Sayaw ng Puso
Her
Kabado siya, habang bumababa ng hagdan. Pakiramdam niya ay sa kanya lahat nakatingin ang mga tao.
Puno ang malaking bahay niya ng tao mula sa loob hanggang sa labas. Pinaayusan ng Senyora ang malawak na likod ng bahay. Mula sa bandang may pool area paikot hanggang sa may garden niya hanggang sa harapan. Totally puno ng bisita sa loob at labas ng bahay niya.
Hindi siya pumayag sa kagustuhan ng matanda na sa mansion sa forbes mag party. Paano hindi makakapunta ang mga kaibigan niya doon.
Ang mga malalapit niyang kaibigan ay heto at nasa loob lahat ng bahay. Nahihiyang makisalamuha sa mga bisita ng Senyora na nag kakaingay sa labas.
Hindi rin siya pumayag na isuot ang pulang gown na ipinagawa ng matanda. Masyadong mabongga. Hindi naman siya debutante para magsuot ng ganoon. She was just wearing a simple dress na dapat sana ay pamalit niya pagkatapos ng pagpapakilala sa kanya.
Pinagbigyan lang niya ang matanda sa mga damit ng mga anak niya na puro bongga at mamahaling gown na ipinagawa ng donya maging si Daisy na nag mukhang celebrity sa suot nito.
Oh see???
Diba bongga!
Ang Senyora ang nasunod sa lahat ng dekorasyon, cattering at kung ano-anu pa. Eh ano bang alam niya sa pang mayamang party? Eh kung siya lang ang masusunod eh wala ang party na ito.
"Hoy... Bff...ano tatayo ka na lang ba diyan sa may hagdan? Bumaba ka diyan at tingnan mo kung gaano karami ang mga bisita mo.!"Tawag sa kanya ng kaibigan niya na nakatayo na pala sa may punong hagdan at hinihintay siya."Happy birthday, bff!"
At niyakap siya nito ng mahigpit.
Nagpasalamat siya dito, kahit araw-araw na ginawa ng DIYOS ay binabati siya nito, bago pa sumapit ang mismong kaarawan niya.
Ganito talaga ang kaibigan niya, OA minsan.
"Nasan ang mga anak ko, besty? "
Tanong niya sa kaibigan.
"Naku eh malamang eh karay ng Biyenan mo para ipakilala sa pamilya niyang dumating galing Ilocos.! "Sagot nito. "Kaganda mo naman, bff... Diyan sa suot mo! Pero mas maganda kung iyong red gown ang isinuot mo! "
Marahan lang siyang umiling at muling inulit sa kaibigan kung bakit ayaw niyang suotin iyong damit n sinabi nito. Ipinatong niya sa balikat ang shawl na nalaglag na.
Nilagpasan niya ang kaibigan at nilapitan ang mga dati niyang kapitbahay sa riles kasama ang mga magulang nito.
"Happy birthday, Melanie! "
Koro ng mga ito.
"Salamat po! "Nahihiyang sagot niya, papaano ay binibiro palagi siya ng mga ito na Donya na daw siya.
"Buti pa iyang suot mo, anak... Kaganda kahit simple, balikat lang ang labas. Eh tingnan mo itong sa kaibigan mo at luwa na ang kaluluwa!"Puna ng ina ni Daisy.
Na tinawanan nilang lahat.
"'Nay, dalaga naman si Daisy, ako ay apat na ang anak, pagbigyan n'yo na at maghahanap daw siya ng boyfriend! "Natatawang paliwanag niya sa matanda.
"Kow eh, bakit nagmamadaling mag asawa eh bata pa naman siya! "Sagot ng ama nito.
"Itay... Ano gang bata pa ay trenta y sinco na ako! "Palatak ni Daisy, tawanan silang lahat sa reaksyon nito.
"Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, yan ay kusang dumarating! "Hirit pa ng ina nito.
"Hanggang kelan ko pa hihintayin, inay? Kapag tuyot na ako at wala ng sabaw? Naku diyan na nga kayo at ilalabas ko na itong birthday celebrant! "Napipika nang sagot ni Daisy sa mga magulang. Natatawa naman siyang sumama dito. Palagi kasi itong binibiro ng mga magulang na tatanda ng dalaga.
Antimanong lumabas siya ng bahay ay ini announced kaagad ng emcee na siya ang may kaarawan.
Kaagad namang lumapit sa kanya ang Senyora at ipinakilala siya sa mga kamag anak at iba pang bisita nito.
Matapos siyang ipakilala ay nagsiyawan na ang mga bisita. Kanya-kanya ng tumpukan ang mga bisita ng matanda na nagkukuwentuhan at nag sisikainan.
Luminga linga siya para hanapin si Daisy at ang mga anak niya.
Nakita niya ang kaibigan niyang may kausap na lalaki. Kaagad siyang lumapit dito ng makitang nagagalit ito.
Kaagad niyang nakilala ang lalaking kausap nito. Pamangkin ito ng Senyora galing Ilocos.
"Bff, ano bang problema? "Bulong niya rito.
"Hi, Melanie... Pinsan ako ni Zach! "At humalik pa ito sa kanyang pisngi.
"Nakikipagkilala lang naman ako dito sa magandang binibini na ito, tinanong ko kung dalaga siya at iuuwe ko kaagad ng Ilocos! "Paliwanag ng gwapong binata. Wala siyang mahimigang nagbibiro lamang ito, seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaibigan niya.
Natawa naman siya sa kaprangkahan ng lalaki.
Mukhang alam na niya kung bakit nagagalit ang kaibigan niya. Galit ito sa mayabang at presko kung magsalita.
"Anong akala mo sa akin, suman na nakita mo sa handaan na pwede mong balutin para iuwe?"inis na sagot ng kaibigan niya.
"Madali lang naman ang sagot sa tanong ko ah, kung gusto mo ay di iuuwe nga kita kung ayaw mo edi huwag. Siguro ay gusto mo kaya hindi ka makasagot! "Dagdag pa ng lalaki.
Natatawang iniwanan na niya ang dalawa. Knowing her bestfriend mahihirapan dito si Deo.
Palinga-linga siyang naglalakad papuntang pool area...
Nang may bultong humarang sa kanya.
Kinabahan siyang bigla. Kahit hindi siya tumingala ay sigurado siyang si Zach ito. Dahil nalalanghap niya ang pamilyar na mens Cologne na gamit nito.
Dahan-dahan siyang tumunghay. Nakasubong ng kanyang mga mata ang kulay asul na mga mata ni Zach.
Tulala niyang itong tinitigan.
At...
Tinitigan...
At...
tinitigan ulet.
Anyare sa kanya?
Nasaan ang nakaparaming masasakit na salitang hinabi niya para isumbat kay Zach?
.
.
.
Zach
He blinked when his eyes finally settled on her. His heart started beating fast like it did almost a year ago, When Melanie came naked and drunk in his room.
He took a deep breath.
Melanie's wearing a skin tone gown that hugs her sexy body. Her cleavage is exposed, pero konti lang.Off shoulder ang gown ngunit may shawl pa itong nakapatong sa mga balikat nito. Parang pumayat ito ng konti, hindi tulad noong iwan niya ito na lahat sa katawan nito ay malaman. Nagmature ang itsura nito magmula ng huli niya itong makita na palaging nakangiti at malambing sa kanya.
"H-happy birthday... Babe! "He said.
Hindi niya mawari kung bakit tila ninenerbyos siya kapag kaharap ito. Lalo na at hindi ito ngumi ngiti man lang sa kanya.
"T-thanks! "Sa wakas ay sabi nito sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag ng ngumiti ito ng bahagya sa kanya.
The anticipation for this moment gave him sleepless nights.
Hindi kasi niya sigurado kung anong magiging reaksyon nito kapag nagkita na sila.
He expected worse than this.
Lumapit siya ng bahagya pa at niyakap niya ito at hinalik-halikan sa tuktok nito.
"Tell me what I should do, para makabawi sa lahat ng kasalanan ko sayo?"Puno ng sinseridad niyang saad sa babaeng minamahal niya.
Nagulat siya ng gumanti ito ng yakap at humagulhol ng iyak sa dibdib niya.
Wala siyang paki alam sa kahit na sinong makakitang umiiyak din siya.
Mahal na mahal niya ang babaeng ito.Ang babaeng sa halip na magalit ay niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.
Hindi ito umimik kamunti man ng maghiwalay sila,basta nakatitig lang ito sa kanya na tila madaming gustong sabihin pero sinasaisip lang.
Muli niya itong kinabig at hinalikan sa nakaawang nitong mga labi.Gumanti rin ito ng halik at ipinulupot ang mga bisig sa kanyang batok.
"Ipapaliwanag ko ang..."he was about to explain,When Melanie put her finger on his lips.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag.Kalimutan na natin ang nakalipas na. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang darating pang bukas.Just say you love me,Zach!"
"I love you,babe!"he said
"I love you,more..!"sagot nito at muli itong sumubsob sa dibdib niya.Narinig niyang humihikbi na naman ito.
Itinunghay niya ang mukha nito at pinunasan ng kanyang kamay ang mga luhang nag uunahang pumatak sa mga mata nito.
"Shhh...tahan na, I promised not to make you cry again.Antagal mong tumahan,para kang bata."He joked.."Kung paiiyakin man kitang muli that would be a tears of joy!"masuyo niyang saad dito.
Napatawa naman ito.Marahan nitong hinampas ang kanyang braso.
"Let's dance,babe!This is your birthday,I wanna hold you in my arms! "He said while licking her earlobe.
Kinurot naman siya nito sa tagiliran sa ginawa niya.Natatawa niya itong hinila sa loob ng kubo at doon hinapit ng mahigpit para isayaw.
"Dito tayo magsasayaw? "Kunot ang noong tanong nito.
"Mas maganda dito,walang makakakita kahit naghahalikan tayo habang nagsasayaw!"Natatawa niyang sagot dito. Pinamulahan naman ito ng mukha sa sinabi niya. Paano ay napakarami din palang tao sa may bandang pool.At lahat halos ay nakatingin sa kanilang dalawa.
Sinabayan nila ng marahang pag galaw ang magandang musika na parang sadyang pinatugtog para sa kanila.
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
Cause I'm yours...
Hindi na nila pinansin ang mga tao sa paligid.Patuloy lang sila sa kanilang pag yayakapan ay este sa kanilang pag sasayaw.
Isinubsob niya si Melanie sa kanyang dibdib at hinapit ng mahigpit.
Ngayon niya napatunayang mahal na mahal pala talaga niya ang babaeng luka-luka na kusang nagpagahasa sa kanya noong lasing ito.
Buti na lang at may isang luka-luka pang nagtiyaga at nagmahal sa kanya ng lubos.
Bukas magpapasalamat siya sa kanyang ina.
P. S.
Gulat kayo noh...
Kala n'yo aawayin ni Melanie si Zach noh.
That thing is called love, my dear readers.
No matter how it hurts, basta marunong humingi ng tawad at marunong tayong magpatawad.
Loved will completely vanished all heart aches and hates!
Hindi puro galit at paghihiganti ang dapat nating ibalik.
Pagmamahal lang sapat na para mawala ang galit ...
Sabi nga ng ina ko....
Kapag binato ka ng bato...
Batuhin mo ng tinapay...
Kapag bumalik...
Walang palaman... Hahaha!!!
Keep on reading guys!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro