Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


Kinleigh Paloma Tigasin

***

Kinabukasan, nagpaalam ako kina Nanay na hindi muna ako makakabantay sa puwesto namin ngayong umaga dahil ngayon kami dadalaw sa presinto. Hindi kasi namin siya nadalaw kahapon katulad ng ipinangako ko dahil sa naging abala sina Rumi at Hopia, maging sina Juday at Moy din.

Tanging sina Marisol at Isdalia lang ang bakante kaya napagdesisyunan naming lahat na ngayon na lang, tutal ay maghapon din akong nagbantay sa tindahan namin kahapon.

Simple lang ang suot ko, isang jumper suit at kulay itim na tshirt na may print ng mukha ni Mr. Bean. Ang usapan nami'y kina Hopia kami magtatagpo bago kami sasakay sa jeep papunta sa presinto.

Pagkalabas ko ng bahay ay napatigil din agad ako nang makita ko ang bukas na bintana ng kapitbahay namin. Kitang-kita ko ang hubad niyang pang-itaas na katawan habang sumisimsim ng kape.

Nagmumukha siyang modelo sa ginagawa niya, ang kaniyang isang kamay pa ay nakasuksok sa bulsa ng suot niyang pantalon. Para talaga siyang isang modelo. Ang lakas ng dating niya.

"Nasaan ba ang cellphone ko?" bulong ko sa sarili habang kinakapa ang bulsa sa harap at likod ng suot kong pantalon, maging sa dala kong bag ay hinanap ko rin ngunit wala akong nakitang cellphone.

Malalim akong napabuntong hininga dahil naalala kong bago ako umalis ay nagcharge muna ako.

Muli akong tumingin sa kaniya para sa huling sandali pero laking gulat ko nang makitang nakatingin na siya sa'kin ngayon. Bahagyang nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Mabilis akong naglakad paalis ng bahay hanggang sa hindi na niya ako nakita. Saka ko lang binagalan ang lakad ko nang makalampas na ako sa gate.

"Kips!" nilingon ko si Moy na patakbong lumalapit sa'kin ngayon.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at tinaasan siya ng kilay.

"Moy, kilala mo ba 'yang kapitbahay namin? Ano'ng pangalan niya?" tanong ko sabay hila sa braso niya at inangkla ang kamay ko roon.

Napaingos siya sa'kin. "Ba't hindi mo tanungin? Sa'kin ka pa magtatanong e, I don't like boys," aniya, bumagsak ang dalawa kong balikat sa sinabi niya.

Wala man sa ugali ko ang pagiging mahiyain pero bigla na lang umuusbong ang malaking pagkakahiya ko sa lalaking 'yon sa hindi ko magtukoy-tukoy na dahilan. Nakakainis, ayoko sa ganitong pakiramdam eh, feeling ko hindi na 'ko astig. Buwesit.

"Kips, napanuod mo ba 'yong balita kahapon?" tanong ni Moy habang naglalakad kami papunta kina Hopia.

"Aling balita?" nalilito kong balik tanong sa kaniya. Feeling yata ng gagong 'to, manghuhula ako.

"Iyong babaeng natagpuang patay na nakalagay sa maleta!" irita niyang sabi. Ay wow, pikon agad ang tanga.

Pero, naalala ko nga iyon. Iba ang pakiramdam ko tungkol doon pero alam kong nagkataon lang ang mga nangyayare. Si ate Bea ay nakakulong at dadalawin namin siya ngayon.

"Oo." Tumango-tango ako.

"Magkapareho iyong damit na pinahiram ni Hopia kay ate Bea at doon sa babae. Napansin mo ba?" tanong pa ni Moy. Mabagal lang ang bawat hakbang naming dalawa.

Muli akong tumango. "Nagkataon lang siguro. Alam mo namang maraming magkakatulad na damit sa mundong 'to." Napakamot ako sa kaliwa kong pisnge.

"Sana nga. Kinabahan ako kahapon no'n e," sabi niya bago ini-akbay ang braso sa balikat ko.

***

Nakarating kami sa presinto pasado alas-nueve ng umaga. Kasabay ko sa paglalakad si Rumi at Marisol habang nasa likuran naman sina Moy, Juday, Isdalia at Hopia. Ako ang nagdadala ng basket na pinaglagyan namin ng pagkain at damit na puwede niyang magamit.

Tuloy-tuloy kaming pumasok hanggang sa tumapat kami sa front desk ng police station. Isang panot na may may malaking tiyan ang nakaduty at mukhang masungit pa.

Nagkatinginan kaming pito. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nina Rumi at Isdalia na pigil na pigil ang kanilang tawa. Malakas akong tumikhim at huminga nang malalim.

"Bibisita ho kami kay Bea Cortez," sabi ko. Halos dalawang segundo pa niya 'kong tiningnan bago tumingin sa monitor ng computer.

Napansin kong nagkasalubong ang kilay niya. Dahil sa pagtataka ay bahagya akong tumungtong sa desk at sinubukang sumilip sa monitor kaso mabilis akong sinamaan nang tingin ni mamang pulis.

Napangiwi ako at agad ding bumaba. Hinampas pa 'ko ni Moy sa likod dahil sa kagagahan kong ginawa.

"Walang Bea Cortez ang nakakulong ngayon dito," aniya. Sabay-sabay kaming napa-'ho?' ng mga kasama ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong tinamaan ng kaba sa dibdib. Biglang bumalik sa isip ko ang ibinalitang namatay na babae kahapon.

"Sure po ba kayo, sir? B-E-A po ang spelling tapos C-O-R-T-E-Z naman ang surname, baka po mali ang na-encode niyo," sabi ni Rumi na lumapit sa harap ng desk.

Napakamot sa panot niyang ulo si kuyang pulis bago nagtype sa keyboard. Pagkatapos ay iniharap niya sa'min ang monitor.

"Wala nga mga iha. Kailan ba nakulong ang Bea na 'yan? Baka sa ibang Police Station siya dinala," sabi pa niya.

"Dapat po eh noong isang araw pa siya nakakulong dito. Kahapon nga po dapat kami dadalaw kaso napurnada lang kaya ngayon lang po kami nakapunta," ani naman ni Marisol na nasa likuran naming lahat.

Napatingin ako kay Moy na napatingin din sa'kin.
Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin dahil bahagya siyang umiling at lumapit sa'kin habang abala ang lima sa pakikipag-usap kay kuyang pulis.

***

Hawak-hawak ko ngayon ang kuwintas na ibinigay ni ate Bea na pansamantala ko munang hinubad. Isang simpleng plain na bilog lang naman ang pendat ng kuwintas pero mukhang mamahalin.

Sa buong buhay ko'y ngayon lang ako nakasuot na ganito kamahal na bagay. Kadalasan kasi kapag bumibili ako ng kuwintas ay sa tingi-tingi lang ako tumitingin dahil 'yon lang ang kaya ng budget ko.

At isa pa, hindi naman ako mahilig magsuot ng mga ganitong kolorete sa katawan. Mas gusto kong bumili ng pantalon at tshirt sa bayan kapag nagkakapera ako.

Tiningnan ko ulit ang kuwintas na nasa palad ko bago iyon muling isinuot. Hindi pa rin ako mapakali para kay ate Bea, ganoon din sina Moy at Rumi na napanuod pala ang balita kahapon.

Napabuntong hininga ako saka nag-angat ng tingin sa gate ng Talak Elementary. Dito ako dumeritso pagkagaling namin sa presinto para sunduin ang tatlong bulilit.

Naningkit ang mata ko kasabay nang pagpuna sa pawisan kong noo. Tirik na tirik ang araw dahil alas-una pa lang ng hapon. Nakisilong ako rito sa shed na hindi malayo sa school at tanaw na tanaw ang gate.

Ilang sandali pa'y bumukas na ang gate at isa-isa nang nagsilabasan ang mga estudyante mula sa loob. Nakaupo lang ako at nanatiling nakatingin sa gate, baka makaligtaan ko ang mga pamangkin ko kapag lumihis ang tingin ko.

Pero nang makita ko ang tatlo ay agad akong napatayo at tumakbo palapit sa kanila. Magkasalubong ang kilay kong lumuhod para pumantay kay Sky at Cloud.

Umangat ang kamay ko upang hawakan ang pisnge nilang dalawa. Sinuri kong mabuti ang mukha nila at saka napatayo.

"Sinong may gawa niyan, Sky? Cloud? Bakit may mga pasa ang mukha niyo?" seryoso kong tanong. Walang emosyon ang mukha ko at mukhang natakot ang dalawa sa'kin.

Tumulo ang luha sa kaliwang pisnge ni Sky at saka napasinok. Habang si Cloud ay nakatungo lamang.

"Tinatanong kayo ni Mami. Sino ang gumawa nito? Bakit walang tumawag sa'kin?" tanong ko ulit, pero ngayo'yas seryoso na.

Biglang pumunta sa harap ng dalawa si Thunder at idinapa ang mga maliliit niyang braso na tila ay hinaharangan ang dalawa niyang kuya mula sa'kin. Sinuri ko rin sa tingin ang mukha niya at napahinga ako nang maluwag nung wala akong nakita ni isang pasa sa o sugat sa mukha niya.

"Mami, inaway nila po ako kaya po inaway din sila nina kuya," sabi niya.

"Sino'ng nang-away kay Thunder ko?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"Si Baboy Ramo po, Mami. Lechonin po natin 'yon, Mami, 'no?" sabi pa niya saka humawak sa kamay ko.

Saglit kong tinapunan ng tingin ang dalawa bago marahang hinila si Thunder papasok sa school. Sumunod naman sina Sky at Cloud sa likuran namin.

"Ituro mo nga sa'kin ang baboy ramo na 'yon, Thunder." Pag-uutos ko sa pamangkin ko saka ko inililis pataas sa balikat ang manggas ng tshirt na suot ko.

"Mami!" tutol ng dalawa sa huli ko. Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad sa hallway ng school.

Hanggang sa ituro ni Thunder ang bata na mukhang kasama ang tatay. Napataas ang sulok ng labi ko't malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa kanilang dalawa. Binitiwan ko na ang kamay ni Thunder dahil nakakaladkad ko na siya.

Pagkalapit ko'y mabilis kong hinawakan ang balikat nung tatay at sapilitan itong pinaharap sa'kin.

"Hoy!"

Pero nang makita ko ang mukha niya'y natulos kaagad ako sa kinatatayuan ko't nanlaki ang mata.

Paano ba namang hindi ako magugulat ay ito lang naman ang lalaking tinakbuhan ang responsibilidad sa ate ko.

Nang makabawi ako sa pagkagulat ay mabilis ko siyan pinanlisikan ng mata. Katulad ko kanina'y gulat din siya.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa'kin ngayon," matalas ang tingin kong sabi sa kaniya.

"Daddy, who is she po?" napatingin ako sa batang nakayakap sa baywang niya bago muling umangay ang tingin ko sa kaniya.

"Go to your mommy in the car. I'll talk to her muna, anak."

Anak? Huh? Tangina niya hanggang sa katapusan ng universe.

Pero bago pa makaalis ang bata ay dinakma ko muna ang kuwelyo ng polo niya. Takot na takot ang mata nitong napatingin sa'kin habang ang Tatay naman niyang duwag ay kaagad na inalis ang kamay ko sa anak niya.

"Kinleigh! Hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbabago 'yang ugali mong bulok!" galit na sigaw ni Victor.

Tinaasan ko siya ng kilay at pinakitaan ng gitnang daliri. "Ah, talaga ba? Matagal ko ng alam 'yan, pakyu."

Tinakpan niya ang mata ng anak at saka ito sinabihang umalis na. Sumunod ang tingin ko roon at saka ko makita ang tatlong pamangkin sa kalayuan. Nakatingin at nanunuod sa'min.

Napalunok ako't muling bumaling kay Victor.

"Ang kapal ng apog mo, Victor. Pagkatapos mong iwan ang kapatid ko para sa magulang mo, babalik ka na parang wala lang?" akma ko siyang hahawakan sa kuwelyo pero natigil iyon nang may humawak sa dalawa kong kamay.

Magkasalubong ang kilay kong tumingin sa pisteng humawak sa'kin. Pero parang umurong ang tapang ko nang makita ko kong sino ang humawak no'n.

"Violence inside the school is not allowed, there are many students and that's not a good action for them to witness. I hope you both solve this personal matters in private place." Ramdam na ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko habang damang-dama ko ang init ng palad niya sa palapulsuhan ko.

"Pasensiya na, Sir." paghingi ng paumanhin ni Victor. Sinamaan ko siya ng tingin at saka tinabig ang kamay ng kapitbahay namin na humahawak sa'kin ngayon.

Dinuro ko ang mukha ni Victor. "Kapag nakita ko ulit ang pagmumukha mo, sisiguraduhin kong buburahin ko 'yan." tiim-bagang kong sabi.

Saka ako tumalikod at nagmartsa pabalik sa mga pamangkin ko. Masama ang loob ko dahil sa nangyayari ngayon, kay ate Bea, sa mga pasa ni Sky at Cloud at kay Victor na duwag.

"Tara na," kinuha ko ang kamay ni Thunder bago naglakad palabas ng school.

"Mami, ano po ibig sabihin nito?" napatingin ako kay Thunder habang naglalakad kami pauwi sa bahay.

Nanlalaki ang mata kong hinawakan ang kabila niyang kamay. Pinakita lang naman niya ang gitnang daliri sa'kin. Patay ako nito kapag nalaman ni Nanay at Tatay 'to.

"Thunder, hindi mo puwedeng gawin ulit 'yon, okay. Si Mami lang ang puwede, gets?" sabi ko.

Nagtataka siyang tumango. Nilingon ko ang dalawa sa likod namin na mukhang nag-uusap. Napabuntong hininga ako. Siguradong, sandamakmak na tanong ang ibabato sa'kin ni Nanay at Tatay mamaya kapag nakita nila ang dalawang apo na may pasa ang mga mukha.

Babalik na lang siguro ako bukas sa school para kausapin ang adviser ng tatlo at kung puwede ay 'yong principal na lang.

***

End of Chapter 4 | HakinNeja

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro