Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Kinleigh Paloma Tigasin

***

"Happy Birthday, Mami!"

Nagagalak kong niyakap ang tatlo kong pamangkin nung sabay-sabay nila 'kong binati.

"Thank you po," nakangiti kong sambit. Magkakasunod nila akong hinalikan sa pisnge pagkatapos ay umalis din upang makipaglaro sa labas.

Ngayon ang ika-24 taon kong gulang. May kaunting salo-salo na dinaluhan ng malalapit naming kamag-anak at kaibigan. Speaking of, natanaw ko sina Moy at Isdalia na papalapit sa'kin.

"Happy birthday," magkasabay nilang bati. Nakangisi kong kinuha ang mga regalo nila at saka nagpasalamat. Hindi ko na sila kinailangang alukin pa ng pagkain dahil nauna na silang kumuha sa nakahain.

Natatawa akong napailing bago sinalubong ang papalapit na si Gani, kasama ang taong halos isang taon kong hindi nakita.

"Ano'ng mayroon sa inyo?" naningkit ang aking mata habang kinukuha ang iniabot nilang regalo.

Nakangising umakbay si Gani sa babae.

"Magiging girlfriend ko," taas noong sagot niya. Mabilis naman na inalis nung babae ang braso ni Gani sa balikat niya.

"Don't believe him. Happy birthday, Kinleigh," nakangiti niyang sambit sabay beso sa'kin.

Binatukan ko muna si Gani dahil sa mga pinagsasabi niya bago ko iginiya si Yvionne sa mga pagkain. Pinakilala ko rin siya kina Moy at Isdalia na mukhang pangalawang serving na ang kinakain.

"Yvionne, mga kaibigan ko nga pala, si Moy at Isdalia. Moy, Isdalia, si Yvionne nga pala, nililigawan ni Gani," biglang nanlaki ang mga mata nung dalawa. Kaagad nilang hinigit ang babae upang makipag-kwentuhan.

Naiiling ko silang iniwanan upang harapin ang iba naming kamag-anak na dumalo sa birthday celebration ko. Mayamaya ay nagpaalam na rin sina Moy at Isdalia bago sina Gani at Yvionne.

Makahulugan na tumingin sa'kin si Yvionne bago niya 'ko niyakap na siyang ikinagulat ko.

"Bakit?" naguguluhan kong untag sa kaniya.

"Be happy because I know you deserve it," bulong niya kasabay nang pagbitaw niya sa yakap.

Nakakunot ang noo ko habang pinapanuod silang makaalis. Nagkibit balikat na lamang ako bago tumulong kina Nanay sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Mabilis na natapos ang araw na ito. Pagod at sakit ng katawan ang tangi kong nararamdaman habang nakahiga sa aking kwarto. Malalim akong nagpakawala nang buntong hininga habang nakatitig sa kisame.

Hanggang sa hindi ko namalayang hinihila na pala ako papunta sa isang magandang panaginip.

"Maligayang kaarawan." Maaliwalas at puno ng kasiyahan na ngumiti ang aking kapatid. Nakasuot ito ng puting dress habang may bulaklak na naka-ipit sa kaniyang kanang tainga.

"Salamat, ate Kisleigh," ngumiti ako sa kaniya.

"Happy birthday, Lady Kinleigh." Mabilis akong lumingon sa boses na nasa aking likuran.

Mabilis na nanubig ang aking mata habang tinitingnan ang kabuuan niya. Katulad ng kapatid ko ay maaliwalas at masaya rin ang nakikita ko kay Ivan.

Tuluyang tumulo ang pinipigilan kong luha. Pinutol ko ang distansiya naming dalawa upang yakapin siya.

"Masaya akong masaya ka rito... kasama ang pamilya mo," mahina kong sambit. Kasabay nang pagsulyap ko sa isang magandang babae na may karga-kargang batang babae.

"Tatay!" Tumakbo ang bata papunta sa'min at mabilis itong binuhat ni Ivan.

"Hello po," magiliw nitong bati.

Ngumiti ako habang patuloy na lumuluha. Masaya ako para sa kanila pero alam kong para sa sarili ko ay hindi. Sa tingin ko ay ito na ang huli nilang pagpapakita sa panaginip ko.

"Paalam, Kinleigh. Mahal na mahal ko kayong lahat." Yumakap ako sa kapatid ko kasabay nang halik niya sa'king pisnge.

"Goodbye for now, Lady Kinleigh. Till we see each other again," ngumiti si Ivan at tumango ako.

"Paalam."

***

"Sasamahan mo lang ang Lola mo roon sa Manila, anak. Isang buwan lang naman," sumunod si Nanay nang pumasok ako sa kusina upang magtimpla ng kape.

"'Nay, bakit ba ayaw niyang dito na lang siya sa'tin manirahan?" kunot noo kong tanong habang hinahalo ang kape sa aking tasa.

Bumuntong hininga si Nanay bago niya nasagot ang tanong ko.

"Gustuhin man niya ay hindi na kaya. Masyado ng matanda ang Lola mo para sa mahabang biyahe. Hindi na kakayanin ng katawan niya, Kinleigh." Aniya.

Napaisip ako. Kung maninirahan ako ng isang buwan sa Manila upang bantayan ang aking Lola, ibig sabihin ay maiiwan ko rito ang triplets. Kaya ko ba na maiwan sila?

"Anak, kung ang mga pamangkin mo ang inaalala mo, huwag mo na silang alalahanin pa. Malalaki na sila at saka nandito kami ng Tatay mo para sa mga apo namin," napalingon ako kay Nanay nang sabihin niya iyo. Nabasa niya pa yata ang laman ng isip ko.

Napanguso ako habang tangan-tangan ang tasa na naglalaman ng mainit na kape.

"Pag-iisipan ko, 'Nay." Bumuntong hininga ako saka sumimsim sa'king pangpagising.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit nanatili akong nakahiga sa aking kama habang nakatulala sa kisame. Kung iisipin ay halos isang oras lang ang naitulog ko.

Hindi ko alam. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko na halos hindi ko na malaman kung ano ba dapat ang uunahin kong isipin.

Sa aking paglingon sa side table ay nakita ko ang bracelet na ibinigay ni Ivan sa'kin. Tipid akong napangiti at saka iyon inabot upang isuot sa'king kamay.

"Kumusta na? Sana ay nasa maayos kang kalagayan," marahan ko itong hinaplos at saka huminga nang malalim.

Araw-araw nakikita ko ang mukha niya sa panaginip ko ngunit mula noong kaarawan ko ay hindi na siya muling nagpakita pa. Ngunit kahit na hindi na siya nagpaparamdam sa'kin, hindi naman niya nilulubayan ang aking isip.

Sa mga taon na lumipas, nanatili ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nakakatawa lang isipin na kahit saglit ay hindi man nagsimula ang pag-ibig sa'ming dalawa.

Pag-ibig. Kung tutuusin ako lang naman ang may nararamdaman. One sided love ika nga nila Hopia.

Hindi ko namalayan na namalibis na pala ang isang patak na luha sa'king mga mata. Hanggang ngayon, ikaw pa rin lagi ang dahilan ng mga luha ko.

Napakadaya.

***

"Wala ka na bang nakalimutan ilagay sa bagahe mo?" Nakaharap ako ngayon sa salamin upang ayusin ang sarili habang iniinspeksiyon naman ng aking ina ang aking maleta na dadalhin ko papunta sa Manila.

Naisip ko na lumuwas at magbantay kay Lola. Isang buwan lang naman dahil babalik din kaagad ang mga Tiya mula sa America upang sila ang magbantay kay Lola.

Gusto ko rin naman makalayo kahit papaano dahil umaasa ako na sa pagbalik ko rito ay maayos na ang puso ko.

"Ayos na 'yan, 'Nay. Isang buwan lang naman ako roon, hindi isang taon," nakanguso kong sambit at saka naglagay ng liptint sa'king labi.

"O siya, bilisan mo na at nandiyan na ang tricycle ni Mang Romar sa labas," aniya bago lumabas sa kuwarto.

Isang huling sulyap ang ginawa ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas sa kuwarto habang hila-hila ang aking maleta. Naabutan ko sa baba ang triplets na abala sa kanilang panunuod.

Isa-isa ko silang nilapitan at hinalikan. Buong akala ko ay ihahatid ako ng triplets hanggang sa labas pero hindi, nagsabi lang sila ng 'bye, Mami' then wala na. Nasa TV na ulit ang mga atensiyon nila.

"Mag-ingat ka, anak. Tumawag ka sa'min kapag naroon ka na," bilin ni Nanay habang inaayos naman ni Tatay ang maleta ko sa bubong ng tricycle.

"Ingat din kayo rito, 'Nay. Tatawag ako mamaya," ngumiti ako at humalik sa pisnge niya.

"Alis na ho ako. 'Nay, 'Tay."

Tahimik ako sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay ng aking Tiya. Sinalubong ako ni Lola ng yakap bago ako nakapagmano sa kaniya. Kinamusta niya sina Nanay bago niya kinamusta ang naging biyahe ko.

Ngayon ay nandito ako sa kuwarto na itinuro niya. Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Hinihingal pa ako habang nakahiga ngayon sa malambot na kama.

Ilang minuto akong nakahiga para magpahinga pagkatapos ay bumaba na rin ako para magluto ng aming hapunan mag-lola.

Naisip ko na magluto ng tinola, sakto't kumpleto ang mga ingredients sa kusina. Kakatapos ko lang nang pumasok sa kusina si Lola. May hawak-hawak na itong baston upang suportahan ang sarili niya.

"La, kain na tayo," nilapag ko ang isang mangkok na naglalaman ng mainit na tinola sa lamesa.

Inalalayan ko siya paupo bago ko nilagyan ng kaunting kanin at sinabawan ang plato niya.

"Salamat apo," nakangiti niyang sambit. Ngumiti ako nang tipid bago kumuha ng sarili kong pagkain.

Kinikwentuhan niya ako habang kumakain kami. Tungkol sa pag-aalaga niya sa'ming magkapatid nang manganak si Nanay. Kung paanong ako ang sutil habang si Ate Kisleigh ang mabait.

Natatawa na lamang ako sa mga kwento niya. Hindi naman talaga nakapagtataka na ako ang may maraming sugat noong mga bata pa kami. Halos hindi lumalabas si ate noon sa bahay habang ako ay kung saan-saan na nakakarating.

Natapos ang kwentuhan namin nung matapos kaming kumain. Hinugasan ko na rin agad ang pinagkainan upang hindi na matambakan pa.

Pagkatapos ay sumunod ako kay Lola sa sala na abala sa panunuod ng paborito niyang soap opera. Tinabihan ko siya kasama ang nahablot kong chips sa kusina.

"Bukas pala Lola ang check up niyo. Kailangan nating gumising ng maaga para hindi tayo maabutan ng traffic," sambit ko nang maalala ang monthly check up niya na hinabilin sa'kin ni Tiya.

"Aba'y oo nga pala. Nakalimutan ko iyon," kumakamot niyang aniya.

Natawa ako at saka hinaplos ang maikli at namumuti niyang buhok.

"Naku naman," pagbibiro ko.

***

Katulad ng sinabi ko ay maaga akong gumising upang ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa ospital. Ako na rin ang naghanap ng susuotin ni Lola habang siya ay kumakain ng kaniyang agahan.

"Wow, p'wede ka na ulit magboyfriend, 'La," pagkokomento ko nang makita ko siyang suot-suot ang dress na nahanap ko sa cabinet niya kanina.

"Ikaw talaga. Baka magalit ang Lolo mo sa'kin at maisip na hindi ako salubungin kapag namatay ako," natatawa niyang aniya.

Sa sinabi niya ay pabiro akong sumimangot at umiling.

"Lola talaga, huwag kang ganiyan. Marami ka pang araw na gugugulin dito sa mundo, okay? Hayaan niyo si Lolo na maghintay sa kabilang ibayo," ani ko saka siya inalalayan papunta sa Taxi na tinawag ko kanina pa.

Walang traffic kaya halos sampung minuto lamang ay nakarating na agad kami sa ospital.

Dumeritso agad kami sa doktor na tumitingin kay Lola.

Dra. Generoso.

Napakamot ako sa'king pisnge dahil sa pamilyar na apelyido ng doktor. Ang sabi ko ay kakalimutan ko na. Bakit naman ganito?

"Hello, good morning Nanay Thesa. Kumusta po?" magiliw at mukhang mabait ang doktor na ito.

"Magandang umaga, ho. Sa awa ng Diyos ay maayos pa naman," nakangiti na sagot ni Lola habang inaalalayan ko siyang umupo.

Ang mata ng doktora ay tumaas at tumingin sa'kin. Ngumiti lamang ako at bumati.

"Ito nga pala ang aking magandang apo. Kinleigh, siya ang aking maganda at mabait na doktor," pakilala ni Lola.

Ngumiti ang doktor at nakipagkamay sa'kin.

"You're so pretty, iha. Do you have a boyfriend?" tanong nito.

Napangiwi ako nang bahagya ngunit agad kong inalis ang reaksiyon na iyon at ngumiti nang tipid.

"Wala ho sa isip ko ang magnobyo," sagot ko.

"Oh, I see. Ipapakilala pa naman sana kita sa unico iho ko," aniya kasabay nang pagbukas ng pinto sa'ming likuran at ang paglawak ng ngiti ng doktor.

"Speaking of my unico iho. Come here, son! I want to introduce you to someone," aniya saka sumenyas na lumapit ang anak niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa na lumingon ngunit nang marinig ko ang boses niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ang boses na iyon. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

"I just wanted to check on you, Ma. Paalis na rin ako," anito.

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko magawang lumingon.

"Gabriel, common! Just shake hands!" pagpipilit ng kaniyang ina.

Nanginginig na ang kalamnan ko. Hindi, Kipay. Patay na 'yon. Ilang taon na. Imposible 'yang iniisip mo. Kaboses niya lamang ang anak ng doktor.

Tama. Hindi siya 'yan.

Narinig ko ang sumusukong buntong hininga ng lalaki bago ko narinig ang papalapit niyang yabag ngunit agad iyong tumigil nang banggitin ng kaniyang ina ang pangalan ko.

"Kinleigh, this my son, Gabriel." Masayang wika nang ginang bago ko naramdam ang magkabila niyang kamay sa'king balikat upang ipaharap sa anak niya.

Nang magtama ang mata namin, kaagad na nanlambot ang mga tuhod ko. Ang mata ko ay biglang nanlabo.

Bakit kamukha niya? May kakambal ba siya?

Sa reaksyon niya ay mukha siyang gulat na makita ako.

Ngunit ang sunod niyang sinabi ang tuluyang dahilan nang pagbagsak ko.

"Lady Kinleigh."

***

End of Chapter 20 | HakinNeja

Next update will be the Epilogue! See yah!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro