo. Dahil hindi ko kakayanin na may umagaw pa sayo. Kung si Paul kinaya ko ang pagtatapat niya sayo ng pagmamahal. Hinayaan ko yun dahil kaibigan ko siya. Pero ngayon, hinding-hindi na ako makakapayag na makuha ka ng iba." Determinadong sabi niya sa sarili habang malayong pinagmamasdan ang dalagang naglalaro sa mga paru-parong nasa loob ng sanctuary.
Kinuha niya ang kanyang phone at may tinext na tao. Humugot siya ng malalim na hininga. At may tinawagan sa kabilang linya.
"Where are you?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Kakarating ko lang sa airport ano ka ba."reklamo ng kausap niya.
"What?! Ang layo mo pa!. Wala na akong panahon pa na patagalin ang lahat ng ito Vernon." Iritadong sagot niya rito.
"Huminahon ka nga Carlo, kung gusto mo siya eh di dapat kinausap mo na siya ngayon na!" Baritonong sagot nito.
"Nahihirapan nga ako sa kanya." Sagot niya at humagalpak itong napatawa.
"Ano? Kay Ren nahihirapan ka? Eh sa dami ng babaeng pinagdidiskartihan mo noon. Ngayon ka pa ata nahirapan sa isang babae Carlo." Napatawang anito.
"Loko ka pala eh! Basta ibang klase siyang babae Vernon. At saka huwag mo nga'ng ibalik ang noon. Dahil nagbago na ako." Giit pa niya.
Tumawa pa ito ng mas malakas.
"Pinapasakit mo naman ang tiyan ko insan eh. Hindi ko akalain na aatras ka pala sa ganyang klaseng babae. Kung sabagay, naiisip ko rin naman ang sitwasyon mo. Dahil naging nobya siya ng bestfriend mo. But c'mon your Montebello and besides your the one who can capture the girl easily. Bakit si Ren hindi ba madala sa kamandag mong nakakasilaw?" Patuloy na pang-asar nito sa kanya.
"Tumigil ka nga dyan Vernon. Hintayin mong makarating dito sa Toril. Hinding-hindi talaga ako magdadalawang-isip na suntukin ka." Naiinis niyang sabi sa kabilang linya.
"Hay nako, ayan na naman tayo. Binibiro nga lang kita. Napipikon ka na naman kaagad. Sige na, lalabas na ako ng airport. Ititext nalang kita mamaya kung malapit na talaga ako."
"Sige, bye." At pinutol na nito ang tawag sa kabilang linya. Napatingin siya ulit sa butterfly sanctuary.
Ngunit wala roon ang dalaga. Kaya hinahanap niya ito. Subalit hindi niya mahagilap ang maamong mukha nito.
"Siguro nakabalik na sila sa kanilang kwarto." Kinuha niyang muli ang kanyang phone. At may itinext siya ilang sandali ay binalik rin niya ito sa kanyang bulsa.
Sumakay narin siya pabalik sa kanyang shuttle cab. Habang nakasuot ng shades. Hinanap niya parin ang dalaga. Hanggang sa nakita niya rin ito. Kasama ang kanyang ate na magkatabing nakaupo sa kabilang cab.
"Kung pupwede lang sana na malapitan kita ng ganyan kalapit. Hinding-hindi na ako aalis pa sa tabi mo." Buong pusong nasambit ni Carlo sa sarili.
At this moment, he thinks some things that someday or should he say one day. Ren would definitely change her mind. Would change her feelings. Na sana babaliktad ang ihip ng hangin at mapalapit muli siya sa dalaga.
Dati-rati hindi siya kailanman nangangarap ng isang babae. Dahil ang alam niya madali lang niya iyong makuha. Madali lang niya iyong mahanap.
Tila isang kindat lang tila ba nalalaglag na ang puso ng babaeng kinindatan niya. Ganyan na ganyan siya noon.
But when he met Ren, the girl who just definitely catch her attention. Without even thinking na siya rin mismo yung babaeng nakamarka sa damit niya. Na siyang nagkaroon ng puwang sa kanyang puso.
At ang maliit na puwang na iyon ay unti-unting lumalaki. Nang hindi niya namamalayan. Hanggang sa isang araw nalaman na lang niya na naging sila ng kanyang matalik na kaibigan.
Halos madurog ng labis ang kanyang puso sa sakit. Para siyang sinaksak ng milyon-milyong punyal sa kanyang puso. Nang naalala niya ang araw na iyon.
"Marami na akong dinaanan na training sa agency! Lahat ng iyon kasama ang pagod at sakit. Marami na akong nasagupang mga armadong lalaki! Ni minsan hindi ko pinag-alala ang balang tumama sa aking balikat! Dahil daplis lang iyon! Pero ang ganitong sakit! Parang mamamatay ako ng wala sa oras!" Matigas niyang sabi sabay suntok ng malakas sa pader.
"Ang hirap! Napakahirap at napakasakit! Bakit ba ang saklap mo sakin ngayon! Kung dati-rati ang dali-dali lang! Pero ngayon bakit ang hirap-hirap at naunahan pa ako ng matalik kong kaibigan!!! Okay lang sana kung hindi iisang babae ang nagustuhan namin ni Paul!!! Pero iisa! IISANG BABAENG NAGUSTUHAN NAMIN!! AT NGAYON WALA NA AKONG PAG-ASA KUNDI ANG MAKITA SILANG MASAYA!!! HABANG AKO ANDITO ARAW-GABI'T PINAPARUSA DAHIL SA MAGKASAMA SILANG DALAWA!!" Napamura siyang ilang beses at kumawala pa siya ng malakas na suntok sa pader.
Mabuti na lang at naroon siya sa kanyang condo. Kung hindi aatakihin ang lola niya sa pinanggagagawa niya. Carlo was definitely and deeply in love.
Subalit mahirap ata para sa kanya na sabihin ang bagay na pagmamahal para sa dalaga. Dahil ang nasa isip nito ay isa siyang playboy. Walang palnong mag-seryoso at lahat ng bagay ay good time laang.
Mariin siyang napapikit nang maalala niya ang bagay na iyon. Hindi niya nga maikakaila sa sarili na mahal niya nga ang dalaga.
Bagama't kapag nasa harapan na niya ito. Napapaawang ang kanyang dila sa gustong sabihin ng kanyang damdamin.
"All I want now, is to let you know what I feel for you. Because I don't have the strength to stay from you anymore Ren." Sambit niya pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro