Epilogue
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Wait!" Isang kamay ang pumigil at humila sa braso ko. Hindi ko namalayan na lumabas pala ako ng office ni Doctora Generoso. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng mata ko.
Pero malinaw ko siyang nakikita ngayon. Humihinga at mukhang kinakabahan.
Taas-baba ang dibdib ko habang malalalim ang bawat paghinga. Para akong sasabog. Iyong dibdib ko ay halo-halong emosyon ang nais na maramdaman.
"P-paanong?" Ni hindi ko magawang ituloy ang kaninang tanong na gusto kong bitawan sa kaniya.
Siya ba talaga 'to? O aparisyon niya lang?
"I'm sorry." Isang salita lang, tuluyan ng nanlambot ang buo kong katawan. Kung hindi niya 'ko inalalayan ay talagang sumalampak na ako sa hallway ng hospital.
"Are you okay?" Ang mata nito ay nag-aalalang tumingin sa'kin.
Tiningnan ko siya habang nagbabadya ang luha sa mga mata.
"Sa tingin mo? Ayos lang ba ako?" Mapakla akong tumawa. Inayos ko ang sarili at bahayang dumistansya sa kaniya.
Mababaliw na yata ako. Hindi naman siya si Ivan. Nagkataon lang siguro ang lahat. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko.
"I'm sorry." Muli niyang paghingi ng tawad. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Bakit ka ba hingi nang hingi ng sorry? May atraso ka ba sa'kin? Kilala mo ba 'ko? Kilala ba kita?" Pilit kong ngumiti sa kaniya hanggang sa hindi ko na makayanan kaya naman napakagat labi na lamang ako.
"It's me. It's me, Ivan. You know me, Lady Kinleigh," madamdamin niyang sabi. Umiling ako at umatras ng isang hakbang.
"Huwag mo nga akong tawagin ng ganiyan," mahina kong saad sabay iling. Pinilit kong lunukin ang nakabarang bagay sa lalamunan ko.
Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "But that's what I call you always," sabi pa niya. Matigas akong umiling ulit.
"Patay na siya." Pagalit kong sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"I'm not."
"Matagal na siyang patay!"
"I didn't die, Kinleigh. Please babe," lumambot ang tingin niya bago ako nilapitan at hinawakan sa mga kamay.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hanggang sa humagulgol ako sa dibdib niya. Bakit ang sakit ng dibdib ko? Pakiramdam ko ay naramdaman ko na naman ang sakit nung nawala siya?
"Pwede ba akong suminga sa damit mo?" bahagya akong dumistansiya para tingalain siya.
Guwapo itong ngumiti bago marahang tumango.
"You can, babe."
***
"Don't look at me like that." Sita niya sa matatalim kong tingin sa kaniya. Umingos ako at umirap sa kaniya.
Siya pa talaga ang may ganang sabihan ako ng ganiyan. Matapos niyang magkunwaring patay sa loob ng maraming taon. Pagkatapos niya akong pagtaguan. Ni hindi niya man lang inalala ang mararamdaman ko.
At si Yvionne! Alam niyang buhay ang kuya niya! Ni hindi man lang ako sinabihan kahit pahapyaw lang like;
'Ay, buhay nga pala si Kuya' Kahit ganoon lang ay ayos na basta malaman ko na buhay pa ang gagong 'to.
Parang gusto kong mangbugbog ngayon.
"Babe." May halong pagbabanta niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ba't ba babe ka nang babe? Tayo ba ha? Tayo?" malakas na singhal ko. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga tao rito sa cafeteria ng hospital.
Huminga siya nang malalim na para bang nagpapasensiya sa ugali ko. Karapatan ko naman sigurong magalit, 'diba? Matapos ang lahat ng luhang lumabas sa'kin at sa sakit na naramdaman ko. Valid 'tong galit at pagtataray ko.
"You're my babe."
Hindi agad ako nakasagot. Natameme ako habang nakikipagtitigan sa kaniya. Nang walang mahanap na salita ay pagalit akong sumubo ng pagkaing nasa harapan ko.
"Bakit ngayon lang?" Akma siyang kakain nung magtanong ako. Tumigil ang kamay niya at tumingin sa'kin.
"I'm actually planning to go back after one month and tell you the truth. But, I didn't know that you're here," aniya. Sinisi pa ako. Umirap akong muli.
"Bakit?" Maikli at madiin kong tanong.
He sighed. "Dahil nagpapagaling pa ako. I don't want to see you when I'm still not okay. I wanna see you when I'm healed and ready because I want to give you everything ang my all."
Ilang segundo kaming nagtitigan. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Bakit ba gan'yan siya magsalita? Bakit ba kung umasta siya ngayon ay parang may gusto siya sa'kin?
"Why gusto mo ba 'ko?" I asked without breaking our eye contact.
"I love you." Sagot niya, walang paligoy-ligoy.
Hindi ko napigilang manlaki ang mata. Nabitawan ko rin ang kurbyetos na hawak ko dahilan para gumawa iyon ng ingay at magtinginan muli ang mga tao sa'min.
"Ano'ng sabi mo?" Gusto kong manigurado na hindi ako pinaglalaruan ng pandinig ko. Tama naman ang narinig ko, hindi ba?
"I love you so much." Wala siyang kangiti-ngiti pero punong-puno ng emosyon ang mga mata habang nakatingin sa'kin.
"Bakit?"
Bakit ayaw kong maniwala? Para kasing imposible eh. Ang chances na magustuhan niya ako ay parang karayom sa gitna ng mga dayami.
"What?"
"Sabi mo 'I love you'. Para sa'kin?" Tinuro ko ang sarili ko.
"Who else? Ikaw lang naman ang mahal ko," pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko. Bakit ganito siya? Epekto ba 'to dahil sa muntik niyang pagkamatay?
"Sabi mo hindi mo ako gusto? Dinamdam ko iyon! Nakakainis ka!" panunumbat ko. Bigla kong naaalala iyong panahong sinabi niyang hinding-hindi niya ako nagustuhan. Ang sakit kaya ng heart ko noon. Piste siya.
"That was a lie, babe. I love you very much. Don't you love me, too?" tinaasan niya ako ng kilay. Naghihintay sa sagot ko.
Nalukot ang mukha ko at umirap sa kaniya. Pinili kong huwag sagutin ang tanong niya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang pilit siya nang pilit na sagutin ko ang obvious niyang tanong.
"Silence means yes."
Nagkibit balikat ako.
***
"Pagod na ba kayo, 'La?" inalalayan ko siyang umupo sa sala bago ko nilapag ang dala kong bag. Kakauwi lang namin galing sa monthly check up ni Lola.
"Mas mukha kang pagod kaysa sa'kin, apo." Tinawanan pa ako. Napangiwi na lang ako at saka pekeng ngumiti. Sino'ng hindi mapapagod sa mga naging kaganapan sa hospital?
"Pero maiba tayo, apo. Kilala mo ba iyong guwapong anak ng aking doktor?" tiningnan ako sa mata ni Lola. Hindi ko matukoy kung ngingiti ba o ngingiwi na lang.
"Long story, Lola. Matulog muna kayo bago ko sasabihin ang lahat sa'yo," malalim akong huminga bago siya muling inalalayan papunta sa kuwarto niya.
Pagdating ng hapon, tinupad ko ang pangako kong kuwento kay Lola nung magising siya. Wala naman siyang sinabi pero mukhang masaya siya sa istorya namin ni Ivan. Pagkatapos ng chikahan ay nag-isip na ako ng lulutuin.
Kinagabihan, naalala kong hindi ko pala nahingi ang phone number ni Ivan. Magdamag akong naiinis at nagdadabog sa kuwarto dahil hindi ko alam kung kailan at paano ko siya makikita ulit.
Lumipas ang isa pang araw na walang Ivan ang lumilitaw o tumatawag hanggang sa maging tatlong araw, isang linggo, dalawang linggo na naging isang buwan. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang nangyare o nakita ko nung araw na iyon. Pakiramdam ko ay pinaglaruan lang ako ng isip at utak ko.
Hindi buhay si Ivan. Nababaliw lang ako para isipin ang ganoong katotohanan.
Liham na ang luha ko nung nagising ako kinaumagahan. Nakauwi na pala sina Tiya galing abroad nung isang linggo pa. Ngayon naman ang balik ko sa probinsiya namin.
"Salamat, Kinleigh. Ikamusta mo ako kina ate at kuya ah. Ingat ka sa biyahe," kinintilan ako ng halik ni Tiya sa sintido. Pagkatapos ay bumaling at humalik ako kay Lola na nakaupo sa wheel chair.
"Mag-ingat ka apo ko."
"Salamat po. Ingat po kayong lahat. Alis na po ako," kumaway ako na may malungkot na ngiti. Pagkatapos ay sumakay ako sa taxi na pinara ni Tiyo papunta sa Terminal.
Matiwasay akong nakauwi ng walang Ivan na nagpakita. Ngayon ay naniniwala na akong imahinasyon ko lang ang lahat sa hospital. Hallucination kumbaga.
Malungkot akong nagbuntong hininga.
"Kips!"
"Kipay!"
"Kipay!
"Kips"
"Kinleigh Paloma!"
"Kipay!"
Anim na malalakas na boses ang tumawag sa mga pangalan ko. Pagsulyap ko ay nakita ko ang anim kong kaibigan.
Si Moy, Isdalia, Maria, Rumi, Hopia, at Marisol ay masayang sumalubong sa pagdating ko. Sabay-sabay nilang tinapon ang sarili nila sa'kin dahilan para hindi ko makayanan ang bigat nila. Ang ending ay natumba kaming pito ngunit imbes na mainis ay malakas akong napatawa. Tumawa rin si Moy hanggang sa pito na kaming nagtawanan.
Gabi na yata umalis ang mga kaibigan ko sa bahay. Ang dami nilang kuwento na talagang namiss ko sa kanila. Bago sila tuluyang umalis ay hindi nila nakalimutang manghingi ng pasalubong. Buti na lang dahil hindi nakalimutan bumili ng mga pasalubong. Balak yata nilang magwala kapag wala akong nabigay e.
"Mami, miss na miss ka namin nina Thunder and Sky," malambing na yumakap sa baywang ko si Cloud. Gigil kong ginulo ang buhok niya at saka humalik sa matambok nitong pisnge.
"Miss na miss din kayo ni Mami."
***
"Kumusta?"
Mula sa kalabasa ay umangat ang tingin ko sa taong may-ari ng boses. Imbis na galit ang maramdaman ay marahan akong ngumiti.
"Maayos lang. Kayo?" bumaba ang tingin ko sa bungi niyang anak.
Malapad siya napangiti dahil sa naging reaksyon ko.
"Maayos din, salamat sa pagtatanong. Paalis na nga pala kami ng bansa kaya gusto ko sanang magpaalam kung p'wede ko ba siyang bisitahin?" makahulugan siyang tumingin sa'kin.
"Oo naman. Humihingi pala ako ng tawad sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo, Vincent. Ang kitid-kitid ng isip ko noon sa'yo. Pasensiya na kung nasaktan kita," madamdamin kong saad. Marahan siya tumango at ngumiti.
"Walang problema. Naging kaibigan naman kita, Kinleigh."
Malawak akong ngumiti. Bago umalis ang mag-ama ay binigyan ko sila ng kalabasa, pampalubag loob sa mga masasakit na salitang nabitawan ko. Ang totoo niyan ay naiinis pa rin ako sa kaniya hindi dahil sa kaparehong dahilan noon kun'di dahil sa sobra niyang magpatawad.
Nakakalungkot ang naging ending ng story nila ni ate.
Napailing-iling ako bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gulay sa puwesto. Ngunit maya-maya lang ay may naramdaman akong customer na lumapit.
"Pili ka lang suki," magiliw kong sabi nang hindi nag-aangat ng tingin.
"Can I choose you, instead?"
***
"Ayoko na! Ayoko na, Ivan! Kasalanan mo 'to! Ah!" lumakas ang pagkakahila ko sa buhok niya.
"Ouch, babe. Stop pulling my hair," saway niya pero muling humilab ang tiyan ko. Napahiyaw ako kasabay nang pagsabunot sa buhok niya.
Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon. Nakasuot na ako ng hospital gown habang nakahiga sa hospital bed. Si Ivan naman ay nakaupo sa tabi ko.
"Ah! Ang sakit! Ilabas niyo na 'to!" muli akong sumigaw.
"I love you. I love you so much, babe." Kinintalan niya 'ko ng halik sa buong mukha pati labi habang namimilipit ako sa sakit. Gusto kong kiligin pero ang sakit-sakit na ng tiyan ko.
"Mamaya ka na, Ivan. Manganganak na nga ako! Tawagin mo na sila!" nagawa ko siyang itulak at sigawan.
"Babe, hindi pa—" hindi niya magawang tapusin ang sasabihin nung parehas naming nakita ang pagtagas ng tubig sa gitna ng mga hita ko.
"Ayan na! Tawagin mo na sila, hoo!" napasipol pa ako. Ang sakit-sakit. Doble-doble yatang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Naiiyak na ako.
Ilang segundong nawala ang asawa ko bago nagsidatingan ang magpapa-anak sa'kin.
"Congratulations, it's a girl!" Namutawi ang isang iyak ng baby sa loob ng silid.
Makalipas ang ilang minuto.
"Congratulatios, it's a boy!" Isang iyak na naman ang narinig ko.
Sinubukan kong magmulat ng mata pero pagod na pagod na ako. Ayaw ko na.
"Last one, Mommy. Push!"
Ilang minuto ang lumipas.
"Congratulations, it's a girl!" Iyak ng mga anak ko ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang iba't ibang boses. Boses ng triplets, ng mga kaibigan ko, nina Nanay at Tatay at boses ng asawa ko. Masaya silang nag-uusap usap.
"Ano'ng ipapangalan niya sa mga inaanak ko?" narinig ko ang tuwang-tuwa na si Moy. Pagmulat ng mata ko ay karga-karga niya ang isa sa mga anak ko.
Habang ang isa ay karga ni Yvionne at ang isa naman ay buhat-buhat ni Nanay.
"Babe, thank you so much for holding. Are you okay?" sinalubong ako ni Ivan ng halik sa noo. Nanghihina akong tumango sa kaniya.
"Thank you, Ivan. Mahal na mahal ko kayo," ngumiti ako.
"And I love you more."
***
THE END.
Epilogue | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro