Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10 | romeo

Previous chapter recap: The Seven Sins transferred to Pandora's school. Unang araw palang ng pag-transfer ng pitong kasalanan, may proyekto na agad na binigay ang English teacher nila na si Mr. Bernard. Pandora is now Juliet Capulet. Sino naman kaya ang gaganap ng Romeo Monatgue? 

~*~

"Now that we have a Juliet, sino naman ang Romeo natin?" tanong ni Shaira sa amin. Gusto ko sanang mag-suggest kaso litong lito talaga ang utak ko. Ayaw kong maging Juliet. Huhubells. Kahit na love ko ang Romeo and Juliet, that doesn't mean na gusto ko na gumanap bilang Juliet. 


Agad na nag-taas ng kamay si Asmodeus kasi malandi siyang nilalang. Alam ko na kung ano ang nasa utak ng malanding 'yan! Para hindi mapili si Asmodeus na Romeo, kiniliti ko sa kili-kili ang katabi kong si Ammon dahilan para mapataas bigla yung kamay niya.


"We have two volunteers. How do we pick?" tanong ulit ni group leader Shaira sa mga ka-grupo ko na halata namang hindi nakikinig sa kanya. Kung ano ano lang ang pinagagawa nila kaya naman biglang napatayo si Shaira. Tinuro niya si Asmodeus at Ammon at inutusang tumayo. "Battle it out!"


Battle? As in, water? Water battle? Char. Joke lang. 


Nag-stretch naman agad si Asmodeus at biglang nag-change ang position niya na para bang battle stance talaga. Nagulat naman ang lahat sa sumunod na nangyari.


"Hoy, bakit ka nanuntok?!" Sigaw ko kay Ammon. Tumakbo ako papunta kay Asmodeus at tinignan ang mukha niya. Shiet. Pumutok yung labi niya kaya may dugo ito sa gilid. 


Nagmadaling pumunta sa amin si Mr. Bernard upang i-check ang nangyayaring kaguluhan dito. Bago pa man makadating si Mr. Bernard, Asmodeus stood up and landed a high kick on Ammon but it was quickly dodged by Ammon. Humayghad. Nag-aaway talaga sila! Ito kasing si Shaira e. May pa battle it out pang nalalaman!


"Stop!" Sambit ko. Hindi ako makalapit sa kanila kasi natatakot ako na baka matamaan nila ako. Hindi nila ako narinig kaya inulit ko pa ito ng mas malakas. "I said, stop!"


Mukhang narinig na nila ako sa pangalawang pag-sigaw ko kaya napatigil silang dalawa. Tumingin silang dalawa sa akin na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa. 


"Bakit mo kami pinatigil?" Ammon asked as he sat on his chair. Itinaas niya pa yung paa niya sa table niya na parang isang delinquent. Jusko, puputok na ang ulo ko dahil sa dalawang 'to!


"Bakit kayo nag-away?" Tanong ko pabalik sa kanya. Mukhang naasar siya sa sinabi ko dahil sinagot ko ang tanong niya ng isa pang tanong. 


Tumabi naman sa akin si Asmodeus at umakbay. "My loves, huwag ka na magalit. Sabi kasi nung babae, battle it out e." Tinuro niya pa si Shaira.


"B-battle it out. I mean, to battle t-through acting. N-not physically." Nauutal na sabi ni Shaira. 


"Ahh!" Sabay na sabi ng dalawa at natawa pa. Luh, muntikan na ako mamatay sa takot tapos matatawa tawa pa 'tong dalawang 'to! STRESS! 


Binigyan ni Shaira ang dalawa ng isang pirasong papel na may nakasulat. Linya 'yon ni Romeo at kailangang umacting ng dalawa para makuha nila ang role. Medyo naawa tuloy ako kay Ammon dahil napunta lang naman siya sa ganyang position dahil sa selfishness ko.


Nauna si Asmodeus mag-perform. Sobrang enthusiastic niya kaya na-guilty ako sa ginawa ko. He wants to take the role but I was too selfish. Iniisip ko lang 'yung sarili ko. Then again, wala na akong magagawa. Nandito na ako. Besides, it's Ammon's decision if he wants to take the role or not.


Pumwesto si Asmodeus sa harap ng buong klase as if it was the most natural thing to do. He leaned against the white board and started acting. 

"Love is a smoke raised with the fume of sighs. Being purged, a fire sparkling in lover's eyes; being vexed a sea nourished with loving tears. What is it else? A madness most discreet, a choking gall and a preserving sweet." 

 Lahat kami napa-nga nga sa ginawa niya. He looked absolutely breathtaking. Hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa pheromones niya but for a moment, my thoughts about him changed. Nakalimutan ko na isa siya sa pinaka-manyak na taong kilala ko. 

Sumunod naman na tumayo si Ammon. Unlike Asmodeus, tumayo lang siya sa harap ng upuan niya. Hindi siya pumunta sa harap. Tumayo lang talaga siya at tumingin pataas. 

"Love is a smoke raised with the fume of sighs. Being purged, a fire sparkling in lover's eyes; being vexed a sea nourished with loving tears. What is it else? A madness most discreet, a choking gall and a preserving sweet." 


Can I just say something?


SHUTANGINA. 


Ano 'tong nararamdaman ko? Hindi naman 'to anime pero bakit may ba thump ba thump feeling? Bakit parang nag-iinit yung mukha ko? Shiet. Ang galing umacting nitong mga demonyong 'to. 


"Tumutulo na laway mo. Try mo kaya isara bibig mo." Narinig kong sabi ni Ammon sa akin pagkaupo niya. Mukhang bumalik na naman siya sa hot-blooded Ammon mode niya dahil puro pang-iinis na naman ang naririnig ko sa kanya.


Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong mag-aaway na naman kami. Mas mabuti pang ikalma ko muna ang aking harteu~ 


"Omo! Parehas silang magaling! Sino na ang magiging Romeo natin?" Tanong ni Side Character A. It's not that I don't bother memorizing their names. Sadyang hindi lang talaga magaling ang memorya ko.


Sinagot naman siya ng katabi niyang si Side Character B. "Oo nga, bes! Kinilig ako parehas. Ang dreamy nilang dalawa. Anakan niyo na ako, mga beh!"


"Gaga! Kay Pandora na 'yang dalawa. Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Asmodeus kaninang umaga?" Chika naman ni Side Character A. Patuloy lang sila sa pagchichikahan kahit na rinig na rinig na sila sa buong klase.


"Sus, madali lang naman ipagpalit ang mga katulad ni Pandora. Bobita e!" Natatawa niya pang sagot kay Side Character A. Nagtawanan lang silang dalawa kaya hindi nila nahalata na nasa gilid na nila ako.


"Sige lang, mga bes! Magchismisan lang tayo. Kaya umuunlad ang Pilipinas e. For your information, I am not stupid but if you don't believe me, it's not my responsibility to convince you. Kaya kung pagchichismisan niyo pa akong dalawa, wala akong magagawa kung hindi sampalin kayo ng cactus. Mga punyeta kayo!" Inis kong sagot sa kanila. Napa-English tuloy ako ng wala sa oras. 


Hindi nalang sila nagsalita kasi mukhang nahiya na sila sa pinagagawa nila sa buhay nila. Buti nalang hindi na sila nagreply kasi yun lang yung baon kong English. Ubos na ang bokabularyo ko mga bes. 


Tumayo si Mr. Bernard sa harap ng klase kaya napatahimik kaming lahat. "Seeing this commotion made me think of my youthful days. Embarrassing but refreshing. I want to commend our transferees for their active participation but I would like it if you avoid being too physical, alright?"


"Sir, pwede niyo po ba kaming tulungan mag-decide kung sino ang Romeo?" Tanong ni Shaira kay Mr. Bernard. Tumango naman si Sir at mukhang nag-isip ng matagal.


After a few minutes, he cleared his throat at nagsalita ulit. "Both were amazing actors but there's one person who caught my interest. He seemed in love at the moment and I felt it through his acting."


May pa-suspense effect pa talaga si Sir oh. Grabehan. Kinakain na ako ng kaba ko mga bes. Mukhang hindi lang ako ang naeexcite sa mga pangyayari dahil nagtanong si Side Character B kung sino ang napili ni Sir.


"Ammon."


[ Author's Note: ]

You all saw it coming, didn't you? Pero seryoso. Si Ammon talaga ang Romeo and there's a reason for everything. Ahihihi. Anyway, it has been a while since I last updated PATSS. Alam niyo bang 5/16/15 ko nirevise itong Pandora and ngayong 5/16/16, nag-update ako! Shiet. Amazeballs. Ahihihi. Anyway, please vote and comment!

With love and nori,
Sushi~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro