Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Kinleigh Paloma Tigasin

***
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa kaalamang mayroon siyang minahal na babae na higit pa sa buhay niya. Isang babae na pinagkaitan mabuhay sa mundo dahil sa mga taong walang kaluluwa at puso.

Nadamay pa ang batang hindi man lang nasilayan ang ganda ng mundo at buhay. Naaawa ako kay Ivan, sana ay makuha niya ang hustisya na nararapat sa mag-ina niya.

Pero aaminin kong tuluyan ng nabasag ang puso ko. Punyeta, ganito pala kasakit ang magmahal? Sana napigilan ko na habang maaga pa kung nalaman ko agad, hindi ba?

"What are we really looking for?" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Yvionne sa likuran ko.

Napalingon ako sa kaniya habang kinakalkal ang bawat drawer sa sala.

"Iyong makakatulong kung saan natin mahahanap ang kuya mo. Tumulong ka kaya?" pasaring kong untag. Muli akong bumalik sa paghahanap nang magsimula itong pumunta sa taas.

Nang wala akong mahanap na kapaki-pakinabang ay sumunod ako sa taas. Naabutan ko siyang nasa loob ng kuwarto ni Ivan. Akma sana akong papasok nang maalala kong isang beses niya na akong pinagbawalan pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Ilang minuto akong nag-isip kung papasok ba ako hindi. Ngunit sa huli ay pumasok na rin ako para tulungan si Yvionne sa paghahanap dahil life and death situation na ang pinag-uusapan dito.

Unang hakbang ko pa lang ay bumungad na kaagad na pamilyar na amoy ni Ivan sa ilong ko. Ang kaniyang kuwarto ay binuobuo na brown and black color. Puros wooden furniture ang narito. Ilang minuto kong pinagmasdan ang kaniyang kuwarto at saka lang kumilos nang mapagtanto ko ang dahilan nang pagpasok ko.

Unang kong nilapitan ang maliit na side table sa kaliwang gawi ng kaniyang kama. Una kong binuksan ang unang drawer at bumungad sa'kin ang isang litratong nakatago roon. Nakataob ito kaya't hindi ko agad nakita ang picture na nakalagay.

Curious ko itong tiningnan na sana ay hindi ko na lang ginawa. Litrato ng isang hindi pamilyar na babae at si Ivan. Kapwa sila nakangiti habang yakap ang isa't isa. Kitang-kita sa mga tingin nila kung gaano umaapaw ang pagmamahalan nila.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko habang tumatagal ang tingin ko sa picture.

"That's Vanessa." Komento ni Yvionne nang makakita niya ang hawak-hawak ko.

Hindi ko na kailangan magtanong dahil alam ko na ang sagot. Ito ang babaeng mahal na mahal ni Ivan. Ito yung babaeng minahal niya nang higit pa sa buhay niya.

"Kinleigh, tingnan mo 'to," malakas na sabi ni Yvionne. Napalingon ako sa kaniya habang maingat na inilalapag ang litrato sa drawer.

Lumapit ako at tiningnan ang nahanap niya. Isa iyong maliit na notebook. Habang binubuklat ni Yvionne ay mayroong iba't ibang address at date ang nakasulat. Iisa lang ngayon ang nasa isip namin ni Yvionne at iyon ay hanapin ang date ngayon at address kung saan siya pupunta.

Nakahinga kaming parehas ni Yvionne ng sa wakas ay mahanap namin ang date ngayon na nakasulat sa huling pahina. Nakasulat din doon ang isang address na pamilyar sa'kin.

Kumunot ang noo ko habang inaalala ang lugar na minsan ko ng napuntahan. Hanggang sa maalala ko ang abandonadong gusali kung saan ginanap ang party-party na sinasabi ni Nathan noon.

"Alam ko 'to. Puntahan natin," mabilis kong sabi saka binitawan ang maliit na notebook.

Kaagad kaming bumaba at lumabas ng bahay ni Ivan. Naalala ko, alam ko lang pala ang lugar na iyon pero hindi ko alam kung paanong pupunta or kung ano'ng dapat na sakyan.

"I have a car. We can use it," suhestiyon ni Yvionne. Tumango-tango ako saka umiling. Naguguluhan siyang tumitig sa'kin. Iniisip na yata nitong nababaliw na ako. Tama, nababaliw na ako dahil sa lintik mong kapatid. Psh.

Napakamot ako sa kanan kong kilay habang nag-iisip ng p'wedeng gawin.
Hindi ko tukoy ang daan, baka maligaw lang kami.

"Kips! Sino 'yang kasama mong chicks? Reto mo naman ako," sigaw ni Gani na siyang nilingon namin. Mabagal itong naglalakad habang kumakaway sa'min.

Nakangisi ito habang kumikindat kay Yvionne. Napaingos ako ngunit kaagad ding nanlaki ang mata. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinigit sa kaniyang kuwelyo palapit kay Yvionne.

"Tangin—Hi, pretty..." hindi niya natuloy ang pagmumura dahil nasa harap na kami ni Yvionne.

Magalang na ngumiti at bumati si Yvionne pabalik kay Gani. Mukha namang nakakita ng anghel si Gani dahil nakaawang pa ang labi niya habang nakatitig kay Yvionne.

"Hoy, Gani!" sinuntok ko ang braso niya. Ngumiwi siya habang hawak-hawak ang brasong nasuntok ko pero patuloy pa rin siyang nakatingin sa babae.

Napipikon kong pinilipit ang tainga niya dahilan para mapasigaw siya sa gulat.

"Tang na orange naman, Kips! Ba't ba?" naningkit ang mata ko dahil sa pagpipigil niyang magmura. Mukhang tinamaan nga ang mokong na 'to sa kapatid ni Ivan.

Ngunit, isinawalang bahala ko na lang ang napansin dahil may mas imporamtante kaming dapat na gawin.

"Alam mo ba ang daan papunta doon sa abandonadong gusali?" tanong ko, hindi binibigyang pansin ang talim ng tingin niya sa'kin.

Nagkasalubong ang kilay niya. "Abandonadong gusali?"

Tumango ako. "Iyong may abandonadong gusali na pinagdalhan sa'kin ni Nathan. Iyong pa-party kuno ni Black X," pagpapaliwanag ko habang inaalala ang mga nangyare noong gabing iyon.

Mas lalo nagkasalubong ang kilay niya na halos magdugtong na ito. "Bakit mo tinatanong?" aniya.

"Kailangan ko pumunta roon. Samahan mo kami," sambit ko saka siya kinaladkad papasok sa sasakyan ni Yvionne.

Kaso biglang pumalag si Gani sa pagkakahawak ko. "Teka, hindi pwede, Kips. Delikado roon," sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Talagang delikado kapag hindi ka pa sumama sa'min. Nauubusan na ako ng oras at pasensiya sa'yo," naiirita kong sagot saka siya muling hinila.

Si Yvionne naman ay nagmamadaling pumasok sa driver seat. Tapos si Gani ay pinasok ko sa pasenger seat para tabi sila. Sa back seat na lamang ako pumwesto.

"Tara na," utos ko pagkakabit ng seatbelt.

***

"Ano ba'ng gagawin niyo r'yan?" ito na yata ang pang sampung beses na tinanong ni Gani ang tanong na 'yan. Naririndi na ako sa bunganga niya pero pinagtitiisan ko lang dahil siya naman ang tumulong sa'min para mahanap ang lugar na ito.

"Basta. Huwag ka na lang sumama sa loob kung ayaw mo," irita kong sagot bago bumaba sa sasakyan. Sumunod kaagad sina Gani at Yvionne.

Napatingala ako sa apat na palagag ng abandonadong gusali. Sana naman nandito ka. Sana okay ka lang.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga bago humakbang papasok sa gusali. Kasunod ko sa likuran ang dalawa. Maaga pa, kaya maliwanag pa ang buong paligid ngunit pagkapasok namin ay bahagyang dumilim ang paligid.

"Flashlight?" tanong ko.

"I forgot my phone," bulong ni Yvionne. Mukhang natatakot na.

"Lowbat cp ko," sagot naman ni Gani.

"Paano tayo mapapadali sa paghahanap nito?" hindi ko makapaniwalang tanong sa dalawa kong kasama.

"Sino ba'ng hahanapin natin?" untag ni Gani. Nasa hulihan siya habang pinag-gigitnaan namin si Yvionne.

Sumenyas akong huwag maingay.

"Ganito na lang. Para mabilis nating mahanap ang kuya mo ay maghiwa-hiwalay tayo. Ikaw Gani, samahan mo si Yvionne," ininguso ko ang kaliwang direksyon ng hallway.

"Tapos dito naman ako," itinuro ko naman ang sa kanan.

"Hindi pwede, Kips. Sama-sama na lang tayong tatlo," tutol ni Gani. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok.

"Para nga mabilis natin siyang mahanap. Pagkatapos ng thirty minutes at wala pa rin kayong mahanap ay magtagpo-tagpo tayo rito ulit. Okay?" mahina kong bulong habang nakikinig ang dalawa.

Napipilitang tumango si Gani at Yvionne. Huminga ako nang malalim saka humarap sa kanang direksyon.

"Ingat ka," bulong ni Gani. Tumango ako nang hindi sila nililingon. "Ingat din kayong dalawa." Balik kong sambit.

Binaybay ko ang bawat silid ng abandonadong gusali para masiguradong wala akong makakaligdaan. Sa unang palapag ay tahimik, walang bakas ng kahit ano na makakapagturo na nandito nga si Ivan.

Ngayon, ay kasalukuyan akong umaakyat sa ikalawang palapag. Medyo madilim na dahil halos papalubog na ang araw.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang humahakbang paakyat.

"Punyeta ka," impit kong tili dahil sa biglang pagtakbo ng isang malaking daga malapit sa paanan ko.

Hindi naman ako takot sa daga or nandidiri pero nagulat kasi ako. Gawin ko silang siopao e.

"Ivan?" mahina kong pagtawag pero nag-echo iyon sa buong palapag. Nakakakilabot ang buong eksena, parang gusto ko na lang bumaba at maghintay kina Gani.

"Gabriel Ivan?" naglakas loob ulit akong magtawag kahit na gusto ko ng umatras pabalik sa labas.

Ang bawat hakbang ko'y gumagawa ng ingay na mas lalong nagbibigay ng kilabot sa buong pagkatao ko. Malapit ko ng matapos ang bawat silid sa ikalawang palapag pero wala pa rin akong napapala.

Akma na sana akong papasok sa huling silid nang marinig ko ang mahinang kaluskos na sa likuran ko nanggagaling.  Para bang may yapak na sumusunod sa'kin.

Napalunok ako nang ilang beses at hindi ko na rin magawang humakbang pa paabante. Ang kabog ng dibdib ko kanina ay dumoble.

Pinakiramdaman ko ang nilalang na nasa likuran ko ngunit hindi na ito gumagawa ng kahit anong ingay.

Nagbilang ako ng tatlong beses sa isip ko, paghahanda para harapin kung ano man ang nasa likod ko. Inihanda ko rin ang paa ko kung sakaling kailangan kong tumakbo paalis.

Pagkatapos kong magbilang ng tatlo ay lakas loob akong humarap sa likuran ko.

"Eh?" kumunot ang noo nang wala akong makita. Ako lang ang nag-iisa na narito.

Tiningnan ko ulit ang bawat silid hanggang sa tumapat ako sa unang silid na tiningnan ko kanina. Papasok na sana ako kaso biglang may kamay na tumakip sa bibig ko dahilan para hindi ako makasigaw.

Sinubukan kong sikuhin ang taong nagtatakip sa bibig ko kaso nahuli niya na ang kamay ko bago ko pa iyon magawa.

"Shhh..." Napatigil ako sa pagpupumiglas nang malaman ko kung sino ang kasama ko ngayon.

Nang kumalma ay pinakawalan niya na ako.

"Ivan... Ayos ka lang ba?" nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa sugat niya sa braso. Tumutulo pa ang dugo roon na tila ba ay malaki ang natamo niyang sugat.

Akma kong hahawakan pero mabilis niyang naiwas ang katawan.

"What are you doing here?" pagalit nitong tanong.

"Hinahanap ka," sagot ko habang pinapasadahan ang buong niyang katawan. Nakasuot siya na itim na leather at itim na pants. Napansin ko rin ang earpiece sa kaliwa niyang tainga at ang huli sa lahat ay ang baril niyang hawak-hawak.

"Are you alone?" aniya.

Umiling ako. "Kasama ko ang kapatid mo," pag-amin ko. Sunod-sunod siyang nagmura bago humawak doon sa nakalagay sa kaniyang tainga.

"Drago, find my sister. Keep her safe," kausap niya roon. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang tumitiim ang bagang niya.

Pagkatapos ay tumalim ang tingin niya sa'kin dahilan para mapamaang ako. Ba't ba 'to nagagalit? Siya na ngang hinahanap e.

"Stay close to me."

"Huh?"

"Stay." Hinila niya ako palapit sa katawan niya. "Close." Dugtong niya.

***

End of Chapter 18 | HakinNeja

Note: We're getting close to the end. Konting kembot na lang bago ang ending ni Kips and Ivan. Also, I would like to thank all the people who keep reading my update kahit pasulpot-sulpot. Salamat so much sa inyong all.

Btw highway, I will not gonna write the details about what happen to Ivan's Fiance and sa kapatid ni Kips, parang hahapyawan ko lang for the story para makapunta sa epilogue. Malalaman niyo naman kung ano talagang nangyare sa kanila but very short detail lang.

2 chapters na lang before the Epilogue! Konting kembots na lang!

Hope you enjoy this update :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro