Chapter 17
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Ivan... gusto k-kita. Gustong-gusto kita." Deritso ang mata kong nakatingin nang sabihin ko iyon.
Mukha siyang nagulat dahil sa bahagyang panlalaki ng mata niya. Natigilan siya at napalunok habang lumilikot ang mata.
Mapait akong tumawa habang pilit na pinapahid ang luha sa'king pisnge.
"Nakakatawa na nagkagusto ako sa'yo, hindi ba? Pakiramdam ko tuloy, ito ang pinakatangang emosyon na naramdaman ko sa buong buhay ko," sambit ko. Tumingala ako nung nagbabadya na naman ang luha ko.
"Ang galing mo nga eh, nagawa mong kunin ang puso ko nang hindi ko nalalaman," tumigil muna ako't huminga nang malalim. "Sana naman maayos mong ibalik sa'kin ang kinuha mo, kahit iyon na lang," pagsusumamo ko.
Nagsimula akong tumalikod at naglakad palayo. Buong akala ko ay hahabulin niya ako't pipigilan. Pero wala. Walang pumigil sa'kin. Hinayaan niya akong umalis sa harapan niya.
Tulala akong naglakad pabalik sa bahay. Hindi ko nagawang pansinin ang kakauwi lang na sina Nanay at Tatay. Nilampasan ko sila na nagtataka.
Umakyat ako sa kuwarto at humilata. Pagkatapos ay tulala akong tumitig sa kisame habang paulit-ulit kong naririnig ang mga salita niya. Para akong paulit-ulit na sinasampal sa pisnge. Ang bobo ko lang para maniwala sa lahat ng mga ginawa niya.
"Tangina..." mahina kong usal habang baliw na nakangiti sa kuwarto.
***
Sinag ng araw ang kaagad na bumungad sa'kin nang buksan ko ang bintana ng kuwarto ko. Ang sariwang hangin ay kaagad na sinayaw ang nakalugay kong buhok.
Malalim akong bumuntong hininga bago sumulyap sa katapat kong bintana na kasalukuyang sarado ngayon.
Napailing ako. Muli kong isinara ang bintana at pumasok sa banyo. Naghilamos muna ako at nagtootbrush. Nagsuklay rin ako ng bahagya bago bumaba sa sala. Naroon ang tatlo na tahimik na nanunuod.
Isa-isa ko silang hinalikan bago dumeritso sa kusina.
Naabutan ko roon si Nanay. Nang makita niya 'ko ay parang may gusto siyang sabihin pero mabilis kong iniwas ang tingin ko.
Pagkatapos kong kumain, umalis na ako para pumunta sa puwesto namin. Mag-aalis siyete pa lang ng umaga pero mataas na ang haring araw.
May suot-suot akong belt bag sa baywang habang naglalakad papunta sa palengke. Nakasalubong ko pa sina Gani na nakipag-fist bomb muna sa'kin bago naglakad paalis. Sunod kong nakasalubong ay si Hopia na mukhang nagdeliver ng mga order sa customer niya.
Sinubukan niya 'kong singilin pero mabilis akong lumiko ng daan. Rinig na rinig ko ang inis niya na nakapagpangiti sa'kin.
Magbabayad naman ako kapag naging makinis ang rambutan e.
Isang nakakapagod na buntong hininga ang pinakawalan ko nang matapos ang huling prutas sa pagkakapatas nito. Akma akong uupo para magpahinga ngunit may tatlo agad na customer ang dumating.
"Kalahati nga nitong kalabasa, iha. Saka dagdagan mo nitong niyog. Magkano lahat?" tanong ni Aling nakapula na damit.
Kinuha at inilagay ko sa supot ang pinili niya.
"Singkwenta'y singko ho," sagot ko.
"Ito oh. Salamat," anito at ini-abot ang isang singkuwenta at limang peso.
"Salamat ho," tumango ako.
"Magkano areng kamatis ineng?" tanong naman ni Manong Kalbo.
"Sampu ho isang supot," sagot ko.
"Dalawa nare na lang ineng," sabi niya. Kumuha ako ng supot para ibalot ang napili niya.
Lumipas ang buong maghapon na sunod-sunod ang naging customer ko. Kaya halos wala rin akong pahinga sa pagkilos at ngayon ko na nararamdaman ang sakit sa mga paa ko.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi habang bitbit ang isang basket na may laman na kalabasa at sitaw. Balak kong magluto ng ginataan ngayon para sa hapunan.
Bago ako makarating sa'min, napansin ko ang bukas na bahay ni Ivan. Napatigil ako saglit habang nakatingin sa malayo. Pagkatapos nang ilang segundong pag-iisip ay napagdesisyunan ko rin na pumunta sa bahay niya.
Hindi na 'ko nag-abala pang kumatok dahil bukas naman na ang pinto. Deritso akong pumasok sa loob at doon ko naabutan ang isang eksena na dapat ay hindi ko na nakita.
Hindi siya mag-isa. May kasama siyang babae na kasalukuyang nakayakap sa matitipuno niyang katawan. Ang mga braso niya ay nakapulupot sa baywang ng babae.
Mukha silang magkasintahan na ngayon lang nagkita.
Tangina.
Ang sakit sa mata.
Hindi na ako naglakas loob na gumawa ng ingay para hindi sila maabala ngunit huli na para umalis dahil natagpuan ako ng mga mata ni Ivan.
Walang gulat na makikita sa reaksyon niya. Parang normal lang na makita ako na nasa loob ng bahay niya.
Parang pinupunit ang puso ko habang nakikipagtagisan ng tingin sa kaniya ngayon. Ang kamay ko ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa basket.
Abala ako sa pakikipagtitigan kay Ivan nang aksidenteng dumapo ang tingin ko sa nakabukas niyang TV. May mga litratong naka-flash doon.
Nang parang may tumambol sa dibdib ko nung mamukhaan ko ang babaeng naroon. Isang nakangiting picture ni ate Bea habang ang isa naman ay ang maleta na nakita noon sa karatig-barangay namin.
Kumunot ang noo ko. Nawala ang sakit sa puso ko habang nakatitig sa TV. Hindi nagtagal ay biglang namatay ang TV at nawala ang mga picture. Napatingin ako kay Ivan na siyang may hawak ng remote control.
Ang babaeng kayakapan niya ay nagtatakang nakatingin sa'kin ngayon. Ang mukha niya ay pamilyar ngunit hindi ko siya magawang pagtuonan ng pansin.
"P-Patay na siya?" Iyon ang katanungan na lumabas sa labi ko.
Ibig sabihin ay hindi totoo na nalipat ng kulungan si ate Bea? Siya ba iyong babaeng pinatay at nilagay sa maleta? Pero bakit? Paano?
"She was murdered." napipilitan niyang sagot.
"Bakit? Sino'ng may gawa?" nanatili ang distansiya naming tatlo. Ni hindi ko magawang kumurap sa mga nalalaman. Pakiramdam ko ay lahat na lang kasinungalingan.
"You don't need to know. Manatili kang walang alam, that will keep you safe," sagot niya. Hindi ko siya maintindihan. Ayoko ko siyang intindihin. Wala siyang karapatan para sabihin sa'kin ang mga salitang 'yon.
"Ikaw rin ang humahawak sa kaso niya?" hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ang gusto ko lang ay malaman ang gusto kong mga malaman.
"Oo."
"Sa ate ko, kumusta na ang pag-iimbestiga mo?" muli kong pagtatanong.
Napahawak siya sa ilong at huminga nang malalim.
"I'm not answering that and please leave while I am asking nice," aniya na nakapagpalaglag ng bibig ko.
"Kung ayaw mong ibigay ang sagot sa'kin. Puwes, ako na lang ang maghahanap ng katotohanan," taas noo kong sagot nang makabawi sa pagpapaalis niya sa'kin.
Saglit kong tinapunan ng tingin ang babae na naguguluhang nakatingin sa'kin bago ako tumalikod at nagmartsa paalis ng bahay.
"Sana magkabulotong kang hayop ka," bulong ko.
***
Nakasimangot akong nagwawalis sa harap ng bahay nang basta na lamang lumitaw si Moy sa harap ng gate namin. Ang nakasimangot kong nguso ay lalong nanulis nang makalapit siya sa'kin.
"Wow, p'wede ng sabitan 'yang nguso mo," nakangiwi niyang komento. Umirap ako sa sinabi niya.
"Ano'ng kailangan mo?" pasinghal kong tanong. Hindi talaga maganda ang gising ko kaya wala ako sa mood ngayon. Actually, simula pa pala kagabi hindi maganda ang mood ko, kaya siguro hindi rin maganda ang gising ko.
Kasalanan 'to lahat ng lalaking 'yon. Sana mabulunan siya ng sarili niyang laway.
"Para kang buang na nakangisi," puna ni Moy dahilan para mapakurap ako.
"Itatanong ko lang sana kung ano'ng ulam niyo? Hihingi ako," aniya. Ang kapal talaga ng pagmumukha.
"Hindi pa 'ko kumakain kaya hindi ko alam. Pumasok ka na nga lang, hindi naman pala ako ipinunta mo rito," naiirita kong sambit.
Nang-aasar siyang tumawa at itinuro ang mukha ko.
"Sino ka ba para puntahan?" nakangisi niyang sabi bago naglakad papasok sa bahay. Napabuntong hininga na lang ako at saka ipinagpatuloy ang pagwawalis.
Pagkatapos kong maipon ang lahat ng mga tuyong dahon na nahulog sa punong mangga ay kumuha naman ako ng posporo sa kusina. Plano ko itong sindihan para naman mabawasan ang lamok at saka para hindi ko na kailangang itapon pa sa malayo.
Naka-squat ako habang sinusubukang paapuyin ang mga dahon. Ubo ako nang ubo habang unti-unting lumalaki ang usok sa mga dahon hanggang sa matagumpay ko itong masindihan.
Tumayo ako at saglit na nag-inat. Nagpagpag din ako ng kamay at saka namaywang habang nakamasid sa apoy.
"Oh shit kuya, answer the phone!"
Napaangat ang tingin ko sa babaeng kakalabas lang sa bahay ni Ivan. Mukha itong natataranta habang may hawak-hawak na cellphone. Para siyang natatae na hindi.
Ah, naalala ko na. Kaya pala pamilyar ang mukha ng babae ay dahil siya ang kapatid ni Ivan. Sayang lang pala ang pag-eemote ko sa kuwarto kagabi kasi umaga ko lang narealize ang lahat.
Ang sabi ko, ako ang maghahanap ng katotohanan kasi nga ayaw sabihin ni Ivan. Pero hihintayin ko siya, alam ko kahit na hindi niya 'ko gusto ay sasabihin niya pa rin ang naging takbo ng kaso. Una sa lahat dahil pamilya ako ng biktima. Pangalawa, wala siyang magagawa kong lolooban ko ang bahay niya para lang alamin ang lahat.
Kaya naisip kong maghintay. Magtitiwala akong mahuhuli niya ang mga dapat managot. Ilang taon na ang lumipas at ilang taon na rin silang malaya sa likod ng mga krimen na ginawa nila.
Muli akong napatingin sa babae nung nagsimula siyang umiyak.
"Kuya please answer the phone. Please, please," umiiyak na nitong sinisigawan ang cellphone. Nagmumukha siyang baliw pero nababahala na ako sa kaloob-looban ko.
Tinatangka niyang tawagan ang kuya niya. May nangyari ba?
Nagmamadali akong lumabas para lumapit sa kaniya. Nagulat pa siya sa biglaan kong paglitaw.
"Nasaan si Ivan?" tanong ko.
Bigla na lang siyang umiyak na ipinagtaka ko.
"He's not thinking. Ayaw niyang makinig sa'kin. He want to avenge her death that I know will be the death of him. Please, hanapin natin siya," hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamakaawa.
Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya. Ang grabe naman kasi ng accent, ang hirap intindihin.
Napakamot ako sa kaliwang tainga ko.
"Saan ba siya nagpunta? Baka alam ko," sabi ko na lang, pampalubag loob sa kaniya.
"I don't know. Alam niya na kung sino ang killer. He already know where they are kaya pinuntahan niya yung lugar," aligaga nitong turan.
Nanlaki bigla ang mata ko. Alam niya na?
Pero... "Pumunta siyang mag-isa?!" hindi ko mapigilang sumigaw.
"Yes. Hindi siya nakinig sa'kin. Hanapin natin siya," humahagulgol na nitong sabi.
Lumakas ang tibok ng puso ko, biglang namawis ang mga palad ko sa isiping nasa panganib ngayon si Ivan. Gusto ko ring makiiyak ngayon pero ayokong sabayan ang kapatid niya.
Paano namin siya mahahanap?
Napatingin ako sa bahay niya hanggang sa maisip kong baka may sagot sa loob ng bahay. Baka may makakaturo kung saan siya nagpunta.
"Halika. Hanapin natin ang kuya mong matigas ang mukha," hinila ko ang braso ng kapatid niya papasok.
"Are you his new girl?" tanong nito habang pinapanuod akong palinga-linga sa buong sala.
"Oo." Sagot ko habang abala pa rin.
"Then, do you know that his seeking revenge for his fiance?"
Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan sa sinabi niya.
"Ano?" nakaawang ang mga labi. Parang biglang ayaw magproseso sa utak ko.
"Vanessa, she was one of the victim that was been raped and killed. She's my kuya's fiance and she's bearing their unborn child that time. He was so devastated when ate Vanessa and their baby was gone. He lost himself. I just did not lost my bestfriend but also my brother. I hope, you can make him happy. Sana maibalik mo ang dating sigla at kulay ng buhay ni kuya. I am rooting for you," mahaba nitong litanya.
Nanghina ang tuhod ko't napaupo sa hagdanan.
"Tangina..."
***
End of Chapter 17 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro