Kabanata 17
Napabuntong-hininga siya bago niya hinawakan ang aking baba para magtama ang aming mga mata...
"I know, I'm such a jerk. But I always wanted us to be friends Ren. Pero-"
"Friends?" Sabay tulak ko sa kanya.
"Ganyan ka pala makipagkaibigan, Carlo?! Ang asarin at inisin ang taong gusto mong kaibiganin?! Porke't sikat ka na ay pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo! Hindi ka pa ba nakontento Carlo. Ako lang ba ang babaeng pwede mong asarin at inisin hangga't gusto mo!?" Asik ko sa kanya. Hindi ko na mapigil ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
"Ren, I admit it was my fault. I just don't want to see you hurt. Lahat ng yun ay katuwaan lang Ren." Malumay niyang sabi sakin na nanatiling nakakatitig. Trying to reach me, trying to keep me closer to his goddamn fucking arms!
"Who are you fooling for, Carlo? Tama na, kahit kailan hindi tayo magiging magkaibigan. Kahit kailan hindi tayo magiging close!" Napapaluhang ani ko at mabilis ko siyang tinalikuran papalayo.
Pinunasan ko ang aking mga luha at kinalma ang sarili ng nasa loob pa ako ng elevator.
Hindi ko na kaya, oo mahal ko siya pero sa ipinapakita niya sakin. Ay hindi ako naging mahalaga sa kanya. Kahit bilang isang babae o ni isang tao man lang. Hindi niya ako kayang respetuhin.
Ganito nalang ba ako kababaw para hindi niya magawang respetuhin! Ni ang dating ayos ko nga ay parang basahan sa kanyang paningin.
Ngayon naman ay pinagkakatuwaan niya ako kung kailan niya gusto. Aasarin, iinisin at iinsultuhin kapag sa oras na okay siya! Masakit na, sobra na siya. Hindi ko na kaya.
Bumukas yung lift ng elevator. Tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salaming naroon. Huminga ako ng malalim. Bago tuluyang nagpakita sa lobby ng hotel.
Luminga-linga ako subalit wala na sina tita roon. Siguradong nauna na ang mga iyon dahil nainip na sa kakahintay sakin.
Lumabas ako sa hotel at naglakad-lakad sa dalampasigan. I always wondering why Carlo, always trying to make fun of me. Hurting my feelings so easily. Nauutal ba siya para sabihin ang totoo. Kung ano ba talaga ang totoong pakay niya sakin..
Kahit ako mismo hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sobrang gusto ko siya, gusto ko na hindi ganun ang trato niya sakin. Pero kahit anong gawin ko, nagiging katawa-tawa ako sa harap niya.
Napadaan ako sa isang bench na may umbrella'ng nakashade para sa umuupo roon. Nakita ko sa bawat paligid ang mga tao. Halos lahat ay puro couples. Magkahawak kamay o di kaya magkatabing nakaupo. May naglalaro pa sa tabing dagat.
Alam ko naman na ni isa sa mga iyon hindi magkakatotoo. Gusto kong lumayo sa kanya. Ang hindi na makita ang pagmumukha niya. Kaya magtitiis ako hanggang matapos ang larong ito. Dahil sinisigurado kong huli na ito!
Mag-isa akong nakaupo roon ng may nagbigay sakin ng makakain at maiinom.
"Ma'am pinapabigay po sa inyo?" Ani ng lalaki.
"Kuya, hindi po ako umorder ng anuman."
"Alam ko po ma'am pero tanggapin niyo na lang po itong pagkain." Giit pa niya.
"Sino bang nag-bigay?" Tinaas ko ang aking kilay.
"Hindi ko po alam yung pangalan ma'am. Basta ang utos niya ipapabigay lang sa inyo."
"Ganun? Sabihin mo sa taong yun. Hindi ko kailangan ng pagkain. Makakaalis ka na." Mariing sabi ko.
"Ma'am please, tanggapin niyo na po. Wag na kayong magalit, buti pa nga kayo ma'am may nagbibigay sa inyo ng pagkain. Sige na po ma'am tanggapin niyo na po." He insisted, napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kaya tinanggap ko na lang ang cake at juice.
"Salamat."ikling sagot ko.
"Walang anuman po ma'am." Ani nito at umalis na.
Pinagmasdan ko lang ang pagkaing nasa harapan ko. Batid kong alam ko kung sino ang nagpapabigay nito sakin.
"Ate, hello po!" Pasigaw na bati sakin ni Sam sabay kaway.
"Hi Sam, kumusta na? Sinong kasama mo rito?"
"Sina tito at tita po. Pero andun po sila." Turo pa niya sa dalawang couple na magkaholding hands habang naglalakad.
"Ah.. ganun ba. Buti nalang namataan mo ko Sam."
"Syempre naman po. Nakalimutan ko rin po kasing itanong sa inyo yung pangalan niyo po ate eh." At umupo siya sa tabi ko.
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Just call me Ate Ren." Ngumiti ako sa kanya.
"Hello little girl." Bati pa ni Carlo na napaangat ang kamay sa ere na napa-hi.
Matalim ko siyang tinignan at umupo siya sa harap ko.
"Wow, may cake pala si Ate Ren. Gusto mong kumain?" Tanong pa niya kay Sam.
"As if.." mahinang sambit ko.
"Yes kuya, gusto ko." Nakangiting sabi ni Sam.
"May sinasabi ka ba Ren?"usal niya.
"Ay wala." Kiming ngumiti ako sa kanya.
"Ok beautiful, I'll get one for you then." Tumayo siya at umalis sa mesa.
"Ate, ano po palang pangalan ni Kuya?"
"Carlo." Ani ko na hindi ko talaga ginagalaw yung cake.
"Ahh ok. Ate bagay po kayo ni kuya." Sambit niya.
"A-ano? Hindi ah.. may girlfriend na yun." Mabilis kong ani ko sa kanya.
"Ay sayang naman. Kasi sa tingin ko mas bagay kayong dalawa Ate Ren, e."
Tumawa nalang ako sa pinagsasabi niya. She's a nice and brilliant girl. Gusto ko ang pagiging madaldal niya.
"Hi girls... here's your cake and juice my little princess." Sinilbihan pa niya ang batang si Sam na para nga'ng prinsesa.
"Thanks kuya Carlo." At sumubo ng pirasong cake.
"Kuya Carlo, I just want to ask you. If you don't mind po." Tanong pa niya habang sumusubo ng cake.
"Of course, what was that little girl?" Ngiting sabi pa niya. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Habang nilalaro ko ang straw ng juice ko at napainom na nga ako. Habang sumusubo rin si Sam ng cake.
"Sabi ni Ate Ren may girlfriend ka na raw e." Nasamid ako sa sinabi ng batang ito at napaubo.
At napatingin sila sakin at ngumiti pa ang isang to. Na kung makatingin ay para bang nakakapanindig balahibo.
Hinaplos ko ang aking kamay para makaiwas sa malagkit niyang titig.
"Ate okay ka lang ba?"
"O-o okay lang." Ani ko sabay lunok ng juice na muntikan ng matapon.
"So, about your question little girl. Precisely yes." Napatingin ako sa kanya habang ang mga mata niya'y nakatuon sa batang makulit na si Sam.
"So, totoo nga po pala talaga. Sayang naman."nadidismayang ani pa nito.
"Yes, I have girl friends but I don't have a girl who owns my heart, yet little girl." Ngumiti pa siya sabay sulyap sakin at umiwas rin ako ng tingin.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya. Pero sa kaibuturan ng puso ko naroon ang kakaibang kilig na siyang bumuhay ng aking illusyon.
"I knew it!!!."masayang ani pa niya sabay subo sa pang huling cake na naroon sa kanyang plate.
"Sam, hija halika na." Sigaw ng isang babae at kumaway pa sa kinaroroonan nila.
"Tinatawag ka na little girl." Ani pa ni Carlo.
"Opo." Pasigaw na sabi ni Sam.
"Kuya Carlo, sabi ni ate Ren type niya po kayo." Biglang sabi pa ni Sam at mabilis na tumakbo papalayo samin.
Napalunok na lang ako na parang nabingi sa sinabi ng bata.
"Is that true?" Malumay niyang sabi na may kislap ang mga mata.
"What's true?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ren, look. I'm really sorry about those immature attitude that I've shown you. Alam kong mali yun-"
"Buti naman at alam mo." Ani ko na nakayuko habang kumukuha ng cake para sumubo.
"Will you please look at me just for once."sabay hawak niya sa kamay ko. Napatingin ako rito at inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.
I saw his deep brown eyes asking for forgiveness. Ang malumanay niyang mga mata na siyang nagpalambot ng nagagalit kong puso...
I wasn't expected that this moment will come. Bahagya kong hinawi ang aking kamay.
"Look Carlo, ayaw kong magbiruan sayo. Ni ayaw ko rin'g makipagplastikan sa harapan mo. Na okay lang sakin. Na walang problema pero sumusobra ka na kasi. Akala ko nung una titigil ka pero mas lalo ka pang lumala."
"Yun na nga, yong punto ko dito. I want to apologize for what I've done to you. But I guess you hardened your heart already."
"My heart is not numb Carlo. Ayoko lang na mas lalo akong masak--"
"Uie, nandito lang pala kayo. Hinahanap kayo nina Miss Adrianna at Enrico. Kasi magpapapicture taking daw yung sasali sa competition." Ani pa ni Rosemarie. Maybe its not the right time for the two of us.
Napatayo kaming dalawa. Nauna na si Rosemarie at nilapitan ako ni Carlo.
"Ano yung huli mong sinabi?".mahinang tanong niya sakin.
"Wala yun. Just forget about it." Ani ko at nilagpasan ko siya na hindi ko siya nilingon.
Sinundan ko lang si Rosemarie. Papunta kami sa nakahilerang bench na may shade rin'g umbrella. Namataan ko ang isang bench na may pinalibutan ng mga tao.
Kinawayan ni Rosemarie ang tita kong nakatingin sa kinaroroonan namin. Sumenyas pa siya ng double time. Kaya napabilis ang aking lakad patungo roon.
"Okay, I know that all of you is excited about this competition. That's why we want to take some shoots for your couples bet in, Mr. and Ms. Great Smile Summer Sunshine."
Nanlaki ang mga mata ko, couples bet pala tong competition na toh! Ba't di nila sinabi.
"I thought its just a fashion show." Mahinang anas ko.
"Its for fashion but its not a fashion show. They make a new gesture for this competition. So they decided it would be a great asset if they will change the theme. Kaya yun." Marahang sagot niya.
"At least someone have just told me. Coz I'm literally I'm not into this thing." Matalim niya akong tinitigan.
"Why? It's because of my immature thingy. Does it mean, ayaw mo na akong makapares? Yun ba ang ibig mong sabihin, Ren?"
Damn! He fierce his eyes at me. Na tila nangatog ang binti ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Alam mo, ang pangit mong tingnan pag ganyan ka. Alam mo ba yun?" Inirapan ko siya at bumalik ang tingin ko sa nagsasalita.
"I'm sure that all of you are prepare so lets go first to Greg's Flawless Photography." At nagmartsa rin yung representative nila.
Nakatopless ang lalaki na kitang-kita ang mga abs niya sa katawan. Ang mga muscles niya na nag-rereflex sa bawat galaw niya. Di ko mapigilang mapanganga.
"I'm much better than that. Isira mo nga yang bibig mo baka pumasok yung langaw." Iritadong ani pa niya na nakapamaywang.
Bigla kong rin'g sinara ang bibig ko.
"Hindi naman ah..."
"Kunwari ka pa, eh napapantansya ka dun sa tao. Eh kahit hindi naman sayo nakatingin."
"Anong napapantasya ba ang sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Eh kung makatitig ka parang hinuhubaran mo na yung tao. Nakatopless na nga, ganyan ka pa kung makatingin." Iritang irita talaga siya.
"Ano bang ipinagpuputok ng butsi mo ha? Namangha lang naman ako sa kanya problema ba yun?"
Nagtatalo kami ngayon, as if parang kami. Kung makapagsalita siya ay parang kasintahan niya ko. Hindi ko naman siya boyfriend eh. Ba't siya galit kung tumitig ako...
"Wala ngang problema, pero kung makatitig ka sa kanya ang lagkit-lagkit."
"Pwede ba Carlo, single akong babae. Wala kang pakialam kong tumitig man ako o hindi!" Napalakas ang boses ko. Na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat.
"Ay... pasensya na po. Hindi po sinasadya." Paghinging paumanhin ko.
Loko talaga ang Carlo'ng toh! Ilang beses na talaga akong pinapahiya nito sa maraming tao...
"Ba't pa kasi tumititig sa iba, na andito naman ako." Mahinang sabi niya.
"Anong sabi mo???" Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong may sinabi siya hindi ko lang masyadong narinig kasi may nag-uusap rin malapit samin.
"Ang sabi ko tinatawag na tayo. Let's go.".... I know he says something to me...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro