Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

Nasaan ako? Bakit ang liwanag?

Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid pero tanging puti lang ang aking nakikita. Naglakad-lakad ako at hinanap ang daan palabas sa lugar na ito nang mahagip ng aking mata ang isang babae.

Nakatalikod ito sa akin at naglalakad na pawang wala sa sarili. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan at may kahabaan ang kanyang buhok na umaabot hanggang baywang.

May kung sinong nag-udyok sa akin na magtanong. Magtanong kung nasaan ako. Magtanong kung bakit ako naririto. Pero bago ko pa man magawa 'yon ay may nakaagaw nang pansin ko.

Ramdam ko ang pangangalog ng lupa. Ang paunti-unting pagragasa ng tunog. Napalingon ako sa direksyon n'on. Malabo ito sa una pero nang lumaon ay nagiging malinaw na sa mata ko.

Isang truck?

Muli kong sinulyapan ang babaeng tahimik na naglalakad, at muli ay sa truck na palapit na palapit na.

Hindi kaya . . .

"Miss, may sasakyan!" Huli na nang masambit ko ang salitang iyon dahil tuluyan na siyang nasagasaan. Dali-dali akong tumakbo sa direksyon niya at nang tuluyang makalapit ay agad akong sumigaw para humingi ng tulong.

Lumuhod ako para alalayan ang babae at nang makita ko ang mukha niya ay bigla akong nanginig.

B-Bakit ganito yung nangyayari sa akin?

Nakarinig ako ng isang tinig at tila may hinahanap ito. "Mahal, nasaan ka?"



Gamit ang buong lakas ay agad akong sumigaw at humingi ng saklolo. "TULONG!"

"Mahal, nasaan ka na?" Unti-unti kong naaaninag ang isang tao na nagmamadali na pumunta sa direksyon namin. Nang tuluyang makalapit ay agad itong lumuhod at iniyakan ang babaeng nasagasaan.

Teka? Bakit niya iniiyakan ang aking sarili? Naguguluhan na ako!



"Mahal gumising ka . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro