Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Zacharias McBride

A/N

Shout out ulet kay
Fesantos0106...thanks for reading my story dear...

=========================
Zach's POV...

Panay lang ang sunod niya kay Melanie.Nag commute lang sila papuntang wet market ayaw nitong magdala ng sasakyan.Isang sakay lang ng trysikle at nakarating na kaagad sila ng palengke.

Nakasimpleng short shorts lang ito at isang medyo may kalumaan ng t-shirt.Naka stinelas na goma sa paa.
Siya nama'y naka khaki short at white v-neck na t-shirt at rubber shoe's sa paa.

Ayaw siya nitong isama ngunit nag pumilit siya.Sunod lang siya ng sunod,habang namimili ito ng mga prutas.Nakita niyang bumili ito ng pipino,carots,mansanas at pinya.Nakatingin lang siya rito habang nagbabayad.

"Ito ang pinupulutan naming mag babarkada tuwing nag iinom kami.Sinasawsaw sa mayo na may ketchup." Paliwanag nito sa kanya kahit hindi siya nagtatanong.

Tumango lang siya at kinuha niya sa kamay nito ang eco bag na may lamang prutas.

Nakita rin niyang bumili ito ng atay ng manok at itlog ng pugo,pagkatapos ay bumili naman ito ng gulay.Mag giginulayan ito base sa kanyang nakikitang ingredients.

Ganito pala ang buhay ng mga taong hindi mayaman.

Anyway,hindi ito ang first time na nakarating siya ng wet market.Madalas siyang isama ni Nanay pining noong bata pa siya kapag namimili ito ng supply sa mancion.

Maganda at malinis ang palengke ng Tanauan.May kanya kanyang stall ang bawat magtitinda.Bukod -bukod ang mag titinda ng gulay,isda at bukod pa rin ang tindahan ng mga karne.

Natigil siya sa pagmamasid ng makita niya itong bumibili ng alak sa grocery.Pati na rin ng malalaking tsitsirya.

"Ayaw ba ng mga kabarkada mo ng red wine?" Tanong niya ng makasakay na sila ng trysikle.

"Sus,tama na 'to.Mas maganda to tumatama agad.Hindi pa ito masyadong magastos.Yelo at juice lang 'to katapat na."

Ibig niyang matawa sa mga lumalabas na salita sa bibig nito.Akala mo ay tambay sa kanto.

"Ah..." Nasabi na lamang niya.

Inihilig niya ang ulo nito sa kanyang balikat.Hindi naman ito umangal.Hindi niya alam kung papaano pa siya lalapit rito matapos ang naging pagtatalo nila kanina.

Pakiramdam niya ay umiiwas itong dumikit sa kanya sa lahat ng oras.Siguro ay dahil inaakala talaga niyang wala siyang nararamdaman para sa rito.Katulad ng sinasabi nito ginagawa raw niya itong gamot sa puson.

Kung alam lang nito kung paano uminit ang ulo niya noong hindi ito umuwe sa mansion.Hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdaman para sa babae.Importante ito para sa kanya.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang sabihin iyon sa babae.

Pakiramdam kasi niya ay iiwanan din siya nito anumang oras.

Nakapangako na siya sa kanyang sarili na hindi na muling iibig pa.Sapat ng nasaktan siya't napahiya ng dalawang beses.Ngunit nasira iyon ng madatnan niya ito sa kwarto ang isang lasing na babae.

Wala naman sa babae ang problema. Nasa kanya,hindi niya maalis ang takot sa isip niya. Parang hindi niya kaya pang magtiwalang muli.

Pero kapag kaharap niya si Melanie ay parang biglang naglalaho ang mga agam-agam sa kanyang isipan.

Natigil siya sa pag mumuni- muni ng kalabitin siya ni Melanie.

Maang siyang napatingin dito.

"Bababa na tayo,ano bang pinag iisip mo?" Tanong nito sa kanya.

Umiling lang siya at binitbit ang mga pinamili nito.Una nilang madadaanan ang bahay ng kumare nitong si Daisy.Maraming tao doon,nagkakaingay may video oke ngunit pinapatugtog lang.May disco ball pang nakakabit sa taas ng poste sa harapan ng bahay.

Naroon si Daisy pati na ang tatlong anak ni Melanie.At kung sino-sino pang mga hindi niya kilala.

"Happy birthday,Melanie!"
Koro ng lahat ng makita silang dumating.

Birthday ni Melanie?He mumbled.

"Thank you,wow ha touch naman ako.Kaya n'yo pala ako pinamalengke ha,may ganito pala kayong pakana ha."

Masiglang sabi ni Melanie sa mga kaibigan nito.Parang hindi naman ito naiyak sa tuwa,mukhang sanay sa ganitong eksena.Mas bakas sa mukha nito ang saya.

Para tuloy na out of place siya.Iniwanan niya ang mga itong nagkakaingay.Pumasok siya sa bahay ni Melanie at inasikaso ang mga pinamili nila.Inilagay niya sa refrigerator ang iba.Ang mga prutas naman ay hiniwa-hiwa niya ng sakto lang ng isang subo.

Gusto niyang mapahiya sa sarili.Akalain mong hindi niya alam na birthday ni Melanie.Kaya pala hindi na ito nakipag talo ng sinabi niyang marami na siyang alam tungkol rito.

Samantalang simpleng araw ng kaarawan nito ay hindi niya alam.

"Bakit ka umalis?"

Tanong ni Melanie ng pumasok sa bahay.

Hindi agad siya umimik.Hindi siya maka hagilap ng sasabihin.Nakakahiyang mas marami pa siyang issue sa buhay kesa sa isang ito,na balewala lang kung tanggapin ang bawat kaganapan sa buhay nito.

"Oh,akala ko ba marami ka ng alam sa akin,'wag mong sabihing hindi mo alam na kaarawan ko?"

"Hindi mo man lang nabanggit sa akin!" Nagtatampong saad niya.

Tumawa ito ng malakas.

"Sus,eh ano naman kung ngayon mo lang nalaman,aber?" Sagot nito

"Wala man lamang akong regalo sa iyo!" Nawika niya.Talagang nakakahiya dahil wala siyang nai ambag sa handa nito.Ang mga pinamalengke nito ay sarili nitong pera ayaw tanggapin ang bigay niya.

"Sus,arte nito,hindi ko kailangan ng regalo.Basta't kumpleto ang mga mahal ko sa buhay,masaya na ako.Masaya na akong kasama kita ngayong birthday ko." At hinimas pa nito ang pisngi njya."oh s'ya halika na at nag hihintay na sila sa labas."
Hawak pa siya nito sa kamay at hinila palabas.

Napakabait naman ng babaing ito, kanina lang ay hindi niya malaman ang gagawin kung paano ito lalapitan at kakausapin.Tapos ay sobrang namang lambing!

She's too good to be true!

"Wait lang hindi pa kita nababati..." Awat niya rito ng nasa may pinto na sila.

"Ang arte talaga ng macho gwapito ko!" Nakatawang sabi nigo sa kanya,habang pinipisil ang kanyang kanang pisngi.

"Happy birthday,babe!
To follow na lang ang regalo ko"

Sabay halik niya sa mga labi nitong nakaawang,na tinugon din agad nito ng mas mainit na halik.

"Oy,ano yan ha!,Mamaya na ninyo gawin iyang pa bertdeyan n'yo na iyan,naghihintay ang iba sa labas!"

Si Daisy,biglang sumulpot sa tabi nila sa labas ng pinto.

Tumawa lang si Melanie,siya naman ay nahihiyang napakamot sa batok niya.
Sabay-sabay na silang lumipat sa bahay ng kaibigan ni Melanie.

Madaming pagkaing handa sa mahabang mesa.May pansit,spaghetti, sopas na macaroni. May kanin din at ilang klase ng lutong ulam.

Sa pinaka gitna ng mesa ay may isang litsong baboy.May limang malalaking kahon ng mamahaling pizza.

Sa kabilang dulo pa ng mesa ay ang kaisa-isahang parisukat na kahon na nakabalot sa magandang gift wrap.Katabi naman nito ang tatlong layer ng chocolate cake.

Isa isang ipinakilala ni Melanie ang mga kabarkada nito sa kanya.Napakarami sa dami ay halos wala siyang natandaang pangalan.Maliban kay Daisy na talagang kilala na niya. Talaga kasing hindi siya matandain sa pangalan ng tao.

"Ay,besty!" Agaw pansin ni daisy."Bago ko malimutan,Dumaan dito kanina si Senyora Guada.Pero umalis din kaagad nung sinabi kong kaka alis nyo lang ni Zach.Sa kanya galing yang litson,yang mga pizza at tsaka iyang isang bilaong pansit,at syempre pa iyang tatlong layer na chocolate cake na paborito mo.Pasensya na daw at hindi niya alam kung ano pa ang pwedeng dalhin sa birthday-an."Mahabang kwento ni Daisy."at iyang kaisa-isahan mong regalo ay kay Senyora din galing."patuloy nito.

Mabuti pa si Mama at alam ang kaarawan ni Melanie,tulad ng inaasahan sigurado siyang pina back ground check ito ng kanyang ina.

"Si Mama talaga.Sinabi ko ng huwag nang mag abala pa,sabagay grasya iyan alangang tanggihan natin.Tatawagan ko na lang mamaya para magpasalamat."sabi ni Melanie.

Kinantahan ito ng mga kaibigan ng happy birthday song,at isa-isang nagsipag birthday wish ang mga ito kay Melanie.At pagkatapos ay nag wish ito ng tahimik bago hinipan ang kandila sa malaking cake nito.

" Anong wi-nish mo?" Bulong niya sa may tainga nito.

Habang nag sisipag kainan ang mga kaibigan nito.

"Wi-nish ko na,lord sana po mahalin na po ako ng lalaking katabi ko bago pa po ako mainip at maghanap ng iba!"Nakatawang sagot nito sa kanya.

Natawa din siya!

" Pwera biro!"

"Totoo yon,ano ka!Akala mo nagbibiro ako?" Nakatawa pa ring sagot nito.

Ngumiti na lang siya,but deep inside his heart ay tuwang tuwa siya.Totoo man o hindi basta't alam niyang naghihintay ito na muling matututo ang puso niyang magmahal.

Nang Matapos magkainan ay inuman naman ang inatupag ng mag kakaibigan.

Kanya-kanyang kantahan ang iba ng mga paborito nilang kanta.Si Melanie naman ay nakipag kwentuhan kay Daisy at sa iba pa nilang kumare.Siya naman ay tahimik na nakikinig lamang.

Nakaka tuwa silang pagmasdan,walang bahid ng kaplastikan ang mga ngiti ng mga ito sa bawat isa.Tawanan lang ng tawanan ang mga ito sa mga kwento ni Melanie.Boses nito ang nangunguna sa kwentuhan.

Tatahimik lamang ito kapag sila na ang tampok ng usapan.Paanong hindi ay palagi silang tinutukso dahil hindi niya binibitawan ang kamay nito.
Paminsan minsan niya iyong dinadala sa kanyang mga labi para halikan.O di kaya nama'y naka akbay ang braso niya sa balikat nito.

Alas dos na ng madaling araw ng matapos ang inuman.Kanya-kanya na ng uwian.Tinulungan muna nilang mag linis ng konting kalat si Daisy bago sila sabay na umuwe sa bahay ni Melanie.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro