Kabanata 1
Nagising ako nang may maramdamang mainit-init na bagay na tumatama sa aking katawan. Agad kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang naka-bukas na bintana.
Tirik na tirik ang araw sa labas at sobra akong nasisilaw sa dala nitong liwanag. Nakalimutan ko pala itong isarado kagabi, siguro dahil na rin sa kapaguran.
Kaagad na napukaw ang atensyon ko sa orasan na hindi gumagana. Kailan pa ito nasira?
Dahil na rin siguro sa luma na ito kaya hindi na ito umaandar pa. Bibili na lang ako ng bago sa oras na makalabas ako.
Bumangon na ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos n'on ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo na.
Ako si Sahara Mendoza. Dalawampu't taong gulang na pero hanggang ngayon nakahayahay pa rin sa aming bahay. Nakaka asar naman kasi nakapagtapos na nga ako pero gusto ni papa na dumito muna ako sa pamamahay dahil prinsesa daw niya ako!
Mayroon akong isang kapatid at ang pangalan niya ay Louise. Hindi ko siya gaanong nakakasama dahil nagta trabaho na siya sa kumpanya ni papa. Sa totoo lang ayaw naman talaga ni Ate na pasukin ang kumpanyang pagmamay-ari ni Papa, pero itong si Papa masyadong kinokontrol si Ate.
Tatlong taon na rin ang nakalipas simula n'ong sumakabilang buhay si Mama. Inilibing siya sa ibang bansa dahil 'yon ang gusto nina lolo at lola.
Wala rin namang nagawa si Papa noon kasi nire-respeto niya ang naging desisyon ng mga magulang ni mama. Pagkatapos ng libing ay napagdesisyunan ni papa na bumalik na ulit dito sa pilipinas upang ipagpatuloy ang pagpapatakbo sa kumpanya. Iyon lang.
Binuksan ko ang ilaw sa Comfort Room at pumasok na upang maligo. Agad akong naghubad at sinimulan kong buksan ang shower para tuluyan nang basain ang aking katawan. Kumuha ako ng shampoo at naglagay ng konting patak sa aking kamay. Inilagay ko iyon sa aking buhok at ihinalo-halo para bumula. Pagkatapos ay kinuha ko na rin ang sabon at sinabunan ang buong katawan.
Matapos kong gawin iyon ay binasa ko na ulit ang aking katawan sa shower. Ramdam na ramdam ko na ang pagiging komportable ng aking katawan dahil sa malinis na ako.
Pagkatapos maligo, pinunasan ko na ang aking katawan at itinapis ang tuwalya. Lumabas ako sa palikuran at dumiretso sa may bandang kabinet para kumuha ng maisusuot.
Habang nagpapatuloy sa paghahanap ay may naramdaman akong kakaiba rito sa kuwarto. Parang hindi lang ako ang tao . . .
Iginala ko ang tingin at nagulat nang makita ko ang aking matalik na kaibigan na si Hana. Bahagya itong natawa sa naging reaksyon ko. "Anong mukha 'yan hahaha!"
"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot."
"Taga mag mall tayo ngayon!" Aya nito sa akin.
"Sige." Saktong-sakto, masyado na akong nababagot dito sa bahay. Isinuot ko na ang napili kong damit at inayos na ang aking sarili. Pagkatapos, lumabas na kami sa kuwarto at kumain na muna bago umalis.
Nang matapos kumain ay agad na dumiretso si Hana sa labas para buksan ang makina ng kanyang sasakyan. Lalabas na rin sana ako nang tumahol ang aking aso na si Leelee. Naisipan kong isama na lang ito. "Isasama kita basta behave ka lang ah!"
Pagkalabas namin ni Leelee ay dumiretso na kami sa sasakyan ni Hana at sumakay na. Inumpisahan nang paandarin ni Hana ang sasakyan.
Nakaramdam ako ng panlulumo sa 'di malamang dahilan . . . Tinignan ko si Leelee at hinihimas-himas ang ulo niya. Ewan ko kung bakit may nararamdaman akong kakaiba pero hindi ko maipaliwanag . . .
Basta may mali talaga . . .
Pagkarating namin ay inihinto muna ni Hana ang kanyang sasakyan sa parking lot at pagkatapos ay nagsimula na kaming magsilabasan sa loob ng sasakyan at nasimula nang maglakad papasok sa mall. Napag desisyunan muna naming mamili muna nang mga bago kong ipangdadamit kay Leelee.
Pumasok kami sa isang store at saktong may lumapit sa aming sales lady. "Welcome po ma'am! Enjoy shopping!"
Ngumiti naman ako rito at nagsimula na sa paghahanap. Nakita ko ang isang polka dots na damit at kaagad na sinukat kay Leelee. Hindi pa man tuluyang nasusukat sa kanya ang damit nang bigla ako nitong kagatin sa kamay.
Tinignan ko ang aking kamay at wala namang kahit anong dugo o sugat na natamo. Mabilis tumakbo palayo si Leelee na siyang ikina alarma ko. "LEELEE!" Sigaw ko.
Saan ba pupunta ang asong ito!
"Hahanapin ko muna siya." Sambit ko kay Hana at tumakbo na para habulin ang pasaway kong aso.
Nakita ko si Leelee na papunta sa isang lalaking kumakain at nagulat ako nang sumampa itong aso na ito. Nakaka asar!
"LEELEE!" Tumakbo ako sa direksyon ng lalaki at kinuha si Leelee. Bahagyang nagulat yung lalaki nang makita ako. Ako naman ay tila natulala. Ang guwapo! Pero mukhang pamilyar ang mukha niya . . .
Saan ko nga ba siya unang nakita?
Kung tititigan siya nang mabuti ay mayroon siyang itim at sakto lang yung sukat ng mata niya, hindi kalakihan at hindi rin kaliitan. Mayroon siyang matangos na ilong at sobrang kinis ng mukha niya, parang walang kabahid-bahid ng pimples, tapos yung labi pa niyang manipis at medyo mamula-mula.
Kadalasan ang mga ganitong itsura ay nakikita o nababasa ko lang naman sa libro. Hindi ko talaga alam na may ganito pala talagang nabubuhay sa mundo.
"Sayo pala itong aso. Ang ganda ng pangalan, Leelee." Bumalik ako sa wisyo nang magsalita siya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sino ka?" Diretsahan kong tanong.
"Hindi mo ako kilala?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Kung kilala kita bakit pa ako magtatanong?" Inirapan ko ito.
"Oo nga noh! Hahahaha!"
"Alis na tayo Leelee may atraso ka pa sa'kin!" Sabi ko at hinihila yung tali na naka-kabit leeg nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro