Chapter 7
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Tahimik lang ako habang nakasakay kami sa tricycle. Magkatabi kami ni Ivan pero katulad ko'y tahimik din siya. Tunog lang ng sasakyan ang maririnig sa buong byahe hanggang sa marating namin ang bahay.
Una siyang bumaba bago ako. Seryoso lang siya habang kumukuha ng pera sa wallet niya. Napakapa rin ako sa bulsa ng suot ko at saka humugot ng bente pesos. Iaabot ko na sana ang bayad ko pero hinuli ni Ivan ang kamay ko at ibinaba.
Nagbayad siya ng one hundred pesos sa driver. Napakamot si kuyang driver sa kaniyang ulo habang nakatingin sa lagayan ng pera niya.
"Wala ka bang barya, iho? Puro papel itong nasa akin e," sabi niya.
"Ay, mayro'n akong barya rito kuya—" hindi ko nagawang tapusin ang dapat kong sasabihin dahil biglang sumabat si Ivan habang nagsasalita ako.
"Huwag niyo na pong suklian, kuya." Balewala niyang sabi bago niya 'ko hinila palapit sa gate ng bahay namin.
Namamangha akong napatitig sa mukha niya.
"Sayang 'yong sukli mo," wala sa sarili kong sambit nang makapasok ako sa loob ng gate namin.
Seryoso niya lang akong tiningnan bago sumagot. "Huwag ka ng manghinayang, hindi naman sa'yong pera e," walang kuwenta niyang saad bago ako tinalikuran at pumunta sa harap ng bahay niya.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya habang nasa tapat pa rin ako ng gate at nang akma na siyang papasok sa loob ng kaniyang bahay ay saglit niya pa akong nilingon bago tuluyang pumasok.
Tuluyan na yatang nawala ang alak sa aking sistema dahil sa kaniya. Hindi ko talaga malaman kung bakit ganito ang epekto niya sa'kin. P'wede kayang ipa-check ko 'to? Kaso hindi pasok sa budget kaya saka na lang siguro.
Kibit balikat akong pumasok sa bahay nang dahan-dahan. Paniguradong kapag nalaman nina Nanay at Tatay na ganitong oras na ako nakauwi ay makakatikim ako ng sampal gamit ang durian kinabukasan.
Mabagal ang bawat hakbang ko sa hagdan habang umaakyat. Gawa pa naman sa kahoy ang hagdan namin at may kalumaan na rin. Maling hakbang lang ay siguradong gagawa ito ng ingay.
Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong maisarado nang tahimik ang pinto ng kuwarto ko. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang daliri habang tulalang nakatingin sa nakabukas na bintana.
Magkasalubong ang kilay ko habang inaalala ang sinabi ni BlackX sa'kin kanina. Kung ganoo'y kilala niya si ate? Ibig sabihin ay nagkaroon sila ng relasyon?
Tumabingi ang ulo ko habang malalim ang iniisip. Nailagay ko rin ang aking hintuturo sa'king bibig habang mabagal na humahakbang palapit sa bintana.
Teka nga, kung nagkaroon ng relasyon si ate at iyong BlackX paano naman si Victor na halos limang taon niyang naging karelasyon magmula noong payagan siya ni Tatay na magkaroon ng nobyo?
Nanlaki ang mata ko sa naisip at sa napagtanto.
"Ibig sabihin, two timer si ate Kisleigh?" pabulong kong tanong sa sarili.
Ngunit napailing ako't napangiwi. Imposible naman na magagawa 'yon ni ate. Kilala ko siya, kay Victor lang umiikot ang mundo niya noon hanggang sa kahit umalis ito nang walang paalam nung malaman na buntis siya.
Ang ngiwi ko'y naging pa-ismid. Kaya kumukulo talaga ang dugo ko sa Victor na 'yan e. Duwag at hindi responsable. Ni wala nga yata siyang balak na kilalanin ang tatlong biik. Sabagay, hindi rin naman ako papayag kung nanaisin niya. Baka malagyan ko lang ng itim ang dalawa niyang mata.
Malalim akong nagbuntong hininga bago ko napansin na nasa harapan na pala ako ng bintana. Bukas na bukas ito kaya naman malayang nakakapasok ang liwanag na galing sa buwan.
Napatingin ako sa katapat na bintana ng aking kuwarto. Bukas pa ang ilaw sa loob ng kuwarto pero nakasarado na ang kurtina't bintana. Nakikita ko ang bawat galaw niya base sa aninong nakikita ko.
Mukhang nakaupo siya at may binabasa. Sa ganitong dis-oras ng gabi? Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa anino. Maya-maya lang ay tumayo ito habang bitbit ang sa tingin ko'y isang pirasong papel.
Tumayo siya't naglakad palapit sa isang bagay hanggang sa tumigil siya upang ikapit ang hawak sa—pader?
Artist ba siya? Hindi kaya magaling siyang artist? Kaya siguro ayaw niya 'kong papasukin sa kuwarto niya kasi nahihiya siya na makita ko ang mga gawa niya.
Napaangat ang sulok ng labi ko, pinipigilan ang pagsupil ng isang ngisi mula roon.
"Hindi naman ako judgmental. Marunong akong um-appreciate ng mga bagay na pinaghihirapan. Naappreciate ko nga ang pagpapautang sa'kin ni Hopia e," natatawa kong bulong sa sarili bago naiiling na nagsara ng bintana.
Kailangan ko ng matulog dahil maaga pa akong gigising bukas.
***
Mabagal ang bawat galaw ko habang pinapatas ang mga gulay sa puwesto namin. Kasama ko si Tatay na tinutulungan akong buksan ang tindahan namin ngayon.
Sa totoo lang ay ngayon lang ulit ako sinamahan ni Tatay sa pagbubukas ng tindahan namin. Kadalasan kasi ay ako lang ang mag-isa ang gumagawa simula nang tumuntong ako sa edad na dise-sais at mukhang nasanay na ako kaya naninibago ako na may tumutulong sa'kin ngayon.
"Anong tinitingin-tingin mo r'yan?" maangas na untag ni Tatay dahil bigla akong natulala sa kaniya.
Napangiwi ako't bumulong-bulong nang tumalikod ako sa kaniya.
"Ano?" pahabol niyang tanong dahil mukhang narinig niya ang pagbulong-bulong ko.
Umismid ako. "Wala ho, ang pogi niyo ho kasi kaya nagtataka ako kung anak niyo ba talaga ako," walang kuwenta kong sagot sa kaniya.
Napalingon ako mula sa balikat para tingnan ang reaksyon niya. Halos matawa ako nung makita ko siyang nakangisi habang hinihimas-himas ang kaniyang baba.
Pigil na pigil ko ang tawa ko habang inaayos ang mga sitaw sa kabilang gilid.
"Magandang umaga," bati ng isang baritonong boses na himalang nakilala ko kaagad. Natigil ang kamay ko sa pag-aayos at napaangat ang tingin sa kaniya.
Bumungad sa'kin ang maaliwalas niyang ngiti habang ang dalawa niyang kamay ay kap'wa nakatago sa kaniyang likuran. Dalawang beses akong napakurap habang nakatitig sa mukha niya.
Kasabay no'n ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang nagkakagulo sila sa loob habang tulala akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.
Teka hala, may sakit na yata ako?
"P-P're..." mahina kong untag sa kaniya, binitawan ko ang sitaw na hawak-hawak at mabilis na nagpunas ng kamay.
"May bibilhin ka ba?" tanong ko.
"Nabibili ka ba?" mahina ngunit narinig ko. Tila yata'y tumigil ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Parang bigla'y nawala ang lahat ng nasa aming paligid at kami na lang ang naiwan.
Hindi ko na talaga alam kung ano'ng nangyayare sa'kin. Mabuti na lamang at nagawa kong magpeke ng tawa.
"Hindi ako for sale, echosero ka. E ano nga, may kailangan ka ba?" kunwari ay natatawa kong untag.
Tumaas ang sulok ng labi niya na tila ay natutuwa sa naging reaksyon ko. Pagkatapos ay bumalik na naman ang maaliwalas niyang ngiti kasabay nang paggulo niya sa buhok ko.
"You're blushing, lady Kinleigh," malaki ang ngiti niyang aniya.
"Psh, mainit kasi kaya namumula ang mukha ko. Feelingero ka rin e," depensa ko habang inaayos ang buhok na ginulo niya.
"Hmm," tumango-tango siya. "Okay. I'll believe that."
"Kung may bibilhin ka nga? Kanina pa kita tinatanong," nakaismid kong turan sa kaniya.
"Hindi ako bibili. May binili lang ako sa convenient store na malapit dito, naisip ko lang dumaan kasi baka may hangover ka pa," aniya dahilan para mabilis ko siyang pandilatan ng mata at pasimpleng sinilip si Tatay.
"Ano ka ba? Ang lakas ng boses mo. Gusto mo bang masampal ako ng durian, ha?" naiirita kong untag sa kaniya.
Napangisi siya kasabay nang paglusot ng kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Ikaw na pasaway na bata, dapat pinaparusahan e," anas niya.
Umismid ako't umirap sa kaniya. Wow, astig 'tong effect niya sa'kin ah, nagmumukha akong bipolar dahil sa bilis nang pagpapalit ng emosyon ko simula lang kanina.
"Mind your own business, p're." maangas kong sabi.
"Yeah, I do mind my own business."
"Ano?"
"Nothing. You look great today, lady Kinleigh. But I have to go, thank you for your beauty," ang tono niya ay tila nang-aasar kaya nakangiwi akong nagsunod ng tingin sa kaniya nung maglakad siya palayo.
"Siraulo." Bulong ko at muling bumalik sa pag-aayos ng mga paninda.
***
"Nalulugi na ako sa'yo, Moy. Pangatlong dalandan mo na 'yan. Letseng 'to, sampalin kita ng pinya r'yan e," sita ko kay Moy na nawiwili na yatang kumuha ng basta-basta sa paninda namin.
Abala nga siya ngayon sa pagbabalat ng pang-apat niyang dalandan e.
"Kips naman, nakalimutan mo na yata ang binigay kong isang kilong tilapia. Wala kang utang na loob," kampante at mukhang nanunumbat niyang sabi.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. Ibang klase rin talaga ang gagang 'to.
"Last year mo pa 'yon binigay, for your information, gaga."
Napatingin siya sa'kin na tila ay may napagtanto. "Oo nga, 'no? Hindi bale, Kips. Bibigyan kita ng bangus later, don cha woreh," ikinumpas niya pa ang kaliwang kamay at kumindat.
Napaismid ako bago umirap sa kaniya.
Nasa kalagitnaan si Moy nang paglantak sa dalandan nung kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Ako naman ay kaagad na nagtaka sa kinikilos niya.
"Bakit?" untag ko.
"Kips, wala bang nawawala sa'yo?" tanong niya.
Nagkasalubong ang kilay ko. "Wala naman. Ba't mo natanong?"
"Sure ka? E nasaan ang binigay na kuwintas ni ate Bea sa'yo? Hinubad mo?" ininguso niya ang bandang dibdib ko.
Kaagad akong napayuko upang kumpirmahin ang sinasabi niya dahil wala naman akong naaalala na naghubad ako ng kuwintas. Ganoon na lang ang paglaki ng mata ko dahil wala nga roon ang kuwintas.
Napatayo ako habang kinakapa ang mga bulsa ng suot kong short.
"Hala, nawawala yata!" pagsusumbong ko kay Moy.
Tinaasan lang niya 'ko ng kilay habang ngumunguya. "Halata nga."
"Wala akong maaalala na hinubad ko 'yon!"
"Baka nagka-amnesia ka, Kips."
"Gaga, hindi ako nauntog!"
"Oh baka burara ka lang talaga."
"Moy!"
"Ano? Burara ka naman talaga. Naalala ko nga dati nung natagusan ka nung grade 6," tumawa siya na parang ini-imagine ang nangyare dati. "Hinubad mo 'yung panty mo tapos nakalimutan mong dalhin palabas kaya nakita ni Sir Jonas yung panty mong may dugo, kadiri ka!" humagalpak siya ng tawa at nagsimula na ring mamula ang mukha.
Napasimangot ako habang kinakapa ang leeg. Nakakahiya nga 'yong pangyayaring yun, mabuti na lang lumipat na ng school si Sir.
"Pero teka, nasaan ang kuwintas ko?"
"Aba malay ko, kinuha ko ba, ha?"
"Wala kang kuwenta."
"Thanks."
***
End of Chapter 7 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro