Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 42

Nang dumating na sila sa airport ng Davao. Tumigil ang kanyang ate sa paglakad.

"We're here at last." Nakangiting sambit ng kanyang kapatid.

"Tama ka nga ate. Matagal rin ang ilang taon." Aniya at nagpatuloy silang lumakad para kumuha ng masasakyang taxi.

Nakaupo ang kanyang ate sa frontseat at siya naman sa backseat. Habang nililipat ng driver ang kanilang mga bagahe para ilagay sa trunk ng taxi.

Nang nakasakay na ito sa driver seat. Kaagad na pinaandar nito ang sasakayan.

"Manong sa may bus terminal po tayo." Ani ng kanyang ate.

"Opo ma'am." Pagkuwa'y hinatid sila nito sa bus terminal. Naging estranghero sila sa lugar. Dahil matagal-tagal narin silang hindi nakakauwi. Mas lalong umusbong ang lugar kompara nung huling araw nila itong nilisan. Nakatayo lang sila sa may gilid ng isang tindahan sa loob ng terminal.

"May pagbabago na pala sa lugar ate."aniya.

"Pansin ko nga. Ayon, may bus na papuntang Toril." Turo ng kanyang kapatid. Kaagad silang lumapit sa kinaroroonan ng bus para makasakay na.

Mabuti na lang ay hindi gaanong marami ang dinala niyang gamit. Kaya naman, medyo madali lang sa kanya na buhatin ang bagahe niya.

Humanap sila ng mauupuan hanggang sa nakakita nga sila. Ilang sandali lang ay lumapit sa kanila ang isang lalaki na nagbibigay ng ticket.

"Saan kayo papunta ma'am?" Tanong nito.

"Uhm.. sa Eden Garden ho manong." Sagot niya.

"Pero hanggang highway lang po kami ma'am."anito.

"May sasakyan po bang papasok roon manong?"

"Meron naman." At binigyan sila ng dalawang ticket. Binayaran nila iyon kaagad.

Ilang sandali lang ay napuno na ang bus na kanilang sinasakyan. Pagkatapos ay umalis narin sila sa terminal.

"Ate sa tingin mo, ano na kaya ang magiging itsura ng Eden Garden?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Kibit balikat nitong sabi.

She's so excited. Finally, one of her dream come true. Ang makapunta ulit sa lugar na iyon. May kalayuan ang byahe nila. Kaya nakatulog siya ng bahagya.

Nagising na lamang siya sa hinto ng bus. Dahil sa may bumabang pasahero.

"Malapit na ba tayo?" Tanong niyang bigla. She's half asleep.

"Malayo pa, sige matulog ka na muna dyan." Ani ng kanyang kapatid.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Basta ang alam niya mahaba iyon.

"Ren! Gising! Andito na tayo." Yugyog ng kanyang ate.

"H-ha?" Ani niya at napahikab siya.

"Andito na tayo. Let's go." Kaagad niyang nakuha ang sinabi nito. Kinuha niya ang kanyang mga gamit. Kahit medyo nahihilo pa siya ng konti dahil sa biglaan niyang pagtayo.

Pero kinaya niya parin. Hanggang sa makababa sila sa bus. Nakita nila ang isang karatulang papasok sa Eden Garden.

"Ate, malapit ng gumabi. Sana may dumaang taxi rito." Aniya at naroon lamang sila sa may highway. Umaabang ng taxi papasok sa mismong lugar.

Nang may namataan silang paparating na taxi. Ay kaagad nila iyong pinara.

Nang huminto ito sa harapan nila. Bumaba ang lalaki para kunin ang kanilang mga gamit at nilagay sa trunk ng sasakyan.

"Ma'am saan ho ang atin?"

"Sa may Eden Garden ho ang tungo namin kuya." Ani ng kanyang kapatid at tumango lang ito. Pumasok sila sa mismong kalsada.

Talagang may kahabaan ang daang kanilang tinahak. Hanggang sa marating nila ang lugar. Nakita rin niyang may mga private na sasakyan. Na nakahalera sa may parking area.

"Sana, hindi pa kami naubusan ng rooms." Aniya at bumaba na siya sa sasakyan.

Kinuha na ng driver ang mga gamit nila sa trunk.

"Ate tapos ka ng magbayad?"

"Oo tapos na."sagot nito.

Binitbit na nila ang kanilang mga gamit. Pababa sa may hagdan patungo sa information area ng lugar.

She was really amazed by the cozy place of Eden Garden. The wind breeze and the green leafy trees. Kahit saan ka tumingin. Lahat ng makikita mo ay ang naglalakihang mga puno.

Actually, hindi siya isang hardin lang. This place it's kind of a forest. Dahil sa marami itong mga spots na pwede mong puntahan. Tila kukulangin pa ang isang araw para lang malibot mo ang lugar na ito.

Alas singko na ng hapon ng dumating sila. Tamang-tama hindi pa lumalalim ang gabi. Subalit naririnig na niya ang tunog ng mga kuliglig.

Pumasok sila sa information area. At mismong ang kapatid niya ang nakipag-negotiate sa kwartong kanilang kukunin.

Inilagay niya muna ang kanyang gamit sa may paanan ng kanyang ate. Kasi may nakita siyang peacock. Na lumalakad sa bakanteng lote na nasa harapan niya.

"Ate sandali lang ha." Paalam niya rito.

"Sige, bilisan mo." Tanging sambit pa nito.

Kinuha niya ang kanyang phone at kinunan niya ito ng mga pictures. Yes! They were two peacocks. Yung isa ay puro puti ang balahibo. Yung isa naman ay may iba't ibang kulay. Na parang isang bahaghari.

Lumapit siya ng konti para kunan ito ng mas malapitan. Subalit tumakbo ang peacock kaya hinabol niya ito. Para tuloy silang naghahabulan ng ibon.

Papalit-palit siya ng ibong hinahabol hanggang sa napahinto na lang siya. Nang kinakapos na ang kanyang hininga. Tinignan niyang muli ang mga pictures na nakuha niya. Napangiti na lamang siya ng bahagya.

"Sayang, gusto ko pa naman makita yung balahibo niyang napakaganda." Aniya. Lahat ng tao ay may alam kung gaano kaganda ang balahibo nito kapag bumubukadkad. Yun sana ang gusto niyang makita.

Subalit, mahirap ata paamuhin ang ibong ito. Kung kaya't kumuha nalang siya ng iba pang mga pictures.

Pati ang information area ay kinunan niya. Kasi bihira lang silang makapunta rito. Kaya lulubus-lubusin niya talaga ang pagkakataon.

Kinawayan siya ng kanyang ate. Sinyales na okay na ang magiging room nila. Lumakad siya papalapit rito.

"Saan bang camp site tayo ate?" Tanong niya.

"Nasa Camp three tayo, mabuti nalang may bakante pa. Para malapit lang tayo sa information." Ani nito. Lumakad sila patungong Camp three.

Madali naman matunton ang lugar dahil sa mapang ibinigay sa kanila. nang marating na nila ang lugar. Nagulat siya sa sobrang ganda ng camp site.

"Ate, sigurado ka ba na dito tayo? Parang ang ganda naman ata. At mukhang mamahalin ang nakuha natin." Komento niya.

"Ang dami mo namang reklamo Ren. Saan mo ba gustong matulog sa Camp one?" tila napikon tuloy ito sa kanya.

"Hindi ah. This one is better." Giit niya. Ayaw niya rin sa Camp one, kasi napakalayo nun. Isa pa, para lang talaga yun sa mga campers. Kasi tent lang yung tutulugan mo.

"Yun naman pala eh, ito ang susi. Pakihanap na lang ng kwarto. Uupo muna ako rito. Nakakapagod eh. " binigay sa kanya ang susi. Pansin niyang napagod ang kanyang ate sa biyahe.

Hinanap niya ang kanilang room. Nang makita niya iyon ay agad niyang binuksan ito.

Itinaas niya ang kamay niya sa ere para palapitin ang kanyang ate. Nakita niyang tumayo ito, at pumasok na siya sa kanilang kwarto.

"Wow..." tanging sambit niya.

Habang pinasadahan niya ng tingin ang kwartong kanilang nakuha. Pagkuwa'y nilapag niya sa sahig ang kanyang bagahe.

Umupo siya sa kamang sobrang lambot. At kaagad niyang hinubad ang kanyang sapatos. Pagkaapak niya sa sahig. Ay ramdam na ramdam niya ang malambot na alampombre. Na para bang walang matigas na bagay na naroon.

And she loved it. The room, the arrangement and the fragrance that soothes in her nose. The entire beauty of this place makes her forget. Forget of all what happened. For the past three months ago.

"This is so wonderful." Masayang sabi niya. Na napahiga sa kama habang ang dalawang paa ay naroon sa sahig. Nakaapak parin sa malambot na alampombre.

"Ren gumagabi na, and I'm starving." Ani ng kanyang kapatid.

"So magpapahatid tayo?" Tanong niya.

"Hindi, sa labas tayo kakain. Isa pa may restaurant naman sila rito." Ani ng kanyang kapatid. Sabay lapag ng mga gamit nito sa sahig.

"Mamaya na natin yan ayusin." Dagdag pa nito.

"Okay." Tanging sagot niya at kaagad na sinuot ang sapatos. Habang naroon ang kanyang ate na nakatayo sa may labas ng pinto.

"Ren, bilisan mo naman. Kumakalam na sikmura ko sa gutom oh..." pagrereklamo nito.

"Oo na, nagsisintas pa nga." Sagot niya at ng matapos na siyang magsintas ng kanyang sapatos. Ay maagap siyang tumayo.

"I'm done." Nakangiting aniya.

"Done ka dyan." Pagmamaktol pa nito.

"Chillax." Ningitian niya ito at lumabas na siya sa kwarto.

"Ang susi nasaan?" Tanong nito sa kanya sabay abot pa ng kamay nito para kunin ang susi. Dahil isasara na sana nito ang pintuan.

"Susi? Hala naiwan sa loob, saglit lang." Mabilis siyang tumalikod at pumasok uli sa loob ng kwarto.

"Ren.!" Inis na wika nito.

Mabilis niyang hinablot ang susi at patakbong lumabas sa room. Nakita niya ang kanyang ate na nakapamaywang.

Siya na mismo ang naglock ng pintuan. Dahil napikon na ang kanyang kapatid.

Napakibit-balikat nalang siyang kiming napangiti dahil sa nangyari.

"Tara na..." naghihimugtong ani nito.

"Sorry na..." aniya.

Nauna itong lumakad sa kanya. Kaya napaismid na lang siyang napasunod rito. Habang tinatahak nila ang daang patungong restaurant. Narinig niyang kumakalam narin pala ang kanyang tiyan.

She's so starving... napatakbo siyang lumapit rito.

"Ate, bilisan mo." Aniya ng nilagpasan niya itong lumalakad.

"Teka lang ui...Ren!" Pasigaw nitong sabi at napatakbo narin. Hanggang sa narating na nila ang restaurant.

Hinihingal ang kanyang kapatid sa pagtakbo dahil sa paghabol nito sa kanya.

"Ano ba! Parang wala kang kasama ah!" Anito na napayuko itong napahawak sa mga tuhod.

"Nagugutom na din kasi ako ate e." Bahagya pa itong napabuntong-hininga at kinalma ang sarili. Sabay silang pumasok sa restaurant.

It is not so fancy but the restaurant is quite beautiful and relaxing. Kasi nasa isang kabundukan ang lugar. Talagang naging angkop ang bawat dekorasyong nilagay nila.

Para sa mga taong pumapasyal rito. Lumapit sila sa may counter area. Para umorder ng makakain.

Hindi naman masyadong marami ang mga taong kumakain. Kaya may mga upuan pa silang mauupuan.

"Ren, anong gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

"Sweet and sour lang yung akin ate."

"Uhm.. miss isang sweet and sour fish, kare-kare and baked tahong." Ani ng kanyang kapatid.

"Ate, hahanap lang muna ako ng mauupuan natin ha." Tumango lang ito sa kanya.

At kaagad siyang dumiretso sa may bakanteng mesa. Na nasa ikalawang row.

Umupo siya at napalingon-lingon sa paligid. Iniisa-isang tiningnan ang mga taong kumakain roon. Some kind of observant, pala itong si Ren.

Nang may nakaagaw pansin sa kanya. His tall and perhaps handsome. But the thing is his wearing a hood. Kaya hindi niya masyadong maaninag
ang mukha nito.

Sinundan niya ito ng kanyang paningin. Ang kisig ng tindig nito na talagang napaka-adonis. Palapit ito sa may counter area. And she sees how the lady reacts. When the guy standing infront of her.

"As if, gwapo. Nakahood nga siya dahil may tinatago siya.. tsk." Napaismid lang siya.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ng kanyang kapatid na nakaupo na pala sa harapan niya.

"Kanina ka pa?" Napapitlag niyang ani.

"Hindi naman. Ba't ganyan ang mukha mo?"nagtatakang tanong nito

"Ah..wala... matagal pa ba ang pagkain?" Tila nasa tinig niya ang iritasyon.

"Kakaorder nga lang natin, gusto mo matapos agad?" Sarkastikong sagot nito.

"Fine.." napatingin siya sa labas ng bintana. Napansin niyang may aninong dumaan sa may gilid niya. Subalit hindi niya iyon pinansin.

"Hay naku, napaka-flirt." She murmured...

"May sinasabi ka Ren?" Anas ng kanyang ate.

"Wala.. sabi ko nagugutom na ko."giit niya.

"Just wait, siguro naman hindi ka pa mamamatay ano." Nakangiting ani nito.

"Nice one, ate." Napakimi siyang ngumiti.

Napatingin muli siya sa counter area. Subalit wala na roon ang lalaking naka-hood ang jacket. Pero kitang-kita niya parin kung gaano kinilig ang mga babaeng nasa counter area.

Ilang sandali lang ay dumating ang waiter para ihain sa kanila ang kanilang order. Pagkuway kumain na sila.

"Saan ang balak mong pumunta?" Tanong ng kanyang kapatid habang kumakain.

"Gusto kong pumunta doon sa isang fun area nila. Na parang Indiana Jones."

"Ano?! Doon?" Tumawa pa ito.

"Eh parang hindi mo nga kakayanin eh. Diba takot ka sa highs?" Asar nito sa kanya.

"Hindi ah! Matagal ko ng inovercome yun ate noh." giit niya.

"Sige nga, tingnan natin." Bahagya pa itong napangiti at tinuloy ang pagsubo ng pagkain.

Nang matapos na silang kumain kaagad silang nag-bill out. Ang kapatid niya ang nag-finance ng kanilang kinain.

Tumayo na sila at lumakad. Akmang papalabas na sila ng restaurant. Nakita niya ang lalaking naka-hood. Na nakaupo sa may sulok.

Napansin niyang hindi siya umorder ng anumang heavy foods. Maliban sa isang soda can nawalang pares.

Hanggang sa nilagpasan nila ang lalaki. At bahagya siyang napalingon rito. Bumalik rin ang tingin niya sa daan.

"Ren, tayo na... gala time muna."

"Sige ba.." ngumiti siya at humawak siya sa kanyang ate.

Kahit na malayu-layo ang nilakad nila. Nag-enjoy parin sila kahit na may kadiliman ang ibang lugar. Na tanging ilaw lang sa pathway ang nagiging ilaw. Binalewala niya ang dilim at ang mga tunog ng kuliglig.

Hanggang sa narating nga nila ang isang palaruan roon. Na mala-Indiana Jones. Tumakbo siya sa taas. Habang ang kanyang kapatid naman ay kinuha ang gulong na kanyang uupuan.

Para marating ang dulo sa baba. Hindi naman siya masyadong delikado kung hindi ka takot. The thing is your like a child in your childhood days. Minsan masayang balikan ang mga panahon na naging bata ka minsan.

"Oh? Ready ka na?" Tanong nito.

"As always." Ngumisi siya at tinulak siya nito. Mabilis na dumausdos ang gulong na may taling nakakonekta sa bawat lubid.

"Ohh...ooh..! Yeeheey!" Sigaw niyang malakas.

"Ang saraaaaap!!!"

"Mag-iingat ka!" Sigaw nito sa kanya.

"I...... kn....o...w.." at dahan-dahang humina ang pagdausdos nito. Hanggang sa tumigil ito.

"Try mo ate dali!" At sa pagkakataong iyon ay si Giselle naman ang sumubok. Nagmistulang mga bata silang dalawa ng mga oras na yun.

Nakakatuwa silang tignan. Para bang ang saya-saya nila na tila wala ng hangganan ang kasiyahan ng dalawa. Nang biglang tumunog ang phone ni Giselle. Kaya bahagyang napahinto siya.

"Sandali lang may tumatawag." Anito kay Ren. Nagpatuloy parin siya sa kanyang nararamdaman na kaligayan. Bilang isang bata paminsan-minsan lang.

Nangangawit narin ang kamay niya sa kakahawak sa lubid. Para hindi siya mahulog at madisgrasya. Nang napag-isipan niyang bumaba na lang.

Ay dahan-dahan siyang bumaba.ng huminto na ito. Akmang hahakbang na sana siya. Nang bigla siyang nadulas. Kaya  siya natumba.

"Ren okay ka lang?" Maagap na lumapit ang kanyang kapatid sa kanya. Habang hawak pa nito ang phone.

"I'll call you back. Bye." Anito.

Tinulungan siya nito sa pagtayo at pinagpag niya ang kanyang jeans.

"Ok ka lang?"

"Ok lang ako ate. Madulas kasi yung naapakan ko. Siya nga pala, sino yung kausap mo kanina?" Usisa niya.

"Katrabaho ko lang. O ano alis na tayo?" Tumango siya.

Tumunog na naman ang phone ng kanyang kapatid.

"Si tita tumatawag." Anito at bahagyang sinagot ang phone.

"Yes tita, nag-enjoy naman ho kami rito. Kakausapin niyo si Ren. Sige po ibibigay ko sa kanya." At binigay nito sa kanya ang phone.

"Hello Tita." Masiglang bati niya.

"Hija, kumusta na? Nag-enjoy ka ba?"

"Yes tita, marami pong salamat ha. Malaking bagay po ito sakin."

"Alam ko hija, basta maglibang lang kayo dyan okay. Pakibigay sa ate mo."
Binalik niya rito ang phone.

"Yes tita? Okay po tita. Makakaasa po kayo. Mag-iingat rin po kayo dyan. We love you. Bye."

"Anong sabi ate?"

"Sabi niya mag-enjoy ka lang daw. Hindi ako kasali." Biro nito.

"Your kidding right?" Tinaas niya ang kilay niya.

"Halata ba?" Tumawa ito ng bahagya.

"Uwi na tayo, nakakapagod na." Suhestiyon ng kanyang kapatid.

Bumalik sila sa kanilang villa. Talaga ngang nakakapagod ang maglakad sa Eden Garden. Pero sariwa naman ang hangin na malalanghap mo.

Pagkapasok nila sa kanilang kwarto ay kaagad siyang tumakbo. Patungong kama at malayang binagsak ang sarili rito.

"Magbihis ka nga muna." Utos nito sa kanya.

"Yeah right... plano ko sanang libutin ang lahat ng mga lugar rito." Aniya.

"Oo ba, pero mag-papatour guide tayo noh!"

"Alangan naman'g hindi. Di nga natin kabisado tong lugar." At pumasok siya sa banyo para maligo at magbihis.

Nang matapos na siyang maligo at magbihis. Yung kapatid na naman niya ang naligo.

Pagkuway humiga siya sa kama at natulog ng mahimbing. Kinabukasan pagkagising niya ay wala na ang kanyang kapatid sa kama.

"Ate...? Ate... ate..." tumayo siya at sinilip ang banyo. Ngunit wala roon si Giselle.

"Ate..!!!" Sumigaw na talaga siya.

"Ano?! Nasa labas lang ako. Napa- paranoid ka na ata Ren." Lumitaw ito sa pinto ng kanilang kwarto.

"Akala ko kasi iniwan mo ko." Mahinang sambit.

"Loka.. maghanda ka na kasi nagpahatid ako ng almusal natin."

Inayos niya ang kanyang sarili. At ilang sandali ay dumating na ang kanilang almusal.

Kinuha ng kanyang ate ang pagkain at nilagay ito sa mesa.

"Kain na tayo." Yaya nito sa kanya.

Umupo siya at kumain. Masarap rin ang kanilang agahan. Kasi marunong rin ang kapatid niyang pumili ng putahe...

"Ate sa Lola's Garden muna tayo ha." Aniya at tumango lang ito sa kanya. Na para bang may iniisip.

"Ate okay ka lang ba?"

"Okay lang ako." Ilang sandali lang ay natapos na silang kumain. Nagbihis narin siya ng damit.

Same thing nothing change. Blouse at jeans lang ang suot niya. Ganoon din ang kanyang kapatid pero may disenyo naman ang suot nito. Subalit simple lang ang kanya.

May konti slit sa may bandang balikat at naka-insert rin yung damit niya. Para may pagbabago rin kahit konti.

"Natuto ka narin manamit kahit papano Ren." Papuri nito.

"Hindi ah... kaunti nga lang to."

"At least you've learned." At sinara na nito ang pinto at lumakad na sila patungong Lola's Garden.

Nakakapagod maglakad kaya naman sumakay sila sa shuttle cab ng Eden Garden.

Iba ang cab na ito kasi nakatalikod ang pasaherong sumasakay. Para makita talaga ang view sa bawat lugar na madadaanan nila.

"Dito po tayo pakihanap nalang po na inyong mauupuan. Maya-maya ay magsisimula na ang tour. Ako nga po pala si Yasmin ang inyong tour guide." Ani ng babae.

Sumakay na sila sa shuttle. May kasama rin silang mga bata sa shuttle. Mga tatlong shuttle ata ang magto-tour ngayon.

"I'm so excited, gusto kong pumunta sa wishing well." Aniya.

"Para kang bata." Ani ng kanyang ate at umandar na ang cab. Naghiyawan at sigawan ang mga batang kasama nila. Sa sobrang tuwa na kanilang naramdaman.

Kahit naman ata sino ay matutuwa. Kapag may mga bagay na nangyari sa buhay mo lalo na't magaganda. Pero para sa dalaga ang dahilan ng pagpunta niya rito ay ang pag-unwind.

Makaka-unwind kaya siya????

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro