Chapter 2
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Mayro'n na siyang asawa? At napakaganda pa. Ano nama'ng laban ko sa ganda nung babaeng 'yon? Ay teka—bakit nasali ako?
Pero kung sa bagay, sa guwapo at tikas ba naman niya'y kahit sino yatang diwata ay mahuhumaling at papayag na maging asawa niya. Pero s'yempre hindi ako kasali sa nahuhumaling at papayag, ano siya, lucky me pancit canton?
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa maiikli kong kuko sa daliri. Kaya nagulat ako nang biglang sumulpot si Nanay sa kusina.
"Aba! Kinleigh, ano pang tinutunga-tunganga mo r'yan?" Sigaw kaagad niya nang makita akong nakatayo lang sa tapat ng lababo.
"Ito na nga, dadalhin ko na." sarkastiko kong sabi. Napa-aray na lang ako nung bigla niya 'kong tinuktukan ng sandok sa ulo.
Napahawak ako ro'n at nakangusong tumingin sa kaniya. "Si Nanay naman parang hindi ako anak ah!"
"Hindi naman talaga," nakaingos niyang sabi. Naningkit ang mata ko at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak sa aking ulo.
"Sabi nila magkamukha raw tayo tapos itatanggi mo pa na anak mo 'ko. Ikaw Kelyana ah, you're denying your daughter," napailing-iling ako at umaaktomg dissapointed sa kaniya.
Bigla niya ulit akong tinuktukan sa noo. Aw, tangina naman, nakakadalawa na 'tong Kelyana na 'to ah!
"Ang dami mong kuda, dalahin mo na 'yang arroz caldo ko at baka lumamig na. Hala! Sige! Tsupe!" Hindi pa nakuntento at pinagtulakan pa ako palabas ng kusina kasabay nang pag-abot niya sa'kin nung tupperware.
***
Kakahakbang ko pa lang ng isang hakbang mula sa pinto ng bahay nami'y nakita kong biglang lumabas ang mag-asawa sa kanilang bahay. Napatigil ako at agad na sinuri ang buong katawan ng lalaki. Mula ulo hanggang baba ay tiningnan ko, saka ko binigyan ng mabilis na tingin ang asawa niya.
"Baby please, listen to me! This is for your own good," ang boses nito'y nasa mababang tono at mukhang nagmamakaawa sa kaniyang asawa.
Ano kayang pinag-aawayan nila?
Napataas ang kanan kong kilay bago humakbang nang mabagal para hindi nila marinig ang yabag ko. Hanggang sa makatago ako sa likod ng bakod. Yumuko at nagtago ako at saka binaba ang hawak-hawak na tupperware sa lupa.
"But you can't stay on this kind of place! How can you sleep, eat and comfortable live here? You're not used to this kind of life!" Mukhang galit ang maganda niyang asawa. Idinikit ko sa kahoy ang tainga ko at saglit na nilingon ang likuran dahil baka may makakita sa'king nakikinig dito.
Nang masuri ko ang paligid ay pinagbuti ko na ang pakikinig sa dalawang mag-asawa.
"I'm fine, Yvionne. I can always handle myself. Please, baby, hmm." Napataas ang sulok ng labi ko nang marinig na naman ang malambing na boses ng lalaki.
"Baby?" mahina kong bulong. "Corny naman ng callsign nila, ampota."
Inilayo ko ang ulo ko sa kahoy na bakod at saglit na sumilip sa maliit na siwang ng mga kahoy. Saktong-sakto sa pagsilip ko'y hinawakan ng babae ang kamay ng asawa niya.
"You listen to me. Wala na akong pakialam sa nakaraan, I've already moved on from that horrible past. Anim na taon na, ang tagal na no'n. Let's just put our trust on God, they will be punish for what they did, I know that, I can assure you that. So, please, come back home, hmm?" Umiiyak na sabi nung babae. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang unti-unti itong lumuhod. Napaawang din ang labi ko sa nasasaksihan ngayon.
Grabe, nasa isang telenobela yata ako ngayon. Kulang na lang may sumigaw na 'cut!'
"No, Yvionne. I don't want Him to punish those bastard, I will put justice on my hand. Ako ang magbibigay ng parusa sa kanila," mula sa naririnig kong malambing na boses ay naging matigas at galit na ito. Nasaksihan ko rin kung paanong dumilim ang ekspresyon niya.
Infairness, nakakatakot ang seryoso at galit niyang mukha. Pero dahil si Kipay ako, hindi ako natatakot. Si Kipay Tigasin ay walang kinatatakutan. Period.
"Please... I already lost her and I don't want to lose you too. Let's just go back to our home," umiiyak pa rin na pagmamakaawa ng asawa sa lalaki.
Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito at inalalayang tumayo ang asawa. Pagkatapos ay sinapo nito ang magkabilang pisnge nung babae.
"Please..." wika nito sa gitna ng pag-iyak. Nararamdaman kong desperado na ang babae para sa asawa niya. Ano ba ang pinagmamakaawa niya? Hindi ko kasi ma-gets eh.
"My decision is already final, Yvionne. I have plan to execute, and I couldn't do it when you're with me, hmm. Trust me. Susunod ako sa bahay pagkatapos nito," muling bumalik ang lambing sa boses niya. Napangiwi ako at napairap sa harap ng bakod at sa maliit na siwang.
"But—"
"Ah! Ah! Aray! Gago!" Bigla kong naramdaman ang hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat kun'di maraming kagat ng mga langgam sa iba't ibang parte ng paa ko. Sa sobrang gulat at sakit ay napasandal ako sa bakod dahilan para magiba ito at tuluyan akong natumba.
Matagal na rin pala itong ginawa kaya siguro inanay at naging mahina na.
Ni hindi ko naisip na may mag-asawa pa lang natigil sa pag-uusap dahil sa biglaan kong pagtalon at sa pagmamadaling pagpapagpag ng mga langgam mula sa paa at tsinelas ko.
"Are you okay?" Kahit humahapdi pa ang mga nakagat ng langgam sa paa ko'y mabilis akong napatigil ay napatunghay sa babae na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa'kin.
Ngiwing ngiti ang ginawa ko bago tumayo at umaktong hindi masakit ang paa. Napadako rin ang tingin ko sa asawa niya na ngayo'y kunot-noo akong tinitingnan.
"Ano? Kasi... nalaglag ko rito 'yong singsing ko kahapon kaya hinahanap ko hehe. Hindi ko alam na nariyan pala kayo." Peke akong tumawa.
"Promise, hindi ako nakikinig sa inyo," dugtong ko pa saka itinaas ang kanan kong kamay na animo'y nanunumpa.
Nakatingin lang ang dalawa sa'kin nang halos limang segundo kaya naman plastic ulit akong tumawa at ngumiti. Muli kong pinagpagan ang damit ko at mabilis na tumalikod sa kanila nang wala pa rin sa kanilang nagsasalita. Pagkatalikod ko'y mariin akong napapikit at nagkagat labi habang patakbong bumalik sa bahay.
Pagkapasok ko'y sumalubong kaagad sa'kin si Nanay, malapad na nakangiti. "Naibigay mo ba? Ano'ng sabi? Nasarapan ba naman ang mag-asawa sa arroz caldo ko?"
Napakamot ako sa kaliwa kong kilay at napangiwi. Paano ko ba sasabihing nag-aaway kanina ang mag-asawa kaya nagtago ako sa bakod para makinig at sa kasamaang palad ay may langgam pala sa pinagpuwestuhan ko kaya napasandal ako sa bakod at dahil inaanay na ay natumba ako't napahiya at naiwan ko ang arroz caldo niya sa pinagtaguan ko kanina.
***
Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang nakikinig sa mga kuwento nina Juday at Rumi na kanina pa nagsasalita. Nakikinig lang ako dahil wala ako sa mood magshare ng kuwento ngayon. Masakit pa rin ang noo kong tinuktukan ni Nanay at ang kagat ng mga lintik na langgam.
Napanguso ako't lumingon sa mga ingay na paparating sa tinatambayan namin. Nakatambay kasi kaming pito rito sa plaza dahil nakagawian na. Pero minsa'y hindi rin kami kumpleto dahil masyadong abala sa buhay ang mga kaibigan ko. Pero sa ngayon ay mukhang libre ang mga oras nila.
"Ano'ng mayro'n?" kunot noo kong tanong habang tinitingnan ang mga nagkakagulong kumpulan sa 'di kalayuan.
Napatayo si Moy, maging si Juday at Rumi rin. Kaming apat nina Hopia, Marisol at Isdalia ay nanatiling nakaupo habang nakatingin sa kumpulan.
"I think may away na nagaganap. Tara, tingnan natin!" sabi ni Rumi na mabilis hinila ang braso ni Moy papunta sa direksiyon ng kumpulan. Tumayo na rin kaming naiwan at sumunod para maki-isyuso sa nangyayare.
Hinawi ni Rumi ang mga taong nakaharang kaya madali na lang sa'ming nasa hulihan ang makapunta sa unahan ng nagkukumpulan. Doon ay natagpuan namin ang isang babae na nakasalampak at umiiyak.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ng babae. Nakatalikod ito sa gawi namin kaya hindi ko makita ang mukha nung lalaki.
Ano ba'ng nangyayare?
"Hala, bakit may gan'yan? May shooting ba?" rinig kong tanong ni Marisol kay Hopia. Nasa likuran ko sila habang nasa unahan ko naman sina Isdalia at Rumi.
"Teh, ano'ng nangyayare?" Hindi na yata nakatiis si Rumi at talagang nagtanong na sa katabi niyang babae.
"Ninakawan daw nung babae 'yong anak ni Mayor at dito naabutan sa barangay natin," sagot nung babae na mukhang kanina pa nakikiusyuso rito.
Hindi nawala ang pagkakakunot ng noo ko habang diretsiyong nakatingin sa malapad na likod nung lalaki. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa babae na nanginginig ang buong katawan at patuloy na umiiyak.
Bakit parang may mali? May nararamdaman akong hindi tama sa nangyayare.
"Kips, sa'n ka pupunta?" Marahan kong hinawi sina Isdalia at Rumi upang makadaan ako. Narinig ko ang bawat pagtawag nila pero hindi 'ko sila nilingon at mabilis na hinubad ang suot kong manipis na jacket.
Lumapit ako sa babaeng nanginginig at umiiyak. Hindi ko tinapunan ng tingin ang lalaki dahil naging abala ang atensiyon ko sa babae.
Kaagad kong ipinatong ang jacket sa bandang legs dahil naka-expose ito. Hindi rin nakatakas sa'kin ang ilang mga pasa sa kaniyang hita.
"T-tulungan mo a-ako...p-please..." inabot niya ang kaliwa kong kamay at mahigpit iyong hinawakan. Ramdam na ramdam kong tensiyonado siya't natatakot.
Nagkasalubong ang kilay ko. "Ate, ano bang nangyayare? Ninakawan mo raw ang anak ni Mayor?"
Nanlaki ang mata niya at napatingala sa lalaking nasa likuran ko. Kitang-kita ko kung paanong nanubig ang mata niya habang lumilikot ang itim sa kaniyang mata.
Bahagya niya pa akong hinila palapit sa kaniya. "H-h-hindi i-iyon t-t-toto—"
"Kips! Ano bang ginagawa mo?!" Biglang sumulpot si Moy at inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak nung babae.
Napatingin ako kay Moy at saka binawi ang kamay ko sa kaniya.
"May tinatanong lang ako," seryoso kong sabi. Nagsalubong ang kilay niya at nagsquat na rin upang magkapantay kami.
"Paparating na 'yung mga tauhan ni Mayor, baka madamay ka pa. Tara na," aniya at akmang hihilahin muli ang kamay ko pero tinabig ko iyon.
"Moy, may mali kasi, hindi mo ba nararamdaman? May hindi tama eh," mariin kong bulong at saglit na tiningnan ang babae na ngayo'y nakatingin ng diretso sa'min habang patuloy na pumapatak ang luha sa kaniyang mata.
"Ano bang mali? Magnanakaw ang babaeng 'yan, Kipay. Hayaan mo na siya," wika pa ni Moy na hindi ko nagustuhan.
Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan ang babae. Hinawakan ko ang mga kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Napatayo rin si Moy at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Nasa likuran na rin niya sina Isdalia, Rumi, Juday, Marisol at Hopia na lahat ay may pag-alala sa mukha.
Muntik pa 'kong matumba dahil halos lahat ng bigat niya'y nasa akin. Mabuti na lang at naalalayan kaagad ako nila Moy at Juday.
"Wait, saan mo siya dadalhin, miss? Parating na ang mga tauhan ni Mayor. Hindi niyo siya p'wedeng alisin dito," sabi noong lalaki. At talagang hinawakan pa ang braso ko para pigilan ako.
Tiningnan ko kaagad siya ng masama. "Pulis ba ang mga tauhan ni Mayor?" asik ko rito.
"Miss, huwag na po kayong makisali sa gulo."
Sarkastiko akong napatawa at ngumisi. "Kung totoong nagnakaw siya, sa pulis ko ho siya dadalhin pero bago 'yon ay pagbibihisin at pakakainin ko muna siya, kuya. Sa Police Station na lang ho kayo magkita, pakisabi rin ho kay Mayor. Salamat ho," saad ko bago ko inalalayan ang babae palayo sa kumpulan.
Mabilis naman na sumunod ang mga kaibigan ko. Tinulungan na rin ako nina Isdalia na alalayan si ate girl.
Pero isang pamilyar na mukha ang nakakuha ng atensiyon ko mula sa mga taong nakikiusyuso. Iginala ko ang mata at hinanap siya at nang mahanap ko'y kaagad na nagtama ang tingin namin.
Sa kaniya lang ako nakatingin hanggang sa makalabas kami sa loob ng kumpulan ng mga tao.
"S-salamat," nanghihinang bulong ng babaeng inaalalayan namin.
Napalingon ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Nakalayo na kami mula sa pinangyarihan ng gulo at ngayon lang pumasok sa isip ko na posibleng maisip na mayor na kinakalaban ko siya kahit wala naman akong iniisip na gano'n. Sa totoo pa nga niyan ay siya ang binoto ko noong nakaraang eleksiyon.
"Gago ka, Kips! Muntik na akong atakihin ng puso kanina dahil sa'yo!" Rumi.
"Ako nga muntik ng mahimatay eh!" Juday.
"Ako nga muntik ng mamatay eh!" Moy.
"Huwag nga kayong mga OA. Pagsasampalin ko kayo eh!" irita kong sigaw dahil halos sabay-sabay silang nagsigawan nang marating namin ang bakery shop nila Hopia.
"Teka, pakainin muna natin siya. Mukhang gutom na siya eh," napatingin kaming lahat kay ate dahil sa sinabi ni Marisol.
Nanginginig pa rin siya at mukhang natatakot.
Ano kayang nangyare sa kaniya?
***
End of Chapter 2 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro