Kabanata 24
"Hija, nasaan na si Carlo?" Tanong pa ng kanyang tita. Habang papaupo na siya sa upuan. Bakante ang upuang nasa tabi niya.
"Kausap pa ata yung bestfriend niya tita. Kararating lang kasi."
"Ayun po sila Miss." Sabay kaway ni Enrico sa mga ito. Para mas madali silang makita. Lumakad rin ang mga ito papalapit sa kanila. At binigyan rin ng isang upuan ang mesa nila para makaupo si Paul.
"Ren, dito lang ako maupo sa tabi mo ha." Ani pa ni Paul.
"Sige." Tanging sambit ni Ren na napatingin sa umikot na si Carlo para lang maupo sa harapan nila. Akala niya doon mauupo ang binata subalit hindi pala.
"Carlo, ipakilala mo naman kami sa kasama mo." Sabi pa ni Rosemarie. Napa-oo naman ang ibang babae.
"By the way guys, this is Paul my childhood friend." Pormal na pakilala ng binata sa mga kasamahan nila at iniisa-isa pa ang mga ito. Walang kibo si Ren habang kumakain.
Panay din kasi ang pagtatanong ng ibang modelo sa katabi niyang si Paul. Nabigla siya ng nilagyan ni Paul ng pagkain ang kanyang pinggan.
"Salamat Paul, pero wag mong damihan." Ani ko sa kanya.
"Nako Ren, kung tumaba ka man. Huwag kang mag-alala dahil maganda ka parin." Nakangiting sabi nito at natigilan ang ibang mga kasama namin at nagtinginan.
"Kahit sino ba naman siguro talagang makakaranas ng pagiging mataba. Pero hindi ako maganda gaya ng iniisip mo." pormal kong sabi. Tumikhim si Carlo at nakinig lang din ang iba namin'g kasama.
"Ren huwag kang ganyan at saka saan naman kayo nagkakilala ni Paul, hija?" Tanong ng kanyang tita.
"Opo tita, ah mala-"
"Malapit sa simbahan po kami nagkakilala ni Ren, ma'am." Dugtong pa ni Paul.
"Ano? Sa simbahan kayo nagkakilala. Wow ang galing naman parang pinagtagpo lang ng tadhana ah." Biglang komento ni Camille. Habang ang iba naman ay tahimik lang na nakikinig. Si Carlo naman ay walang kibo o reaksyon man lang.
"Hindi naman siguro, talagang nagkataon lang yun." Giit niya pa.
"Mabuti naman hija at may nakilala kang isang mabuting lalaki." Ani pa ng kanyang tita. Kung kaya't napatango na lang siya ng wala sa oras. At tumayong bigla si Carlo.
"Miss Adrianna lalabas muna ako." Sabi nito. Tumango lang ang kanyang tiyahin. Nagtama ang mga mata nila at madali rin itong umiwas.
"May sasabihin ako sayo mamaya." Ani pa ni Paul at isang tango lang ang sinagot ni Carlo para rito.
Napansin ni Ren na nawala ang mood ni Carlo. Batid niyang alam niya ang dahilan subalit hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.
Masayang-masaya ang lahat hanggang sa matapos silang kumain. Naging busy naman ang kanyang tita at si Enrico. Kung may mga bagong updates ba para sa competition.
Naglakad-lakad siya sa dalampasigang mag-isa. Napamuni-muni siya kahit papano at napaisip sa sulat na ibinigay sa kanya ng binata.
Kahit hindi niya yaon natapos alam niyang naging seryoso ang binata sa isinulat nito roon. Dahil kung hindi man bakit pa ito magsusulat. Nagsasayang lang siya ng tinta at papel.
Bagama't may gumugulo sa isipan niya. Dahil biglang naging mailap ito sa kanya kanina. Hindi rin niya alam kung anong pinag-usapan nila ni Paul. Bumuga siya ng hangin at marahang sumabay pa ang pag-ihip ng hangin.
Kung kaya't napayakap siya sa sarili habang hinahagod niya ang magkabilang balikat. Nang may ilang yapak siyang narinig na may sumusunod sa kanya.
"Waaah!" Ginulat siya ni Paul.
"Anak ng!" Nasambit niyang bigla dahil sa gulat. Ngumiti lang ito at napalapit sa kanya.
"Nakakatakot na ba talaga ang mukha ko?" Nakangiting sabi pa nito sa kanya.
"Hindi naman, ginulat mo ko eh. Kaya medyo natakot ako. Huwag ka kasing nanggugulat dyan." Aniya at naglakad muli.
"Saan ba ang punta mo? Gusto ko kasing samahan ka, kung hahayaan mo ko." Unti-unting sumeryoso ang boses ni Paul.
"Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. At saka okay lang naman sakin. Hindi ko naman pag-aari tong Boracay para pagbawalan ka." Isang ngiti ang sumungaw sa kanyang labi.
"Ren."
"Hmmp?" Anas niya habang tahimik na naglalakad.
"May sasabihin ako sayo, huwag ka sanang magbibigla."
"Ano yun Paul?." Sabi niya na napalingon rito.
"Gusto ko sanang malaman mo na gusto kita." Diretsahang pagtatapat nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig niya mula rito.
"Anong sabi mo?" Napalunok niyang ani.
"Ang sabi ko may gusto ako sayo. Hindi bilang isang kaibigan lang kundi higit pa roon." Seryosong sabi pa nito sa kanya.
Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanya. Na sa loob ng isa o dalawang araw sa Boracay. Ay may dalawang taong magtatapat sa kanya. Ang isa ay ayaw nitong mapalapit siya sa ibang lalaki at ang isa naman ay gusto siyang maging kasintahan.
Dalawang tao laban sa iisang puso. Hindi niya alam kung kanino niya ibibigay ang kanyang matamis na oo. Sapagkat hindi pa niya kabisado ang mga ugali ng mga ito. Nalilito siya pero kailangan na muna niyang pag-isipang maigi ang maging desisyon niya.
"Paul hindi ko alam ang sasabihin ko sa biglaang pag-amin mo sakin. Pero pag-iisipan ko muna." Seryosong sabi niya.
"Wag kang mag-alala Ren, dahil mauunawaan ko kung ano man ang maging desisyon mo at rerespetuhin ko yun. Alam ko naman'g mabilis ang takbo ko. Sana ako ang piliin mo." Ani pa nito sa kanya nanlaki ang kanyang mata sa huling sinabi nito. Ngunit hindi nalang niya pinansin at nagpatuloy silang naglakad. Nagpasalamat si Ren sa sinagot nito sa kanya.
Tama magkaiba nga ang approach nila ni Carlo dahil magkaiba rin sila ng ugali. Subalit wala parin siyang kasiguraduhan kay Carlo maging kay Paul man.
Hindi narin siya kinulit pa ni Paul tungkol sa magiging sagot niya. Gayunpaman, simula nung umalis si Carlo sa restaurant ay hindi na niya nakita ang binata. Hanggang sa gumabi.
Nalaman din niyang live band lang ang show sa ikalawang gabi. At bukas pa ang awarding para sa competition nila.
For the second time around, she let herself all alone. Nakaupo siya sa isang duyan kung saan pwedeng makapagpahinga ang mga taong dumadayo roon.
Ilang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Napahawak siya sa kanyang magkabilang pisngi habang malalim ang kanyang iniisip.
"Bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo?" May galit sa tinig ng boses ng nagsasalita. Napapitlag siya sa gulat at napalingon siya sa likuran niya.
"Anong pinagsasabi mo?" Kunot noong sabi niya. Nang malamang si Carlo yun.
"Wag ka ng magmaang-maangan pa. Bakit hindi mo sinabi sakin na nagkita na tayo noon. Doon sa may lobby hindi ba?" may galit sa boses ni Carlo subalit nasa mahinahon ang pagkakasabi niya.
"Paano mo nalaman? Wala akong balak na magsinungaling sayo-"
"So, ano ang pinapalabas mo ngayon? Wala ka talagang balak na sabihin sakin ang totoo ganun?! Hindi na importante kung saan ko nalaman. I am very disappointed Ren. Shit! Bakit hindi ko napansin agad ang mukha mo. At kahit nagbihis ka pa ng isang magarang damit. Hinding-hindi parin maaalis kung gaano ka katanga. At yung mga sinabi ko kaninang umaga biro lang ang mga yun pinaglaruan lang kita." Sunod-sunod na rebelasyon nito sa kanya. Nangingilid na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
"Oo inaamin ko Carlo, tanga ako. Isa akong basahan sa harap mo noon. Ako ang nagmarka sa paborito mong shirt. Pero wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganito. Dahil sa totoo lang nanliliit rin ako sa sarili ko sa twing kasama ka. Wag kang mag-alala dahil hindi mo na ako makikita pa. Isa pa alam ko naman na wala sa ugali mo ang pagiging seryoso." Pinilit niyang pigilin ang pagpatak ng kanyang mga luha at mabilis na iniwan ang binata.
Nakatalikod siyang tumutulo ang kanyang mga luha habang palayo siyang lumakad. Ni hindi sumagi sa isip niya na malalaman niya ang totoo. Sasabihin naman talaga niya yun pero naghahanap pa siya ng tsempo.
Ngayon nalaman na ng binata ang lahat tungkol sa kanya. Alam din ni Ren na wala narin siyang maaasahan na magkatotoo pa ang mga sinabi nito sa sulat kanina.
Bumalik siya sa kanyang kwarto ng hindi man lang nagpapaalam kong nasaan siya. Parang naninikip ang dibdib niya dahil sa mga sinabi ni Carlo. Ilang beses na siyang umiyak ng dahil sa binata. Ilang beses na siyang sinaktan nito lalo na ang mga masasakit na salitang binitiwan nito.
Para bang unti-unti siyang dinudurog sa twing ang binata ang kanyang kaharap at ang nanginginsulto sa kanya. Kinuha niya ang sulat na ibinigay nito kaninang umaga. Binasa niya ang huling mensahe nito.
"Sana patawarin mo ko Ren. Hindi ko kayang makita ka na mapunta ka sa iba. Gusto ko ikaw ang palagi kong kasama. Kahit na ano ka pa tanggap kita. Kahit na ano pang isuot mong damit babagay yun sayo.
"Dahil napakaganda mo binihag mo ang puso ko ng hindi ko nalalaman. Ngayon, mas lalo ko pang gusto na makasama ka. You are the only woman who felt me like this Ren. Your different and makes me feel this strange feeling. I don't know if you feel the same way but I will wait for you until you will forgive me and love me." Ito ang huling mensahe na sinulat ng binata.
Napaiyak siya ng husto sa mga sinulat sa kanya ni Carlo. Gusto niyang paniwalaan na totoo ang mga nakasulat rito kaysa sa mga sinabi nito sa kanya kanina.
Napahawak siya sa kanyang mukha at dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Simula ngayon wala na talaga siyang pag-asa pang maniwala na magkakatotoo nga ang kanyang mga pangarap.
Napahiga nalang siya galing sa kanyang pagkaupo. Habang nakalapat ang sulat ng binata sa kanyang dibdib. Now, she's being so emotional. Dahil wala na siyang maihaharap pa sa binata.
Minsan silang nagkalapit nito at minsan rin itong nawala na parang bula. Isang magandang alala nalang ang babaunin niya mula rito.
Ang mga alitan nila ng mga sandaling magkasama sila. Ang mga pangungulit sa kanya ng binata. Lahat ng yun ay isa lamang magandang alala para sa kanya.
"Ren." Tawag sa kanya ng kumakatok. Napamilyar niya ang boses. Ang kanyang ate Giselle ang kumakatok.
"Ate, bakit? Inaantok na ako." Natatamad niyang sabi para hindi na siya kulitin nito.
"Buksan mo muna to'ng pinto. We need to talk." Ani pa nito kaya napalakad na lang siya sa may pinto para buksan yun.
"Ano bang pag-uusapan natin ate?" Sabay hikab kahit hindi pa naman siya natulog.
"Ano bang ginagawa mo dito?! Magkukulong ka rito buong gabi na dapat ay nasa labas ka at nag-eenjoy." Pangaral nito sa kanya.
Nagmartsa siya patungo sa kanyang higaan at humiga.
"Tinatamad ako ate. Ayaw kong mag-enjoy napapagod ako." palusot niya at napapikit mata.
"Napapagod?! Ni wala ka ngang ginawa buong araw eh. Ano ba yan Ren! Sino bang niloloko mo, ako?" Sabay yugyog sa kanya. Napadilat siya at napabalikwas ng bangon.
"Anong sinasabi mo ate?" Ani niya na tila may alam ito sa nangyayari sa kanya.
"Alam kong may hindi kayo napagkaka-unawaan ng idol mo. Pero wag kang magmukmok dyan. If I were you, I will enjoy this entire night. Kasi alam ko naman'g naroon siya sa bar ngayon at nag-eenjoy." sabi pa nito sa kanya.
Parang may kung anong pumiga sa kanyang puso. Dahil sa kanyang nalaman. Naroon si Carlo sumasaya habang siya'y wagas ang kanyang pag-iyak. Talaga ngang balewala lang siya para sa binata.
Huminga siyang malalim at nakapagdesisyon. Bakit nga ba siya magkukulong kung wala naman pala siyang halaga sa binata. Para saan pa ang mga pag-iyak niya kung ito mismo ay galit na galit sa kanya. Tumayo siya habang ang kanyang ate ay kinuha ang dala nitong paper bag.
"Mabuti pa maligo ka na. Coz I brought something for you. Let's enjoy this night Ren. Wag kang magpaka-oa dyan ok. Don't worry aayusan kita." Nakangiting ani pa nito sa kanya. Umirap nalang siya sa kanyang ate.
"Wag mo nga akong maira-irapan dyan. Sus! If I know gusto mo naman." Tumawa pa itong bahagya habang naghahalungkat ng kanyang mga gamit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro