Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Alam kong masyado ng late, and I need to take a rest kasi may pictorial pa bukas. Nagpaalam muna ako kina mama at grandma. Pakiramdam ko kasi dinadaanan na ko ng antok.

Gustuhin ko man'g manatili pero hindi na kakayanin ng napapagod kong mga mata. Isa pa andun naman ang asawa niya. Humalik ako sa pisngi nina mama at grandma.

"Sige, hijo mag-ingat ka pauwi ha. Tinawagan mo na ba ang Tita Danielle?" Tanong pa ni grandma.

"Yes mi, they will be here soon." Ani ko.

"Ma, ok lang po ba?" Tanong ko sa aking ina sabay halik sa pisngi. Nilingon ko si Francis at tumango lang siya habang si Tracy naman ay mahimbing na natutulog.

"Sige na hijo, umuwi kana tutal andito naman si Francis."

"Salamat ma." Ani ko at lumabas na ng room. Habang tinatahak ko ang hallway may dumaan sa may di kalayuan.

"Si Paul ba yung nakita ko?" Tinakbo ko hanggang sa dulo ng hallway. Pero nawala rin siya.

"Impossibleng siya yun, baka dala na ito ng pagod at antok ko. Makauwi na nga." Lumabas na ako ng ospital at sumakay na Evo.

Nasalubong ko rin ang sasakyan ni Tita Danielle at bumusina ako. Bumisina rin ito pabalik at nilagpasan ko na sila.

Habang tahimik akong nagmananeho, hindi ko parin mapigilang mapapikit. Kaya pinindot ko ang stereo at isang love song ang pumukaw sa natutulog kong diwa.

All I am, All I'll be

Everything in this world

All that I ever need is in your eyes

Shining at me and your smile I can feel

All passions unfolding...

Your hand brushes mine with a thousand sensation

Seduce coz I...

Habang patuloy na tumutugtog ang kanta. Bahagyang sumagi sa aking
isipan ang maamong mukha ni Ren.

Ang mga matatamis niyang ngiti na sumusungaw sa kanyang mga labi. Ang itsura niyang nakakatawa kapag napipikon o naaasar siya. Ang matuwid at maitim niyang buhok na amoy halimuyak.

Hindi ko alam kong anong hair shampoo ang gamit niya. Dahil nanunuot ang mabangong amoy nito sa aking ilong sa twing napapalapit ako sa kanya.

"May boyfriend na kaya siya?" Bahagya kong nasabi habang nagmamaneho.

Opps! Hands off ka ata sa isang yan Carlo nakalimutan mo na bang pamangkin siya ni Adrianna Gomez isang sikat na Fashion Photographer.

Sa tingin mo ba papasa ka kay Adrianna Carlo, lalong lalo na kay Ren. Nakalimutan mo narin bang kilala ka bilang isang hot looking playboy.

Napabuntong hininga ako, ng maalala ko ang mga kalokohang pinanggagagawa ko. Napaisip rin ako bakit kaya ako nagkakaganito ngayon.

Narating ko rin ang bahay at marahang pinarada ang sasakyan sa garage. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa aking kwarto.

Napabagsak akong humiga sa kama at hinayaan ko na lang ang sarili na malunod sa antok.

Kinaumagahan, ay nag-alarm ang alarm clock ko na nasa side table. Ayaw ko pang gumising subalit kinakailangan. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahang bumangon.

Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis na. Hindi ko namalayang ang nadampot kong damit ay yung shirt na minarkahan ng lang hiyang babaeng yun! Nalabhan na ito subalit may konting marka parin ng ink sa damit ko.

Rumihestro sa aking isipan kung papano binigay ni Daddy Louis ang regalo niya. Bumuga na lamang ako ng hininga. Ayaw kong sirain ang araw ko ng dahil lang sa babaeng yun!

Buti nalang at hindi ko na siya nakita. Kundi hindi, mapapatay ko talaga siya. Kahit na babae siya hindi ko talaga siya lulubayan! Napakuyom ako ng kamao at ibinalik ang damit sa loob ng cabinet at kumuha nalang ibang maisusuot.

Mabilis akong bumaba at tumungo sa kusina. Naghanda na si Manang Rebecca ng agahan.

"Goodmorning, Manang." Bati ko sa kanya.

"Goodmorning din po sir."

Umupo ako habang nilalapag ni manang ang aking agahan. Pagkuwa'y nagsimula na akong kumain dahil may hinahabol rin akong oras.

Ininom ang juice na hinanda niya. Di gaanong marami ang kinain ko basta lang may laman ang aking tiyan. Anyways, I can eat later naman kapag breaktime.

"Manang kapag tumawag si mama pakisabi sa kanya na nakaalis na ako ha."

"Sige po sir, makakarating." At napatingin ako sa wristwatch ko. I know I am terribly late. Mabilis kong tinungo ang garage at pinindot ang car remote. Pinaandar ko ang aking sasakyan at umalis na agad.

Medyo binilisan ko ang aking takbo kasi malayo pa naman ako sa highway.

Nang narating ko ang highway isang mahabang linya ng traffic ang bumulagta sakin...

"Fuck!!!" Sabay hampas ko sa manibela. Agad kong dinampot ang bluetooth headset ko at tinawagan ko si Enrico...

"Hello, Enrico."ani ko sa kabilang linya.

"Carlo, anong oras na. Mamaya darating na si Adrianna at madatnang wala ka." Angal pa nito.

"Tumawag nga ako para ipaalam sayo na malelate ako kasi mahaba yung traffic dito sa highway. Siguro naman maiintindihan niya kung bakit ako nalate diba?" Seryoso kong ani sa kanya.

"O siya, ako ng bahalang magpaliwanag. Mas mabuti kung magagawan mo ng paraan kasi may meeting tayo ngayon." Ani pa nito at pinutol na ang linya.

Napailing nalang ako, oo nga't may meeting kami. Pero ano bang paraan ang tinutukoy niya!? Papaliparin ko tong kotse para makarating sa BGC ng walang kahirap hirap! Mabilis at matulin ang takbo nito pero pag-traffic na ang nakabangga mo. Wala kang panama rito!

Hindi naman gaanong mabagal ang paggalaw ng mga sasakyan subalit nakakainis lang kasi mahabang mahaba talaga.

Marami akong narinig na iilang busina na nagmula sa labas. Ano bang magagawa nila? Eh sa traffic! Kundi ang maghintay nalang. Sana hindi pumuti ang uwak sa kakaintay ko rito!

Ilang sandali lang ay medyo lumuwang na ang daan. Binilisan ko ng konti yung takbo ko. Of course I double check my speed limits. Mahirap ng madakip ng dahil dun.


Sa wakas ay narating ko rin ang BGC. Nadatnan kong kakarating lang din ni Miss Adrianna at kasama niya si Ren.

"Hindi parin ba naayos ang kotse ni Miss Adrianna." Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa nakataxi lang sila.

Now, she's wearing a plain red dress. Mas lalo siyang pumuti sa kanyang suot ngayon. Kaya napahinto ako ng sandali at maigi ko siyang tinitigan papasok ng building. But I shouldn't, she's just too fragile for me.

Pinark ko ang sasakyan sa basement ng building at dumako agad sa may elevator.

Alam kong sa mga oras na to ay nagpapaliwanag na si Enrico kung bakit ako late.

Bumukas yung lift ng elevator at nagmartsa ako papunta studio. Napapangiti na lang ako kapag may nakakasalubong akong babae sa dinaraanan ko.

Masisisi ko ba sila kung malakas pala ang kamandag na tinataglay ko. Binuksan ko ang pinto ng studio subalit wala akong nakitang staff roon.

"Nasa conference room nga pala sila." Ani ko at tinungo ko ang conference. Bubuksan ko sana ang pinto ng bumukas ito.

Bahagyang nagtama ang aming katawan kaya't napahawak ako sa kanyang baywang... Nakita kong nagulat siya sa pangyayari at namula.

Hindi ko alam kung ang pamumula ba niya ay dahil sa hiya o sa kakaibang damdamin na dumaloy sa kanyang buong katawan.

"I'm sorry Ren, hindi kita nakita." Nakangising asong ani niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at inayos ang damit ko. Sa katunayan ayaw kong suotin ang damit na binili sakin ni Ate. Kesyo wala raw akong susuotin sa second day ko bilang isang extra'ng model.

Kaya binilhan niya ako ng damit na hindi naman ako tinatanong kung gusto ko ba o hindi.

"Makikiraan ako huwag kang humarang." Pigil kong sabi dahil kanina pa ako naiihi. Panay kasi ang inom ko ng juice kanina bago pa kami makaalis ng bahay.

Humakbang ako pakanan subalit humakbang rin siya. At nagtama muli ang aming katawan. Mas malapit ito kaya naglapat ang aming dibdib. Alam kong naramdaman niya yun at naramdaman ko rin ang mainit at matigas niyang dibdib. Nanlaki ang aking mata ng dahil roon.

Ngumisi siya. "Ay, sorry ulit hindi sinasadya."at pinadaan niya na ako. Ang aga-aga nambubwisit at nang babastos pa!!. Talagang sinadya niyang magkabangga ulit kami!!! Nakakainis!!!


Talaga bang hindi niya ako namumukhaan?? Eh, kung namukhaan ka niya hindi ka na dapat nilapitan. Ba't panay ang asar at pangungulit sayo! Ibig sabihin HINDI TALAGA!!!

Pano ba naman kasi Ren. Naka glasses ka ng mga panahong minarkahan mo ang shirt niya! Eto pa, halos hindi makita ang kutis mo dahil sa suot mung sa tingin mo'y simple para sayo...! Pano ka makikilala???


Nilagpasan ko siya ng hindi man lang nilingon. Ewan ko nga ba kung bakit ako pumayag na suotin at gawin ang mga ito! Halos matumba na ako sa kakabalanse nitong suot kong heels!


Pumasok ako sa cr at umihi. Tahimik ang palagid at naalala ko ang unang pagharap namin ni Carlo. Napaiyak ako sa mga alalang iyon.

Sariwa pa ang mga sugat na ginawa niya dito sa puso ko. Alam kong pinapansin niya lang ako dahil sa nakikita niyang magandang babae na sumusuot ng damit na makulay. Nakahulma yung katawan at nakaheels.


Natapos na akong mag-cr at naghugas na kamay. Hindi ko maiwasan ang damdaming nagugustuhan niya ako dahil ito ang babaeng gusto niya. Looking freakin' hot and sexy that can always turn his manhood on!!!

Pinatuyo ko ang aking kamay sa hand dryer at lumabas na ng cr. Maingat akong naglakad pabalik ng conference room.


Nang pinihit ko ang pinto narinig ko ang hiyawan at sigawan ng mga tao sa loob. Ang alam kong nag-mimeeting sila pero bakit sila sumisigaw.

Kaya dahan-dahan kung binuksan ang pinto. Nang binaling ako ni Enrico, ang baklang nagpaalis sakin noon na ang tingin sakin ay parang isang aso!

"Miss, okay lang ba na si Ren ang maging bet natin sa kompetisyon?" Napakunot noo akong tinaas ang isa kong kilay. Kaya pumasok na ako ng tuluyan at bumalik sa aking upuan.


"Depende sa kanya." Yun lang ang sinabi ni tita. Ano bang depende sakin at anong kompetisyon ba ang sinasabi ng baklang yan!


"Ren ok lang ba sayo, kung ikaw ang magiging pambato ng studio?" Nakangiti pa siya.

"Uhm-m, pag-iisipan ko-"

"Huwag mo ng pag-isipan Ren. Ako naman ang kapares mo sa kompetisyun na to." Sabat pa ni Carlo na nakaevil-smile pa! His damn smile annoys me everytime. When his near me!

"Pero, hindi ako pwede. Isa pa extra lang ako rito. Hindi ako kabilang sa fashion niyo." Giit ko sa kanila.

Tumahimik ang lahat sa sinabi ko at tumikhim si Carlo.

"Miss Adrianna, I think your niece is terribly afraid with me. Its like that, this part of competition we had is really a big deal for her." Seryosong ani. Pinanliitan ko siya ng tingin. Ayan na naman ang ginagawa niya. His using that goddamn third person!!!

Napa-oh ang mga models at staffs na naroon. Na tila naramdaman na may kung anong tensyon sa pagitan namin ni Carlo.

"It's not a big deal for me." Muntik ko ng mapalakas ang boses ko dahil sa inis.

"It's just not my kind of thing. Besides, I am going to be out here soon, right tita." Baling ko kaya tita. Pakiusap naman pakisamahan mo ko rito, tita kahit ngayon lang. Please!


"She's right guys, she really don't want to join." Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya at nagsalita siyang muli.


"But for me, I think you should try this one hija. Carlo's right its just a competition and nothing to big deal with it."

Pucha naman oh!!!! Sa umpisa akala ko kakampihan niya ko! Eh mas kinampihan pa niya ang asungot na na toh! Inis!.

Nakita kong panay ang ngisi ni Carlo. Nang sumang-ayon si tita sa kanyang sinabi. Kung ipag-giit ko pa na gusto kong umayaw. Ay baka nga mapuna nila kung ano nga bang meron samin ni Carlo. Baka magmistulang chismis pa ang mangyari.


"Tss! Sige na nga!" Pinandilatan ko siya ng mata at iniangat ko ang kamao ko sa ere. Sabay ani sa hangin na.

"Humanda ka talaga sakin!" Parang close lang ano? But no, I need to be casual nothing more nothing less.

Ngumisi lang siya sa aking ginawa habang ako naman ay kumukulo ang dugo ko sa inis sa.








Shit! Ilang araw pa yatang makakasama ko ang ungas na ito! Hindi man lang sinabi sakin ni tita na naka- leave ako for one week. Para lang sa substitution na toh!!!

Doon niya lang sinabi sakin matapos nilang mag-meeting tungkol sa competition na yan. Na sa Bora pala gaganapin.

Hindi ako excited rito, pero si ate ata ang mas excited para sakin. Nang may inangat siya sa ere at hawak ang two piece na kulay pula.


"Ren, ito suotin mo toh ha! Mahal ang bili ko niyan." Nakangiting ani niya. Habang iniimpake ko ang aking mga gamit.


"Ate! Ayokong suotin yan! Para akong anu niyan eh!" Reklamo ko sa kanya.

"Huwag ka ngang kj! Bakit ba kapag na sa stage ka na hindi ka rin nila pasusuotin ng two piece." Umirap siya at nilagay ito sa aking maleta.

"Basta ayokong suotin to." Ani ko at inalis ko yun sa bagahe ko.


"Okay." Nakayukong ani niya, na hawak-hawak pa ang mga ito.


"Ren! Ano ba! Mahuhuli na tayo, naghihintay na yung taxi." Sigaw ni tita sa baba.

Napatakbo ako sa may pinto. " Tita, andyan na po." Pasigaw ko.

"Ate dali na." Natatarantang ani ko. Simula nung pina-sub ako ni tita. Hindi na nagmukhang manang ang mga sinusuot kong damit. Nakafitting jeans ako at simpleng yellow shirt na may tribal prints ang sinuot ko.


"Ges, ikaw na ang bahala dito sa bahay ha." Ani pa ni tita sabay akap sa kanya


"Opo tita, mag enjoy po kayo roon. Manunuod lang ako sa tv, baka sakaling i-live ng network." Nakangiting aniya.

"Ren, mag-enjoy ka lang ok? Huwag kang killjoy roon kundi sasapakin kita pag-uwi mo!" Pabirong aniya sabay akap sakin.

Dumiretso kaming airport, nandun na ang lahat ng mga staffs at iba pang models. Hindi ko mahagilap sila Carlo kung nasaan nga ba siya.


Hawak-hawak ko ang aking bagahe ng may dumungaw sa tagiliran ko at kinuha pa nito ang maleta ko.

"Ako na." Nakangiting aniya. Napalingon ako sa kanya.

Natigilan ako ng naamoy ko ang pabangong gamit niya. Foreign scent na akmang sakto lang sa kanya. He wear an Oakley Shades at mas lalo siyang guwapo sa suot niyang v neck plain shirt na kulay dilaw at nakajeans rin siya.


Napanganga ako ng mapansin kung ano suot niya.

Ano to!? Uniporme, bakit magkaparehas kami ng damit na sinuot.!? Ano ba naman kapalaran. Nung una baliw ako sa mokong na toh. Ngayon ay ayaw ko na, pinapabalik mo naman e.

"Ako na, kaya ko toh. " Ani ko sabay hablot ng aking maleta.

"Hija, hanggang dito ba naman. We already discussed that right." Seryosong ani ni tita ng marinig niya ang bangayan naming dal'wa.

Pambasag araw talaga itong taong to! Oo nga nag-usap nga kami tungkol dun. Pero hindi naman pwedeng palagi nalang ako ang pinagtritripan niya!!!


Pumasok na kami sa airport at panay naman ang tingin ng iilang mga taong nandun. Kasi naman ang mga kasamahan ko ay ang guguwapo at ang gaganda. Models nga diba?

Panay ang iling ko habang lumalakad. Napatingin ako sa gilid ko at siya pala ang naroon.

"Akin na nga yang bagahe ko. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo e. At ginaya mo pa ang suot ko sa araw na toh." Inirapan ko sa kanya.


"Just don't dare Ren, wala ka rin namang magagawa kung hindi ko man ibigay sayo. And besides, I did not copied your clothes. Magkaibang bahay tayo remember that. Malay ko ba na ganitong kulay ang susuotin mong damit. Ayaw mo nun, perfect combination tayo." Ngumisi pa siya habang dala ang dalawang bagahe.

Napaka-alaska niya, talaga. Hindi ba siya tinuruan ng good manners!?! Nakakaasar na talaga siya! Grr! Ani ko sa sarili at inirapan ko siya.

"Bakit ba kasi, ako ang pinaghuhugutan mong asarin ha!!? Marami namang iba dyan ah!" Mariing ani ko sa kanya habang naglalakad kami. Para magboarding na.


"Kasi nakakatuwa kang tingnan lalo na sa twing naasar ka." Humagalpak siya ng tawa.


"Ganun ha!" Ng dahil sa inis ko kinurot ko siya sa kanyang braso ng pagkalakas lakas.


"Dammit! Masakit!" Napasinghal siya sabay hawak sa braso niya na para bang napaso. Kaya nabitawan niya ang maleta ko at ang dala niyang bag.

Napatawa ako ng malakas sabay hablot ng aking maleta. Patakbong sinundan ko sina tita sa boarding area na humihingal.

"Hija, anong nangyari sayo? Nasaan si Carlo?" Takang tanong ni tita.

"Wala po tita, parating na siguro yun. May nakita kasing magandang chicks kaya naiwan ang puwet niya roon." Pabirong sagot ko na nakangisi.

"Anong naiwan ang puwet ko?" Tumaas ang kilay niya. Saglit kong tinikom ang aking bibig.


"An sabi ko, halos maiwan na ang puwet ng babae kanina." Ani ko na pinipigil ko ang pagtawa. Dahil sa ginawa kong pagkurot sa kanya.

"Makakatikim ka sakin, mamaya." Pabulong niyang ani sa aking tainga. Na siyang dahilan ng pagkabog ng aking puso...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro