Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

Ilang sandali lang ay dumating si Paul at namataan ito ni Alex.

"Paul." Tawag nito sa binata. Lumapit ito sa kinauupuan nila.

"Alex, kailan pa kayo dumating? Siya nga pala si Ren---"

"A while ago, at magkakilala na kami Paul." Napaupo ang binata sa tabi niya.

"Mabuti naman at kilala mo na pala ang girlfriend ko. Saan na ba ang magaling mong asawa?"

"Ayon, kausap ang nakakainis niyang pinsan."

"I know, who's your talking to." Nakangiting sagot pa ni Paul.

"Nakakainis nga siya minsan, ewan ko nga ba sa magpipinsang yan. Napakasumpungin ng ugali." Ani Alex.

"Ren, mabuti naman at mabait sayo si Paul." Baling pa nito sa kanya. Kahit na tahimik lang siyang nakikinig sa dalawa.

"So your saying that I'm not a good boy Alex?" Singit pa ni Paul. Mapaklang ngumiti si Alex.

"Babe, hindi totoo ang sinasabi ni Alex sayo. Wag kang maniwala dyan." Gusto niyang matawa sa reaksyon ng mukha ng binata. For sure Alex was trying to tease him.

"Anong akala mo kay Ren, Paul uto-uto? Naku Ren, fyi yang mga lalaki magaling lang sa umpisa pero may tinatagong baho ang mga yan." Natatawang sabi pa nito. Kaagad natigilan si Paul at agad niya iyong napansin.

"Babe, don't worry I believe in you." Aniya at hinaplos niya ang pisngi nito. Humugot ito ng malalim na hininga.

"I thought naniniwala ka na sa kanya."

Umiling siya.

"Nilalamgam na ako dito sa tamis.." pabirong sambit pa ni Alex. Napangiti nalang kaming pareho ni Paul.

"Honey, I couldn't please him. His dealing with some personal reason. And I don't know what it is." Ani Zander.

"Just leave him alone hon. Sasakit lang ang ulo mo niyan." Tumayo ito at lumapit sa asawa.

"Paul, hindi ko napansin na andito ka na pala. Sino ba naman ang mag-aakala magkakilala pala kayong dalawa."

"Oo hon, magkakilala silang dalawa. Dahil magkasintahan nga sila."

"Ohh.... that's good, nauna ka pa pala sa pinsan kong mapaglaro. Anyways, pasok muna kami ha. See you tomorrow guys." Tumango lang si Paul at nagpaalam rin kami sa kanila.

"Babe, tara kain tayo?"yaya pa ni Paul.

"Tamang-tama nagugutom na rin ako." Tumayo silang dalawa at inakbayan siya ni Paul.

They went to the restaurant. Paul order their food. Nagiging thoughtful ang binata sa kanya. Dahil nga sa, a week after pa ang wedding. Sinulit nilang dalawa ang pamamasyal sa resort.

Nag-jetskiing sila, snorkling to discover the underwater marines at kung anu-ano pa ang ginawa nila. Masaya siya na kasama niya ang binata. Marami rin silang mga pictures together. Yes of course, they are building up their memories together.

Sa mga sandaling kasama niya ang binata ay nawala sa kanyang isipan si Carlo.

Ilang araw narin ang nakalipas. Hanggang sa dumating na nga ang  araw na pinakahihintay ng dalawang taong nagmamahalan. Pagkagising niya ay isang paper bag ang bumulantang sa kanyang tabi.

"Babe, this is for you." Ani Paul.

"What's this?"

"I want you to wear it on Zander's wedding." Binuksan niya ang paper bag na galing sa Zara. It was a Cerelean blue dress with a perfect design and its suitable for the occassion. Then she slightly smiled.

"Halika nga dito." Sambit niya at umupo naman ito sa tabi niya.

"You know what, kahit wala ito. Magiging maganda parin naman ako. Kasi alam kong tanggap mo ko kung ano at sino ako. Pero masaya parin ako dahil mas lalo mo pa akong gustong maging maganda. I love you Paul." Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I just only want you to be happy while your with me. While were still together." Kumunot ang noo niya't nilayo ang sarili rito.

"I am happy with you. Neither do you right? If anything can happen to both of us Paul. I really don't know want to do and that's for sure. We are still together, unless kung may girlfriend ka pala before na susulpot lang at aawayin ako." Pabiro niyang sabi.

"Of course not. I don't have any other girls except you Ren. So don't think that way okay." Marahan siyang tumango at dinampian siya ng halik sa kanyang noo.

"I'll just wait for you outside ha." Ani nito at tumayo na ang binata at umalis na sa kanilang kwarto. Kahit na iisang silid lang ang ini-occupy nilang dalawa. Never rin siyang ginawan ng masama ni Paul.

Kahit na magkasintahan silang dalawa. Paul is sleeping at the other bed. That's the thing that she admire him the most. Kung sa ibang tao pa yan, wala na gagapangan ka na ng kaba dahil katabi mo na siya pagkagising mo sa umaga.

Naligo na siya at nagbihis kaagad. Hindi na muna niya sinuot ang damit na ibinigay nito. Dahil mamaya pa naman ang kasal.  Inayos niya ang kanyang sarili at maging ang kanyang mahabang buhok.

She tease her hair and she cover it with some part of her hair too. Then she braided both sides of it. Na siyang nagbigay ng kagandahan nito.

Kahit papano ay may natutunan din naman siya sa pagmemake up. She loves simple things. So she just put her moisturizing serum a J.One Jelly Pack.

Sinundan niya iyon ng sunblock. Pagkatapos ay pinaghalo niya ang face balm at bb cream. She did this as simple as natural and applies a small amount of it. She put a little blush on and used tinted pink lipstick.

She want it to be real and bare. Kaya mas lalo siyang gumanda sa kanyang natural make up. Tamang tama lang ang kanyang lipstick kasi she uses her finger just to put the color of it and dap it into her lips.

Napangiti siya sa kanyang ginawa. She wear a fuschia pink dress nadala niya. Simple lang ito ngunit kitang kita sa kanya ang pagiging modest.

Lumabas siya sa kanyang kwarto at dumiretso sa elevator. Pagkalabas niya sa lobby ay nakita niya si Paul na may kausap na iilang mga lalaki. Naroon rin si Ciarra dahil ang dalaga lang ang nakilala niya.

Namataan agad siya ni Paul at ngumiti. Nag excuse ito sa mga kausap at lumapit sa kanya.

"God, your so gorgeous babe." Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Lika papakilala kita sa kanila." Napalunok siya na parang nahihiya ata siya ngayon.

Diyos ko, dinaganan ata ako ng takot at kaba. Hoy Ren! Ipapakilala ka lang naman ano ka ba... aniya sa sarili.

"He guys, I'd like you to meet my girlfriend Ren. Babe this is Jed, Nate, Vernon and of course Ciarra."

"Hello.." at isa-isa siyang nakipagkamay sa mga ito.

"Your so beautiful. May kapatid ka ba?" Nakangiting tanong ni Jed.

"Hoy kuya..." saway ni  Ciarra rito.

"What? I'm just asking.. malay mo kasing ganda rin niya." Tumawa ang mga ito.

"Jed... wag mo naman takutin ang girlfriend ni Paul. Baka naman isipin niya na playboy tayong lahat." Nakangiting sabi ni Nathaniel at kinuha nito ang kamay niya at hahalikan sana nito.

Ngunit hinawi kaagad ni Vernon ang kamay niya.

"Marumi ang kamay mo Nate!" Saway nito kaya hindi natuloy ang balak ni Nathaniel. Bahagyang tumabi sa kanya si Vernon.

"Hindi naman ah..." mahinang ani pa ni Nathaniel.

"Don't worry Ren, mas safe ka sakin." Pilyong sabi pa nito.

"Magsitigil nga kayo mga loko-loko." Naiiritang ani pa ni Ciarra. Sabay hampas sa tatlo nitong lalaki. Natawa na lang si Paul sa pinanggagawa nila.

Bahagya siyang napangisi.

"Babe, hayaan mo na lang sila. Kung minsan may toyo ang mga utak ng mga yan.." bulong pa sa kanya ni Paul. Napatangung ngumiti na lamang siya.

"Ano pang hinihintay niyo? Halina kayo." Tawag sa kanila ng isang may edad na babae.

"Yes tita." Halos sabay pa ang mga ito. Napahawak siya sa braso ni Paul.

"Babe, kaninong side ba sila?"

"Kina Zander babe."

"Ah...kaya pala may resemblance silang lahat."

"Pinsan niya ang mga makukulit na yan. Pero mababait naman ang lahi nila kaya nga naging close ang pamilya namin sa kanila."

"Ah... ganoon ba." Pumasok sila sa restaurant para mag-agahan. Exclusive ang lugar na yun dahil sa kasal nina Zander at Alex.

It was a family breakfast. Dahil mamaya pa ang kasal. Nag-dine muna ang malalapit na pamilya ng ikakasal. Napansin din niyang may mga bakanteng upuan sa mesa. Meaning hindi pa pala sila kompletong talaga.

"Hijo, siya ba ang sinasabi mong kasama mo?" Tanong ng babaeng sumalubong sa kanila.

"Opo Tita Christina. Siya nga po pala si Ren po girlfriend ko. Babe siya ang mama ni Zander."

"Hello po."  Aniya.

"Hi hija, come and join us. Wag kang mahiya ha."

"Salamat po." Maagap naman siyang pinaupo ni Paul at tumabi naman ito sa kanya. Nasa kabilang table sila naupo kasama ang iilan sa mga pinsan ni Zander.

"Tita Chris, anong oras daw darating sina Mommy?" Tanong pa ni Ciarra ng lumapit ang ina ni Zander sa table nila.

"Mamaya pa raw alam niyo naman sumumpong ulit ang ugali ng isa niyong pinsan."

Walang imik ang ilan sa kanila marahil alam na ng mga ito kung sino ang tinutukoy ng ina ni Zander. Umalis din ito at bumalik sa mesa nito.

Naging mahaba rin ang kwentuhan ng magpapamilya. Malugod rin ang pagtanggap ng bawat pamilyang ikakasal. Dahil nga sa mabait ang angkan ng binata at gayundin naman ang sa dalaga.

Ren thought how wonderful life could may be. Kung ganito ang mangyayari sa buhay mo. Walang hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa. Talagang magiging matagumpay ang lahat ng iyong pinapangarap.

But the thing is, hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho ang kapalaran sa buhay. That's why you have to accept whatever happens into your life. Coz everything has its purpose.

"Ren, balik tayo sa tanong ko kanina. Do you have a sister?" Usisa ulit ni Jed

"Kuya... ano ka ba." Saway ulit ni Ciarra sa kapatid.

"Nangingialam ka na naman Cha. Hayaan mo na nga kami." Saway pa ni Nathaniel.

"Ewan ko sa inyo. Palibhasa akala niyo gwapo kayo kahit hindi naman." Naiiritang ani pa ni Ciarra sa mga ito.

Umigting ang bagang ng mga binata sa narinig nilang komento ng pinsan nila.

"What did you just say? Gwapo naman kami ah. Marami ngang mga babaeng gustong makasama kami diba, Nate?" Pang-asar na ani ni Vernon.

"Your totally right." Sagot pa ni Nathaniel nagtatawanan pa ang mga ito at nag-apiran pa.

"Ren, wag kang magpapaniwala sa mga ugok na yan." Ani pa ni Ciarra.

"Yeah right... in your stupid dreams. You really didn't get it do you? That most of the girls are practical nowadays. Gusto nila yung may makuha silang benefits.." pangaral pa ni Ciarra sa mga ito. Na halos kakagatin na nito ang labi sa sobrang asar.

"Your too sensitive Cha. If that's what they want then that's what they get. But of course there's a catch, and that's pleasure..." sambit pa ni Nathaniel.

"Palibhasa nagmana ka kasi sa kuya mo Nate.." pabalang na sagot ni Ciarra.

Natatawa lang si Paul sa naging pag-uusap ng mga ito.

"Ano ba kayo, hindi pa nga sinasagot ni Ren yung tanong ko singit kayo ng singit. So Ren meron ba?" Jed asked her again.

"Actually meron akong kapatid Jed pero taken na..." aniya ayaw din naman niyang ipahamak ang kanyang ate.

Humagalpak ng tawa si Ciarra...

"Buti nga sayo kuya, pumapapel pa kasi eh.." sambit pa ng dalaga.

"That's enough. Jed ikaw na ang bahalang magsundo kina Mommy mamaya ha." Singit pa ni Zander na siyang ikinatigil ng mga ito nakatayo sa upuan ni Nathaniel. Tumango lang si Jed sa utos nito.

Habang hinahanda na ang mga pagkain sa harapan nila. Hindi niya maatim na mapalipat tingin sa mga magpipinsan. Lahat sila ay matitipuno dahil sa may dugong dayuhan ang mga ito.

Halata naman talaga sa kurba ng kanilang mga mukha. Sa tangos ng mga ilong nito. At sa mga mapupungay nitong mga mata.

Pansin mo talaga na half-foreign ang mga ito dahil hindi talaga tubong Pilipino.

"Babe, lagyan ko ng kanin ang plato mo ha." Ani Paul.

"Salamat babe, wag mo lang damihan please."

Ngumiti lang ang binata at sinunod naman nito ang gusto niya. Binigyan pa siya nito ng masasarap na ulam.

Paul knows what's the best for her. Kaya naman sinuklian niya ang pagiging sweet nito. So she decided to put some food also into Paul's plate.

"Naku naman... lalanggamin naman kami niyan.  Pwede bang maging maalat muna." Natatawang ani pa ni Vernon.

"Hindi pwede Vern mahirap na at baka agawin pa ng iba." Sagot ni Paul na siyang ikinalingon niya rito.

"It seem's that your really sure of that Paul." Sambit ni Jed.

"Of course, ano pa ba ang dahilan ko kung hindi diba? Ganito ako dahil mahal ko bakit ikaw ba hindi ka nagmahal ng totoo." Baling ni kay Jed.

"That's the question I didn't know the answer." Natawa pa ito.

"He didn't know the answer, kasi hindi pa siya nakakita ng babaeng katapat niya Paul." Sagot naman ni Ciarra.

"That's right sis, and besides I am happy to be single and free. Most of us do, right guys?" Baling naman nito kina Nathaniel at Vernon.

"Right..." sabay pa ang dalawa. Napaismid nalang si Ciarra. Ren notice how irritates she is. Gusto siguro nito na tumino na ang mga pinsan nito.

Ngunit sadyang napakatigas nga ng mga ulo ng mga binatang toh. Hindi natatablan ng anumang pang-iinsulto. Mauubos ang pasensya mo sa mga lalaking toh. Yun ang nakita niya sa gitna ng pag-uusap ng mga ito.

"So tell me, where did you two meet?" Usisa ni Ciarra.

"Uhmm.." sambit niya.

"Post office." Sabay silang dalawa.

"Wow ha, sabay pa talaga. Nagkakatugma ang iniisip niyong dalawa ah." Nakangiting ani ni Nate.

"Diba nga, there's a saying that if the two couple has the same thinking thoughts at nagkakasabay magsalita. They were right for each other." Dagdag pa ni Vernon.

"Basta Paul kung saan ang kasal niyo. Imbitado kaming lahat ha..." ani Jed.

Napangiti lang siya sa mga komento ng mga ito. Pansin din  niyang gustong gusto ni Paul ang bawat sinabi ng mga binatang kasama nila.

"Hayaan niyo guys, kung ikakasakal kami lahat kayo invited."

"Oh right..." ani pa nila. Habang kumakain sila. Hindi talaga maiwasan ni Ciarra na mangusisa. Kinuwento rin nilang dalawa kung papano sila nagkakilala.

Natuwa rin siya sa naging reaksyon ng dalaga dahil sa ito pa ang mismong kinikilig . Habang kinukwento niya ang pagkakakilala nila ni Paul habang kumakain sila. Suddenly Vernon's phone ring.

"Excuse me..." dumistansya ito sa kanila.

"Anyways, Ren matanong ko lang how's Paul as a boyfriend?" Nakangiting tanong ni Jed.

"Uhmm..." napaisip siya ng bahagya at nilingon niya ang binata.

"Paul... is sweet, romantic and kind guy that I ever met." Simpleng sagot niya sa tanong nito.

"Positive na positive ang description mo sa kanya ah.." nakangising sambit pa ni Nathaniel.

"Ano pa ba ang masasabi ko sa kanya Nate. Na yun naman talaga ang totoo."

"Kunsabagay, love is in the air nga naman talaga."

"Nakakainggit nga kayo Paul kasi super sweet niyo sa isa't-isa." Anang pa ni Ciarra.

"Magboyfriend ka na kasi para malaman mo kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin." Ani Paul.

"Naks... wala pa ako sa tamang panahon para dyan..." ani Ciarra

"Kelan ba ang tamang panahon sayo Cha? Kapag thirty ka na?" Natatawang asar pa ni Nathaniel. Napatawa na lang rin silang lahat sa komento nito.

"Hindi no! Of course if the right time comes and evrything will fall into place. That's true love." Giit pa ni Ciarra.

"Kaya nga... kapag thirty ka na." Napahalakhak si Nathaniel. Naningkit ang mga mata ni Ciarra sa inis.

Tumayo ito at lumapit sa upuan ni Nathaniel.

"Bakit ba ako ang inaasar mo Nate!" Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aray!! Cha masakit!" Napasigaw nitong sabi.

Nagtawanan silang lahat sa nangyaring kabaliwan ng mga ito. At nasaksihan lahat ni Ren ang pamilya ni Zander na sobrang nakakaaliw pala.

Until a glass was crush and broken into pieces..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro