Prologue
THIRD PERSON'S POV
***
Iba't ibang ingay ang maririnig sa loob ng palengke ng Barangay Talak. Maaga pa lamang ay marami na kaagad ang mamimili. Sigawan dito, sigawan doon, hindi na malaman kung kaninong boses ang nangingibabaw sa lahat.
Ngunit sa gitnang parte ng pamilihan, matatagpuan ang isang dalagang halos makita na ang litid sa kaniyang leeg sa pagsigaw upang may bumili sa kaniyang panindang gulay at prutas.
Maaga pa lamang ay naghahanda na siya mula sa kanilang bahay upang magtinda sa kanilang puwesto sa palengke. Iba't ibang sariwang prutas at gulay ang kanilang ibinibenta.
Siya ay nakatokang magbantay sa kanilang puwesto hanggang tanghali, at sa pagsapit ng alas-una ng hapon ay papalitan na siya ng kaniyang magulang upang siya ang magsundo sa tatlo niyang pamangkin na maagang naulila.
Dalawa lamang silang magkapatid at s'ya ang bunso. Maagang nabuntis ang kaniyang nakakatandang kapatid at sa kasamaang palad ay namatay ito nang manganak ito sa tripleng supling. Mula noon, ay siya na ang halos tumatayong nanay sa triplets. Hindi na rin kasi kaya ng kaniyang magulang ang mag-alaga pa ng mga makukulit at sutil na bata dahil may katandaan na rin ito. Isa pa ay mas nais niyang siya na lamang ang napapagod kaysa sa kaniyang mga magulang.
Sa umagang iyon ay pawisan na si Kipay mula sa pag-aayos ng mga gulay at sa pagsigaw upang makatawag ng costumer ngunit kahit isa ay walang lumapit at bumili sa kaniya.
Lukot ang mukha niyang umupo sa monoblock at humalukipkip habang masama ang tingin sa bawat taong dumadaan sa puwesto niya. Wala na siyang pake kung walang bumili. Napagod na siya at nabadtrip.
"Ineng, magkano ang isang tali ng sitaw niyo?" mabilis na lumingon si Kipay sa kaniyang gilid. Sumalubong sa kaniya ang isang matandang babae na sa tingin niya'y nasa edad 35-40 na.
Kaagad siyang tumayo at malapad na ngumiti sa Ale.
"Sampung peso ho ang isa," masigasig niyang sagot. Tuluyan ng nawala ang pagkabadtrip at kaniyang pagod.
"Dalawang tali at saka magakano ba itong kalahating kalabasa niyo?" ani pa nito at itinuro at p'westo ng mga malalaking kalabasa na nakapatas ng maayos.
Ibinalot ni Kipay sa plastic ang dalawang tali ng sitaw. "Kwarenta'y singko ho ang kalahati," ani niya habang abala.
"Sige, kunin ko na rin. Ilang taon ka na ba, ineng?" hindi inasahan ni Kipay ang pahabol na tanong ng Ale. Sa isip niya ay ano bang pakialam nito kung ilang taon na siya pero mas pinili niya na lang huwag kwestiyunin at sumagot na lamang ng maayos.
"Bente anyos na ho ako."
Mukha pang nagulat ang Ale sa edad niya. Hindi yata inaasahan na ganoon pa lang ang edad ni Kipay.
"Edi ika'y nasa kolehiyo na? Anong kurso ang kinuha mo?" Naibalot niya na ang lahat ng binili nito ngunit wala pa rin itong binubunot na pera mula sa dala-dala nitong purse.
"Tumigil na ho ako hanggang senior lang. Bayad nga ho pala, sixty five pesos ho lahat," tila'y naiinip niyang turan sa Ale.
Ngunit imbis na kumuha ng pambayad ay nakuha pa nitong madissapoint sa sinabi niya. Unti-unti ng umaahon ang inis sa dibdib ni Kipay sa Ale.
"Naku, maaga kang nabuntis, ano? Keganda-ganda mong bata, hay mga kabataan nga naman," umiling-iling pa ito at dismayadong-dismayado.
Napataas tuloy ang kilay ni Kipay sa Ale. Sasagutin niya sana pero naisip niyang hindi pa ito nakakabayad at baka ibalik ang naibalot na gulay at hindi bumili.
"Hindi ako nabuntis. Ang bayad niyo ho pala, Ale," bahagyang naging masungit ang tono ni Kipay at hindi iyon nakalampas sa Ale.
Padabog itong dumukot ng pera sa bitbit nitong purse at saka nilapag sa gulay na nakapatas.
"Keep the change." Pagkasabi nito'y mabilis na itong tumalikod at naglakad palayo.
Habang kunot na kunot naman ang noo ni Kipay kasabay nang paggalaw ng kaniyang kamay upang damputin ang perang inilapag nito. Mabilis na nanlaki ang butas ng kaniyang ilong at naging matalim ang tingin sa tatlong benteng nakatupi.
"Keep the chane, tangina, kulang nga ng limang peso e!" himutok niya. Tiningnan niya pa kung mahahabol niya ang Ale ngunit tinamaan siya ng katamaran kaya suwerte ang Aling 'yon dahil kung hindi siya tinatamad ay hahabulin niya talaga ito.
***
Naging mainit ang ulo ni Kipay hanggang sa sumapit ang ala-una ng hapon. Nang dumating ang magulang niya'y nagtataka mga ito sa mga padabog niyang galaw hanggang sa hindi na nakatiis ang kaniyang Tatay Kanor na batukan siya.
"Ano bang ikinahahaba ng nguso mo, Kinleigh Paloma?" tanong ng kaniyang ina habang nakapamewang ito mula sa likuran ng kaniyang Tatay.
"Wala ho. Badtrip lang." Mabilis niyang sagot. Hinubad niya ang suot na apron at binigay ito sa kaniyang nanay at tumalikod upang ayusin ang kaniyang dala-dalang personal na gamit.
"Ano nga palang ulam sa bahay, Nay?" tanong niya.
"Ginataang kalabasa."
Eksaherada siyang lumingon sa magulang kahit na hindi pa niya tuluyang naisasarado ang kaniyang paboritong tote bag.
"Oh bakit?" nagtatakang turan ng kaniyang ina.
"Nay naman! Noong isang araw, adobong kalabasa, tapos kahapon ginisang kalabasa tapos ngayon ginataan naman? Nay, gusto niyo bang makita namin ang iba't ibang planeta sa universe? Tingnan niyo pati kulangot ni Tatay nakikita ko mula rito e!" reklamo niya at itinuro ang kaniyang amang abala sa pagpapatas ng mga gulay sa labas ng kanilang puwesto.
Napayuko siya nang akmang ihahampas ng kaniyang ina ang durian hawak-hawak nito.
"Huwag kang maarte! Pasalamat ka nga't may ulam pa! Hala, sige, sunduin muna ang talong bulilit!" pagtataboy nito. Wala siyang nagawa kun'di ang bagsak ang balikat na tumungo sa school ng tatlong baboy nilang alaga.
Ngunit bago siya tuluyang dumeritso sa school ng mga pamangkin ay dumaan muna sa bakery shop ng isa niyang kaibigan upang bumili ng tinapay. Hindi sa pagmamayabang pero masarap din ang mga gawa nitong tinapay, kakaiba kasing lumamas ang kaibigan niya.
Sukbit ang tote bag sa kaniyang kanang balikat nang matanaw niya mula sa bakery shop ng kaibigan si Burnok na kilala bilang malandi sa buong Barangay Talak.
Hindi niya maiwasang mapangiwi habang patuloy na tinatahak ang daan papunta sa kaibigan. Nang makalapit siya ay kaagad siyang nakita ni Burnok at kitang-kita niya kung paanong lumapad ang ngiti nito sa mukha.
Napa-tsk si Kipay at binatukan si Burnok nang akmang aakbay ito sa kaniya.
Kakamot-kamot ito sa batok habang nang-aakit na nakangiti pa rin sa kaniya.
"Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa'kin, Kipay ah. Ba't ba ayaw mo pa akong sagutin?" ungot nito at bahagyang sinundot-sundot ang kaniyang kaliwang braso.
"Ulol. Tigil-tigilan mo nga ako kung ayaw mong lagyan ko ulit na black-eye 'yang mata mo. Tsupe!" pagtataboy niya rito at saktong lumabas din ang kaibigan niyang si Hopia, ang may-ari ng bakery shop.
Imbis na matakot ay mas lalo lang itong nahumaling kay Kipay at mas lalong inilapit ang katawan sa dalaga dahilan para makatanggap siya ng sapak mula rito. Napa-igik na lamang si Burnok nang tumama sa mukha niya ang maliit na kamao ni Kipay.
"Sinabihan na kita. Ang tigas talaga ng mukha mong unggoy ka. Tabi nga!" naiirits nitong wika saka hinawi si Burnok paalis sa gilid niya.
Hinarap niya sa Hopia na abala sa pag-aayos ng mga paninda nitong tinapay sa lagayan, iyong may salamin.
"Aba, may bagong labas ah? Magkano 'yan?" puna niya nang mapansin ang bagong kakaibang tinapay.
"Bagong recipe 'to, tig-sampung piso isa," sagot sa kaniya ng kaibigan.
Napa-angat ang gilid ng labi ni Kipay at tiningnan ang lamang ng kaniyang wallet. Bente pesos na lang ang natitira niyang pera. Hindi iyong pupuwede. Magastos sumundo sa tatlong bulilit, nagpapabili muna ng ice cream bago uuwi.
Hindi na bumili si Kipay at mas piniling umalis na lang at sunduin ang mga pamangkin. Hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan.
Pagkarating niya sa Talak Elementary School, natanaw niya ang mga estudyanteng nagkakagulo sa loob ng school. Nakita niya rin ang ilang magulang na hinihintay na lumabas ang kanilang mga anak.
Siya ay mas pinili na lang maghintay sa hindi kalayuang shed. Tanaw naman mula roon ang bawat estudyanteng lumalabas kaya makikita niya kaagad ang mga pamangkin niya.
Hindi nagtagal ay lumabas na nga ang mga ito. Tumatalbog pa ang mga malulusog nilang pisnge habang tumatakbo ang mga ito palapit sa kanilang 'Mami'.
"MAMI!"
"MAMI!"
"MAMI!"
Sabay-sabay ng sigaw ng tatlo. Napabuntong hininga na lamang si Kipay bago idinipa ang dalawang kamay upang salubungin ang tatlong malulusog niyang pamangkin.
"Mami, may star ako!" bibong saad ni Cloud. Ang panganay sa triplets.
Ngumiti siya rito. "Aba! Talaga ba? Apir nga r'yan, lodi!" aniya at nakipag-high five sa pamangkin.
Pagkatapos nilang mag-apir ay nagulat siya nang hawiin ng bunso ang kaniyang kuya. Mabilis nitong ipinakita ang dalawang braso na tadtad ng mga star.
May pagdududang tumaas ang mga kilay niya.
"Totoo ba 'to, Thunder?" aniya.
Ngumiti ito ng matamis sa kaniya kaya naman halos mawala na ang mata nito at lumabas ang mga biloy sa pisnge. Tumango ito at mas lalong nilapit sa kaniyang mukha ang mga braso nito.
"Tingan mo Mami, ang galing ko po, 'diba?" untag pa nito nang hindi pa rin siya nakikipag-apir.
May pagdududa man si Kipay, wala naman siyang nagawa kun'di ang makipaghigh-five sa bunsong pinakamalikot. Maya-maya lang din ay napansin niya si Sky na tahimik lang at itinatago ang dalawang kamay sa likuran.
"Sky, ikaw may star ka? Patingin nga si Mami?" nangiti niyang sinenyasan ang pamangkin ngunit umiling lang ito at nagsalita.
"Gusto ko po ng chocolate ice cream, Mami."
Tumango si Kipay at kinuha ang bente pesos na natitira sa kaniyang wallet. Binigay niya ito kay Cloud. "Tig-five pesos lang ah, kulang kasi pera ni Mami eh, hindi ako binigyan ni Nanay at Tatay." Aniya.
Pagkatanggap ni Cloud ng pera ay sabay-sabay na tumakbo ang tatlo papunta sa nagtitinda ng ice cream. Tinanaw na lamang niya ito mula sa shed at hindi na nag-abala pang sumunod hanggang sa dumako ang tingin ni Kipay sa gate ng school.
Unti-unting bumagsak mula sa kaniyang kamay ang hawak-hawak na wallet habang tila'y nawala ang lahat ng mga tao na nasa paligid niya. Bigla ding nagliparan ang mga nasisigandahang paruparo sa paligid ng lalaking natatanaw niya. Mula sa sa likuran nito ay may sinag ng liwanag na mas lalong nakapagpatingkad ng kagwapuhan at kakisigan nito.
Ni hindi niya namalayang napatulala na siya at nakaawang ang bibig. Nagulat na lang si Kipay nang may humawak na malamig na kamay sa kaniyang dalawang kamay.
"Ang gago!" gulat niyang piksi. Napatingin kaagad siya sa nagtatakang pamangkin na nakatingin sa kaniya.
Muli niyang ibinalik ang paningin sa gate ngunit sa kasawiang palad ay wala na roon ang lalaki. Ilang beses na huminga nang malalim si Kipay habang sapu-sapo ng kaliwang kamay ang kaniyang dibdib. Ramdam niya pa rin ang mabilis na tibok ng kaniyang puso na ipinagtataka niya.
***
Kinabukasan, habang inaayos ni Kipay ang mga gulay at prutas sa pagkakapatas ay biglang dumating ang kaniyang mga kaibigan na si Moy at Rumi na may dalang chismis para sa kaniya.
"Kips, umalis na pala sina Aling Cosing sa bahay nila? Alam mo ba 'yon?" panimula ni Rumi.
Nanlaki ang mata ni Kipay sa narinig. "Gago, totoo? Hindi ko alam," nagugulat nitong tugon.
"Kapitbahay na kapitbahay hindi mo alam ang nagaganap sa kanila. Mas nauna pa pala kaming makasagap ng balita kaysa sa'yo," saad naman ni Moy na hindi niya namalayang kumakain na ng saging na kinuha nito mula sa paninda niya.
"Iluwa mo nga 'yan, Moy! Patay gutom ka talaga!" sita niya rito. Hindi makapaniwala si Moy at akmang iluluwa ang kinakain ngunit mabilis itong natakpan ng kamay ni Rumi.
"Ano ba kayo? Ang pinag-uusapan natin dito is yung kapitbahay niyong umalis. Okay, ito na nga ang exciting part, Kips..." mas lalo silang lumapit sa isa't isa. "May bumili raw sa bahay nila at ngayon daw lilipat. Ibig sabihin, may new neighbor na kayo, omg!"
"Pero teka, lalaki ba o babae yung nakabili?" tanong ni Moy.
Nagkibit balikat si Rumi. "Iyon ang hindi ko nasagap. Pero ang mahalaga may kapitbahay ulit kayo, Kips. 'Pag gwapo, sunggaban mo agad ah, 'wag kang pabebe kung mukha ka naman kalabasa," bilin nito at niyakap-yakap siya sa braso.
Aburido niyang hinawi si Rumi. "Dumidikit yung suso mo sa'kin, ew," aniya nang may pandidiri ang mukha.
Ngumuso si Rumi at mas lalong nagchest out upang lumaki lalo ang dibdib. "Echosera, malaki rin naman sa'yo, pati kay Moy," ani pa nito at walang sabing pinisil ang dibdib niya.
"Rumi!"
Limang minuto na ang lumipas mula nang umalis ang dalawa niyang kaibigan. Ngayon ay abala naman si Kipay sa pagkukuwenta ng nabenta kahapon habang hindi pa marami ang tao sa palengke.
Nasa kalagitnaan siya ng pagpindot sa calculator nang maramdaman niyang may lumapit sa puwestp niya at sa tingin niya'y ito na ang buenomano nilang costumer ngayong araw.
"Pili lang po kayo suki, sariwa ang lahat ng prutas at gulay namin dito, mura pa," pangsa-sales talk niya habang sinusulat ang total ng computation niya.
"Isang tali ng kangkong, magkano?" dahil sa baritono nitong boses ay napaangat ang tingin ni Kipay mula sa maliit na notebook papunta sa costumer.
Ganoon na lamang ang pag-awang ng kaniyang labi nang makita ang lalaki kahapon. Tatlong beses din siyang kumurap at wala sa sariling napatayo.
"Ano, p're?" hindi niya matukoy kung bakit siya natataranta at kinakabahan. Hindi naman siya ganito sa mga lalaking may baritono at kung tutuusin ay mas gwapo pa rito.
Alam ni Kipay na wala siyang interes sa kanino mang lalaki dahil wala sa bukabolaryo niya ang magsyota at magkagusto sa lalaki. Pero ano'ng nangyayare sa kaniya ngayon? Tila ay mas lalong bumilis ang kabog ng kaniyang didbib nang maamoy niya ang panglalaking amoy nito.
"P're?"
Muli siyang nagulat sa baritono nitong boses. "Ha? P're. Pare " aniya.
Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng lalaki at mataman siyang tiningnan bago bumaba ang tingin nito sa hawal na kumpol ng kangkong.
"Ah, sampung piso ang isang tali, p're."
Tumango ito. "Isa lang," anito saka nilapag ang hawak.
Mabilis na kumilos ang kamay ni Kipay habang hindi inaalis ang paningin sa mukha ng lalaki na abala sa pagtingin sa buong paligid. Nang mailagay niya sa supot ay tumikhim siya upang kunin ang atensiyon nito.
Tinanggap at nagbayad ang lalaki ng one hundred pesos. Kumuha ng pangsukli si Kipay ngunit pag-angat ng kaniyang tingi'y wala na ang lalaki. Napakamot siya sa kaniyang ulo at nagkibit balikat.
Sumapit ang alas-una ng hapon, dumating na ang magulang niya upang palitan siya sa puwesto. Bago dumeritso sa school at muli siyang dumaan sa bakery shop ni Hopia at doon niya naabutan sina Rumi at Juday. Naroon din si Burnok na nagpapansin sa tatlo niyang kaibigan.
Naka-short lang si Rumi kaya naman titig na titig ang mata ni Burnok sa maputi nitong legs. Kaya nang makalapit siya ay binigyan niya kaagad ito ng sapok sa ulo.
"Harap-harapang bastusan ah," sita niya. Pero imbis na magalit ay ngumiti lang ito ng matamis at kumindat sa kaniya. Napangiwi tuloy siya bago inirapan si Burnok.
"Gago talagang si Burnok 'yon. Nanggigil ako ro'n eh, konti na lang ay gigilitan ko na ang pututoy no'n," reklamo niya sa tatlong kaibigan.
"Nakatikim na sa'min ng sampal 'yon eh, manhid na yata ang gago," nakangiwing saad ni Juday.
"Hoy Kips, 'yong mga pamangkin mo, nakita ko sa gilid ng kalsada naglalakad," sumulpot ang isa sa mga kakilala nila at sinabi iyon. Hindi pa man nakakaupo ay nagpaalam na kaagad si Kipay sa mga kaibigan at nagmadaling tumakbo papunta sa school.
Hindi pa soya napapagod sa pagtakbo ay natanaw niya kaagad ang tatlong batang naghahabulan kahit tirik na tirik ang araw. Huminto siya at humalukipkip sa tabi ng puno.
Hanggang sa makita siya ni Thunder na mabilis nitong sinabi sa mga kapatid kaya ngayon ay nagtatakbuhan na ito palapit sa kaniya.
"MAMI!"
"MAMI!"
"MAMI!"
Sigaw ng tatlo. Nanatiling magkakrus ang braso niya sa dibdib at seryoso lang ang ekspresyon sa mukha.
"Hala, galit si Mami kuya Cloud," rinig niyang bulong ni Sky.
"Mami, galit ka po?" nakasimangot na tanong ni Thunder, nagpapa-cute.
Bumuntong hininga si Kipay habang pinagmamasdan ang tatlong pamangkin pagkatapos ay muli siyang bumuntong hininga bago yumuko nang bahagya.
"Hindi na ako magagalit basta huwag niyo na ulit itong uulitin, ah? Hihintayin niyo ako sa gate ng school. Naiintindihan, Cloud? Sky? Thundee?" bahagya niyang pinagalit ang boses upang matakot ang mga ito.
Tumango ang tatlo kaya naman ngumiti na siya at niyaya ang mga ito pauwi sa bahay.
***
"Nay, sino 'yong nakabili nung bahay nina Aling Cosing?" tanong ni Kipay sa kaniyang Nanay na abala sa pagluluto ng kanilang hapunan.
Kakagising lamang niya at nang buksan niya ang bintana sa kaniyang kuwarto ay nakita niyang bukas ang ilaw sa katapat na kuwarto sa dating bahay ni Aling Cosing. Ang natatandaan niya'y si Betchay pa ang gumagamit ng kuwartong iyon dati kaya hindi niya madalas ang buksan ang bintana ng kuwarto niya.
"Hindi ko pa nakikilala eh, pero ang alam ko teacher iyong nakabili," sagot ng kaniyang ina.
Napatango si Kipay kasabay nang kaniyang paghikab. Napakamot rin siya sa magulo niyang buhok habang lumilibot ang paningin sa buong sala.
"Nasa'n pala ang tatlong anak ko?" nagtataka niyang tanong nang hindi makita ang tatlo sa kuwarto at sala.
"Nasa labas. Tawagin mo na nga at kakain na, saka pala ibigay mo 'to sa bago na'ting kapitbahay, pang welcome."
Napatingin si Kipay sa tupperware na nilapag ng kaniyang nanay sa lamesa. Nagkibit balikat na kang siya bago lumabas upang tawagin ang tatlo na naabutan niyang kasama ng kaniyang ama. Nagkukuwentuhan ang mga ito.
Ayaw man niyang istorbohin ay kailangan na nilang maghapunan. Tumikhim si Kipay para kunin ang atensiyon ng apat.
"Kakain na raw po," anas niya.
Magkakasabay na tumayo ang tatlo at nagpaunahan papunta sa loob ng bahay. Rinig na rinig nila ang tawanan at hagikgikan ng mga ito.
"Ang laki na nila." Wika ng kaniyang ama.
"Oo naman, 'Tay. 25 kilo ang timbang nila eh," natatawang tugon ni Kipay na tinawanan din ng kaniyang ama.
Magkasabay silang naghapunang lahat na may kasamang kulit ng tatlong bulilit sa hapag. Pagkatapos ng hapuna'y hinanda na ni Kipay ang tupperware na dadalhin niya para sa kanilang kapitbahay.
Nagsuklay lang siya at inayos ang malaking t-shirt na nagusot. Pagkatapat sa pinto ng dating bahay ni Aling Cosing ay kaagad siyang kumatok ngunit lumipas na ang dalawang minuto'y wala pa ring nagbubukas.
Kaya naman mas nilakasan niya ang pangalawang pagkatok ngunit wala pa rin. Sa inip at inis ay humakbang siya paatras at sumilip sa bintana ngunit wala siyang maaninag na bulto ng tao. Muli siya pumwesto sa pinto at akmang kakatok ng malakas nang biglang tumunog ang pinto hudyat na may nagbukas nito.
Napatigil sa ere ang kamay ni Kipay habang nanlalaki ang matang nakatingin sa bumungad sa kaniya.
"Anong kailangan mo?"
Gulat at tulala pa rin siya habang pababa nang pababa ang tingin niya sa hubad nitong katawan. Mukhang kagagaling lang nito sa banyo. Wala sa sarili siyang napalunok ng laway. Pinagpapawisan na rin ang noo niya.
"Miss?" untag nito nang makitang nakatulala lang si Kipay.
Napakurap ng dalawang beses si Kipay at napayuko sa dala-dala niyang tupperware. Peke pa siyang tumawa habang pinapalibot ang tingin sa mukha at katawan ng lalaki.
Saka niya ini-abot ang dala-dala. "Pinabibigay ni Nanay. Sige, alis na ako. Bye, p're."
***
End of Prologue | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro