Chapter 8
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay pagkatapos kong masundo ang tatlong bulilit na ngayo'y iniwan ko sa gate dahil ang babagal nilang maglakad.
Kinakabahan ako dahil baka nawala ko ang kuwintas na binigay ni ate Bea sa'kin. Baka kapag binawi niya at walang akong maibalik ay sampalin niya 'ko. Grrr, ayoko no'n.
Patakbo kong inakyat ang kuwarto ko at kaagad na naghanap sa study table ko pero wala roon. Sunod kong binuksan ang mga drawer na pinaglalagyan ko ng mga mahahalaga kong gamit pero wala rin doon. Mas lalong nadadagdagan ang kaba ko habang tinitingnan ang mga posibleng pinaglagyan ko pero wala pa rin.
Lagot ako nito kay ate Bea. Bakit ba ang burara kong tao? Kainis naman.
***
Dumating na ang gabi ngunit hindi pa rin nagpapakita sa'kin ang kuwintas. Nakasimangot na nga ako habang nakatungangang nakaharap sa screen ng cellphone.
Mayamaya lang din ay naramdaman ko ang malakas na kaltok sa ulo ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone at mapangiwi sa sakit. Kamot-kamot ko ang ulong natamaan bago lumingon sa may kagagawan.
Tumambad sa'kin ang nakapameywang na si Nanay habang hawak ng kaniyang kanang kamay ang sandok na pinangpukpok sa'kin. Napangiwi ako at pasimple siyang sinamaan ng tingin.
"Parang hindi ako anak ah. Bobong-bobo na 'ko kakapukpok niyo sa ulo ko," reklamo ko habang humahaba ang nguso. Pero tinaasan lang ako ng kilay ng magaling kong nanay. Para talagang hindi ko nanay ang isang 'to. Hanep sa galing.
"Dami mong satsat. Dalhin mo nalang 'to kay Sir Ivan bago ka kumain. Bilisan mo," kinuha niya ang isang maliit na tupperware na naglalaman ng ginataang tilapia at inabot sa'kin.
Kinuha ko iyon habang nakasimangot bago tumayo at umalis para pumunta sa kapitbahay naming may kakaibang epekto sa sistema ko. Feeling ko, bad for the health si Ivan na 'to e. Feeling ko lang ah.
Nakalabas na ako mula sa gate namin nang mapansin kong lumabas ng bahay niya si Ivan. Nakamaong jacket at black cup. Pagkasara ng pinto ay nagmamadali ang bawat hakbang niya papunta sa kaniyang sasakyan.
Nagkasalubong ang kilay ko habang pinapanuod siya paalis. Pagkatapos ay napatingin ako sa tupperware kong dala. Nagkibit balikat ako't bumalik sa bahay.
"Oh, ayaw ba niya?" tanong ni Nanay nang makitang nasa akin pa rin ang ulam.
Umiling ako. "Umalis siya e. Hindi ko naibigay," sagot ko.
Tumango-tango siya at niyaya akong kumain. Saglit ko munang nilapag ang tupperware bago pumuwesto sa hapag kainan.
Sa kalagitnaang pagkain ay naalala kong may itatanong nga pala ako. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago uminom ng tubig.
"Nay, nilinisan niyo ho ba ang kuwarto ko?" tanong ko. Napatingin siya sa'kin at bahagyang umiling.
"Bakit ko lilinisin ang kuwarto mo? Akin ba 'yon?" pangbabara niyang balik tanong sa'kin. Napangiwi ako at napailing sa kaniya.
"Pero wala ho ba kayong nakikitang kuwintas na may bilog na pendant?" pangbabalewala kong tanong ulit.
"Bakit may kuwintas ka bang gano'n?" balik tanong na naman niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapahilot sa sintido at saglit na pinagpantay ang labi.
"Nay, kung may nakita nga ho kayo?" huminga ako nang malalim.
Tinaasan niya na naman ako ng kilay. "Wala."
"E kayo Tay?" bumaling ako kay Tatay na akmang iinom ng tubig.
"Wala rin." Mabilis niyang sagot. Bumagsak ang balikat ko dahil sa dissapointment at mas lalo yatang nagdoble ang kaba ko.
Bumalik ako sa pagkain ngunit naging mabagal ang bawat galaw ko. Hanggang sa ako na lang ang natira sa hapag kainan dahil natapos na silang lahat kumain.
"Mami! Mami!" tumatakbong lumapit si Sky sa'kin. Ngumunguya akong tumingin sa kaniya at nagtaas ng kilay para itanong kung bakit siya lumapit.
"Si Thunder po, nawawala!" malakas niyang sigaw dahilan para mailuwa ko ang nginunguya at mabilis na napatayo.
"Bakit?!" aligaga kong tanong bago nagmadaling lumabas ng bahay. Naabutan ko sina Nanay at Tatay sa labas ng gate na tila may hinahanap.
Mabilis na lumapit sa'kin si Cloud habang namumula ang mata at mukhang malapit ng umiyak. Yumuko ako upang makapantay siya.
"Ano'ng nangyare, Cloud? Bakit nawawala si Thunder?" hinawakan at niyugyog ko ang maliit niyang balikat. Hindi ko nagawang itago ang irita at inis sa boses ko.
Dahil doon ay tuluyan ng kumawala ang luha sa mata ng pamangkin ko. Ginamit niya pang pampunas ang damit sa kaniyang pisnge.
"Mami, naglalaro lang po kami ng tagu-taguan tapos hindi na po namin siya mahanap. Sorry po, Mami," umiiyak at sumisinok niyang sagot. Tuloy-tuloy na umaagos ang luha sa kaniyang mata.
Mas lalo yatang naging mabagsik ang itsura ko dahil sa sinabi niya. Nagkasalubong ang dalawa kong kilay habang hawak-hawak ang balikat ni Cloud.
"Ano? Gabi na, Cloud! Bakit gano'n ang mga nilalaro niyo? Hindi ba puwedeng sa loob lang kayo ng bahay? Nakakapagod na kayong tatlo ah!" hindi ko mapigilang bulyaw sa kaniya dahilan para mas lalo siyang umiyak.
Naiinis kong tinanggal ang kamay ko sa balikat niya at hinawi siya paalis sa daraanan. Pagkatapos ay lumabas ako ng gate para tumulong sa paghahanap.
"Nay, doon ho kayo maghanap," tinuro ko ang direksyon papunta kina Moy. Baka sakaling pumunta roon si Thunder. Pagkatapos ay tinuro ko naman ang direksyon palabas ng pook namin.
"Dito ako maghahanap." Dugtong ko.
Tumango si Nanay sa suhestyon ko. Magkasabay kaming tumalikod sa isa't isa pero saglit ko munang binalingan ang dalawang bata na tahimik na umiiyak sa tapat ng pintuan ng bahay.
"Diyan lang kayo. Walang aalis. Naiintindihan niyo ba? Cloud?" matigas kong utos. Mabilis silang tumango sa sinabi ko na halatang natatakot sa'kin ngayon.
Akmang hahakbang na ako paalis nang mapansin kong nandito na ang sasakyan ni Ivan at bukas na ang mga ilaw ng bahay niya. Napatigil ako at kunot noong lumapit sa bahay niya.
Pagkalapit ko ay kaagad akong kumatok. Mabuti na lamang at mabilis niya 'kong pinagbuksan ng pintuan. Pagkabukas niya'y sinilip ko agad ang buong sala mula sa labas.
"Why?" untag niya sa'kin dahil nanghahaba lang ang leeg ko kakatingin sa loob ng bahay niya.
"Puwede ba akong pumasok?" tanong ko. Nagtataka siyang umalis sa tapat ng pintuan para makadaan ako. Pagkapasok ay nakita kong walang laman ang sala niya kaya sunod kong pinuntahan ang kusina ng bahay niya.
"Bakit, lady Kinleigh? Ano'ng mayro'n?" untag ni Ivan na sumunod pala sa'kin.
Napalingon ako sa kaniya habang nanunubig ang mata. Mukhang nagulat siya dahil bahagya siyang natigilan at hindi kaagad nakareact.
"Hey, what's wrong?" lumapit siya sa'kin at marahang hinaplos ang magkabila kong braso.
"Nawawala si Thunder," pag-amin ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pumasok at pumunta rito. Nagbakasakali lang naman ako na baka nandito iyong nawawalang biik namin.
Hindi sana ako kakabahan kung umaga dahil maliwanag at madali lang maghanap pero kasi gabi na, masyadong delikado para sa mga bata ang maglagi sa labas ng bahay. Dapat kasi ay hindi namin sila sinanay na maglaro sa labas kahit na may gate pa kami.
"Nawawala? But he's here. Nasa banyo siya," kunot noo niyang turan dahilan para mawala ang nagbabadya kong luha.
"Ha?"
"Thunder?" malakas niyang tawag.
"Wait lang po, Sir," kilalang-kilala ko ang boses na sumigaw na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali dahil araw-araw ko 'yong naririnig.
Binalingan ako ni Ivan. "He's here." Paninigurado pa niya.
Pero imbis na sumagot ay dumeritso ako sa banyo ng bahay niya at walang sabi-sabing binuksan ang pinto noon. Pero gano'n na lang ang pagsisisi ko nang nanuot sa pang-amoy ko ang mabahong amoy dahil sa magaling kong pamangkin.
Mabilis kong isinarado ang pinto habang pigil na pigil ko ang aking paghinga. Lumapit ako kay Ivan dahil nakasunod na naman pala siya sa'kin.
"Bakit nandito 'yon? Dumayo pa," tanong ko nang kunot ang noo.
Kumibit balikat siya. "He barged in saying he need to poopoo," may kaunting ngisi niyang aniya.
Napatampal ako sa 'king noo at nahihiyang tumalikod kay Ivan.
"Kanina pa ba siya nandito?" tanong ko habang nakatalikod pa rin.
"Maybe, 1 hour before you came. Hindi ba siya nagpaalam sa inyo?" sagot at balik tanong niya.
Saglit akong lumingon. "Hindi. Akala namin nawawala na siya," napahugot ako nang malalim na paghinga.
***
Lumipas ang limang minuto bago nakalabas ng banyo si Thunder. Pawis na pawis at mukhang nahirapan sa ginawa niya sa loob ng CR. Napangiwi ako bago ko siya nilapitan at pinunasan ang mukha.
"Bakit dito ka pa dumayo, ha? Ang lapit-lapit ng bahay e," sermon ko habang abala ang kamay sa pagpupunas ng pawis sa mukha at likod niya.
"E Mami, dito po kasi ako tumago. Naglalaro po kami nina Kuya Cloud at Sky," bumingisngis pa ito habang nakapeace sign ang maliit na kamay.
"Pinakaba mo ako, alam mo ba 'yon? Muntik ng umiyak si Mami, buti na lang astig ako at matapang," sabi ko sabay kindat sa kaniya dahilan para mas lalo siyang bumungisngis.
"Kaya nga po love na love ka ni Thunder, Mami kasi astig at matapang ka," pagsang ayon ng magaling kong pamangkin.
"Basta next time wala ng maglalaro kapag gabi na ah? Bawal lumabas ng bahay simula bukas," matigas kong bilin na kaniyang tinanguan.
Pagkatapos kong matuyo ang pawis ni Thunder ay saka ko binalingan ng tingin si Ivan na nasa katapat naming upuan. Medyo nagulat pa 'ko dahil nakatingin pala siya sa'min nang seryoso ang mukha.
"Sir? P're?" untag ko at bahagyang kinaway nang maliit ang kamay.
"Pasensiya na sa abala ah? Saka yung ulam bukas na lang. Uuwi na rin kami," tumayo ako nang kumurap-kurap siya at tumayo rin.
Inihatid niya kami hanggang sa pintuan. Naiilang ako kasi hindi na nabura ang ngiti sa mukha niya habang sobrang lapit ng agwat sa'kin papunta sa pintuan ng bahay, palabas.
"Goodnight, lady Kinleigh," kumaway pa siya nang may malapad na ngiti habang ang isang kamay ay nakasilid sa bulsa ng pantalon.
Isang ngiwing ngiti ang naging tugon ko bago tuluyang tumalikod. Ngunit kaagad din akong napatigil nang may mapansin akong makinang na bagay na natatamaan ng ilaw mula sa poste.
Malapit ito sa sasakyan ni Ivan at dahil isa akong pakialamera ay lumapit ako roon.
Ngunit bago ko pa magawang pulutin ang bagay na kumikinang ay mayroon nang humatak sa braso ko. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang maramdaman ko ang mainit na katawan ni Ivan nang bigla niya 'kong yakapin.
Tila ay bigla ring tumigil ang pintig ng puso ko habang nasa loob ng braso niya.
***
End of Chapter 8 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro