Chapter 9
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nanlalaki ang mata kong napakurap nang ilang beses habang yakap-yakap pa rin ni Ivan. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko habang patagal nang patagal ang bawat segundong lumilipas na hindi niya 'ko pinapakawalan.
Hinihiling ko lang na sana'y hindi niya ramdam ang kabog ng dibdib ko kasi nakakahiya kung sakali.
"T-teka..." mahina kong reklamo nang maramdaman kong bahagyang humigpit ang yakap niya sa'kin. Punong-puno na ng pagtataka ang isip ko dahil sa ginagawa niya.
Hindi kaya, may gusto siya sa'kin?
"Ivan? Ba't ka ba nangyayakap?" mahina kong tanong bago ko sinubukang kumalas sa yakap niya. Ngunit hindi ko magawa dahil parang ayaw niya 'kong pakawalan.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang yakap-yakap niya. May gusto ba siya sa'kin kaya niya ako niyayakap? Wala na kasi akong maisip na ibang dahilan kung bakit siya bigla-biglang nagkakaganito.
Depende na lang siguro kung manyak siya. Teka, hindi kaya nangmamanyak lang talaga 'to?
Kaso mahirap paniwalaan e. Hindi naman kasi siya mukhang manyak.
"Lady Kinleigh, do you think you need this?" mahina niyang bulong, malapit sa tainga ko.
Napakurap ako. "Ha?"
"Or do you think I need this?" tanong na naman niya sa mahinang boses.
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Hindi kita gets, Ivan. Chat mo na lang ako," nakangiwi kong tugon. Kung ano-ano pa'ng mga lumalabas sa bibig niya. Kaunti na lang talaga, iisipin kong may sira utak nito, kahit na teacher pa siya e.
Mahina siyang natawa, tapos ramdam na ramdam ko pa sa leeg ko ang mainit niyang hininga. Nagtayuan tuloy bigla ang balahibo ko sa buong katawan dahil doon.
"I'm so tired for all the shit that was happening to me. I wanted to rest but my home isn't here anymore," mahina na naman niyang aniya.
Hindi na nawala ang pagkakasalubong ng kilay ko habang yakap-yakap pa rin niya. Feeling ko, nag-eemote itong si Ivan. Pagod na raw siya? Saan?
"Ivan, ayos ka lang ba?" hindi ko mapigilang tanong kasabay nang marahan kong paghagod sa likod niya.
Naramdaman ko ang mabagal niyang pag-iling na tila nagsasabing 'hindi'.
"Gusto mo ba ng minatamis na saging? Ipagluluto kita kong gusto mo. Iyon kasi ang nagpapawala ng problema ko. Feel ko effective 'yon," mahina kong suhestiyon habang ang puso ay malakas at mabilis pa ring kumakabog.
Ano ba'ng nangyayare sa dibdib ko? Kulang na lang ay lumabas saka sumayaw at magwala.
Sa wakas naisip din niyang pakawalan ako dahil malapit ko na talagang isipin na may gusto siya sa'kin kahit imposible. Oo, alam ko naman na maganda ako at may katangkaran pero haler, wala man akong interes sa mga lalaki pero alam ko naman kung ano ang pinagkaiba ng guwapo sa tama lang. Saka feel ko, anak mayaman 'tong si Ivan e. Halata sa kutis niya at kilos.
"Hoy, may bayad ang pagyakap sa'kin," pabiro kong sinuntok ang kaliwa niyang dibdib. Nagulat na lang ako nang mabilis niyang nahuli ang palapulsuhan ko.
"How much?" napatigil ako dahil sa seryoso niyang boses at mukha.
Hala, ang bilis naman niyang maniwala. Hindi ko naman alam na madali pala siyang mauto.
Napalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan sa mata niya.
"Wan tawsan." Wala sa sarili kong saad habang tila ay hinihigop sa uri ng tingin niya. Nakakalunod at nakakakaba.
Tumango siya. "Lady Kinleigh, can I confess something to you," pagpapaalam niya bago nagbasa ng labi gamit ang kaniyang dila.
Napakurap na naman ako kasabay nang pagkabog ng dibdib ko. Gago, bakit parang inaakit niya 'ko?
Parang gusto kong tumakbo papunta sa bahay at tumago sa ilalim ng kumot. Magcoconfess ba kasi siya ng ano?
Nakangiwi tuloy akong tumango kahit na pakiramdam ko'y makasasama sa'kin ang sasabihin niya.
"You were always stunning on every clothes you wore and I've always find you attractive because of your simplicity," seryoso ang kaniyang mukha habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napalunok ako ng laway dahil sa kamay niyang umangat papunta sa mukha ko.
Akala ko kung ano'ng gagawin niya, yun pala ay gusto niya lang hawiin ang buhok kong tumatabing sa kalahati kong mukha.
"Talaga?" nakangiwi akong ngumiti. "Salamat," halos pabulong kong sabi.
Muli na naman siyang ngumiti habang matamang nakatitig sa mukha ko.
"I think I like you, lady Kinleigh." aniya pagkatapos akong titigan.
Nahigit ko ang aking hininga habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. Kulang na lang tumulo ang laway ko dahil sa pag-awang ng bibig ko.
"Mami! Sir Ivan!"
Parehas kaming nagulat sa sigaw ni Thunder na nakalimutan kong kasama ko pala. Napatingin ako sa pamangkin kong nakapamewang habang taas noong nakatingala kay Ivan.
"Nikakagat na po ako ng mga lamok dito, Sir Ivan. Puwede po ba bitiwan niyo na ang Mami ko," galit na asik nito kahit na gumagamit pa siya ng 'po'.
Nagkatinginan kami ni Ivan at sabay na natawa.
"I'm sorry, kiddo. May sinabi lang ako sa Mommy mo," natatawang sagot ni Ivan bago niya binitawan ang dalawa kong balikat.
Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng tuhod ko habang nilalapitan si Thunder. Isang ngiwing ngiti ang ginawa ko bago ko iginaya si Thunder papunta sa bahay namin.
***
Kinabukasan, tulala akong nakaupo sa puwesto namin habang wala pang mga customer na dumarating. Paulit-ulit lang na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
Halos ilang oras lang yata ang naitulog ko dahil hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Ivan sa'kin. Paulit-ulit kong naririnig 'yong mga sinabi niya kagabi.
"Three points!"
Nagulat ako dahil may biglang tumama sa noo ko. Pagtaas ko ng tingin ay bumungad sa'kin ang mukha ni Rumi at Juday na parehas tumatawa sa naging reaksyon ko.
Nanggigigil kong pinulot ang ponkan na binato nila saka ko binato pabalik.
"Tangina niyo," inis kong ani.
Natatawa nilang binalik ang prutas sa kasamahan nito bago pumasok sa loob ng maliit naming puwesto. Parehas nilang inukupa ang mahabang upuan sa tabi ko.
"Ano ba kasing iniisip mo? Kay aga-aga, lumulutang 'yang isip mo," tanong ni Juday.
Napabuntong hininga ako.
"Iniisip ko lang kung bakit ko kayo naging kaibigan? Curious lang talaga ako," walang kuwenta kong sagot dahilan para sumimangot silang dalawa.
"Sa tagal ng panahon, ngayon ka pa na-curious. Ulol ka ba, Kipay?" sabat ni Rumi. Tinaasan pa ako ng kilay. Ngumuso ako't umirap sa kaniya.
"Sus, e ano nga? Bakit ka tulala kanina? Kung hindi ka pa namin binato, hindi mo pa kami mapapansin ni Rumi," singit naman ni Juday na mukhang hindi naniwala sa palusot ko.
Muli akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila kasi may parte sa isip kong hindi naniniwala sa sinabi niya kagabi.
Ewan ko ba, feeling ko binibiro lang niya ako kagabi.
"Kapag ba sinabihan ka ng lalaki na gusto ka niya, maniniwala ka kaagad?" nag-aalinlangan na tanong ko.
Magkasabay na nagkasalubong ang kilay nila Rumi at Juday sa tanong ko at magkasabay rin na ngumisi nang nakaloloko.
"Tangina, so may umamin sa'yo?" Naningkit ang mata ni Rumi sa'kin.
Nakangisi akong tumango. "Si Burnok."
Magkasabay rin silang ngumiwi at binatukan ako.
Malakas akong napatawa dahil sa naging reaksyon nilang dalawa.
"Hindi counted si Berto at Burnok, tanga." ngiwing ani ni Rumi.
"Pero seryoso, may umamin nga sa'yo?" tuloy pa ring pang-uusisa ni Juday. Hindi pa nakatiis dahil talagang lumapit pa sa puwesto ko.
Sasabihin ko ba? Tsk, bahala na nga.
Mabagal akong tumango. Sabay na napatakip ng bibig sila Rumi at Juday sa sagot ko.
"Totoo? Sino naman ang malas na lalaking 'yan?" tanong ni Rumi pagkatapos niyang mabigla.
Sumimangot ko. "Malas ba kapag nagkakagusto sa'kin? Sama ng ugali mo," reklamo ko.
"Oo, lahat ng nagkakagusto sa iyo'y sinusuntok mo, tanga. Kaya halos lahat ng gustong manligaw sa'yo, nagbaback-out na mayroong pasa sa mukha," tumatawang sagot ni Rumi kasabay nang paghamlas niya sa balikat ko.
Napangiwi ako saka ko naalala lahat ng mga lalaking nagtangkang manligaw sa'kin. Napailing-iling ako sa naalala ko.
"So, ano nga? Nilagyan mo ba ng pasa ang umamin sa'yo? Sino ba kasi 'yon?" untag ni Juday na kanina pa naghihintay sa sagot ko.
Napalunok muna ako ng laway habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang naghihintay sa sasabihin ko.
"Si Ivan." Pikit mata kong saad.
Ilang segundo ang dumaan pero tahimik lang ang dalawa kaya naman napamulat ako. Parehas lang silang nakatingin sa'kin nang diretso tapos sabay pang kumurap.
"Wait— sinong Ivan, Kips?" nagtatakang tanong ni Juday.
Kumunot ang noo ko. "Hindi mo kilala si Ivan?"
Tumaas ang kilay niya sabay sabing, "obvious ba?"
Binalingan ko naman si Rumi.
"Hindi mo rin kilala si Ivan?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko.
"Siya 'yong bago naming kapitbahay. Subtitute teacher sa Talak Elementary School," nakangiwi kong saad.
Biglang nanlaki ang mata ni Rumi sabay yugyog sa balikat ko.
"OMG, Kipay. Umamin siya sa'yo?"
Nag-aalinlangan akong tumango. Malakas niya 'kong hinampas sa balikat habang si Juday ay mukhang inaalala kung sino ang bago naming kapitbahay.
"Excuse po, magkano po itong kalahating kalabasa?"
***
Dahil sa nangyare kahapon ay nawala sa isip ko ang nawawalang kuwintas na bigay ni ate Bea. Ngayon ay bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang kuwintas.
Muli kong hinaluglog ang buo kong kuwarto pero wala talaga akong mahanap. Pumipintig na ang ugat sa noo ko dahil sa kakahanap.
Halos isang oras yata ang ginugol ko sa paghahanap ng kuwintas bago ko naisipang bumaba muna para gumawa ng meryenda ng tatlong biik na abalang nanunuod sa sala.
Nagluto lang ako ng minatamis na saging na saba bago ako naglagay sa tatlong mangkok para sa mga pamangkin. Kasunod ay naglagay naman ako sa isang tupperware.
"Thunder, Sky, Cloud, halina kayo!" sigaw ko para tawagin sila.
Mayamaya lang ay narinig ko na ang nagmamadali nilang yabag papunta rito sa kusina. Mabilis ang bawat galaw nila at halos mag-agawan pa sa upuan sina Thunder at Sky.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil wala si Cloud. Dati-rati'y tatlo silang nag-uunahan kapag nagluluto ako ng memeryendahin nila.
"Sky, nasaan ang kuya niyo?" tanong ko kay Sky na abala sa pag-ihip sa pagkain niya. Napatingin siya sa'kin bago lumingon sa pinanggalingan nila.
Kumibit balikat ang pamangkin ko. "E Mami, sabi niya ayaw niya raw po kumain. Busog pa raw po siya e," anito.
"Talaga?" gulat kong untag.
Tumango-tango si Sky habang ngumunguya. Pagkatapos ay biglang nagsalita si Thunder na punong-puno ang bibig.
"Mami, sad daw si kuya Cloud kasi po galit ka sa kaniya."
"Sinabi ni Kuya Cloud 'yon, Thunder?" tanong ko. Tumatango-tango itong ngumunguya.
Biglang bumalik sa isip ko ang ginawa kong pagsigaw kay Cloud kahapon dahil sa pagkawala ni Thunder na nakitae lang naman pala sa bahay ni Ivan.
Malalim akong humugot ng hininga. Kaya pala parang hindi ako kinakausap at kinikwentuhan ni Cloud. Palagi kasi 'yang may baon na kuwento sa'kin at palaging yumayakap nang walang dahilan.
Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tita ngayon.
"Ubusin niyo 'yan ah," utos ko sa dalawa bago lumabas ng kusina para lapitan si Cloud na tahimik lang na nakatingin sa TV.
Tahimik akong umupo sa tabi niya.
"Cloud, ayaw mo ba kumain?" marahan kong tanong.
Umiling siya nang hindi ako nililingon. Huminga ulit ako nang malalim.
"Bakit? 'Diba paborito mo ang saging na minatamis ni Mami?"
Nanatiling nakatutok ang mata ni Cloud sa TV. Wala yatang balak na tumingin sa'kin ang pamangkin kong 'to.
"Busog pa po kasi ako e."
Ngumuso ako saka ako umalis sa pagkakaupo para lumuhod sa tapat niya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay bago ako huminga nang malalim.
"Sorry pala baby ko dahil nasigawan ka ni Mami kagabi. Puwede ba akong yumakap sa baby Cloud ko, hmm?" Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan si Cloud na parang ayaw akong kausapin. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa'kin na mas lalong nagpapabigat sa dibdib ko.
Binitawan ko ang kamay niya para haplusin ang maliit niyang pisnge. "Galit ka ba kay Mami?" Tanong ko.
Umiling lang siya pero nanatiling umiiwas ng tingin sa'kin.
"Huwag ka na magtampo kay Mami, Cloud. Kahit na astig at matapang si Mami, iiyak pa rin ako kasi ayaw mo ako kausapin," bahagya akong tumingala upang pigilan ang pagkawala ng luha na namumuo sa mata ko. Ayaw kong umiyak pero hindi ko kaya na nagkakaganito ang isa sa tatlong naging buhay ko.
Nakangusong tumingin sa'kin si Cloud at katulad ko'y nagbabadya na rin ang luha.
"Galit ka po ba sa'kin, Mami?" garalgal ang boses niyang tanong.
Mabilis akong umiling. "Hindi ah. Bakit naman magagalit si Mami sa'yo?"
"Kasi po naging pabaya po akong kuya..." mahina niyang sabi.
Umiling ulit ako bago ko siya hinila para yakapin.
"The best kang kuya para sa'kin at para kina Sky at Thunder, Cloud. Huwag mong isipin 'yan, okay? Saka, bati na ba tayo?"
"Huwag ka na po magagalit sa'kin, Mami..." mahina nitong bulong. Tumango-tango ako.
***
End of Chapter 9 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro