Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Agad akong napabangon sa aking higaan.

Anong nangyari? Panaginip lang ba iyon?



Iginala ko ang tingin sa paligid at nang mapagtantong walang tao, ay nakaramdam ako nang sobrang kaba. Ramdam na ramdam ko ang tensyon ng aking katawan.




Bakit ba ganito ang nakikita ko?




Tumingin ako sa orasan at tumindig ang balahibo ko sa kadahilanang hindi na naman ito umaandar.


Hindi ko alam at bigla na lamang tumulo ang mga luha ko sa mata at dali daling nagtatago sa isang sulok. Lalo pa akong kinabahan ng may marinig akong boses lalaki at kumakatok ito sa aking kwarto.



"Mahal, lumabas kana. Nakapagluto na ako ng pagkain. Bilisan mo na." Hindi ako nakinig dito at patuloy pa rin sa pagtago sa isang sulok. "Mahal, papasok na ako ah!" Sabi nito at mayamaya'y narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pintuan sa aking kwarto. "Mahal, nasaan ka?" Tanong nito.

Tinakpan ko ang aking bibig para hindi makalikha nang ingay. "Mahal, lumabas kana. Hindi mo lang alam kung gaano ako kauhaw sa pagmamahal mo." Sabi nito at narinig ko ang hakbang niya na papalayo nang kaunti. Siguro ay papunta ito sa palikuran . . .

Agad ako nagkaroon ng lakas na loob para tumakbo. Ngunit sa hindi inaasahan agad ako na estatea nang makita ito na nasa harapan ko. Napatili ako nang dahil sa takot. "Nandito ka lang naman pala mahal. Tara na kumain na tayo." Aya nito.



"Ayoko!" Sigaw ko at tumakbo na palabas ng kwarto.



Pagkababa ko ay nakita ko sina ate at papa kaya dali-dali akong nagpunta sa direksyon nila. "Nababaliw na ata ako. Anong nangyayari . . ." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at iyak na ako nang iyak sa nangyayari.


"Umupo ka muna at kumain na tayo. Pumunta pa rito ang nobyo mong si Lucas para ipagluto tayo ng pagkain." Ani ate.



"Anak, ano bang nangyari?" Tanong ni Papa.

"Bakit lahat nang napapanaginipan ko parang lahat ng 'yon totoong nangyayari? Bakit sa tuwing tulog ako ay tumitigil ang orasan?" Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko at patuloy sa paghagulgol. Nakita ko ang bahagyang pagtawa ni ate na siyang ikina asar ko.

"Anak, panaginip lang iyon.Wag mo na iyon isipin." Sabi ni papa sa akin habang inaalo ako sa likod.

Nakita kong pababa na si Lucas sa hagdan na siyang dahilan para magtanong muli ako. "P-paano ko siya naging nobyo?"



Natahimik sila saglit at di kalauna'y kaagad silang nagpakawala nang malakas na paghalakhak. "Yung totoo Sahara, hindi mo matandaan? Gumising ka na kasi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro