Kabanata 3
"Zander, alam mo naman'g hindi ako pwede?!" Inis na ani ko sa pinsan ko ng dumating sila ng kanyang mapapangasawa sa bahay.
"Ano bang problema rito, Carlo?" Tanong ni mama na kagagaling sa kusina.
"Kasi tita ayaw ni Carlo na bisitahin ang hotel sa Cebu. Hindi kasi ako makakapunta, kaya I asked him na siya nalang ang magpresenta roon na imbes ay ako." Palinawag pa ni Zander habang nakikinig lang sa amin si Alexandra.
"Bakit ayaw mong pumunta anak? Isa pa magpipinsan kayo dapat na magtutulungan kayo sa negosyo. Alam kong pagmomodelo ang gusto mo Carlo, pero hindi naman tama yang inaasta mo anak." Pangaral sakin ni mama.
"Pero ma, alam niyo naman na busy ako sa mga pictorials ko." Pangatwiran ko sa aking ina.
"Anak, baka nakakalimutan mong hindi kina Zander ang negosyong yan. Sa atin yan, hindi maibigay bigay sa iyo kasi career ang inuuna mo. Kaya si Alexander ang pinakiusapan namin ng papa mo. Dahil sa ayaw mo at hindi ka pa handa. Hindi naman ata tama na siya nalang palagi ang mag-asikaso roon. Dahil may negosyo rin siyang inaatupag. Whether you like it or not, you have to do what he asked or else I will tell your dad na kumalas ka na sa pagmomodelo. So that you can totally give your time in our business." Naigting ang bagang ko sa sinabi ng aking ina.
"Fine, I will do it. Tss." Napabagsak akong umupo sa sofa. I'm really weak in choosing. Kaya para hindi mawala ang bagay na gusto ko gagawin ko na lang ang bagay na ipinagpipilit sakin.
"Oh siya, Zander salamat hijo ha akyat muna ako." Ani pa ng aking ina sabay ngiti pa sa pinsan ko na hindi ko iyon napansin at umakyat na sa taas.
"Pambihira naman oo..
Nag-usap na tayo noon tungkol sa hotel Zander diba at umu-o ka. Tapos ngayon aayawan mo?" Naiinis talaga ako sa kanya.
"Tatlong araw lang naman yun Carlo. Isa pa, may punto rin si Tita Lara. Negosyo niyo yun and besides si Nathaniel lang ata ang nakikilala ng mga empleyado niyo. Pero si Carlo Anthony Montebello, wala talagang nakakakilala sa kanya. Anu ba yan..." Asar pa niya sakin at binigyan siya ng maiinom ni Alexandra.
"Salamat babe." Napangiti ako habang nakatitig sa kanila. Coz it's been a year simula noong nakilala namin si Alex and to think isa ako sa pinagselosan ng pinsan ko. Napailing nalang ako sa desisyon ni mama.
"Isa pa, alam mo ba ang mga chismis doon sa hotel. I bet you have to hear this. Sabi pa nila, kaya siguro hindi nakagawi ang amo nilang si Carlo Montebello dahil siguro pangit." Ngumisi pa siya at tumawa rin si Alexandra.
"Pangit na pala ang tingin sayo ng mga empleyado mo Carlo."ani ni Alex inaasar talaga ako ng dalawang ito.
"Hell I care, isa pa wala naman talagang makakakilala sakin. Kasi Carlo lang ang dinala kong pangalan sa modeling." Sagot ko.
"Eh bakit Carlo lang, walang Montebello?" Tanong ni Alex with matching curious face.
"Kasi babe, ayaw niyang dumami ng husto ang mga babae niya. Carlo pa nga lang yung dinala niya, nagkakandarapa na ang mga babae. Papano nalang kung may Montebello siguro dodoble o tritriple ang mga babae niya." Natatawang ani pa ni Zander.
"Gago!" Sabay tapon ko sa kanya ng unan...
"Bakit totoo naman ah." Inaasar talaga ako ng ugok na to.
"Nakakatuwa naman kayong tingnan, talagang ang higpit ng closeness niyong magpipinsan ano." Puri ni Alex.
"Oo naman dahil ganito yung upbringing ng pamilya namin babe."
"At ayaw kasi nina Daddy Louis at Mommy Maxine na magkanya-kanya kaming magpamilya." Sambit ko pa at napatingin ako sa malaking picture frame nina grandma and grandpa nung bagong kasal pa sila na nakasabit yun sa taas ng aming fireplace.
"Sino ba talaga ang Montebello babe? Kailan ba kinuha ang larawan'g yan?" Tanong ni Alex ng napatingin sa malaking picture frame.
"Si Daddy Louis babe at kinuha yan pagkatapos ng kasal nila." Sagot ni Zander.
"So, galing rin sa mayamang pamilya si Mommy----" hindi na naituloy ni Alex ang sasabihin kasi dumating bigla si Mommy Maxine. Actually grandma na namin siya, ayaw lang nilang mag-asawa na tawagin silang lolo at lola kasi para na raw silang matanda na talaga kahit hindi pa.
"Mi... naparito po kayo." Ani ko at lumapit sa kanya para kunin ang kanyang dalang paper bag.
"Mano po, mi." Nagmano ako tapos si Alex at si Zander.
"May sadya ako sa mommy mo hijo. Nasaan ba si Lara?" Tanong pa ni grandma sakin.
"Nasa taas mi, gusto niyo po bang tawagin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya nalang hijo." Sagot niya.
"Saan po pala kayo galing mi?" Tanong ni Zander at umupo si grandma sa sofa katabi ni Alex.
"Ay namasyal lang ako hijo." Sagot pa niya.
"Manang, paki prepare naman ng meryienda." Ani ko kay Manang Rebecca. Tumango lang siya at bumalik na ako sa salas at umupo ako sa harap nila.
"Akalain mo naman na kahit gaano kamoderno ng henerasyon natin may mga babae pa palang kasing tulad nong kapanahunan ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni grandma.
Kapanahunan niya, yung talagang balot na balot na halos hindi na makita ang kutis...
Old fashioned ang tawag nun mi...
"Mi! Don't tell me hindi ka sumakay ng kotse?!" Tumaas ang boses ni Zander.
"Hay nako hijo, hindi naman pwedeng palagi akong magkotse. Isa pa kaya ko pa naman. Hindi porke't nakaangat na tayo ay hindi nalang tayo lilingon kung saan tayo nanggaling." ani pa ni grandma. Tahimik lang si Alex habang nakikinig at sumenyas siya sakin na may sinasabi.
Hindi mayaman si Mommy? at tumango ako sa kanya.
"Pero mi, iba yung kapanahunan niyo ni daddy kong ikukumpara mo ngayon. Mas kampante kami kapag nakakotse ka mi. Isa pa hindi naman ikaw yung magmamaneho." Nangaral na naman si Zander.
"Ganyan na ganyan ang ugali ng Daddy Louis niyo kapag galit. Kahit sino sa inyo mga apo ko ay may ugaling minana sa daddy niyo." At may munting luha ang tumulo sa mata ni grandma.
Limang taon ng nakalilipas nang pumanaw si Daddy Louis. Namatay siya dahil sa sakit sa puso. Ginawa namin ang lahat para mabuhay siya pero pinangaralan niya kami at ang huling sabi pa niya bago siya nalagutan ng hininga.
Kung mamatay ay mamatay, pa sasaan ba't sa alikabok rin tayo babalik. Kasi hiniram lang natin sa Diyos ang buhay na ito. Kaya huwag kayong malungkot mga anak ko. Dahil hindi ako magiging masaya sa paglisan ko kapag nakita ko kayong ganyan. And don't forget to look out for each other. To help each other in times of need. Kahit na may kaya tayo huwag kayong maging mapagmataas sa tinatamasa niyo ngayon.
Every word that comes out from his mouth was planted to all of our hearts. Napakahumble kasi ni grandpa down to earth siyang tao. Hindi matapobre kaya siguro madali niyang natagpuan ang aming pinakamamahal na grandma.
"Pero mi, sana sa susunod makinig naman po kayo samin." Ani pa ni Zander. At dumating na si Manang Rebecca bahagyang tinulungan rin ni Alex si manang at umalis agad ito.
"Tama si Zander mi, huwag na kayong mag-commute kasi. Sige mi, tawagan niyo ako ha basta may lakad kayo para mapagmaneho ko kayo mi." Alok ko kay grandma.
"Nako Carlo, anak wag nalang kasi alam kong may inaasikaso ka. Kaya ko pa naman." Tinanggihan niya ang alok ko.
Talaga bang matigas ang ulo ng tao kapag nagkakaedad na. Hmmp.
"Mi, tama ang mga apo nyo. You need to stop by doing things all by yourself mi. Nagpresenta na si Carlo mi, hayaan nyo na po yung apo niyo." Ani pa ni Alexandra sabay hawak sa kamay niya.
"Malaki talaga ang pasasalamat ko sa Diyos. Kasi ang babait ng mga apo ko at nakapagtagpo na ang ilan sa inyo ng taong para sa talaga sa inyo." Ngumiti si grandma kay Alex at bumaling sya ng tingin sakin.
"Mi, anong ibig sabihin ng tingin na yan?" Sabat ko sa kanya at tumikhim si Zander na nakangisi.
"Mi, ibig sabihin ba niyan na dapat ng makapagtagpo si Carlo mi?" Ngumisi pa siya.
"Oo naman, matanda na siya at hindi tama na ginagawang laruan ang babae. Hindi tama yun, dapat ang babae ay iniingatan, inaalagaan, pinuprotektahan dahil kaming mga babae ay parang bulaklak." Sabi pa ni grandma habang hawak-hawak ang kamay ni Alex.
"Mi naman, hindi ko naman pinaglalaruan ang mga babae eh. Wala pa talaga sa vocabulary ko yung commitment mi." Sagot ko sa kanya.
"Kaya nga hijo, kung pwede lang na ako ang pumili ng babaeng para sayo ay meron na akong napili. Pero syempre hindi ko naman pwedeng ipagsiksikan sayo ang taong hindi mo gusto." Ani pa ni grandma.
Yun naman pala mi eh...hindi nalang ba tayo marunong maghintay. Hahays
"Sige mga apo, akyat na muna ako ha." Paalam ni grandma at umakyat sa kwarto ni mama.
"Sabi ko sayo diba? Magseryoso ka na kasi... si mommy pa talaga ang nagsabi sayo nun." Ani pa ng pinsan ko.
"Kapag pumuti na ang buhok ko." Pabalang na sagot ko sa kanya.
Tumawa lang bigla si Alexandra.
"Tatanda kang binata niyan uie... madami kang masasaktan sa ginagawa mo Carlo." Ani pa ni Alex.
"Tsss.. ewan ko sa inyo. Basta ayoko pa." Inirapan ko nalang sila.
"Babe, hayaan mo na siya, kasi gusto niyang maging bachelor sa Montebello hanggang sa tumanda siya." Natatawang ani pa ni Zander. Talagang inaasar ako ng taong toh...
"Gago..." ngumiti nalang ako sa kanila at umakyat sila sa taas para magpaalam kina mama at grandma.
Habang ako ay naroon sa salas napaisip ng malalim. Bakit ba nila ako pinagpipilitan sa bagay na hindi ko gusto. Wala pa naman sa isip ko ang sumeryoso lalo na sa pag-ibig. Buti nalang si Alexander at Tracy nakakita na sila ng taong karapat-dapat sa kanila.
Eh sa naaaliw pa ako sa pagiging single ko at sa pagiging malaya ko. Hindi naman ata minamadali ang bagay na iyan, kasi kusa naman yang darating kung talagang para sayo na diba???...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro