The Ego
Zach's POV
Magkasabay silang nagising ni Melanie...
Sabay silang bumangon at magka sabay ding naligo.
Pagkatapos ay magkahawak -kamay na bumaba sa komedor para magkape.
Inabutan nila doon ang mga bata, si Daisy at ang Senyora.
"Morning 'Ma...Daddy Zach...!" Korong bati ng bata sa kanila ni Melanie. Pagkatapos ay nagpaalam na maliligo sa pool.Sinenyasan ng Senyora ang ilang katulong na sundan ang mga anak ni Melanie.
"Good morning!" Bati ni Melanie sa mga ito.Humalik ito sa kanyang ina bago umupo sa hinila niyang upuan para riti Palihim siya nitongng kinambatan para batiin din ang kanyang ina.
"Good morning 'Ma." Simpleng sabi niya at naupo na rin siya sa tabi ni Melanie.
Bahagyang tinanguan naman niya ang kaibigan ni Melanie.
Alam niyang nagulat ang kanyang ina sa pagbati niya.Ngumiti lang ito sa kanya at nakangiti ding bumaling kay Melanie.
"Musta ang tulog mo besty?" Narinig niyang tanong ni Melanie sa kaibigan nito.
"Okay naman besty."sagot nito,sabay bulong...." ikaw?"
"Mas okay...!" At naghagik-hikan ang mga ito.Gusto niyang matawa sa magkaibigan,dahil alam niya ang pinagtatawanan ng mga ito.
Hindi niya magawang umimik munti man dahil naunahan siya ng hiya.Kanina pa din siya naasiwa dahil hindi siya isinasali ng magkaibigan sa usapan ng mga ito.Ang kanyang ina naman ay pangiti-ngiti lang habang pinapanood ang magkaibigang nagbubungis-ngisan.
"Kamusta ka na,Zach,hijo?"
Pagkuway baling sa kanya ng kanyang ina.
Napadako ang paningin niya kay Melanie,na tila nagtatanong kung anong isasagot niya.Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito.Muli nitong kinausap ang kaibigan nito.
"I'm fine,Mama." Simpleng sagot niya."Excuse me,mag gi-gym ako!"sabi niya sabay tayo.Nakita pa niyang nakatingin sa kanya si Melanie.
"Ah...naku sorry Hijo,hindi ko naasikasong ipadala dito ang mga gym equipments mo!" Sabi ng kanyang ina.
"Okay lang,Mama.Mag jo-jogging na lang ako" balewalang sagot niya.Lumapit siya kay Melanie,"Do you want to join me,babe?"
"No,makiki join kami ni bff sa mga bata sa pool!" Tanggi nito.
"Okay." Tumalikod na siya matapos niya itong bigyan ng mabilis na halik sa labi.
Nagpaikot-ikot siya sa loob ng subdivision. Ang dami niyang iniisip pero si Melanie pa rin ang nangunguna sa isipin niya.
Hindi pa kasi niya nasasabi sa nobya ang pagbalik niya ng Canada.Tumawag sa kanya ang pinsan niyang si Laurence.May problema ang kumpanya doon at kailangan daw nito ang tulong niya.
Hindi niya alam kung papaano iyon ipapaliwanag kay Melanie.
Balak sana niyang umalis nang walang paalam.
Pero sa isang banda ay tama rin siguro na umalis muna siya ng Pilipinas.Nang sa ganoon ay masagot niya ang tanong niya sa sarili niya kung talagang mahal na nga niya si Melanie.
Ang isa pang problema ay ang kanyang ina, hindi na rin iyon papayag na maglagi siyang muli ng Canada.
Hindi pa nga sila nag kaka ayos ay aalis na naman siya.
Afterwards...
Nang bumalik siya ng bahay ay hinanap niya kaagad ang kanyang ina.Na natagpuan niya sa kubo sa may pool area habang nanonood kina Melanie na naglalaro ng bola sa pool.
"Hey,Zach...wanna join?"
Sigaw ni Melanie sa kanya. Lumapit siya at doon niya nabistahan na naka two piece black bikini ito.Umahon ito sa pool at sinalubong siya.
Oh my!
Hindi niya alam kung anong meron sa babaeng ito at nagkakagulo ang buong sistema niya kapag lumalapit ito sa kanya.
Lalo na kapag ganitong tila hubad ito sa kanyang paningin.
Mahal mo siya,ugok!
Sabi naman ng isang kunsensya ko.
Naku libog lang yan!
Sabi naman ng isa pa.
Oh shit!
Nasisiraan na siya ng bait!
Umiling-iling siya para mawala ang nasa isip niya.
"Babe!" Sabi niya ng makalapit si Melanie.Pumulupot agad ito sa kanya,kaya binigyan niya ito ng isang maalab na halik sa labi.Halos ayaw niya itong bitawan,pakiramdam niya kapag binitawan niya ito ay mawawala ito sa kanya.
Kapwa naghahabol sila ng hininga ng bitawan niya ito.
Hindi pa niya ito mabibitawan kung hindi pa siya nito tinapik ng marahan sa braso.
"I'm sorry,babe!Ang sexy mo kasi,nalimutan ko tuloy na wala tayo sa kwarto."He joked.
Tumawa lang naman ito.
"Halika,swimming tayo!" Yaya nito sa kanya.
"Maybe next time,babe...kailangan ko pang kausapin si Mama." Tanggi niya sa nobya."Hihintayin kita sa kwarto ha..."pilyo niyang bulong dito.
Natatawang hinampas siya nito sa braso.
"Sige na bumalik kana sa pool," taboy niya,sabay tapik sa may puwitan nito.
"Okay..." At tila kinikilig pa na naglakad na ito palayo sa kanya.
Nag aalangang tinungo niya ang kubo kung saan naroon ang kanyang ina na nagbabasa ng paborito nitong tabloid.
Tumunghay ito ng makita siya sa tabi nito.
"Oh Zach,bakit ayaw mong maki join kina Melanie sa pool?"tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya.
Tapos ay pauli-uli siyang naglakad sa loob ng kubo.
Hindi niya malaman ang una niyang sasabihin.Kung paano bubuksan ang usapan.
Nilunok niya ang pride niya pero hindi niya maibuka ang kanyang bibig.
Nakatangla lang sa kanya ang kanyang Mama.
"May problema ka ba,Zach...anak?"
"Babalik na ako ng Canada,Mama!" Sa wakas ay nasabi niya.
"What!Pero dalawang buwang mahigit ka pa lamang dito ah,bakit?"
"May problema ang kompanya doon,Mama.Nahihirapan si Laurence." paliwanag niya,nanghihinang naupo siya sa tabi ng kanyang Mama.
Si Laurence ay pinsan niya sa side ng Papa niya. Ito ang itinalaga niyang mamahala ng kompanya nang umuwe siya ng Pilipinas Katulong din nito ang iba pa nilang pinsan na kapwa mga taga pagmana din ng mga shares ng kanilang mga magulang.
"Iiwanan mo siya?" Tanong nito pero kay Melanie nakatingin,sa may pool.
Gusto niyang matawa sa kanyang ina, talagang si Melanie pa ang una nitong naisip at hindi ang sarili.
"Hindi ko alam,Mama!,Sasama kaya siya sa akin sa Canada?"
Tumitig muna ito ng matagal sa kanya. Tila tinitimbang ang gustong sabihin.
"Hindi iiwanan ni Melanie ang kanyang mga anak.Pero kausapin mo rin,malay natin!"
Gustong sumakit ng niya.
Isipin pa lamang niya na hindi sasama sa kanya sa Canada si Melanie ay parang hindi na niya kaya pang umalis.
Lumapit sa kanya ang kanyang ina.Hinimas-himas ang nito ang likod niya, tulad ng ginagawa nito sa kanya noong bata pa siya kapag umiiyak siya.
Parang biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob niya para rito.
Tama si Melanie,mas maraming magandang nagawa ang kanyang ina kesa sa mga kasalanang palagi niyang ibinibintang dito.
Totoong kapakanan niya ang palaging inaalala nito.Ngunit dahil palagi siyang nasasaktan sa dulo,ay palagi din niya itong napapagbuntunan ng sisi.
Nagawa niya itong tiisin sa loob ng anim na mahahabang taon.Hindi siya umuwe ng anim taon sa Pilipinas.Kahit pasko ay hindi niya ito dinadalaw at walang tawag miski sa araw ng kaarawan nito.
Mas tiningnan niya ang mga maliliit nitong pagkakamali kesa sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa kanya.
At na realized niya iyon ng ipamukha iyon sa kanya ni Melanie.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro