Chapter 6
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Kumunot ang noo ko habang sinisilip ang nagkukumpulan sa stall ni Mang Dani, ang paborito naming nagtitinda ng fishball dito sa barangay Talak.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa isang lumang bench na gawa sa semento at saka lumapit sa kaguluhan. Taas noo kong hinawi ang mga binatilyong nagsisiksikan sa stall, mukhang nag-aagawan sa tinitinda ng matanda.
"Hoy, umayos nga kayo! Mga patay gutom!" pananaway ko dahilan para lahat sila'y mapalingon sa'kin.
Namaywang ako't tinaasan sila ng kilay. "Ano'ng tinitingin-tingin niyo? Pumila kayo ng maayos!" utos ko sa malakas na boses bago ko sila isa-isang pinagpapalo sa puwet.
Ang iba'y nagsireklamo habang ang iba nama'y tila nahiya sa ginawa kong paghampas sa kanila. Kilala naman nila 'ko, pero hindi ko sila kilala dahil sa mukha ko lang sila natatandaan. Hindi kasi talaga ako magaling tumanda ng pangalan lalo na kapag wala naman akong pake sa tao.
Nginitian ko si Mang Dani at lumapit sa kaniya.
"Huwag kayong mataranta, Mang Dani. Inayos ko na ang patas nila," nakangiti kong turan na kaniyang tinawanan. Baliw yata 'tong matandang 'to, buti sana kung kumpleto pa bagang niya e.
"Ate Kips, ano'ng mas magandang brand ng sigarilyo? Gusto kasi namin magtry," napalingon ako sa isang binatilyong lumapit sa'kin. Teka nga, kilala ko 'to e, ano nga'ng pangalan nito? Nathan? Nath?
"Sa'kin ka pa nagtanong e, hindi naman ako naninigarilyo. Echosero ka," nakangiwi kong sagot saka siyang binatukan.
"At saka, ikaw! Ilang taon ka na ba at gusto mo ng manigarilyo? Alam mo ba na mababawasan ang buhay mo kapag sumubok ka n'yan?" pananakot ko na kaniyang inilingan.
"Sabi nila 5 minutes daw ang mababawas pero ayos lang 'yon ate Kips, limang minuto lang naman e," katwiran niya habang nagkakamot ng batok.
Muli ko siyang kinaltukan sa batok. "Ikaw talaga! Sumbong kita sa Nanay mo e," pananakot ko pero bigla niyang pinitik ang noo. Napahawak ako roon at pinandilatan siya ng tingin. 'Tong batang 'to, ang lakas ng loob ah. Kaltukan ko 'to sa esophagus e.
"Ate Kips naman, isang taon ng patay ang manay ko e!" kumakamot sa batok niyang sabi. Hindi ko na nagawang ihampas pa sa balikat niya ang nakabuwelo kong kamay. Napatigil ako at hindi agad nakapagsalita.
"Ay, sorry." Napangiwi ko. Tumango lamang siya at naiilling akong tiningnan.
"Nga pala, ate Kips. Gusto mo bang sumama mamaya sa hangout namin? Welcome naman mga girls, kahit anong uri ka pa," aniya na tila hindi na masama ang loob sa pagbanggit ko tungkol sa nanay niya.
Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Hangout? Hindi ako nakikipag-hangout sa mga dugyot, so pass ako," mayabang kong sagot.
Ngumiwi siya sa mukha ko at naiiling na umalis sa harapan ko. Napatawa ko habang sinusundan siya nang tingin at saka naglakad para habulin siya.
Nang maabutan ko'y hinawakan ko kaagad siya sa kaniyang balikat. "Ito naman, tampururut na agad. Saan ba 'yan hangout baka makapunta ako," bungad ko nang lumingon siya.
Mula sa nakangiwing bibig ay napangisi ito. "Yes! Talaga ate Kips? Matagal ka na namin gustong yayain sa hangout namin e. Teka, itetext ko mamaya sa'yo kung saan ang address. Alas-nueve pala ang simula," masigla niyang sabi. Napataas ang dalawa kong kilay habang inaabsorb ang mga sinabi niya.
Napakunot ang noo ko. "Alas-nueve? Sobrang gabi naman ng hangout niyong 'yan! Mga bampira ba ang mga dadalo r'yan?" reklamo ko habang napapakamot sa kaliwang kilay.
"Gano'n talaga ate Kips. Si BlackX kasi ang nagseset ng oras at kung saan gaganapin ang hangout," sagot naman niya.
"BlackX? Sino naman yun?" nagtataka kong tanong.
Kinumpas niya ang kamay sa harap ko't umiling. Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko at saka siya binatukan nang malakas. Buwesit na 'to.
"Dami mong arte, sino nga?" naiirita kong tanong ulit.
Nasapo niya ang parte na binatukan ko. "E, hindi ko nga rin kilala 'yon ate Kips. Lagi kasi 'yong nakamaskara kapag may hangout tapos BlackX lang ang pakilala niya sa'min," aniya.
Napaismir ako sa nalaman. Badoy naman. May mga tao pa rin pala hanggang na ang babadoy ng trip sa buhay. Feeling mysterious, hindi naman ako nako-curious. Psh.
***
"
Nasaan ang BlackX na tinutukoy mo, Nath?" untag ko kay Nath na nasa tabi ko. Nandito kami ngayon sa dulong parte ng abandunadong bahay sa dulong bahagi ng Barangay Talak. Nakatambay kami ni Nath habang sumisimsim ng alak sa bote.
May hindi nga ako magandang nararamdaman dito sa hangout-hangout na 'to. Feeling ko, may hindi magandang mangyayare ngayong gabi. Pero ang isang malaking tanong ay bakit nandito pa rin ako? Dapat ay umalis na ako lalo na't hindi maganda ang kutob ko.
"Iyon oh! Iyong kausap nina Gani!" ininguso niya ang gitnang bahagi kung saan may nakalatag na sirang sofa. May anim na tao ang naroon at isa na roon ay si Gani, anak ng kapitan namin.
Tinungga ko nang isahan ang hawak kong alak habang nakapako ang tingin ko sa lalaking nakamaskara ang kalahating mukha.
Mula sa gilid ko, napansin kong itinaas ni Nath ang hawak-hawak niyang alak pero bago pa 'yon lumapat sa labi niya'y naagaw ko na ang bote sa kamay niya.
"Bawal ka sa alak, bebe boy. Oh ito," kinuha ko mula sa bag ang mineral bottle bago inabot sa kaniya.
"Tubig? Ate Kips naman!" reklamo niya agad nang makita ang inaabot ko.
Tumaas ang kanan kong kilay. "Masama sa atay ang alak. Magtubig ka na lang para humaba pa buhay mo," ani ko at pinilit na ipakuha sa kaniya ang binibigay ko.
Napakamot siya sa kaniyang ulo at saka napilitang kunin ang mineral bottled sa kamay ko. Ngumisi ako bago inisahang inom ang pangalawang bote ng alak. Medyo ramdam ko na ang tama ng alak sa katawan ko. Kumikirot na ang ulo ko pero dahil astig ako, dapat hindi papahalata.
"Teka, saan ka pupunta ate Kips?" pinigilan ako ni Nath sa braso nang humakbang ako papunta sa direksyon nina BlackX at Gani.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "Kakausapin ko lang 'yong blackX na 'yan. Titingnan ko kung hanggang saan ang tapang niya," maangas kong sabi. Mukhang tinamaan na talaga ako ng alak. Kung ano-ano nang lumalabas sa bibig ko e.
Nakita ko pang napakamot sa ulo sa Nath, bago niya 'ko hinabol. Diretso pa naman ang paglalakad ko kaya hindi halatang may tama na 'ko. Ilang sandali lang ay nakalapit na ako sa kanila. Mabilis kong inakbayan si Gani. Medyo close kami nito e.
"Gani, ipakilala mo naman ako sa BlackX na 'yan," malakas kong bulong kay Gani na nagugulat na lumingon sa'kin.
"Kips? Ano'ng ginagawa mo rito?" nanlalaki ang mata ni Gani kasabay nang pagharap sa'kin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at saka siya lumingon sa paligid. Sakto namang lumapit sa'ming puwesto si Nath.
Napailing ako't saka tinabig ang dalawang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Kinunutan ko muna siya ng kilay bago ko binalingan iyong BlackX.
"Magandang gabi BlackX, ako nga pala si Kipay, ang maangas sa Barangay Talak. Gusto ko lang sana malaman kung hanggang saan ang tapang mo, kaya hinahamon kita ng suntukan. Ano? Payag ka ba?" iniangat ko ang dalawang manggas papunta sa'king balikat at saka mayabang na pinatunong ang mga saliri sa harapan nila.
Kaso bigla akong hinila nina Gani at Nath palayo kay BlackX, mga tatlong hakbang siguro ang layo. Napapiksi ako sa mga pagkakahawak nila saka sila sinamaan ng tingin at inambaan ng suntok.
Bigla akong nahilo sa ginawa nilang paghila sa'kin. Literal na umiikot ang mundo sa paningin ko ngayon. Buwesit naman.
"Ano ba? Sapakin kita r'yan e!" sigaw ko sa dalawang pilit na hinihila ako palayo. Ako naman ay todo iwas sa kanilang dalawa hanggang sa patuloy kong pag-atras ay bumangga ako sa isang tao.
Nawalan din ako ng balanse kaya halos ibagsak ko na ang katawan ko sa nabunggo ko. Nahawakan ako ng kung sinong nilalang na 'to sa magkabilang braso. Inaalalayan ako para hindi tuluyang bumagsak.
Tumawa ako na parang baliw habang pilit na inaayos ang pagkakatayo. Bakit ba kasi ang baba ng alcohol tolerance ko?
"Ate Kips!" Nath.
"Kipay!" Gani.
Sumenyas ako sa kanilang dalawa na tumahimik. Ang ingay-ingay na nga sa buong paligid, sumisigaw pa sila. "Shhhh." inilapat ko sa aking labi ang hintuturo ko.
"Kisleigh?" isang malalim at malumanay na boses ang gumising sa buo kong diwa. Isa pa ay dahil sa itinawag niya sa'kin.
Sa loob ng anim na taon, ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan niya. Parang biglang nawala ang alak sa katawan ko. Napatayo rin ako ng tuwid at saka lumingon sa lalaking nabangga ko.
Siya iyong nakamaskara, si BlackX kuno.
"Kilala mo ang kapatid ko?" salubong ang kilay kong tanong sa kaniya.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang diretsong nakatingin sa'kin. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagtaas ng kaniyang labi na para bang saglit niya 'kong nginisian.
Nakaramdam kaagad ako ng inis dahil sa nakita.
"So, she's your sister? Akala ko'y ikaw siya," mahina pa siyang tumawa, tawang nang-iinsulto o ano. "Right, how can she be right here when I know she's in the good place right now." Dugtong pa niyang hindi ko naintindihan. Bakit kasi pilipit ang dila nito mag-english. Mukhang Englatero pa yata ang kumag na 'to.
"Kilala mo nga ang ate ko? Paano?" pag-uungkat ko kahit gustong-gusto ko na siyang upakan.
"You look like your sister. But she's more demure than you," sagot niya.
"Wala akong pake. Ang layo ng sagot mo sa tanobg ko. Bobo ka ba?" taas noo kong tanong, pikon na pikon na sa BlackX na 'to. Kaso 'yong dalawang nasa likod ko'y bigla na naman akong hinila.
"Ate Kips! Gusto mo bang masikatan ka pa ng araw? Kung gusto mo, huwag ka na magsalita," mariing bulong ni Nath sa tainga ko.
Napaismid ako't tinabig ang kamay niya sa braso ko. "Huwag mo nga akong tinatakot! Baka ikaw ang hindi sikatan ng araw dito," irita kong sabi.
"Kipay, lasing ka na. Ihahatid na kita sa bahay niyo," si Gani naman ang binalingan ko. Seryoso ko siyang tiningnan kasabay nang pagbaklas ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko.
"Si Nath ang ihatid mo, Gani. I can handle myself alone," taas kilay kong saad.
Binalingan kong muli si BlackX na mukhang tuwang-tuwa sa 'kin. Mukha pa nga yata akong clown sa mata ng kumag na 'to. Psh.
"Kilala mo si ate Kisleigh, hindi ba? Kaibigan ka ba niya?" pinilit kong maging mahinahon sa pagtatanong. Tuluyan nang nawala ang alak sa katawan ko, nasa katinuan na ulit ako.
Muli siyang ngumisi. "Hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga babae. Your sister and I, were more than what you can imagine," sagot niya saka ako nilampasan.
Pero mabilis kong nahawakan ang palapulsuhan niya. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Naging kayo?"
Sinulyapan niya 'ko mula sa kaniyang balikat. "Maybe."
Muli ko pa sana siyang hahabulin nang maglakad siya paalis pero may pumigil na naman sa kaliwa kong braso.
"May itatanong pa 'ko sa tarantadong 'yon, Gani. Bitawan mo 'ko kung ayaw mong lagyan kita ng kulay sa mata," nagtatagis ang ngipin kong sabi. Pero mas lalo lang humigpit ang paghahawak niya sa braso ko.
Kaya napipilitan akong lumingon para bigyan siya ng suntok sa mata ngunit laking gulat ko nang masambot ang kamao ko ng taong hindi ko inaasahang makikita ngayong oras na 'to.
"Sir Ivan?" taka kong untag.
Mula sa pagkakahawak sa'king kaliwang braso ay bumaba ang kamay niya patungo sa palapulsuhan ko
"Ako na ang mag-uuwi sa kaniya, guys. Let's go," pagpapaalam niya sa dalawang nakatingin lang sa'ming dalawa.
"Teka—"
***
End of Chapter 6 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro