Kabanata 21
Nang naging okay na ang ingay ay nilingon ko siya. Ngunit hindi niya ako tinignan. Nakatuon lang ang kanyang mga mata sa ibang mga modelo.
"Kung gusto mo siya. Why don't you ask her out." Naiirita kong ani.
"Are you kidding me? I can date whoever I want to date. I can kiss whoever I want to kiss and possibly I can touch whoever I want to touch. But the person I like the most of my entire life has been owned with someone else." Seryosong ani niya na may kalakip na inis at galit.
Naramdaman ko yun dahil sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ay parang nakakapaso, I can't identify if his jealous or what.
Ngunit sa isang iglap ay para akong natamaan ng pana ni kupido. Kaya napahawak akong bigla sa aking dibdib. Uminit ang panga ko sa kilig.
Even though he believed in a lie. I can't deny it that I really like seeing him so mad.
Sobrang gwapo talaga ni Carlo kapag nagagalit. Everytime his jaw clenched makikita mo talaga ang korte ng kanyang mukha.
Magsasalita pa sana ako pero mas minabuti ko na lang na tumahimik. Baka saan na naman mapunta ang usapan namin.
"Hi everyone! Goodevening ladies and gentlemen and welcome to Boracay! At this moment we have a show that will possibly entertain you and give you some giggle and fun! I want to introduce to you the Groove 'N Jam Dancers!!!" Masiglang opening ng emcee. At nagpalakpakan ang mga tao.
Tumunog na ang sounds at nagsimula ng lumabas sa stage ang mga dancers. Naghiyawan at nagsigawan ang mga taong naroon. May iba naman ay tumatalon talon pa na sumasabay sa bawat beat ng sounds.
"Come on guys! Manood tayo..." yaya pa samin ni Jamie at Rosemarie. Sabay pa kaming hinila ni Carlo kaya bahagya pa akong napatayo.
"Dahan-dahan lang guys yung paa ni Ren baka mapano na naman." Concern niyang sabi.
Concern si kumag ah... tsk as if talaga tong taong toh, ano!?
"Bakit Ren napano ka?" Tanong ni Jamie.
"Sumakit lang kanina yung paa ko. Pero mabuti-buti naman ngayon. Di bale susunod na lang ako sa inyo." Ani ko.
"Sigurado ka?" Paniguradong ani pa ni Rosemarie.
"You can stay here Ren instead of hurting yourself so badly." Matigas niyang sabi.
"Just go ahead guys, I'm staying here with her." Ani niya kung kaya't napaalis na lang ang dalawa.
"Hindi mo naman kailangang magpaiwan rito. Papano ka mag-eenjoy kung mananatili kang nakatayo dyan." Ani ko sa kanya.
"Hindi naman siguro mangangatog ang binti ko kung magdamag akong tatayo diba. Syempre naman uupo ako diba?" Sarkastikong ani niya.
Aba! Gago pala ang taong toh! Kung kanina ang bait-bait kapag nasa harap ng ibang tao. Ngayong kaming dalawa na lang ay ubod ng suplado!!! Nakakabwisit.
"You know what Carlo. You don't have to stay here with me. In fact I can handle it all by myself!." Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla siyang nawala. Akala ko pa naman may nakikinig pa sa sermon ko. Yun naman pala wala na.
"Hay salamat. At umalis narin ang kumag." Ani ko sabay buntong hininga.
"Sinong kumag ang tinutukoy mo?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.
"Loko ka talaga! Ginulat mo ko. Nakakainis! ba't ka ba laging nanggugulat ha?!" Hindi ko mapigilang ani at napakurot ko siya. Habang may bitbit siyang upuan.
"Aray naman! Talaga bang fond mo ang pangungurot?" Nakangising ani niya na tila ginaganahan pa ata.
"Hindi naman. Bwisit ka kasi" inikot ko ang eyeballs ko. Alam kong medyo maingay ang paligid dahil sa dumadagungdong tugtugin. Umupo pa siya sa tabi ko... palihim akong ngumiti.
Sometimes were in good terms, sometimes we are not. Carlo is unpredictable. Kaya naman para kaming mga aso't pusa kung magbabangayan.
His too tight in every moment that I can't understand his attitude. Kasi palaging may tupak sa ulo ang lalaking toh. Daig pa ata ang babae kung may sayad ang utak.
Kung di nagagalit, nagseseryoso naman, o di kaya naman ngumingiti. Parang baliw diba? May ganito palang tao, sa mundo? Kung pupwede lang baka sinabihan ko na talaga siya ng baliw. Pero may ganun ba na sobrang gwapo at sobrang kisig ng pangangatawan...
Nah! I don't know what his up to. But there are times his so damn annoying. Not just there are times but many times! Kung minsan hindi na ako makakapagpigil kaya kinukurot ko na lang siya. Dun ako magaling eh ang kurutin siya.
"Ang sarap naman pala dito." Ani pa niya habang nakaupo. Hindi pa talaga nag-uumpisa yung show. Kasi hindi pa tapos ang first intermission number.
"Anong sabi mo?" Medyo nilakasan ko ang aking boses. Kasi naging mas malakas na din kasi yung sounds.
"Sabi ko ang sarap kapag ikaw ang katabi ko." Ani niyang napalakas tin ang boses.
"Ano??" Napalakas kong ani ulit.
"Ang sabi ko. Masarap palang mag-relax dito." nilakasan na talaga niya ng mabuti ang kanyang boses. Para mas mainam kong marinig.
"Ganun ba.." sagot ko sa kanya.
"Ganun na nga."
Nang ilang sandali pa ay tapos na ang intermission number. Umakyat muli ang emcee at inintroduce nito ang show. Kaya napatayo na kaming dalawa ni Carlo.
"So guys... this is it! Galingan niyo ok?" Ani pa ni Enrico samin. Napatango lang ako at ngumiti lang si Carlo. Lumakad kami papalapit sa stage. Nasa kabilang banda yung mga babae yung mga lalaki naman nasa kanan.
"Camille, do I need to wear my heels right now? Lumulubog sa buhangin eh."
"Mamaya nalang Ren kapag malapit kana." Andun lang siya sa tabi ko. Last candidate kasi kami. Mga twenty candidates yung sumali sa show.
Kaya naman marami talaga kami. Nasa harapan sila Enrico kasama ang iba pang mga modelo namin.
Isa-isang tinatawag yung representative ng bawat studio. Magaganda at ang gugwapo rin ng mga sumali.
Ilang tao nalang ang naiwan at ako na't si Carlo ang lalabas sa stage. Hanggang sa dalawa nalang talaga. Sinuot ko na yung heels ko. Buti nalang may matigas na bagay para hindi lumubog yung heels sa buhangin.
Now its our turn to show up on the stage. Kinakabahan ata ako. Lord help me make this out.
Sabay kaming lumabas ni Carlo sa stage. I saw his sparkling eyes staring at me. Na siyang ikinangiti ko rin. When we're in the middle he touch my waist.
"We can do this." Ngumiti siya ng buong kasiyahan. Tumango ako at sinuklian rin siya ng ngiti.
Isang couple pose ang ginawa namin. Tapos ay hinawi niya ang kanyang kamay at sabay na kaming lumakad patungo sa gitna.
Pagkuwa'y nagseparate ways kami tapos balik naman sa gitna. I know this is kind of awkward but its a couples show. Napahawak ako sa dibdib ni Carlo at siya naman sa aking baywang.
Hiyawan at tilian ang narinig namin sa mga audience. At inalis ko na ang aking kamay at pumuwesto na kami sa bandang gitna kung saan kami tatayo.
"This is our candidates in Mr. and Ms. Great Smile Summer Sunshine. And one of them will be the winner so just hold on tight guys!" Masiglang ani pa ng emcee. Nagpalakpakan rin ang mga taong naroon. At isa-isa na kaming lumakad papabalik sa back stage.
"Are you alright?" Nag-alalang tanong niya.
"Ok lang ako Carlo salamat sa pagtatanong."
"Masakit pa ba yung paa mo?" Umiling ako at nagseparate na naman kami ng exits kung saan kami dapat na lumabas.
"Oh..my..God.. You two are perfect combination! Sana andito si Adrianna para masaksihan ang bawat paglabas niyo." Masayang ani ni Enrico.
"Salamat Enrico." Ngumiti ako.
"Oo nga Ren, ang cute niyong dalawa ni Carlo. Talagang totoong pang-couple ha." Ani pa ni Jamie na may kislap ang mga mata.
"So, dapat kayong magprepare sa talents niyo. Kakanta kayong dalawa as duet ok." Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.
"Sandali lang po. Hindi naman na mention sa meeting na may talents pa pala." Ani ko.
"Yun na nga hija. Kaninang umaga lang nila sinabi. Mabuti nalang at medyo nakahanda kami kaninang umaga. Kaso yung practice niyo na lang ni Carlo yung hindi."
"Ano ba yung kakantahin, Enrico?" Tanong pa niya.
"Wish by Donna Cruz and Jason Everly. Alam kong familiar na kayo ng kantang yan kasi dekada na ang kanta." Ani pa ni Enrico.
"Oo pero masyado naman atang nakakagulat tong show na to. Nakakashock." Nasa boses ko ang iritasyon.
"Yun na nga, hayaan na lang natin. Sayang naman kung wala tayong iprepresenta. You can used my laptop para marinig niyong dalawa yung music." Sabi pa ni Enrico sabay bigay ng kanyang bag kay Camille.
"Camille, ikaw naman yung nakakaalam kong saan nakalagay yung music. Paki-tulungan naman sila Carlo. Susunod ako kakausapin ko muna ang organizer."
"Sige po sir." At umalis na ito.
"Tayo na. Kayo Jamie, Rose di kayo sasama?" Ani pa ni Camille.
"Susunod kami Cam." Sagot ni Jamie.
Kaya lunakad kami papalayo sa show kung saan di masyadong maraming tao.
"Ano bang klaseng show toh. Hindi nagpapaalam na may talent pa pala."reklamo ko.
"Sometimes Ren you have to be ready. Unexpected things happens all the time. Umiiba kasi ang desisyon ng mga tao." Seryosong ani niya.
"Sana man lang diba. Sinabihan nila yung models ng maaga." Naiirita talaga ako. At nakarating na kami sa may isang bench na good for four persons yung upuan.
"Guys ihahanda ko muna yung music ha." Ani pa ni Camille. Tumango na lang kami at tahimik na umupo.
"They already told the others. Maybe ikaw lang ang walang alam." Pabalang niyang winika.
"Excuse me?? So alam mo na pala na may talents ang dapat sumali?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Technically, just a while ago. And besides I'm familiar with song. So, nothing to be worry about." Kaswal niyang sagot.
"Talaga lang ha." Inirapan ko siya.
"Used this guys, para malaman niyo kung saan kayo papasok." Binigay samin ni Camille yung headphones. Isa ang akin at isa naman ang sa kanya. Kaya sharing ang tripping namin dito.
Nagsimula ng tumugtog yung intro. I felt nervacking but I have to be calm.
Buti nalang my lyrics kahit na memoryado ko naman ang kantang toh. Coz this is one of my favorites.
Me:
There's a stars in a sky tonight
And trembles like my heart.
Bigla pang tumili si Camille na tila kinikilig.
Carlo:
And in this world were alone tonight
So close yet so far.
Napasulyap ako sa kanya dahil ang lamig rin ng boses niya. Nakakainlove.
Me:
My heart would never lie
I can feel you want me too.
Carlo:
I can feel you want me too.
Me:
And if this star should fall
Then baby there's what we should do.
Magchochorus na sana pero dinatnan ako ng kakaibang damdamin. Gosh! Naiihi ako! Shit!
"Time out muna." Bigla kong sabi at tinanggal ko ang headphone sa tenga sabay tayo.
"Bakit? Ang ganda niyo kayang pakinggan, Ren. OMG! Ang gaganda pala ng boses niyong dalawa ha." Nakikilig pang sabi no Camille.
"Perfect match in common. Nakakainggit." Ani pa niya na tila nainlove.
Kumunot noo si Carlo'ng nakatingin sakin.
"I need to pee, masama ba yun?" Kaswal kong sabi.
"Naku naman... wrong timing naman yang sayo Ren oh. Sige bilisan mo, para makapagpractice pa kayo ni Carlo." Namumugtok ang mukha ni Camille.
Madali kong tinakbo ang restroom sa may di kalayuan.. Umihi agad ako na may kaba sa aking dibdib.
There is partly in my being na tila nahuhulog na ng tuluyan ang naglalagablab kong puso. Na pilit kong pinipigilan.
Sinasara ang pinto ng aking puso. Subalit ang tadhana na ata ang palaging nagbibigay ng tyempo sa aming dalawa ni Carlo.
Bakit hindi nalang ba ako pakisamahan sa gusto kong mangyari. Ayaw kong umibig ng todong todo sa taong bumasag ng aking masayahing puso. Na punong puno ng kulay, pag-asa at pagmamahal.
Gusto ko ng ihinto at hindi nalang ipagpatuloy ang pagsali sa kompetesyon. Dahil sa bawat mensahe ng kanta ay natatamaan ako. Sa bawat lyrics nito ay naaalala ko ang sarili noon na sobrang baliw ako sa kanya.
Nasa harap ako ng salamin. Sinusuri ang aking sarili. Kung kakayanin ko pa bang gawin ang bagay na ito na kasama siya.
"Ren...kung hindi mo naman pala kaya. Bakit mo pa tinanggap, alalahanin mo'ng may dalawang araw ka pa para pakisamahan siya." Pangaral ko sa aking sarili.
"Ren! Ren! Ren!" Narinig kong sigaw ni Camille galing sa labas ng restroom.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro