chapter eight | waiting for you
[ author's note: ] Posting this chapter earlier dahil super duper saya ko! I just reached 1k followers! <3 I want to take this opportunity ((beauty pageant ang peg? harhar)) to thank all of my followers, readers ((silent man o hindi)), voters at haters! Mwah mwah! :*** I'll be uploading the trailer for Pandora and the Seven Sins later. Medyo fail kasi ako gumawa pero okay lang 'yan. :)))
I'll be busy with school work and college admission test reviews. Opo, incoming fourth year student na po ako and I'm aiming for the top 3 schools! Huehue. Pag-pray niyo po na maka-pasa ako. Huhu. Fighting! *w*
UPDATE: I PASSED THE TOP 3 SCHOOLS HURRAY
~*~
"Master," I heard someone call me softly. Inaantok pa ako kaya naman hindi ako umimik. "Master!" Mas malakas na tawag nito.
"Mmmm?" I said, half-asleep.
"Gumising ka na diyan Pandora!" Sigaw ni Ammon. But of course, being the representative of all sleepy people, hindi ako gumising. Instead, I signalled them to go outside my room by waving my hands back and forth. Mukhang hindi naman gumana ang pagtaboy ko sa kanila dahil inalog-alog na nila ako.
"Ammon, ano b---" Napatigil ako sa pagsigaw ng nakita kong hindi si Ammon ang umaalog ng katawan ko kundi si Levi loves. I smiled sheepishly in return habang nag-smirk naman sa akin si Ammon. Meanie! Porke't alam niyang love na love ko si Levi loves. Charot. Love? Agad-agad? Huehue.
"Bilisan mo nga! Maligo ka na. Ma-late pa kami sa first day namin e!" Marahas na sabi ni Ammon na para bang siya yung master ko. I let out a deep sigh and followed what he told me. Hindi sa inaamin kong siya yung master ko. It's just that wala rin namang papatunguhan yung pag-uusap namin kung sakaling lalaban pa ako sa sinasabi niya.
"Opo, sir." Sabi ko habang kinukusot ang mata ko. Tumayo na ako paalis sa higaan ko at inayos ang kama ko.
"Wit wew!" Narinig kong humiyaw si Asmodeus while looking at me intently.
"Oh, bakit?" tanong ko naman. Nakakadistract kaya yung mga mata. His gaze is piercing through my body. And yes, his gaze is on my legs. Talagang tutok na tutok pa ang mata niya dun.
"Umagang-umaga, nangmamanyak ka agad!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan. Boom! Headshot. Hahahaha. Saktong sakto na tumama sa mukha niya yung unan na binato ko.
"Nice one!" Hiyaw ni Mammon sabay nag-high five kaming dalawa. Laging natutuwa sa akin si Mammon tuwing sinasabihan kong 'manyak' at 'bastos' si Asmodeus. Huehue. Dakilang karibal siguro ni Mammon si Asmodeus. Kung sabagay, lagi ko silang nakikitang nag-aaway. It seems as if they can't live without fighting.
"Mauuna na kami, master. I don't want to be late for school." saad ni Mr. Perfectionist a.k.a Levi loves ko. Syempre hindi ako nakahindi sa kagwapuhan ni Levi loves kaya umoo nalang ako.
Isa-isa na silang lumabas mula sa apartment ko habang naliligo ako. Narinig ko na naman na parang may nag-aaway bago tuluyang tumahimik ang paligid. Matagal-tagal rin akong naligo. Multi-purpose kasi ang shower. Pwedeng concert at thinking grounds. Oh diber?
Seriously, tama ba 'tong ginagawa ko? Is it right for me to let seven men live with me and call me master? Hindi ba dapat ko silang ibalik kung saan sila nanggaling and just live my life the way I usually do? Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko.
Ang hirap talagang mag-process ng thoughts kahit na nasa c.r. ka. Huhu. Kung pwede lang sana na may tumulong sa akin na mag-isip, I'll be more than willing to accept his help.
Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng c.r. ((syempre. huehue)) at tumambad ang lalaking naka-higa sa sofa ko. OH NOES! IS THERE A THIEF IN MY HOUS? Dejklng. Si Ammon lang naman yung nakahiga. Tulog na tulog siya. Kulang nalang mag-hilik siya diyan para mas lalo mong maramdaman yung pagkaantok niya.
I looked at him closely and noticed his perfect features. His hazelnut brown eyes. His messy bedroom style hair. ((huehue)) His pinkish and soft-looking lips. Oh no, not his lips. Don't look at his lips. Huehue. Baka ma-tempt ka niyan, Pandora! I mentally hit myself. Nararamdaman ko na naman ang kalandian na bumabalot sa katawang lupa ko. HUEHUE.
I tried to wake him up softly kasi baka magalit siya sa akin kung harshly kong ginawa. Alam niyo namang mas matindi pa sa babaeng may PMS si Ammon kung magalit. Looking at his face again, parang nawala yung gangster-ish vibe niya kapag natutulog. Mukha siyang anghel. Huwag niyo nalang sanang gisingin. JOKE! Huehue.
"Ammon," mahinang tawag ko, "Ammon, gising na."
Bigla niya namang hinatak ang katawan ko at napahiga ako sa katawan niya. He opened his eyes wider and helped me sit down habang naghyhyperventilate parin ako.
KASI NAMAN. OMGS. NAPAHIGA AKO SA ABS NIYA. NAFEEL KO. TAPOS ANG BANGO BANGO NIYA PA PO. OMGS. Levi loves, ngayon lang ako magkakasala sayo. Promise. Hindi ko na uulitin.
"Lucina," Ammon said in his sleep. Mukha siyang binabangungot dahil pilit niyang ginagalaw yung ulo niya.
Tinapik ko yung pisngi niya para magising siya. "Ammon, uy!"
"Ang bagal mo maligo. Tara na." Sabi niya sabay kuha ng kamay ko at lumabas na kami ng apartment ko. I can't help but blush. I mean, who wouldn't? Napaka-bipolar ng bwisit na Ammon na 'to!
"Bakit hinintay mo ako?" tanong ko sa kanya. Curious ako kasi hindi naman ganyang klaseng tao si Ammon. Huehue. Hindi naman ako judgemental, 'wag nga kayo!
"H-hindi kita hinihintay. Inaantok lang talaga ako." sagot naman niya habang hawak hawak ang batok niya gamit ang kabila niyang kamay. Hindi niya parin tinatanggal yung kamay niya sa kamay ko.
His hands were warm but a bit shaky but it was more comfortable than what you would have imagined. PERO HINDI KO INIMAGINE. KAHIT ONCE! OKAY? HUEHUE. HINDI RIN AKO DEFENSIVE AND GUILTY.
Pero seryoso, sino si Lucina? Hays, huwag ko na nga muna isipin 'yon. I still have a problem to fix.
Pagkarating namin sa school, pinagtitinginan kaming dalawa dahil sa kagandahan ko. #Assumera Ang tinitignan talaga nila ay si Ammon at yung kamay namin kaya hinatak ko papalayo yung kamay ko at mabilis na pumasok sa classroom. Nakita ko naman ang mga seven sins na nakaupo na sa silya habang pinagtitinginan din ng mga kaklase ko. Mukha tapos na ang introduce yourself nila. Huehue. Di ko nakita, sayang.
"Bakit hindi niyo sinama si Ammon papunta sa school?" tanong ko kay Levi dahil seatmates kami. Just how lucky am I? Hihi.
"He insisted on waiting for you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro