Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

~~guys~~

Please
READ.VOTE.COMMENT.

sana po supportahan niyo po ang kwento ko. Maraming salamat po.

~~~~~


Sabay kaming umuwi ni Tita Adrianna. Habang naghihintay kami ng taxi sa labas ng building. Kasi nasira yung sasakyan niya.

Isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harap namin.

Ano ba yan nakaharang sa daan ng taxi!!!

Nanlaki ang mata ko ng si Carlo ang lumabas sa driver seat.

"Good evening po, Miss Adrianna." Magalang na bati niya. Marunong din pala siyang maging magalang ha. Palibhasa siya yung plastic at hindi ako!!!

"Goodevening din sayo Carlo."

"Naghihintay po kayo ng taxi?"tanong niya. Nu bang pakialam niya..

"Oo, hindi ba halata?" Tinarayan ko siya subalit hindi niya yun pinansin.

"Hija, huwag kang ganyan. Yes, hijo nasira kasi yung sasakyan ko. Kaya iniwan ko muna sa basement." Ani pa ni tita.

Kung alam mo lang tita kung anong ugaling meron ang lalaking yan!!! Naiinis na ani ko sa aking sarili.

"Ihahatid ko na kayo Miss. Tutal hindi naman ako nagmamadaling umuwi." alok pa niya.

"Wag na, kaya naming maghintay." Pabalang kong ani sabay tingin sa kanya. He narrowed his eyes na para bang binabantaan ako.

Aba!!! Ikaw pa ngayon ang may ganang magbanta sakin ha!

I am a shy type person but in comes to this cite of situation. Hindi ako aatras, lalo pa't may kasalanan sakin.

"Hija, nagmamagandang loob lang naman si Carlo." Ani pa ni tita.

"Fine." Umirap ako at nakita kong hanggang tenga yung ngiti niya.
Pinagbuksan niya muna si tita ng pinto sa may frontseat.

"Bakit ang suplada mo sakin ha?" Mahinang tanong niya.

Ako na ngayon ang suplada na siya nga kanina ang suplado! Hindi niya ba ako namukhaan!?! Unpredictable talaga siya!!

"Wala kang pakialam!" Sagot ko at ako na mismo ang nagbukas ng pinto imbes na siya. Kaya sinara na lang niya ang pinto at umikot sa may driver seat.

"Miss saan po ba ang inyo?" Tanong niya.

"Sa may Springville Subd lang hijo." Ani pa ni tita. Hindi ko talaga siya tiningnan... Nakatingin lang ako sa labas ng kotse. Tahimik.

"Siya nga po pala Miss, napapansin kong maganda yung pamangkin nyo." Ngiting ani niya't napalingon ako sa kanya. Tiningnan rin niya ako sa rear view mirror. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na inaasar niya ako...

Kumunot noo ako dahil sa inis. Ano bang pinapaandar niya.

"Ah, oo naman hijo nagmana sa pamilya e. Dalawa silang magkakapatid, si Ren yung bunso. Ikaw ba ilan kayong magkakapatid?" Baling na tanong ni tita. Ayaw kong tumingin sa kanya. Kaya kinuha ko ang phone ko.

"Tatlo po ako yung eldest, kung minsan mapasaway ang mga kapatid ko. Pero kaya ko pa naman." nakangiting sagot niya habang nagmamaneho.

"Ah ganun ba, mabuti naman at nagiging mabait ka sa kanila. Hindi madali ang maging isang panganay, hindi ba Ren?" Binaling ako ni tita.
Muntik ko ng mabitawan yun phone ko ng sinali niya ako sa convo nila.

"A-aah... oho." Ani ko. Tiningnan na naman niya ako sa salamin. Nagtama ang mga mata namin at inirapan ko siya. Bahala siya sa buhay niya. Kung ano ang iisipin niya! Akala niya ganun lang yun kadali. Namukhaan man niya ako o wala. Masakit parin yung salitang binitawan niya.

"Ah, Miss alam kong medyo late na. But I want to invite you to grab some dinner, if you don't mind?"

Hala ha!!! Ano bang binabalak niya! Talaga bang aasarin niya ko for this entire night!!! Seryoso nga ang mukha niya pero ang mga mata naman ay mapang-asar!! Nakakabwisit!

"Tita, wag na. Tsaka next time mo na lang kami alokin. Hindi pa naman kami gutom." Talagang binabara ko siya and all. Hindi talaga papaawat ang kumag na to at humirit pa!!

"Minsan lang akong mag-alok ng invites, Miss Adrianna." Ani pa niya.

"Hay nako, Carlo pasensya ka na rito sa pamangkin ko. May pagka-kj kasi, sige saan ba tayo pupunta?" Napaismid ako sa sinabi ni tita. Hindi kaya ako kj, ayaw ko lang makasama ang taong yan ng matagal!

Dinala niya kami sa isang mamahaling restaurant. Iba rin doon sa pinagkainan namin ni Paul.

Pinarada niya ang kanyang kotse sa may parking lot. At bumaba siya para pagbuksan si tita.

Hindi nalang ako umimik at ako naman ang pinagbuksan niya. Inirapan ko lang siya at inis-snob. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan niya. Talaga ngang nang-aasar siya!

Madapa ka sana! Bwisit!!! Hindi ko mapigilang sabi.

"Pasensya na kayo miss ha, kasi ito lang ang nakaya ko." aniya.

Kapal din ng mukha niyang magpapapel ano!!! Napakaalaska!!!

"Nako hijo, napakahumble mo naman. Kami nga dapat ang mahiya sayo kasi dinala mo kami rito." Ngumiti pa si tita habang inalalayan siya ni Carlo sa paglakad.

Nilingon niya ko't kinindatan. Uminit ang ulo ko sa inis. Ako nga ang pinupuntirya niya, para inisin ako buong gabi.

"Good evening sir, maam. How many are you in your party?" Tanong pa ng lalaki.

"Three persons." Sagot niya.

"Okay, just follow me sir,maam" sinundan namin ang waiter. Nang makapasok na kami. Panay ang tingin ng mga taong andun lalo na ang mga babae.

Of course sino pa ba ang tinitingnan. Eh di yung kumag na mokong!!!

May isa pa akong babaeng nakita na halos mabali na yung leeg sa kakatingin kay Carlo!

Hay nako, buti nalang medyo nabawasan na yung pagiging fan ko sa kanya... Simula nung nalaman ko ang kulay ng ugali niya! Kung hindi, mapabilang rin ako sa mga babaeng ito... Naku naman!

Hinatid kami ng waiter sa table namin. Carlo was being gentleman to my tita. Take note! To my tita only okay!. Hihilain na sana niya ang upuan ko.

"Thanks, but I can manage." At hinila ko ang aking upuan para makaupo na.

Ngumisi lang siya at huminga lang ako. Dahil sa twing ngumi-ngiti siya hindi ko mapigilang mainis sa kanya.

"Sir, maam may I take your order?" Ani pa ng waiter.

"I'll take my usual menu." Ani pa niya.

Usual menu, ibig sabihin palagi siya sa lugar na toh.

Napansin kong natigilan ang waiter na para bang walang alam.

"Your new here?" Tumaas pa ang kilay ni Carlo. Habang si tita naman ay bahagyang natigilan sa kakatingin sa menu. Tumango lang ang waiter.

"Bakit Carlo may problema ba?" Tanong pa ni tita.

Narinig kong huminga ng malalim ang waiter dahil siguro sa takot at baka sigawan siya nitong si Carlo.

"Nothing, miss. I'll take my usual menu. Everyday I have a different menus and you should obliged to remember it." Matigas niyang sabi.

"Hijo, siguro hindi niya alam yung usual order mo." Sabi ni tita.

"Oo nga isa pa, bago siya siguro nakalimutan lang siyang pagsabihan ng mga kasamahan niya na may usual order pala ang mga tao rito." Mariin kong sabi para ipagtanggol ang waiter sa insulto ni Carlo. Kumunot noo siya na parang nainis sa sinabi ko.

"Ano bang pangalan mo hijo?" Tanong pa ni tita.

"Jomari po." Sagot ng waiter.

"O siya Jomari, I'll take baby back ribs and baked scallops and four season juice. Sayo Ren anong order mo?" Baling ni tita sakin.

"Same lang sayo tita." Ani ko.

"Ren you should choose some menus. Para naman matikman mo yung ibang putahe." Sumabat si Carlo.

"Carlo's right, hija you should try other menus."

"But tita, alam niyo naman diba." Mahinang ani ko.

"I know. But you should try." Pursige pa niya.

"Sige, ako na lang ang o-order para sayo." Ani pa ni Carlo. Nagmamagandang loob ba siya o nainip dahil pati order hindi ako marunong kung anong gusto ko.

Habang tahimik lang na nakatayo ang waiter.

"One Saffron Risotto, Carabineros Prawns and Gold Leaf, Four season for the drinks. By the way just ask Andy what's my usual menu, thanks." Pormal niyang sabi.

"Okay sir, maam your order will be right away." At umalis na ang waiter...

"Talaga bang lagi ka rito hijo, kasi may usual order ka naman pala." Ani pa ni tita.

"Yes, miss. I take my usual orders kasi ayaw kong masira ang diet ko." Ani niya sabay kindat sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo ako.

"O hija, saan ka pupunta?" Tanong ni tita.

"Sa restroom lang po. Excuse me." Ani ko.

Lumakad ako papalayo sa table namin. Patungong restroom ng pambabae. Hindi pa ako nakakapasok, may narinig akong nag-uusap...

"Akala ko pa naman, wala siyang kasama. Yun pala meron, tss." Ani pa ng babae. Mainam akong tumayo sa may pinto.

"Bakit may usapan pala kayo?" Tanong pa ng isang babae.

"May usapan talaga, every Wednesday. You know how sexy and wild he is in bed." malanding ani pa ng babae. Natakpan ko ang bibig ko sa sinabi niya.

"Hindi." Humagikhik pa ang isa

"Sobrang nakakabaliw si Carlo Tisha, ilang beses pa akong napasigaw habang----"

Lumakas ang pintig ng puso ko sa mga oras na yun. Hindi ko maatim na marinig ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kaya't mabilis akong tumalikod at nagmartsa pabalik sa table namin.

Hindi ako kumibo at naroon na pala ang order namin.

"Ren, tikman mo tong inorder ko sayo. Masarap ang mga yan." Ani pa niya.

"Ah okay." Matabang sabi ko.

Kumunot noo siya at umiling. Kinuha niya ang kubyertos at kumain na kami.

"Masarap nga pala talaga rito." Ani pa ni tita.

"Kaya nga po dito ko kayo dinala, kasi alam kong magugustuhan niyo ang mga pagkain rito." Aniya habang ako naman ay tahimik lang na kumakain.

"Ikaw Ren nagustuhan mo ba ang inorder ko sayo?" binaling niya ulit ako.

"Ok lang naman, masarap." bumuntong hininga ako. Hindi maalis sa aking isipan ang mga narinig kong malalaswa sa restroom.

Akala ko noon ay okay lang sakin at tanggap ko kung marami siyang babae. Subalit hindi ko inaasahan na ganun pala talaga siya. Marami ng babaeng naikama. Ano pa ba sa tingin mo ang mga lalaki sa panahon ngayon Ren!?

Balisa ako sa mga oras na yun, tahimik lang na kumakain, umiinom. Habang sina tita at ang kumag na si Carlo ay nag-uusap.

Marami rin silang pinag-usapan ni tita. Lahat konektado sa mga career nila. Doon ko rin nalaman na ang pagiging modelo niya ay hobby lang nung una hanggang sa naging seryoso siya rito.

"Si Ren po ba miss, ano bang pinaglalaanan niya ng pansin?" Marahang tanong niya. Napatingin ako sa kanya at nag-evil smile pa siya!

Hindi ko alam kong napansin yun ni tita. Pero sa tuwing nakangiti siya para bang inaasar niya ako palagi. Napipikon na talaga ako sa kanya! Grr!

"Si Ren? Maliban sa post office siya nagtratrabaho, nasa bahay lang siya parati kung minsan sa kwarto niya." Pambubuking ni tita sakin.

"Tita!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Tumawa pa ang aking tiyahin dahil alam niyang mahihiya ako.

"Bakit naman po wala ba siyang ibang gawin, like shopping, o kahit na yung mga nakagawiang gawin ng mga babae?" Aniya. Wait a minute! Andito ako sa harapan niya ah. Bakit panay third person ang ginagamit niya. Pinaparinggan ba niya ako kung ganun!?

Umusok na talaga ang ilong ko sa inis.
Kaya ako na mismo ang sumabat.

"Hindi ako kagaya ng mga babaeng nakilala mo na mahilig sa mga bagay na ganyan. Isa pa lumalabas lang ako kapag may importanteng pupuntahan dahil ayaw ko ng nasasayang yung oras ko sa mga bagay na walang katuturan." Mahabang esplika ko sa kanya. Na tila hindi siya na aapektuhan sa bawat salita ko.

"I see.. siguro may tinatago ka kaya ayaw mong lumabas." He smirked. He really makes me pissed. Na sa tingin niyay close kami...

"Ewan ko ba sa batang yan. Napaka-home buddy person." Ani pa ni tita na bahagya rin'g natapos sa kanyang kinakain.

Lahat kami ay tapos ng kumain. Napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi pa ako nakakapagsalita inunahan na agad ako nitong si Carlo.

"Ihahatid ko na po kayo, miss." Tumayo siya at hinila niya ang upuan no tita. Binaling niya ako subalit mabilis na akong nakatayo.

"Miss mauna na lang po kayo." Ani niya at nagtungo siya sa counter. Napakunot noo ako kasi diba dapat sa mesa mo na lang ibibigay yung pera. Nilingon ko siya't card pala yung pinambayad niya.

"Hija, tayo na sa labas." Ani ni tita kaya napasunod nalang ako sa kanya.
Nagulat ako ng may humawak sa magkabilang balikat ko.

"Ay sorry. Hindi ka pala sanay na hinahawakan." Nag-evil smile siya at nilagpasan ako.

Bwisit!!! Pwede bang ipapatay ang taong toh!! Nakakaasar na talaga siya!!!

I thought his a responsible and kinda nice guy. Pero nagkamali ako sa nakikita niyo naman nang-aasar. Kundi nagsusuplado o nanginginsulto. Lahat ata ng mga teenage attitude ay nasa kanya na.

Sigurado akong nahihirapan ang mga magulang niya dahil sa pag-uugaling meron siya. Na NAPAKA-UNPREDICTABLE!

----A/N-----

Guys... please do read.vote.comment.

Maraming salamat. I love you guys... :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro