Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

Napuna ng dalaga na dumarami na pala ang mga taong naroon. Niyaya siya ng kanilang grupo na maghapunan muna.

Syempre kasama ang kanyang ate at tiyahin. Lahat sila ay naroon maliban sa isa.

"Teka, nasaan na ba si Carlo?" Puna pa ni Camille. Napakibit balikat ang iilan sa kanila.

"Huwag niyo ng hanapin si Carlo." Ani pa ni Enrico. Nagtaka siya kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Enrico.

"Bakit ano palang nangyari?" Bulong-bulongan ng iba.

"Hindi ko nga rin alam." Sagot pa ng isa.

"Stop murmuring. Umalis na si Carlo umuwi na may aasikasuhin kaya nauna na siya satin." Pagpigil ng kanyang tiyahin. Kaya naman natahimik ang karamihan.

"Anyways! With or without Carlo we can still enjoy right guys?!" Binasag ng kanyang ate ang katahimik. Kaya't napangiti nalang ang lahat.

"Tita, wag ka ng mastress-out." Ani pa ng kapatid niya. Habang siya ay tahimik lang na naghihintay sa pagkain.

"Ren, pasensya na kay Carlo ha." Paumanhin pa ni Paul.

"Its not your fault Paul. This is Carlo's responsible dapat andito siya. Hindi kasi tama na basta na lang siyang umalis na parang bula." Naiinis siya sa binata ngayon.

"Sana man lang hindi ito nakakaapekto sa competition." Dagdag niya.

"I do hope Ren." At dumating narin ang kanilang mga ini-order. Sa kabila ng nangyari naging masaya parin sila. Kinalimutan ang lahat ng mga komplikasyon sa kompetisyon kung mayroon man.

They enjoy while they were taking their supper. Nagkwentuhan ang ilan sa kanila. Nagtawanan rin sila sa bawat kwentong naiibahagi ng grupo. Masaya sila at masaya rin si Ren nang mga sandaling iyon. Na kasama si Paul sa tabi niya.

Pagkuway lumabas na sila ng restaurant dahil tapos na silang kumain. Nag-enjoy naman ang iilan sa kanila.

"Goodevening everyone!!!" Masiglang sabi pa ng emcee.

"What???! I can't hear you!!??" Tanong nito sa crowd at iniharap.ang microphone sa mga tao.

"Goodevening!!! Woooo!!!" Sigaw pa ng crowd. Sa sobrang dami ng tao hindi na niya marinig ang sinasabi ni Paul sa kanya.

"Ren... tawag ka ni Camille."ani nito.

"Ano?" At tinuro ang kinaroroonan ni Camille. Tumango ako.

"Pupuntahan ko muna siya ha." Paalam niya rito. Nilapitan niya si Camille.

"May pinapabigay sayo." At inabot nito ang isang card.

"Kanino raw galing?" Nagtaka siya kung sino ang taong magbibigay sa kanya ng card.

"Hindi sinabi eh, napag-utusan lang daw siya. Buksan mo para malaman natin dali." Tila nae-excite pa siya kaysa sa sakin.

Binuksan ko ang sobra at kinuha ang card sa loob.

It's you... simple words but it has a deeper meaning. Yan ang unang mababasa mo sa cover ng card...

Sino kaya ang nagpadala sa kanya ng card???

Binuklat niya ito, subalit hindi niya mabasa ng maigi ang mga nakasulat. Dahil wala naman'g mainam na ilaw sa kinatatayuan nila.

"Mamaya ko na to babasahin." Ani niya at isinarang muli ang card.

"Oy...may admirer ka na ha. Sino kaya ang secret admirer mo dito." panunukso pa nito sa kanya.

"Nagkamali lang siguro to. Isa pa wala akong admirer noh.! Eto lang pala ang dahilan kung bakit mo ko tinawag. Akala ko kung ano na." Umirap siya rito at umalis ningitian na lang siya ni Camille.

Bumalik siya sa lugar kung saan niya iniwan si Paul. Magdamag silang magkasama sa huling gabi ng show. Naging masaya naman ang lahat sa naging resulta.

"The most awaited part! Our Mr. and Ms. Great Smile Summersunshine is no ther than......" ani pa na emcee.

"Mr. Carlo and Glaiza Rain! The awards is given by Miss Samonitta Ramirez and Mister Ronald Torrefranca. But Carlo was not here because of some personal matters but his friend Paul will get the awards for him." Nakangiting dagdag pa nito.

Hindi siya makapaniwala na mananalo silang parehas ni Carlo. Dahil ni isang panalo kahit best in couple or best in talent. Ano pang naging category ay hindi sila nakalusot.

Yun pala sila ang magiging kampeon sa kompetisyong ito. Nagsisigaw at hiwayan ang mga tao pati narin ang grupo nila.

Silang dalawa ni Paul ang umakyat sa entabado. Nakangiti at masayang-masaya habang lumalakad papalapit sa kinatatayuan ng emcee.

Magkahawak kamay silang dalawa at panay rin ang kuha ng mga pictures ang mga taong naroon. Isinuot na sa kanila ang sash at may kasama pang bulaklak para sa dalaga. Isang trophy ang natanggap nila at isang card.

"You did it well hija kayo ng partner mo. Congratulations." Ani pa ng babae.

"Thank you po." Ngumiti lang siya.

"Once again our winners for Great Summer Sunshine!" At nag-line up kaming lahat na nanalo at kinunan ng picture. Bumaba na kaming lahat sa stage.

"I can't believe I just won." Ani niya.

"Hija! I'm so proud of you." Nakangiting salubong pa ng kanyang tiyahin at niyakap siya. Lahat ng kanyang mga kasama ay natuwa sa naging resulta.

Akalain mo naman ay mananalo silang dalawa ni Carlo. Sino ba naman ang mag-eexpect. Pero ang importante naging masaya siya sa mundo ng isang pagiging modelo kahit na sa maikling panahon lang.

"Let's celebrate!!!"  Ani oa ng mga kasamahan nila.

Tumawa nalang siya at may binulong si Paul sa kanya.

"Congratulations. I'm happy for you." Ningitian niya ito. Na napabuga ng hininga.

How I wish you were here.  Sambit niya sa sarili.

Ano bang nangyayari sa kanya? Nung nasa paligid ang binata at umaaligid sa kanya ay panay ang pagtaboy niya rito.

Ngayon naman humihiling siya na sana narito ito? Parang ang gulo ata, ganyan talaga Ren kapag in love. Minsan hindi mo maiintindihan, akala mo ok lang na wala siya. Na hindi mo nakikita yun pala hahanap-hanapin mo ang presensya niya.

Kahit na naiinis ka na sa mga ginagawa niya. Nasasaktan ka sa mga sinasabi niya. Ganun parin pala ang mangyayari namimiss ng dalaga ang bawat pangyayaring nasa tabi niya ang binata.

Kagaya nga ng sinabi, they celebrate their success. Nasa isang VIP Lounge sila ng mga oras na yun. Paul finance everything... Treat iyon ng binata para sa dalaga. Na siyang ikinatuwa naman ng kanyang pamilya.

Maganda ang napuntahan nilang lugar dahil may videoke pa ito. Nagkasya rin sila sa isang malaking room na kinuha nila. Habang sina Camille at Rosemarie ay nauuna ng pumili ng mga kantang kakantahin.

Ang iba naman ay panay ang kuha ng mga pictures. Masayang-masaya siya ng gabing yaon. Halos hindi makapaniwala sa mga nangyari. At least all their hardwork came up with a great result.

Ganun naman talaga diba? Kapag pinaghirapan mo ang isang bagay talagang makukuha mo. Wala naman'g impossible sa mundong ginagalawan natin. Ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo at yun ang importante.

Nagsimula ng lumabas ang title ng kanta ni Camille. Wish. Bahagya niyang naalala ang duet nila ni Paul.

"This song is for our winner. Sayang wala si partner." Tinukso na naman siya ng babaeng ito..

"Hahampasin talaga kita dyan." Nakangiting ani niya. Katabi niya ang kanyang ate at ang kanyang tiyahin naman at si Enrico ay nag-uusap.

Hindi ata nauubos ng topic ang dalawa. Kungsabagay, puro trabaho ang pinag-uusapan. Kaya naman kahit naggu-goodtime sila ay naroon parin ang attachment ng kanyang tiyahin sa trabaho.

"Kung papipiliin kita ng letra sa alphabet anong letra ang pipiliin mo?" Biglang tanong ng kanyang ate.

"Ha? Ba't mo naman na tanong?" Kumunot ang noo niya.

"Wala lang. Just trying to have some conversations." Ngumiti ito.

Walang pag-aalinlangan siyang sumagot ng. "Letter C."

"Wow ha. Letter C stands for Carlo?"  Tinukso na naman siya kay Carlo.

"Hindi. C stands for confident at saka marami kayang pwedeng ibig sabihin ng letrang C ate." Giit pa niya rito.

"Kunsabagay tama ka." Sumang-ayon rin ito sa sinabi niya.

Ilang sandali lang ay dumating na ang kanilang pagkain at inumin. Napansin niyang hindi parin bumabalik ang binata.

"Ate lalabas mo na ako ha." Tumango lang ito. Hinanap niya si Paul sa lounge. Medyo may kalakihan ang lounge kaya naman panay ang paghanap niya sa binata.

Bumaba siya sa area na sa may mga taong naroon lang sa ibaba. Na hindi naka-vip. Maingay sa naturang lugar kasi may nagpre-perform ng live band.

Inisip niya na baka nag-cr lang ito kaya bumalik na naman siya sa itaas. Dumiretso siya sa comfort room.  May narinig siyang conversation.

"Ma, I will not leave here and that's my final decision. Ok lang ako rito. So please don't worry too much. Okay, bye take care." Ani pa ng lalaki. Kaboses iyon ni Paul ngunit hindi naman siya sigurado kung talagang ang binata yun.

Bahagya nitong pinutol ang pag-uusap at lumabas na nga ang lalaki. Tama nga ang kutob niya si Paul iyon.

"O Ren anong ginagawa mo rito?" Ani pa nito.

"Wala hinanap lang kita."

"Ganoon ba, ok lang ako natagalan lang kasi tumawag si mama." Paliwanag pa nito.

"Bakit pinapauwi ka na ba ng mama mo? Pasensya na narinig ko ang usapan niyo."

"Okay lang... ikaw talaga. Oo nga eh pinapauwi na niya ako. Eh sa ayaw ko pang-umuwi kasi na gugustuhan ko na rito." Ani pa nito.

"Ganoon ba." Ikling sabi niya lumakad na sila pabalik sa loob ng room kung saan naroon ang kanilang mga kasama.

Nang gabing iyon masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang panalo. Nang gabing iyon ilang halakhak ang siyang naging dagundong sa bawat dingding ng VIP lounge. Nang gabing iyon may isang puso ang nagdurusa.

Nasasaktan habang nasa kawalan. Hindi niya alam kong hanggang saan niya ito kakayanin. Kung hanggang kailan siya magdurusa.

Mahal niya ang dalaga subalit mahal din ito ng kanyang kaibigan. Natigil ang kanyang pag-iisip ng tumunog ang kanyang phone.

"Hello. Napatawag ka ata?" Ani ni Carlo sa kabilang linya.

"I just want to inform you that the case was already sent in our program. Kailan ba ang umuwi mo dito sa Manila?" Tanong pa nito.

"I'm already preparing my things. Don't worry I will be there as soon as I can." Seryosong ani niya rito.

"This case is crucial Carlo and this is important. Malakas ang kalaban natin kaya kailangan pagtuunan ng pansin. Ipagpaliban mo muna yang modeling mo at umuwi ka na sa lalong madaling panahon." Agad nitong pinutol ang tawag.

"Ano bang sabi ko na papauwi na ako. Loko talaga." Napailing niyang sabi habang inaayos ang kanyang dalang gamit.

Lumabas siya sa kanyang kwarto at huminto ng sandali sa kwarto ng dalaga. Sumagi sa kanyang isipan ang halik na pinagsaluhan nila ng dalaga.

Ang mga labing dumadalaw sa kanya gabi-gabi. Ang mga makikinis na kutis at ang mababango nitong buhok na nanunuot sa kanyang ilong.

Lahat ng iyon ay hinding-hindi niya makakalimutan. Masaklap man isipin at tanggapin na kailangan niyang magdurusa. Alang-alang sa kapakanan ng kaibigan.

He needs to give up, to sacrifice, to feel this enormous melancholy of his life. Ngayon pa na nakatagpo na siya ay bigla palang mawawala sa kanya.

Sa mga sandaling na kasama niya ang dalaga. Kahit na masama ang ugaling pinapakita niya rito. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso.

Na masayang-masaya siya kapag naroon ito sa tabi niya. Kapag nasisilayan niya ang maganda at maamong mukha nito.

Naagaw ang kanyang imahinasyon ng may dumaan na isang housekeeping sa floor na yun. Kasi nakaharang siya sa daan.

"Excuse po sir." Wika nito kaya naman ay tumabi siya. Inayos niya ang sarili at lumakad na papalayo.

Pumasok siya sa elevator at nang bumukas ito dumiretso siya sa information. Isinauli niya ang card key ng kanyang room.

"Thank you for staying sir. Till next time." Sambit pa ng information. Isang kiming ngiti ang sinukli niya.

Lumabas na siya sa hotel at papalayong lumakad sa naturang lugar dala-dala ang kanyang mga gamit.

Hanggang sa nakalabas na siya sa beach.

"Whatever happened in Bora stays in Bora." Mahinang sabi niya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro