Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39

"I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." Pahuling sabi pa nito at hinalikan na ni Zander ang kanyang magandang asawa na si Alex.

Lahat ng naroon ay tumayo para sa bagong kasal. Habang siya'y napaluha dahil sa saya na kanyang naramdaman. Hindi lang para sa bagong kasal kundi sa kanyang mga narinig na salita ng Diyos.

She learns a lot, what really love means. It's just like a two double edged sword. That penetrates in her hypothallamus. Kaya naman laking pasasalamat niya sa Diyos dahil sa pangaral at turo ng Poong Maykapal tungkol sa pag-ibig.

Pagkunwa'y isang picture taking ang sumunod. Simula sa kamag-anak ng groom at bride. Sumunod naman ang principal sponsors. Pagkatapos ay ang secondary sponsors.

Kunwa'y tinawag rin siya ng coordinator para kunan sila ng picture ng bagong kasal.

"Zander, Alex congratulations." Nakangiting aniya. Napayakap siya sa bride.

"Salamat Ren sa susunod ikaw naman ha." Nakangiting ani pa ni Alex sa kanya.

"Sigurado yan hon si Paul pa. Hindi iyon papalagpasin ang panahon." Nakangiting sambit pa ni Zander.

"Okay, take a look. One, two, three. Smile." Singit ng photographer.

"By the way nasaan na si Paul? Para makapagpicture taking tayo." Tanong ni Alex.

"Uhmmm..." hindi niya magawang sabihin ang totoo. Nang saglit ay namataan niya sina Ciarra sa may di kalayuan. Kausap sina Vernon.

"Sasabihin ko sayo mamaya." Ngumiti lamang siya. Napakibit balikat nalang ang bride at hindi na nangusisa pa.

Nilapitan niya ang mga ito para makibalita kung ano ng balita sa paghahanap kay Paul.

"Cha?" Tawag niya rito. Tila nagulat ang dalaga sa pagtawag niya rito.

"Ren." Tamlay na ani nito sa kanya.

"Ano ng balita, Cha? May balita na ba sa kanya?"

"Nahanap na ang taxi na sinasakyan niya kanina. Kaso lang ang problema ay sa isang malapit na mall hininto si Paul. Hindi pa namin alam kung paano siya matrace up." Sabat pa ni Vernon.

"Ganoon ba, nasaan na kaya siya? Naiinis na talaga ako sa kanya. Pakiusap gawin niyo ang lahat para mahanap siya Vern."

"Makakaasa ka, Ren." Anito at umalis na rin.

"Cha, mas lalo akong kinakabahan ngayon. I need to see him."

"I know Ren. I know." Niyakap siya ni Ciarra at hinagod ang kanyang likod.

"Everything will be okay."ani pa nito.
Napaluha siya ng konti dahil habang naroon siya. Tila ba hindi siya makahinga sa pag-iisip na nasaan na kaya ang kanyang nobyo. Para bang ang haba na ng apat na oras. Simula nung umalis ito at iniwan siyang mag-isa.

"Kumain ka na muna Ren ha." Ani pa nito.

"Sige salamat na lang. Pero hindi ako mapapanatag kapag wala pang balita sa kanya."

"Ren, please wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Let's think positive na mahahanap siya, okay?"

"Okay, thanks Cha."

"No problem..." simpleng sagot nito sa kanya.

Tumungo sila sa reception area ng kasal. Yes! Everything was definitely perfect for the newly weds. But despite of it, one person is missing. Ayaw niyang sirain ang isang masayang kasal nina Zander at Alex dahil sa nawawala si Paul.

"Ren, come. Papakilala kita sa mama ko." Ani pa ni Ciarra. Kaya napalapit siya rito.

"Ma, this is Ren the wedding singer. Ren, I'd like you to meet my mother Danielle." Pakilala nito sa kanya.

"Hello po." Magalang na aniya rito at nakipagkamay rin ito sa kanya.

"Nice meeting you hija, ang ganda naman talaga ng boses mo. May potential ka bilang isang mang-aawit."

"Hindi naman po, minana ko lang po itong talento ko." Nasa boses niya ang pagiging humble.

"Your so humble hija and your beautiful also." Papuri panglalo sa kanya. Habang si Ciarra naman ay nakatayo lang na nakangiti.

"Hindi naman ho. Si Ciarra nga po ang  nag-ayos sakin. She's really good po."

"I know that my daughter is enjoying her work. I can see that." Ani pa ng ina nito.

"Talaga ma?" Masiglang sambit pa ni Ciarra na tila nasisiyahan sa narinig ng ina nito. Napahilig ang ulo nito sa ina.

Naalala tuloy ni Ren ang kanyang namayapang mga magulang. Nakadama siya ng kirot sa kanyang puso. Na tila ba'y nakakainggit tingnan ang mag-inang nasa kanyang harapan.

Kung sana'y buhay pa ang kanyang mga magulang. Hanggang ngayon ay nalalasap parin nila ng kanyang kapatid ang pagmamahal ng mga ito.

Hindi sa hinuhusgahan niya ang pagmamahal ng kanyang tita. Subalit iba parin ang pagmamahal ng sarili mong mga magulang. Iba parin ang mga yakap at halik na nagmumula sa mga ito. Maging ang bawat halakhak ng mga ito na naghahatid sa iyo ng ibayong kaligayahan. Lahat ng mga yun ay iba!

Napalinga siya para ibalik ang sarili sa kasalukuyan.

"Yes of course hija, but sometimes we have to consider somethings." Ani pa nito.

"I know ma, but I just hope that there is another way."

"Hija, I apologize but at this moment you are the only chance we have. Besides, this is your cousins wedding can we talk that thing later, hija?" Napatango na lang si Ciarra dahil sa pagkadismaya sa ina nito.

"Nice meeting you, hija. Don't be shy okay." Ngumiti ito sa kanya at bahagya pang hinaplos ang pisngi ni Ciarra.

"Anak, please don't give us a hard time." Mahinahong anito kay Ciarra.

"I know ma." Tanging sambit nito at nakita niyang kiming ngumiti ang dalaga.

"Hi tita!" Masayang bati ng binata. Kaagad niya iyong namukhaan dahil sa kisig nitong pangangatawan.

Shit! I didn't see that coming! His definitely here! Meaning kamag-anak sila ni Zander!? Shit!

Napalingon-lingon siya sa kanyang ulo. Gusto na niyang umalis as in now na!

"Uhm.. Cha, excuse muna ha. I really need to pee." Mahinang bulong niya rito. Tumango lang ito sa kanya. Hindi naman siya napuna ng dalawang taong nag-uusap.

Kaya nagmamadali siyang umalis roon. Hinanap niya ang restroom at mabilis na pumasok. Honestly, it's only her alibi. Para makawala sa senaryong iyon.

"Bakit hindi ko ba na halata ang pamilya ni Zander?!" Pangaral niya sa sarili.

"Paano mo mahahalata?! Eh parating si Paul ang nasa isip mo! Talaga ngang hindi mo mahahalata!" Sagot naman niya.

"Paano na ito ngayon...? Andito siya...hindi pa naman ako handang makitungo sa kanya!"

"Eh di maging casual ka. Isa pa kilala mo na yung tao. As in kilalang-kilala avid fan ka kaya niya noon diba?." Huminga siyang malalim para kalmahin ang sarili.

Medyo matagal-tagal rin siya roon. Pabalik-balik siya ng lakad na halos kinakabahan. Para siyang single kung umasta. Bahagyang nawala sa isipan niya si Paul.

Napahinto na naman siya sa harap ng salamin. Nagpakawala na naman siya ng malalim na hininga.

"Hindi! Hindi ka dapat magpapaapekto. May Paul ka na and your already taken!" Pangaral niya sa sarili sabay turo pa sa salamin.

"Ren?" Tawag nito sa kanya.

"In here, Cha." Sagot niya.

"Okay ka lang ba? Kasi hindi ka pa kumakain. Ginagawan na nila Vernon ng paraan para mahanap si Paul Ren."

"Sige, maraming salamat talaga Cha."

"Tayo na?" Tumango na lang siya. Tanging si Ciarra ang umasikaso sa kanya sa event na ito. Hindi naman pwedeng si Alex. Syempre busy rin naman ang bride.

Pagbalik nila sa piging ay hinanap niya ang binata. Ngunit wala ito roon.
Hays salamat naman.

Umupo siya sa may bakanteng upuan na hindi siya masyadong mapapansin.

"Cha dito lang ako maupo ha. Medyo sumasakit na kasi yung paa ko." Aniya sabay himas sa kanyang binti.

"Sige, papadalhan nalang kita ng pagkain sa waiter."

"Thanks Cha." At umalis na ito. Kinuha niya ang kanyang phone sa purse niya.

Ni isang text message wala parin. Dinayal niya ang numero ni Paul. Ngunit ganoon parin out of coverage area.

"Bakit out of coverage?! Nasaan ka na ba talaga!? Talaga bang papatayin mo na ako sa pag-aalala sayo Paul!" Matigas niyang sabi sa harap ng kanyang phone.

"Ma'am ito na po yung pagkain niyo."anang ng waiter.

"Thanks." At nilapag nito sa mesa ang pagkain at inumin niya. Inilagay niya ang kanyang phone sa mesa. At nagsimula na siyang kumain.

Masarap man ang mga pagkain na nasa harapan niya. Tila nawalan ata siya ng appetite. Hindi niya alam kung bakit. Dala ba iyon ng pag-aalala sa nobyong nawawala? O dala iyon ng kaba sa kanyang puso dahil naroon ngayon ang taong kanyang kinaiinisan.

Ang taong nagpaiyak sa kanya ng labis! Ang taong nanghusga sa kanyang pagkatao! Ang taong humalik sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon!!! Ang taong walang magawa sa buhay kundi ang saktan siya ng lubusan!!!

Habang pinagpapatuloy niya ang kanyang pagkain. At nangtapos na siya,  bahagya siyang uminom ng kanyang juice. Muling nagsalita ang host.

"May we call on the G.I.J Band to entertain us while some of us are eating." Sabi pa nito. Kaagad na umakyat ang banda sa stage. At nag-ayos ng kanilang mga tugtuging instrumento.

Pagkuwa'y nagsimula na silang tumugtog. They played Overjoyed and Steno sangs very well. Maganda rin ang boses niya na para bang maiinlove ang isang single na babaeng kagaya mo.

Habang pinagmamasdan ko ang mga binatang iyon sa stage. Namataan kong kausap ni Carlo si Jed. Nakita ko kung paano siya tumawa.

Ang bawat ngiti ng kanyang mga labi. Sa siyang nagbibigay sa kanya ng kagwapuhan. Yes! His so freaking gorgeous with his looks! Mas lalo siyang gumwapo sa mga oras na iyon.

Right that moment, I didn't even notice na tapos na palang tumugtog ang banda nila Steno. Then, the host called up my name. I gave my first name that's why he didn't even recognize that it was me!

Tumayo ako at pumunta sa stage habang naghihintay sa akin yung banda. Naroon din si Steno siyang naging second voice ko.

Kinanta ko yung kantang Ikaw by Regine. Napatingin rin sa akin ang karamihan. Hindi ko alam kung na-amazed ba sila sa boses ko o sa mga nag-gwagwapuhang binatang nakapaligid sakin.

At that moment, napatingin siya sakin. Yes! Definitely his staring at me! Halos hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kahit na nasa may bandang malayo siya nakatayo.

Batid kong nakatingin siya sakin! Kahit na kumakabog ang aking dibdib sa bawat mga titig niya. Ay patuloy parin ako sa aking pagkanta. Nakita ko rin'g may nilapitan siyang babae.

Silang dalawa lang sa table. And there he goes nakikipaglambutsingan siya sa babaeng iyon. Nakikipagharutan sila sa harapan ko.

Hindi ko man makita kung ano talaga ang pinanggagagawa nila. Ngunit naiinis ako sa pagkakataong iyon.

Kaya hindi ko na masyadong hinabaan pa ang pagkanta ko. At napakuyom ako ng kamao sa likuran ko hudyat na mag-eending na ako.

Ilang sandali lang ay natapos narin kami. Bumaba na ako ng stage. Dumaan ako sa ibang pathway para umiwas.

Pagkalabas ko sa reception area na yun. Ay biglang tumunog ang phone ko. Dahil sa bitbit kong palagi yung purse ko. Mabilis niyang kinuha ang phone niya. Dahil baka si Paul ang tumatawag. Pagkakita niya sa screen ay unknown number ito.

"Hello?"

"May I speak with Miss Ren please?" Tanong ng boses lalaki sa kabilang linya.

"This is she."

"Miss, wag ka sanang mabibigla. But Mr. Paul Gutierrez was in the hospital."

"Ho!??!"

"Hija, tatagan mong loob mo. Kung pupwede sana pumarito ka sa hospital. Kaanu-ano mo ba si Mr. Gutierrez?"

"Girlfriend niya po ako. Saan'g hospital po?" Nangingilid sa kanyang mga mata ang luhang gusto ng tumakas.

"In Cebu Doctors Hospital, hija pakibilisan lang."

"Maraming salamat ho." At pinutol na nito ang tawag sa kabilang linya. Nagmamadali siyang tumungo sa information. Halos takbuhin na nga niya ito.

"Miss magrequest sana ako ng taxi?" Aniya.

"Sige po ma'am." Anito.

"Pakibilisan lang miss, emergency kasi." Tumango lang ang receptionist habang may tinatawagan.

"Ren?" Tawag ni Jed sa kanya. Napalingon siya rito tamang-tama hindi lang pala si Jed ang naroon.

"Ren? Ikaw ba yan?" Nangunot noong tanong ni Carlo. Nilapitan siya ng mga ito.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Jed.

"It's a long story Jed, nasaan si Paul?" Kaswal na tanong ni Carlo sa kanya. Tumunog muli ang kanyang phone.

"Hello?"

"Sige po papunta na po ako dyan. Gawin niyo po lahat ang makakaya doc mabuhay lang siya." Aniya sa kabilang linya. Nagkatinginan ang dalawang binata.

"Who's that?" Tanong ni Carlo.

"Paul is in the hospital. Ang doctor at nagrequest narin ako ng taxi."

"What?! His in the hospital??! Matagal pa ang taxi dito dahil gabi na. Ako na ang sasama sayo." Presenta ng binata.

"Jed, tell mom na pinuntahan ko si Paul. Sabihin mo rin na nasa ospital siya. Saan'g ospital Ren?"

"Cebu Doctors hospital daw siya dinala."aniya.

"Sige bro just used my car." Ani nito at ibinigay ang susi kay Carlo.

"Miss paki-cancel na lang yung taxi. Salamat." Ani ng dalaga.

"Ren, let's go." Kaya napasunod na lang siya sa binata. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Umikot rin ito sa may driver seat.

"Bakit ngayon mo lang nalaman?" Tanong nito at pinaandar na nito ang engine. Ilang minuto ay umalis na sila sa lugar na yun.

"Kanina ko pa siya tinatawagan pero palaging out of coverage ang phone niya. Pinahanap ko na siya kina Vernon. Ang sabi nasa mall raw hininto si Paul. Hindi ko naman alam na magkakaganito Carlo e.  Hindi ko rin alam na may sakit siya."

"Girlfriend ka, tapos hindi mo alam." Nasa iritasyon na ani nito.

"Hindi ko talaga alam." nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. Wala na siyang pakialam kung anong iisipin ni Carlo. Bahala siya. Ang nasa isip niya ngayon any Paul.

Tinawagan niya ang numerong tumawag sa kanya kanina.

"Doc, kumusta na po siya?"

"Opo, malayo ho kasi yung kinaroroonan ko. Pero sisikapin kong makarating dyan. Salamat ho." Pinatay na niya ang tawag at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Anong sabi?" Tanong ng binata.

"Lumalaban raw siya, Carlo bilisan natin please." Nangingiyak na aniya. Binilisan ni Carlo ang pagmaneho. Hanggang sa narating nila ang SRP. It's a shortcut going to the city. Ngunit mainam parin ang binata sa pagmamaneho kahit na may kabilisan ang takbo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro