Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Mother's Secret

A/N

Shout out sa mga readers ko jan...

Keep on reading guys...

And dont forget to vote...

Lab yah...!!!

================================

Melanie...

Habang lumalaon ay lalo siyang  nakakaramdam ng kahungkagan.Ayaw niyang mawalan ng pag asa na babalik pa si Zach para sa kanya.

Pero parang puso na lang niya ang umaasa.

Ang isip niya'y natututo nang mag isip na hindi na siya babalikan nito.

Ginawa lang talaga siya nitong libangan noong itoy nasa Pilipinas pa.

Pero tama si Daisy!

Bakit hindi niya magawang bumangon kung sakali mang iniwanan na nga siya ni Zach?

Dapat kahit papaano ay sanay na siya dahil pangalawang pagkakataon na ang pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Hindi niya alam kung bakit ngayon pa siya naging mahina gayong napakarami ng pagsubok ang kanyang pinagdaanan.

Mula pagkabata ay tinesting na siya ng tadhana at hindi siya nagawang pasukuin ng panahon.

Ngunit bakit ngayon ay naging ganito siya ng dahil sa isang lalaki lamang.

Kailangan niyang maging matatag para sa kanyang mga anak.

Kailangan niyang lumaban!

Pinunasan niya ang pumatak na luha sa magkabila niyang mga mata.

Ipinagpatuloy niya ang pagdidilig ng mga bulaklak sa hardin.

Napatingin siya sa gate ng bumukas iyon at pumasok ang sasakyan ni Senyora Guada.

Walang reaksyon sa kanyang mga mata ng maglakad palapit sa kanya ang matanda.

Samantalang ang matanda ay tila manghang-mangha sa nakitang hitsura niya.Bilog na bilog ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.Hindi din nakaligtas sa kanyang paningin ng sapuhin nito ang sariling dibdib.

Napayuko siya ng makita ang mga luhang pumatak sa mga mata ng senyora.

Kaagad siya nitong niyakap ng makalapit sa kanya.At lalong humagulhol ng iyak ng gumanti din siya ng yakap.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin,hija?" Kaagad na tanong nito sa kanya.

Alam niyang ang pagbubuntis niya ang ibig nitong tukuyin.

"H-hindi ko alam kung papaano sasabihin,Mama." Umiiyak na sagot niya."Maniwala ka Mama,kay Zach 'to,wala akong ibang lalaki,hindi ko din alam kung papaano ako nabuntis,Mama!"Hindi magkaintidihang paliwanag niya sa matanda.

Natatakot siyang pagbintangan na sa ibang lalaki ang ipinagbubuntis niya.

"I know...hija!" Malambing na sagot ng senyora.At pagkatapos ay malakas na napahagulhol ito ng iyak.

Naguguluhang napatingin siya sa matanda.

Anong hugot meron ang matandang ito?

Naiisip niya.

"Mama?"

Inakay siya ng Senyora papasok sa loob ng bahay at iniupo sa sofa roon.Samantalang ang matanda ay palakad-lakad sa harap niya.

"A-alam kong darating ang oras na ito...!"

Saad nito,tila ang sarili ang kinakausap kesa sa kanya.

Gusto niyang magtanong ngunit mas pinili niyang  manahimik at makinig sa matanda.

"Z-zach,will surely hate me...!"

Umiiyak pa din ang matanda ng maupo ito sa tabi niya.

"Matagal ko ng sinabi iyan sa iyo,Guada!"

Nagulat silang pareho ng senyora ng biglang magsalita si Nanay pining sa likod nila.

"P-pining...!" Umiiyak na yumakap ang senyora sa kaibigang matalik slash mayordoma na si Nanay pining.

Kung ganoo'y may alam din ang yaya ni Zach?

"A-anong ibig ninyong sabihin,Mama?"

Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa dalawang matanda.

"Sabihin mo na, Guada! "Pamimilit ni Nanay pining sa senyora."Dumating na ang araw na kinakatakutan mo, Guada! "

Hindi siya umimik, hinintay niya na magsalita ang senyora.

"Hindi baog si Zach, hija... "Kaagad na sagot ni Senyora Guada.

"At alam ninyo 'yun ni Nanay pining?"
Gulat na tanong niya.

"Oo, Melanie,"sagot ni Nanay pining. "Matagal ko nang sinabi sa iyo Guada, na ipagtapat mo na iyan kay Zach,hinintay mo pang makabuntis ang anak mo bago mo ipagtapat! "
Sermon ni Nanay pining sa senyora.

"Alam mo namang bihirang umimik sa akin ang anak ko noong dumating, hindi ako makahanap ng tiyempo! "
Paliwanag ng senyora."Eh bakit hindi ikaw ang nagsabi eh kayo ang madalas magkausap? "

"At bakit ako, eh ikaw ang ina! At tsaka ikaw ang may gawa niyan, bakit ako ang dapat magsabi kay Zach? "
Naiiyak na rin si Nanay pining.

Naguguluhang napasubsob siya sa kanyang mga palad.

Ano nang nangyari, bakit lalong gumugulo ang usapan.

"Pinalabas ko lang na baog si Zach, hija! "Baling sa kanya ng senyora.

"Pero papaano, Mama? "Tanong niya.

"Sinabotahe niya ang bawat test result ni Zach! "Sabat ni Nanay pining.

"Ho? "Naitakip niya ang dalawang palad sa bibig sa sobrang gulat sa rebelasyon ng dalawang matanda.

"Binayaran ko ang doktor, para palabasing baog si Zach. "Diretsang pag amin ng matanda.

"Lahat ng doktor, na pinuntahan ni Zach, Mama? "Mulagat na tanong niyang muli sa senyora.

"Ako ang nag rekomenda sa bawat doktor na pinuntahan ni Zach. "
Nanghihinang pag amin ng senyora.

"Pero bakit? "Tanong niyang muli.

"Para iwanan siya ni Candice, dahil nalaman kong pera lang ang gusto nito kay Zach, nalugi ang negosyo ng mga magulang ni Candice kaya nagpakasal kay Zach! "Nagkaroon ng
galit ang boses ng senyora.
"Ganun din si Myca, ginawa lamang nilang walking ATM machine ang anak ko. "

"Pero bakit ho hindi nabuntis sina Candice at Myca? "Hindi maka paniwalang tanong niya.

"Hindi ko rin alam,sa negosyo nakatutok noon si Zach, baka hindi lang talaga sila kaagad biniyayaan ng anak.Nang hindi magbuntis si Candice sa loob ng dalawang taon ay nagpatest silang mag asawa."Paliwanag ng senyora."Ako ang nag bigay ng doktor nila kaya't napalabas kong baog si Zach, na naging dahilan ng pag iwan ni Candice kay Zach. "

"At hindi din nabuntis ni Zach si Myca.Sadyang ipinarinig ko kay Myca ang pag uusap namin ni Zach tungkol sa pagiging baog nito,iniwanan din ni Myca si Zach, sa pagkakaalam na baog ito.Ngunit hindi lang nito basta iniwanan si Zach, ipinagsabi pa nito na baog ang anak ko.Doon na nagsimulang magalit sa akin si Zach dahil, puro inireto ko sa kanya sina Candice at Myca, na talagang pinagsisihan ko."

Tila nahapo ang senyora sa pag sa-salaysay nito sa mga pangyayari noon.

"Tiyak na magagalit si Zach, kapag nalaman niya ito ,Guada. "Sabat muli ni Nanay pining.

Bigla siyang kinabahan sa tinatakbo ng usapan. Lalo na nang mapansin niyang halos nagmamakaawa ang tingin sa kanya ng Senyora.

Ang buong akala pa naman niya ay may solusyon na ang suliranin niya. Iyon pala ay mas malaking problema pa ang kasunod niyon. Lalo tuloy siyang napa hagulhol ng malakas na iyak.

Parang alam na niya ang gustong ipahiwatig ng mga tingin ng matanda.

Tinging may ibig sabihin!

Hindi niya malaman ang gagawin.
Kung biglang dumating si Zach at makitang buntis siya.Hindi niya pwedeng sabihin na nabuntis siya nito. Dahil tiyak na magagalit ito sa ina nito.

Napakalaki ng utang na loob niya sa matanda para ipahamak ito.

"Hindi magagalit si Zach, kung hindi niya alam na siya ang ama ng ipinagbubuntis ko, Mama. "
Lumuluhang sabi niya sa senyora.

"Sino ang sasabihin mong ama niyan?"sabay na tanong ng dalawang matanda.

"Ang dati kong asawa ,Mama, sasabihin kong buntis na ako ng dumating sa mansion. "Lalo siyang napahagulhol ng iyak.

Mahal niya si Zach, pero marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

"Guada, mali ito,alam nating nagmamahalan ang mga bata,maaatim mo bang mag kasira ang dalawa nang dahil sa pagtatakip sa nagawa mo? "Tutol ni Nanay pining.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Pining... Litong-lito na din ako, hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang pag amin kay Zach.!"

"Pero mali... Mali... Guada, huwag mong pagtakpan ang pagkakamali mo ng isa pang pagkakamali! "Galit na si Nanay pining, hindi na alintanang amo pa rin niya ang kinakausap.

"Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon,ipagtatapat ko rin naman sa kanya kung makahanap ako ng tiyempo! "Sagot ng senyora.

"Aminin mo iyan bago pa magkasira sina Zach at Melanie, dahil kung hindi ay ako ang magtatapat sa alaga ko! "
Galit nang tumalikod ang matandang mayordoma.

Lalong napalakas ang iyak ng senyora sa sinabi ni Nanay pining.

Siya nama'y nahahapong napa sandal sa sofa.

Desidido na siya!

Pagtatakpan niya ang senyora, kahit ano pang kahinatnan nito.

Bahala na!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro