Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Makalipas ang mahigit dalawang oras na nasa byahe ay tuluyan na rin namin narating ang lugar kung saan gaganapin ang 13th anniversary ng kumpanya ni papa. Lumabas na kami ni Hana sa sasakyan at nagsimula nang maglakad papasok sa loob.




"Ay bongga may pa red carpet sis!" Natutuwang sambit ni Hana at feel na feel pa ang pagrampa sa carpet.



Pagkapasok namin ay kaagad na nagsi flash ang mga camera. Nakakasilaw ang bawat liwanag na lumalabas sa mga ito kaya hinarang ko nang bahagya ang aking kamay. Sa paglakad namin ay siyang pagpansin ko sa mga taong nakatingin sa akin.


Anong meron?

Nahanap nang aking mga mata ang kinatatayuan nila papa at ate kaya kaagad kaming nagtungo roon. Sa paglapit namin ay siya pa ring pagtingin sa akin ng mga tao. "May dumi ba ako sa mukha, Hana?" Tanong ko.



"Wala naman. Ang ganda mo nga eh!" Pagpupuri nito.




Nang tuluyang makarating sa kinaroroonan nila papa ay agad akong tumigil. "Naunahan pa namin kayo." Pagmamalaki ni Ate.


Hindi ko lang siya pinansin at napukaw ang atensyon ko nang biglang magsalita ang emcee. "Good Afternoon ladies and gentlemen. As we celebrated the 13th Anniversary of this company, lets give a round of applause for the Chairman Ronaldino Mendoza, and the new CEO of DESIRE Company, Mr. Lucas Fernandez."



Agad kaming nagpalakpakan at sinuportahan si Papa sa pag akyat sa entablado kasama yung . . . "Siya yung lalaking nasa mall ah!" Hindi ako makapaniwala sa nakita.

Nakatingin lang ako rito habang patuloy ito sa pagkaway sa stage. Akalain ko ba naman na sa pagkakataong ito makikita ko pa siya. At siya pa talaga ang CEO ng kumpanya . . .


Pinakinggan ko ang kanilang speech at pagkatapos ay nagsimulang magpalakpakan ang mga tao. Bumaba na sila ni papa sa stage at nagsimula na ang seremonya.


Nagsiupo na rin kami sa mga kanya-kanya naming upuan. Mayamaya'y may lumapit sa aming waiter at ibinigay ang aming pagkain at wine.


Nagsimula na kami sa pagkain. "May boyfriend ka na Hana?" Tanong ni ate.


"Wala pa——"


"Nako, ito na ang tamang oras para mang hunt ka hahahaha!" Napatingin ako kay ate at sinamaan ito ng tingin. "Ate naman . . ." Suway ko rito.



"Why? Si Hana ang sinasabihan ko, hindi ikaw." Inirapan ko ito at nagpatuloy na sa pagkain.



Nang tuluyang matapos kumain sakto namang nakaramdam ako ng tawag nang kalikasan kaya nagmadali akong hanapin ang malapit na comfort room. Naisipan kong magtanong sa isang waiter. "Nasaan po ang comfort room?"



"Sa 2nd floor po ma'am." Sagot nito kaya naman at nagmadali na ako sa pag akyat.

Pagkarating ko sa itaas, agad kong natanaw kung nasan iyon at pumasok na sa loob upang sagutin ang tawag ng kalikasan. Sa ngayon naging maganda naman ang naging usapin namin kaya maayos na ang aking pakiramdam.


Pagkatapos kong mag bawas ay naghuhas ako nang aking kamay at nag-ayos sa salamin. Lumabas na ako sa comfort room at inilibot ang tingin sa paligid. Agad kong natanaw ang balcony nitong mansion kaya agad akong pumunta roon.

Dumungaw ako sa labas at nakita ang isang magandang siyudad. "Ang ganda rito." Komento ko at napangiti.

Nakarinig ako nang mga hakbang kaya agad kong inayos ang aking sarili at lumingon. Nakita ko ang lalaking nakita ko sa mall.





Binigyan niya ako ng isang ngiti na ikinapagtataka ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan binibini . . . anong ginagawa mo rito?" Balik nitong tanong.


"Nagpapahangin lang ako." Mabilis kong sagot sa kanya.


"Kung ganon ay maaari rin ba akong magpahangin dito?"


"Malamang!" Sabi ko at tinignan ng muli ang buong tanawin.



"Hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin kita."


Humarap akong muli sa kanya. "Hinahanap-hanap? Bakit naman?"



Lumapit ito sa akin at nakaramdam ako nang kaba. Tinitigan ako nito sa mata na siya namang ikina-ilang ko.



Napailing ako at tatalikod na sana nang iharap niya ako at walang anumano'y bigla akong niyakap nang mahigpit. "Hindi mo alam kung gaano ka nagkulang sa akin, mahal. Hinahanap-hanap ko lagi ang presensya mo." Sambit nito habang patuloy pa rin akong yakap-yakap. "Gumising ka na . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro