Kabanata 2
Hindi ko na ata mabilang kong ilang beses kong binubuklat ang aking scrapbook para lang makita ang kanyang gwapong mukha.
Ang makisig niyang pangangatawan, and his shoulder was so tight like if you hug him you will definitely drawn by his biceps and his tempting brown eyes. Gosh! And his lips the color of it is so natural. I don't know how many girls he kissed, but for me he damn driven me crazy.
Ano kaya ang gagawin ko kung bibigyan ako ng pagkakataong makita siya??? I hope someday I will meet him... sana pagbigyan ang munti kong hiling..
"Obsessed na ata ako sa my love kong
si Carlo." Napangiti ako sa mga ginawa ko. Every pictures of him has a quotes of love and some of it has a words of Loving You Forever. I Love You Till the End.
Naging prince charming ko si Carlo sa aking mundo na ako mismo ang gumawa.
But in real world kabaliktaran ang lahat ng yun, walang Carlo'ng hahawak ng kamay ko, susubuan ako, hahabulin ako. Nakakalungkot kasi sa panaginip ko lang siya makakasama o makikita.
Ang boring naman... nakadama ako ng pagkabagot kaya nakapagdecisyon akong pumunta ng MOA.
And guess what, kung ano ang suot ko. Pero para sakin maganda na itong damit na panlabas ko.
I am wearing a plain white v-neck long sleeve and of course with matching below the knee skirt. Mall kaya ang pupuntahan ko, and please don't laugh at me. Alam ko naman eh, may pagkabaduy akong manamit.
Namasyal ako sa mall hindi ko talaga maiwasan na mapayuko. Coz I've seen my reflection in a mirror.
"Hindi naman pangit tong suot ko ah... at saka bagay naman sa complexion ko. Inggit lang siguro sila." Tiningnan ko ulit ang aking sarili. Napailing nalang ako ng mapagtanto ko na, talagang napaka-baduy ko nga.
Alam kong iba na ang henerasyon ngayon subalit masama bang ganito? Napadpad ako sa may WOF.
Narinig ko kasing may kumakanta at ang ganda pa talaga ng boses. Kaya pumasok ako at namataan ko ang kumakanta.
Katabi niya ang gwapong lalaki na nakaakbay sa kanya. Napatingin ako sa kanila kasi talagang perfect match sila.
"Pangako hindi kita iiwan, pangako di ko pababayaan. Pangako hindi ka na mag-iisa. Pangakong magmula ngayon tayong dalawa ang magkasama."
Yun ang kinanta ng babae na ubod ng ganda at binigyan siya ng isang halik ng lalaki sa kanyang labi.
Naisip ko tuloy ang aking Carlo. Napabuntong hininga ako.
Napalingon ang lalaki sakin kasi may kantang nakapending.
"Miss, sayo ba tong kanta?"
Gwapo siya, pero mas gwapo ang Carlo ko.
"E--hhh. K--asi..." nabubulol kong sabi.
Binigay niya sakin ang microphone at umupong muli sa tabi ng kanyang girlfriend.
God tulong po, marunong akong kumanta pero hindi maganda ang boses ko kagaya niya... Diyos ko... Nasaan pala yung may-ari nitong kanta.. hahays...
Lumabas na ang title ng kanta. Your Love by Jim Brickman. Nanginginig ako at nagsimula ng kumanta.
"It's not the flower wrap in fancy paper it's not the ring I wear around my finger."
"Babe ang ganda ng boses niya napaka-soothing." Puri sa akin ng babae at napansin kong may binulong siya sa kanyang boyfriend.
Tumango lang ang gwapong lalaki at malaya lang silang nakinig sakin ah infairness.
"If you could give me wings to fly catch me if I fall or pull the stars up from the sky so I could wish on them all. I couldn't asked for more coz your love is the greatest gift of all."
Pumalakpak pa talaga sila pagkatapos kong kantahin ang chorus. Uminit ang pisngi ko sa hiya.
Tagal naman matapos nito bakit pa kasi ako nagpunta rito. Yan tuloy napasubo ako, hay nako bridge na.
"You could offer me the sun and moon and I could still believe. You gave me everything if you gave your heart to me."
Shiiit... muntikan na akong mabilaukan dun ah...
Tumayo ang lalaki at lumabas siya kasi may tumawag sa kanya. Malapit ng matapos ang kanta ay agad bumalik ang lalaki.
"Babe tayo na. Galit na naman kasi si Carlo." Ani ng lalaki ng pagkarinig ko sa pangalang Carlo bumilis ang pintig ng puso ko... kahit hindi naman ako sure kong si Carlo ko ba yun o kapangalan lang.
"Sige, sige. Miss ang ganda ng boses mo gustong gusto ko. Anong name mo?" Tinanong niya ako.
"Ren----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi nagmamadali si gwapo.
"Babe tayo na.." Ningitian ko nalang siya at ganon din siya.
"Bye Ren and nice meeting you." At umalis na sila.
Doon pa ako nakahinga ng maluwag. Buti na lang hindi gaanong marami ang tao kasi nagkataong weekdays. Inilagay ko ang microphone sa lalagyan at umalis na sa lugar na yun.
Tama na ang gala, uuwi na ako. Baka magalit na naman si ate dahil wala ako sa bahay lagot na naman ako.
Pumara ako ng taxi.
Seriously? Kahit taxi ang hirap makakuha. grrr.
Ilang sandali rin akong nakatayo roon, ay may taxing nakaparada sa harapan ko. Kala ko pwede ng sumakay pero may lumabas na isang babae na half foreign at ang ganda niya't matangkad pa.
Nasa harapan ko siya at wow ha ang galing nya rin... Hinead to foot pa ako at ngumisi siya't lumakad papalayo.
Palibhasa ang ganda ng suot mo!!! Kung makapanglait wagas!!! Ani ko sa sarili.
Sasakay na sana ako at agad naman pinaandar ng taxi ang sasakyan. Natulaley ako sa inis.
"Manong!!! Sasakay yung tao!!! Bwisit talaga. Nakita niyang may tao. Magaganda lang ba ang pwedeng magtaxi!!! Bad trip naman." Ani ko kahit alam kong hindi niya rin yon maririnig.
Walang akong choice kundi mag-jeep nalang...
Hindi ka naman pangit, pero parang saan'g bundok ka naman galing dahil sa suot mo Ren nasa kamaynilaan ka po... saway ng aking sariling isip.
Nag-jeep siya at kahit sa jeepney pinasadahan siya ng tingin ng mga pasaherong nakasakay.
Hindi ko sila pinansin kasi nasa dulo ako ng jeep nakaupo katabi ang isang matandang babae na nasa late 50's.
"Ining, alam mo maganda ka sana pero parang napag-iiwanan ka na ata ng panahon." Ani pa ng matanda.
Nalaglag ang bagang ko sa kanyang sinabi at napatawa ang iilang pasaherong sumasakay roon dahil sa kanyang sinabi.
"H-ho? Siguro nga po napag-iwanan ako, pero di po ba mas mainam na ang ganito kaysa nakaladlad ang katawan at kaluluwa mo sa sobrang iksi ng damit." Inimphasize ko talaga ang huling salitang sinabi ko.
Wala akong pakialam kong may matamaan man ako, pinagtatanggol ko lang ang sarili ko sa kanila.
"Kung sabagay may punto ka hija. Pero papano ka magkakaboyfriend niyan kung ganyan ang ayos mo." Napalunok na ako sa kanyang sinabi.
"Hindi naman ho minamadali ang pag-ibig lola. Kung may magmamahal po sakin dapat tanggapin nya rin kung ano ako. Hindi yon binabase sa ayos ng buhok, sa ganda at hubog ng pangangatawan at sa kung ano ang klaseng damit na sinusuot niya. Siguro yun ang totoong pagmamahal."
Natigilan ang lola sa mahabang esplika ko sa kanya. Kasi naman napakapakialamera. Hindi ko kaya siya inaano.
"Hay nako hija. Nakikita ko sayo ang sarili ko noong araw. Swerte lang ay may nadapa at nagmahal sakin." Napatawa pa siya at bahagyang nagpaalam kasi bababa na siya.
Pagkababa ni manang lola, katahimikan ang nanaig sa loob ng jeep. Dahil siguro natamaan ang mga sumasakay sa mga sinabi ko. Hindi ko mapigilang matawa kasi naman totoo nga diba.
If the person really loves you, you don't have to change just to please other people to like you. Maybe changing is for better but to please a person just for love, so pathetic....
Bumaba na ako ng jeep dahil malapit nalang din naman yung amin lalakarin ko na lang.
"Hoy! Ren lumabas ka pala sa lungga mo???" Ani pa ng tambay na napadaan ako sa may tindahan.
"Oo anong pakialam mo!?" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Ang suplada! kala mo naman kung sinong maganda." Nagtawanan sila ng malakas.
Binilisan ko ang aking paglakad.
Nakakainis naman! talaga bang ganito nalang palagi. Hay nako, bahala sila sinasayang lang nila ang laway nila sa kakadada ng mga walang katuturan! Asar!
Nasa bahay na ako at tamang tama wala pa si ate. Medyo maaga pa naman kaya nanood nalang muna ako ng tv.
Pagbukas ko ng telebisyon, ang nasa advertistment ay ang Carlo my love ko. Nagmomodelo siya sa bench at napatili ako sa kagwapuhan niya...
"Hay nako.. ba't ba ang pogi-pogi mo. Hindi ka naman mareach, kasi ang taas-taas mo na. Modelo ka, ako? Isang hamak na tagasugid lamang." I sighed. Habang pinapanood ang commercial.
Nanood na lang ako ng palabas sa telebisyon. At hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni manang lola.
Kung sabagay may katwiran rin siya pero ito ang gusto kong suot. Kahit nga sina ate at tita hindi ako mapapilit eh sila pa kaya na hindi ko kaanu-ano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro