Kabanata 2
Naglakad na kami ni Leelee pabalik sa kung saan namin naiwanan si Hana. Sigurado akong naiinip na 'yon kakahintay sa amin. "Kasalanan mo ito Leelee. Bakit mo ba ako kinagat eh amo mo ako!" Galit kong wika.
"Dapat hindi na lang kita sinama kung hindi ka lang rin naman pala magbe-behave. Hays!" Pagkabalik namin sa store ay nakita ko si Hana na kasalukuyang nakaupo sa labas at mukhang inip na inip na ito kakahintay.
Naiintindihan ko naman kung magagalit siya kasi kung ako yung nasa sitwasyon niya ay baka nasapak ko na yung taong hinihintay ko.
"Sorry be. Tara kain tayo, libre ko." Nawala ang pagka-inip sa mukha niya at napalitan ng ngiti. "Tara!"
Nagsimula na kaming maglakad at agad na pumunta sa isang fastfood chain. Pumasok kami sa loob at nauna na akong umupo sa isang bakanteng upuan. "Ako na mag-order." Pagpresinta ni Hana. Tumango naman ako rito at naglakad na siya papunta sa counter.
Habang naghihintay naalala ko ang lalaking nakausap ko kanina. Sobrang pamilyar talaga siya sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko ito unang nakita.
Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng aking ulo at kasunod nito ang pagkaramdam rin ng hilo. "Siguro dahil lang ito sa gutom . . ."
Matapos ang mahigit limang minutong paghihintay nakabalik na rin si Hana. Kasama nito ang isang crew na siyang may dala ng mga inorder nitong pagkain. Inilapag nito ang pagkain sa table saka agad na umalis.
"Salamat sa libre." Sabi ni Hana at nagsimula nang kumain. Kumain na rin ako at baka lumala pa itong hilo na nararamdaman ko.
Pagkatapos naming kumain ay napag-isipan naming umuwi na para makapagpahinga. Nagsimula na kaming maglakad nang maalala ko na kailangan ko pala bumili ng baterya para sa orasan.
Naglakad-lakad kami at nakita namin ang isang bilihan ng baterya. Agad akong bumili ng baterya para sa aking orasan. Pagkalabas namin sa mall ay dumiretso kami sa kung saan naka park ang sasakyan ni Hana at sumakay na sa loob. Pinaandar na ni Hana ang kanyang sasakyan at nagmaneho na paalis sa lugar na ito.
Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan at tinitignan ang nasa paligid. Kay laki ng mga gusali sa Maynila . . . ngunit sa likod nito ay nandoon ang mga taong naghihirap at walang makain.
Bakit napaka lungkot sa pakiramdam . . .
Nanumbalik ako sa katinuan nang sigawan ako ni Hana. Nasa harapan ko na ito at natatawang tumingin sa akin. "Tulala ka na naman teh, 'wag kang mag alala mahal ka non!" Sabi nito.
Pinasadahan ko ito ng masamang tingin. "Baliw! Ano pinagsasabi mo?" Sabi ko at napatingin sa labas. Sa kakaisip ko hindi ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay.
Bumaba na ako sa sasakyan at binuhat si Leelee. Nagpaalam na ako kay Hana at pumasok na sa loob. Nakita ko si ate at papa, at tila nagtatalo ito. "Sabi ko naman sayo papa ligtas si Sahara. Huwag kana mag alala." Ani ate Louise.
"Papa!" Agad akong lumapit kay papa at niyakap ito nang mahigpit.
"Saan ka ba kasi galing anak? Pinag-aalala mo si papa . . ." Sambit nito at niyakap ako pabalik.
"Gumala lang po kami ni Hana at Leelee. Okay na po ako." Sabi ko at kumalas na sa pagkaka-yakap. "Aakyat na po muna ako." Sabi ko at umakyat na sa hagdan.
"Kumain ka na ba? Naghanda ate mo ng pagkain." Ani papa.
Saglit akong tumigil sa pag-akyat at tinignan ito. "Busog pa ako pa. Kakatapos lang namin kumain ni Hana." Huling sambit ko at dumiretso na sa kwarto.
Pagkapasok ko sa loob ay agad kong pinalitan ang battery ng orasan ko ng bago. Inayos ko na rin ito sa tamang oras at pagkatapos ay isinabit na. Sumampa na ako sa higaan at nagpahinga.
-
Bakit nandidito na naman ako sa lugar na ito?
Naglakad ako nang mabilis at naghanap ng daan palabas pero nakita ko na naman yung isang babae na kawangis ko.
Naglalakad-lakad na naman ito at parang may hinahanap siya, nang may nakita akong paparating na isang truck at ito ay papunta sa kanyang direksyon.
Ito na naman ba ulit yung mangyayari?
Agad akong sumigaw at nagmadaling tumakbo sa direksyon ng babae para hindi siya masagasaan.
Pagkarating ko ay itinulak ko siya at . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro