Chapter 19
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Bakit may bitbit kang baril?"
Hindi ko mapigilan ang kuryusidad ko habang hawak-hawak niya ang braso ko. Ayaw na ayaw niya pakawalan dahil baka raw mawala ako sa loob ng abandonadong gusali kung saan mayroong masamang loob na gumagala.
Feel ko nga tinatakot niya lang ako pero mukhang totoo dahil nakarinig kami ng mga putok ng baril na nanggagaling sa hindi kalayuan. Napakapit ako ng tuluyan sa damit niya habang nanginginig ang kamay.
"For protection," maikli niyang sagot habang tinatahak namin ang madilim at tahimik na hallway sa ikatlong palapag.
"May extra ka bang baril? Para may proteksiyon din ako," mahina kong bulong habang hinihila ang damit niya.
Inis siyang lumingon sa'kin. Napatigil tuloy ako at nagtatanong ang matang tumingin sa mukha niya.
"I can protect you," aniya. Napangiwi ako nang tuluyan niya 'kong talikuran pagkatapos sabihin iyon.
"Alam ko pero kailangan ko rin matutunan na proteksiyonan ang sarili ko, haler. Hindi forever na nandyan ka," kasi aalis ka rin naman pagkatapos ng misyon mo. Hindi ko sinabi ang huling linya na gusto kong isampal sa mukha niya.
"Here."
Napamaang ako sa inabot niyang dos pordos sa'kin. Hindi ako makapaniwalang nagtaas ng kilay sa kaniya.
"Seryoso ka ba? Gusto ko ng baril din," himutok ko.
Tinaasan niya lang din ako ng kilay. "Take it or leave it. It's your choice," pa-cool niyang sambit. Napipilitan kong kinuha ang dos pordos sa kamay niya. Okay na 'to, kaysa wala, hindi ba?
Kaysa ipukpok ko sa ulo ni Ivan ang hawak kong dos pordos ay huminga na lamang ako nang malalim.
Ilang minuto ang ginugol namin bago namin narating ang ika-apat na palapag. Saka ko lang naalala na may gusto nga pala akong itanong sa kaniya.
"Iv—kakwiwjsbskakwk," hindi ko nagawang tapusin ang itatanong ko dahil mabilis niyang natakpan ang bibig ko. Hinila niya ako papasok sa isang silid habang takip-takip pa rin ang bibig ko.
Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil halos yumakap na siya mula sa likuran ko. Paniguradong, namumula na rin ngayon ang buo kong pagkatao.
"Don't make any noise," mahina niyang bulong sa likuran ng tainga ko dahilan para makaramdam ako ng kiliti roon.
Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. Pagkatapos ay unti-unti niya na 'kong binitawan.
"Let's finish this hide and seek game, Detective Generoso. I really don't have any time for this," isang pamilyar na boses ang nagsalita sa hindi kalayuan.
Napakunot ang noo ko habang hinihintay kung sasagot ba si Ivan. Nakita ko kung paanong humigpit ang hawak niya sa baril habang nakatiim ang bagang. Napansin ko rin mula sa liwanag na nagmumula sa buwan ang galit sa mga mata niya.
Sa palagay ko, itong pamilyar na boses ang may kasalanan ng lahat. Ang dahilan kung bakit namatay ang fiance at anak nila, at ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko.
"Detective, stop hiding. If you want to avenge your lovely Vanessa, come out and face me!" Muli nitong sigaw.
"Ah, I just remember the time I had touch her softness, how she moaned my name even if she doesn't want to. It was like she couldn't stop herself liking how I pleasured her. Ah, remiscing those moments are really good," pagkukuwento pa nito sabay halakhak.
Mabilis kong hinawakan sa braso si Ivan upang pakalmahin siya dahil bumibilis ang pagtaas-baba ng balikat niya.
"I really don't have a plan to kill those two lovely ladies, but they were too brave to threatened me. How could they, right? So, I killed them after our intimate moments. Do you like me to tell you how I killed your Vanessa, Detective?" Muli itong humalakhak na tila isa itong demonyo. Well, demonyo naman talaga ang taong 'to.
"Or do you want me to tell how I killed your lovely sister, Kinleigh?" Muli nitong tanong na nakapagpatigil sa'kin. Lumalim ang bawat paghinga ko habang nanginginig ang kamay kong may hawak sa dos pordos.
Kumalma lamang ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Ivan sa kamay ko.
"Don't listen to him, Kinleigh. Look at me. Look at my eyes," pag-uutos niya. Sumunod ako at dahan-dahan na tumingin sa mga mata niyang nangungusap.
"Take a deep breath, babe. We'll gonna avenge your sister. Let me do it for you," mahina niyang sambit habang pinagdidikit ang mga noo namin. Tumango ako habang namumuo ang galit at poot sa dibdib para sa lalaking tumatawa ngayon.
"Stop hiding!"
Isang putok ng baril ang namutawi sa buong palapag. Napapikit ako nang mariin habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Ivan. Hindi ko alam kung sino ang nagpaputok ngunit sa tingin ko ay iyong kalaban.
"Stay here. Let me just finish this motherfucker," pinaupo ako ni Ivan. Napa-angat ang tingin ko sa kaniya at marahang tumango.
May tiwala naman ako sa kaniya. May tiwala ako na babalikan niya ako ditong buhay. Babalikan niya 'ko dahil walang mangyayaring masama sa kaniya. Huminga siya nang malalim at saka humalik sa noo ko.
Nagtataka akong naiwan nang dahan-dahan siyang lumabas sa pinagtataguan namin. Bakit kailangan niya 'kong halikan sa noo? Bakit?!
Kung kanina ay buo ang loob ko na harapin ang taong pumatay sa kapatid ko ay ngayon parang nawala ito na tila isang bula. Magmula nang mabanggit niya si ate ay nawala lahat ng tapang ko. Napuno ng galit at lungkot ang dibdib ko sa kaalamang pinatay niya ang nag-iisa kong kapatid.
Sinabi na sa'kin ni Nanay ang buong katotohanan sa lahat. Pinalabas nilang namatay sa panganganak si ate ngunit ang totoo ay ligtas nitong nailuwal ang mga pamangkin ko. Naiwan lamang ng ilang oras si ate ngunit nang makabalik sila Nanay at Tatay sa ospital ay wala ng buhay ang kapatid ko.
Walang matibay na ebidensiya ang magkapagtuturo kung sino ang salarin. Ngunit ngayon ay abot kamay ko na siya, abot kamay na namin ang hustisya para kay ate at Vanessa at pati sa anak nila.
Napatigil ako sa pag-iisip nang sunod-sunod ang putok ng baril na umalingaw-ngaw sa buong gusali. Napatakip ako sa magkabila kong tainga habang kumakanta ng 'Aju Nice' ng paborito kong kpop idol.
***
Hindi ko alam kung ilang oras na mula nang iwanan ako rito sa silid ni Ivan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya 'ko binabalikan. Tahimik na ang lahat. Dumating na rin ang mga pulis dahil narinig ko ang sirena ng mga sasakyan nila.
Gusto kong tumayo at tingnan ang mga nangyayare ngunit kahit ang pagtayo ay hindi ko magawa dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
"Nandito siya!"
Umangat ang tingin ko sa mga yabag na lumapit sa'kin. Katulad ni Ivan ay naka-all black ito at may earpiece na suot sa kaliwang tainga. Nagulat ako sa biglaan nitong paghawak sa braso ko upang alalayan akong tumayo.
"Sino ka?" Nagugulat kong tanong habang inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ako si Drago, kasamahan ako ni Detective Gabriel," sagot niya. Pinaningkitan ko siya ng mata saka iniwas ang braso nang akmang hahawakan na naman ako.
"Kaya ko na," sambit ko. Napatingin ako sa ibang pulis na kasama niya.
"Nasaan si Ivan?" tanong ko. Hindi ba dapat siya ang sumundo sa'kin dito? Dahil una sa lahat, siya ang nang-iwan at pangalawa, dahil sinabi niyang hintayin ko siya.
Si Drago ay umiwas ng tingin habang ang dalawang pulis na kasama niya ay yumuko lang. Napakunot ang noo ko.
"Bakit? Nasaan ba siya? Nahuli na ba ang salarin?" sunod-sunod kong tanong sa kanilang tatlo. Ngunit wala akong mahitang sagot sa kanilang lahat. Napabuntong hininga ako at umiling-iling.
"Dalhin niyo na lang ako kay Ivan," anas ko dahil wala namang sumasagot sa mga tanong ko. Baka kay Ivan ay may mahita ako sa kaniya kahit isang salita.
Tumango ang tatlo at iginiya ako palabas ng silid. Napasinghap ako dahil sa dami ng dugong nagkalat sa dinadaanan namin habang naglalakad kami palabas ng gusali.
Bumungad sa'kin ang liwanag ng mga sasakyan at ingay ng mga tao habang si Drago ay inabutan ako ng asul na tela. Ibinalot ko iyon sa katawan ko habang iginagala ang mata sa mga tao. Natagpuan ko si Gani na inaalo si Yvionne na mukhang humahagulgol.
Nagkasalubong ang kilay ko habang papalapit sa kanilang dalawa. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay sinapak ko na sa braso si Gani. Gulat naman siyang napatingin sa'kin.
"Bakit?!" singhal niya.
"Pinaiyak mo ba si Yvionne?" singhal ko rin na tanong pabalik sa kaniya. Doon ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at nilingon ang babaeng patuloy na umiiyak.
"Wala na kasi 'yong k—" hindi ko nagawang bigyan ng pansin ang sinabi ni Gani nang mapatingin ako sa isang tao na nakaposas at kinakaladkad ng mga pulisya ngayon.
Napaatras ako habang nakikipagtitigan sa kaniya. Malademonyo pa itong ngumisi at kumindat sa'kin. Bigla ay nanginig ang buo kong pagkatao. Kumuyom ang kamay ko at malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya.
"Kips!" tawag ni Gani na hindi ko na nilingon pa.
"Kinl—" hindi niya nagawang tawagin ang buo kong pangalan nang lumanding ang kamao ko sa panga niya. Mabilis akong inawat ng mga pulis na nakasaksi.
"Ano'ng kasalanan ng kapatid ko para patayin mo siya?! Wala siyang kasalanan sa'yong hayop ka!" abot-abot sa langit ang galit ko ngayon. Ni hindi ko magawang kontrolin ang nanginginig kong kamay.
Patuloy lang itong ngumingisi habang may dugo ang labi.
"I already freed your sister since I'd don't any motive to kill her, but she was brave enough to threatened me," hindi ito makapaniwalang tumawa. "So, I killed her after she gave birth. By the way, thank you for taking care of our triplets," nakangisi niyang niya.
Napatigil ako sa pagpupumiglas at napaawang ang labi dahil sa narinig.
Siya ang ama ng triplets?
Ang luhang kanina ko pinipigilan at tuluyan nang kumawala sa mga mata ko. Hanggang sa unti-unti akong mapaluhod at humagulhol sa damuhan. Naramdaman ko ang paglapit at pag-aalo sa'kin ni Gani.
Kinaladkad na ng mga pulisya si Jayson Madrigal papasok sa sasakyan. Rinig ko ang nanunuya nitong tawa habang papalayo siya. Habang ako ay nasasaktan para sa kapatid ko.
Tuluyan na akong niyakap ni Gani habang patuloy akong tumatangis. Nang mag-angat ako nang tingin ay saktong may dumaan na stretcher kung saan may taong nakahiga roon.
Nakatakip ang isang puting tela ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi ko makilala ang taong nakahiga roon. Biglang lumaylay ang isa nitong kamay, dahilan para mas lalong lumakas ang nasa isip ko.
"Sandali... S-Sandali..." mahina kong pagtawag at saka tinabig si Gani palayo. Nanghihina akong naglakad palapit sa taong nakabalot sa puting tela ngayon.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang ang kamay kong nanginginig ay unti-unting lumalapit upang alisin ang tela nakatakip sa kaniya.
Kaya ba hindi niya 'ko nagawang balikan? Kaya ba hindi ko siya nakikita hanggang ngayon?
Pagkabuklat ko sa puting tela ay tumambad sa'kin ang namumutlang mukha ni Ivan. Nakapikit ang mga mata habang puno ng dugo ang kaniyang noo.
Napasalampak akong muli sa sahig habang tulala.
"Hindi pwede. Hindi 'to totoo," matindi ang pag-iling ko habang hawak-hawak ni Yvionne ang mga kamay ko. Ni hindi ko nagawang mapansin ang paglapit niya sa'kin.
"He's dead, Kinleigh. He's gone."
***
End of Chapter 19 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro