Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Kinleigh Paloma Tigasin

***

Isang linggo na ang lumipas simula nang malaman namin na hindi pala roon ikinulong si ate Bea. Ayon kay Moy, na naglakas loob magtanong sa isang tauhan ni Mayor, na sa ibang Police Station daw ikinulong si ate Bea. Kaya naman para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan at nakahinga ng matiwasay sa nalaman.

Ang kaso nga lang ay hindi naitanong ni Moy kung saang presinto ba. Nagmamadali raw ang natanungan niya kaya hindi na siya nagpumilit pa.

Pero ayos lang 'yon. Sa ngayon ay napanatag na ang loob ko sa ibinalita niya.

"Kinleigh, halika ka't maghahapunan na!" nabitawan ko ang hawak-hawak na kuwintas dahil sa gulat. Ano ba 'yan si Nanay, parang armalite ang bibig, napakalapit naman ng kuwarto ko sa sala.

Anak ng pusa naman, nasa'n na ba 'yong binigay na bracelet nung kapitbahay ko? Ang naaalala ko ay dito ko nilagay 'yon. Nasaan na?

Yumuko ako at hinanap sa ilalim ng study table ang maliit na kahon na pinaglalagyan nung mamahaling porselas.

"Andiyan ka lang pala," mahina kong sabi saka dinampot ang kahon.

Pinagpagan ko muna bago nilagay sa loob ng drawer. Hindi ko talaga hilig magsuot ng ganito, mahilig lang talaga akong tumanggap ng mga bigay mula sa ibang tao.

"Kinleigh!"

Napakamot ako sa ulo ko at mabilis na lumabas ng kuwarto. "Papunta na!" sigaw ko.

Pagkarating ko sa kusina ay nakapuwesto na ang tatlong bulilit sa kaniya-kaniya nilang upuan at si Tatay habang si Nanay ay mukhang nagsasandok pa ng ulam. Akmang uupo na 'ko sa puwesto ko nang biglang kinaltukan ni Nanay ang batok ko.

"Nay!" reklamo ko at bahagyang napangiwi.

"Ito," inabot niya ang isang maliit na mangkok sa kamay ko. "Dalhin mo muna roon sa kapitbahay natin. Pasasalamat sa binigay niyang baon sa tatlong bulilit," sabi niya pa na ikinasalubong ng dalawa kong kilay.

"Baon? Eh, binigyan ko na ng baon ang tatlong biik na 'to eh." sabi ko pa habang nakakunot noo.

"Kinuha ko 'yong binigay mo kasi nakita kong binigyan niya ang tatlo. Bukas nila 'to ipangbabaon," sagot ni Nanay kaya napipilitan akong tumango.

Bago pa 'ko makarating sa tapat ng pinto niya ay huminga muna ako nang malalim saka kumatok. Halos gabi-gabi yata namin siyang binibigyan ng ulam. Gabi-gabi rin akong pabalik-balik sa bahay niya pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita ulit ang kapatid niya kuno.

"Tao po!" kumatok ako nang tatlong malakas na magkakasunod.

Nakakapagtaka naman na hindi pa rin niya 'ko pinagbubuksan. Samantalang, nitong nakaraang araw lang eh, hindi na umaabot sa tatlong katok ang nagagawa ko dahil mabilis niya 'kong pinagbubuksan ng pinto.

Baka naman naliligo?

Baka nga.

Maghihintay na lang siguro ako rito. Umupo ako sa tapat ng pintuan at saka tumingala sa langit. Makulimlim ngayon, walang mga bituin kaya sa palagay ko'y uulan ng malakas today.

Ilang segundo akong nakatingala nang maramdaman ko ang paunti-unting patak ng ulan sa mukha ko. Hanggang sa naging sunod-sunod ang malalaking patak ng ulan.

Aligaga akong tumayo habang hawak-hawak ang mangkok na kinalalagyan ng ginataang pakbet. Nagsumiksik ako sa pinto at muling kumatok pero katulad kanina'y wala pa ring nagbubukas.

Napatingin ako sa bahay namin na ilang metro ang layo mula sa'kin. Kailangan ko pang umikot papunta sa gate para lang makauwi sa bahay. Napasimangot ako. Mukhang kailangan kong maligo ng gabi.

"Tangina naman." nagreklamo muna ako bago bumuwelo para sa pagtakbo.

Pero nang tatakbo na ako'y biglang bumukas ang pinto sa likuran ko kaya agad din akong napatigil  sa akmang pagtakbo. Basang-basa na kaagad ako sa ulan dahil ang lakas talaga.

"Late ka na! Basa na 'ko!" nakasimangot kong reklamo. Ngumiti lang siya na parang natutuwa pa na makita akong mukhang sisiw sa harap niya.

"Come in, lady Kinleigh." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto kaya walang arte-arte akong pumasok.

Inilapag ko kaagad sa center table ang dala-dala kong mangkok.

Nilalamig na rin ako kaya niyayakap ko na ang sarili ko. Ngunit bahagya akong napapiksi nang may lumapat na tela sa likod ko.

Iniyakap niya ang tuwalya mula sa likuran ko hanggang sa maikot iyon sa buo kong katawan.

"Wait me here. I'll get some clothes for you." Sabi niya.

Tumango ako habang nanginginig ang labi. Anak naman ng pusa, ang bilis ko talagang lamigin.

Napatingin ako sa dala kong mangkok na umapaw na ang sabaw dahil katulad ko'y nabasa rin siya sa ulan. Ano kayang lasa niyan?

Napangiwi ako habang nanginginig ang buong katawan. Sakto naman na pababa na si Ivan mula sa taas, dala-dala ang mga damit na ipapahiram sa'kin.

"Here. Don't worry, hindi ko pa nagagamit 'yan." Sabi niya pagkaabot ng damit sa'kin.

Nanginginig ang kamay kong kinuha 'yon. "Ah, sayang." Sagot ko.

Napatingin siya sa'kin. "Pardon?"

"Magbibihis na 'ko, p're. Where's the banyo ba?" tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya. Nakatitig niyang itinuro ang banyo sa'kin. Napatango ako at nilampasan siya papunta sa banyo.

***

"May payong ka ba r'yan?" hindi ko mapigilang tanong kay Ivan dahil halos magdadalawang oras na 'kong na-stuck sa bahay, kasama siya. Nanunuod siya ng mga krimen-krimen na hindi ko maintindihan pero mukhang paborito niya ang ganitong genre kaya nakinuod na lang din ako.

"I don't have one. Why?"

"Anong why? Aba, kailangan ko ng umuwi sa bahay, hindi pa kaya ako kumakain." Sabi ko pero huli ko na napagtanto na mukha akong nagpaparinig sa kaniya.

Napalingon siya sa'kin. "Do you wanna eat something?" tanong niya. Umiling ako.

"Pero hindi pa naman ako gutom, p're." Tumawa ako nang peke pero naging traydor ang tiyan dahil bigla itong kumulo.

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko bago natawa nang mahina. Napakagat ako sa ibabang labi at nag-iwas nang tingin nung tumingin ulit siya sa mukha ko.

"Okay. I'll cook something for you. Wait me here," natatawa niyang aniya saka tumayo at pumunta sa kusina.

Napalunok ako at sumunod sa kaniya sa kusina. Umupo ako sa upuan at pinanuod ang bawat galaw niya. Nagsalongbaba ako habang nakatingin sa likod niya.

"Marunong ka magluto?" tanong ko out of nowhere.

Saglit pa niya 'kong nilingon at nagkibit-balikat. "Actually, this is my second time cooking basic foods. It's just a sunny side up egg, is it okay? O gusto mo hotdog?"

"Ayos lang. Kinakain ko lahat ng bigay na pagkain sa'kin." Kibit balikat kong sagot.

"Okay."

Ilang minuto lang ay nilapag niya na sa harapan ko ang niluto niyang itlog at hotdog. Muli kong naramdaman ang paghapdi ng tiyan ko nang maamoy ko ang pagkain na nasa harap ko.

Tumingin ako sa kaniya at tipid na ngumiti. "Salamat sa pagkain," saad ko. Nakangiti siyang tumango at iminuwestra ang kamay.

Natatakam kong kinuha ang kubyertos sa gilid at saka masigasig na sumandok ng kanin at itlog. Pumikit pa 'ko nung isinubo ko ang pagkain pero agad din akong napamulat nang lumapat sa dila ko ang pagkain.

Hindi ko malaman kung paano ipapaliwanag ang lasa ng itlog. Muntik ko nang maduwal ang nasa loob ng bibig ko pero mabilis kong pinigilan ang sarili ko.

Tinakpan ko ng  aking kamay ang bibig at pinilit na nguyain ang pagkain. Hindi ako makatingin nang diretso sa mata niya. Halos maluha na 'ko habang ngumunguya.

Tatlong minuto ko yatang nginuya ang una kong sinubo bago ko nagawang lumunok. Uminom agad ako ng tubig at tumingin kay Ivan. Mukha siyang naghihintay ng feedback sa niluto niya.

"How's the food?" mukha siyang hoping sa isasagot ko.

Ang alat at anghang, inubos mo ba ang asin at paminta dito?  "Ayos lang." keme akong ngumiti. Tangina, hindi ko na kayang kumain nito.

Matagumpay siyang ngumiti saka pinagdaop ang palad habang nakatingin sa'kin. "I should practice more. Gusto mo bang maging tagatikim ng iluluto ko?" aniya.

Umiling ako nang magawi ang tingin niya sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa.

"Sige." sang-ayon kahit wala akong balak.

Napansin kong nagkasalubong ang kilay niya't napatayo habang tumitipa sa kaniyang cellphone. Ginawa ko iyong pagkakataon para itapon ang itlog sa malapit na basurahan.

Pagkatapos ay nakita kong mayro'n siyang dinial sa phone niya.

"Helloo, where are you? Okay. I'll be there after five minutes. Yeah, noted." Pagkatapos ng pakikipag-usap ay nilingon niya 'ko.

"Malakas pa ang ulan. You can stay here for tonight. Maiwan muna kita rito, lady Kinleigh." Mabilis niyang sabi bago umalis sa kusina, ni hindi niya hinintay na magsalita.

Inubos ko muna ang pagkain na nasa harap ko saka pumunta sa sala. Nang makababa siya mula sa taas ay nakaleather jacket at sunglasses na siya, ang kanang kamay ay may hawak na susi na pinapaikot sa kaniyang daliri.

"Wait, saan ka pupunta?" hinarangan ko kaagad siya bago pa makarating sa pintuan.

"It's none of your business, lady Kinleigh. Ah right, before I forgot, if you are going to spend your night here, you can use the room upstair on the left side. But, huwag kang papasok sa kuwarto ko, okay?" mabilis niyang sagot at hinawi ako paalis sa harap niya.

"Nakalock ba ang kuwarto mo?" pahabol kong tanong.

"Oo," sagot niya.

"Eh isa't kalahati ka palang tanga eh, hindi naman talaga ako makakapasok do'n saka uuwi na 'ko mamaya kapag humina ang ulan," napa-tsk ako at humalukipkip.

Nilingon niya 'ko mula sa kaniyang kanang balikat.

"It's raining heavily. Seems like rain will stop tomorrow," aniya saka nagkibit balikat.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Anong gusto niya? Dito ako matulog sa bahay niya? Eshosero rin 'tong si Ivan eh, malay ko ba kung psychopath siya o hindi kaya ay manyak tapos killer pa. Duh.

Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay, 'no. Gusto ko pang makita ang tatlong bituin ko na lumaki at magkaroon ng magandang buhay.

Hayst.

Feel na feel ko talaga ang pagiging nanay sa tatlong 'yon. The Virgin Mother ang Kipay niyo for today's bidyow.

"Ah, basta uuwi kahit malakas pa ang ulan." sabi ko na lang.

Nakita ko ulit siyang kumibit balikat nang hindi ako nililingon.

"It's up to you. See you tomorrow then, lady Kinleigh."

***

End of Chapter 5 | HakinNeja

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro