Chapter 16
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Hinihingal akong pumasok sa loob ng bahay namin at malalaki ang hakbang na dumeritso sa kusina kung saan ko naabutan si Nanay. Abala ito sa pagluluto at nang makita ako ay napatalon ito sa gulat.
"Susmaryosep, Paloma! Aatakihin ako sa puso sa'yo e!" saway nito habang kapa-kapa ang dibdib.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mabilis kong tinawid ang distansiya namin bago ko ipinakita ang pirasong papel na napulot ko sa bakuran ni Ivan.
Kagat-labi ko siyang hinihintay na magsalita matapos makita ang nakasulat sa papel. Pigil na pigil kong lumabas ang galit na namumuo sa dibdib ko.
Sa loob nang maraming taon na lumipas, isang kasinungalingan lang pala ang pinaniniwalaan ko?
"Bakit, 'Nay? B-Bakit hindi niyo sinabi sa'kin ang totoo?" mapait at puno ng hinanakit kong tanong.
Umiwas siya nang tingin. Tinalikuran ako't ipinagpatuloy ang ginagawa sa kusina. Napatawa ako at tinupi ang papel. Itinago ko ito sa bulsa ng aking pantalon saka lumapit sa gilid ni Nanay.
"Buong akala ko namatay siya dahil sa panganganak? Totoo iyon 'diba? Hindi siya pinatay, 'diba?" sunod-sunod kong tanong. Ang luha ko ay hindi ko na napigilan.
Napasinghot ako habang inaalog ang braso niya.
"Tumigil ka na, Kinleigh. Ang nangyare ay nangyare na. Wala na tayong magagawa pa," seryoso niyang aniya. Napatigil ako't hindi makapaniwala sa mga nasabi niya.
"Mayroon pa tayong magagawa para kay ate, 'Nay! Iyon ay ang pagbayarin sa batas ang mga dapat managot!" gigil kong sambit habang nakasabunot sa sariling buhok.
Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Nanay. Nilapag niya ang sandok sa lababo at hinarap ako.
"Mahirap lang tayo Kinleigh. Ang sinasabi mong batas ay para lamang sa may mga pera. Wala tayong pera. Tiniis ko ang mabuhay sa araw-araw kahit na alam kong malayang namumuhay ang mga pumatay sa ate mo," masakit niyang sambit habang nagbabadya ang mga luha sa mata.
"Yung puso ko, parang araw-araw may nakabaon na kutsilyo. Hustisya ang pangarap namin pero kailangan kong piliin ang mas makakaayos sa pamilyang ito. Para sa mga apo ko at sa'yo. Ayokong may magawa akong mali at maging isa kayo sa kabayaran. Hindi ko kilala kung sino ang gumawa noon sa ate mo, pero ayokong isugal ang mga buhay niyo, naiintindihan mo ba?" dugtong niya.
Napasinghot ako. "Hahanapin ko kung sino siya. Kung hindi batas ang pwedeng magparusa sa kanila, ako na lang ang gagawa." Matigas kong saad saka pinunasan ang luhang patuloy na umaagos.
Nanlambot ang tingin ni Nanay sa'kin at akmang hahaplusin ang pisnge ko, ngunit hindi ko siya hinayaan. Mabilis kong iniwas ang sarili ko. Tumalikod ako sa kaniya at umalis sa kusina. Galit pa rin ako sa katotohanang nagawa nilang itago nang ilang taon ang totoong nangyare sa kapatid ko.
Umakyat ako sa kuwarto. Bumuhos ang lahat ng nararamdaman ko nang masarado ko ang pinto. Patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko habang nakasandal sa nakasarang pinto. Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang mapatingin ako sa litrato naming dalawa.
Kapwa kaming masaya at malalaki ang ngiti. Nakayakap siya sa'kin habang nakatingin sa camera.
Mabagal akong humakbang palapit sa higaan. Inabot ko ang litrato pagkaupo ko. Patuloy akong umiiyak habang hinahaplos ang mukha niya sa litrato.
"Sorry ate. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang totoo. Sorry," nahihirapan kong sambit habang nakatitig sa mukha niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Galit, lungkot, sakit at panghihinayang sa lahat ng panahon na lumipas.
Humiga ako sa kama habang yakap-yakap ang picture frame. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising na lang ako nang marinig ang ingay sa baba.
Hindi ko nagawang tingnan ang sarili sa salamin dahil sa kaguluhan na naririnig. Deritso akong bumaba sa sala at doon ko naabutan ang tatlo kong pamangkin na nag-aaway away sa remote ng TV.
Nagkasalubong ang kilay ko dahil umiiyak na si Sky at Thunder. Masama naman ang tingin na Cloud sa dalawa niyang kapatid.
Lumapit na ako sa kanila. "Bakit kayo nag-aaway tatlo?" tanong ko. Sabay-sabay silang naglingunan sa'kin. Kaagad na tumakbo si Thunder para yumakap sa baywang ko.
Humihikbi itong tumingala sa'kin.
"Mami, a-ayaw ni kuya ilipat a-ang channel. Gusto niya lagi 'yong dragon ballz e, gusto nga n-namin ni kuya Sky panuorin si P-Pororo," hirap na hirap ito habang nagsusumbong. Naiiling kong pinahid ang mga luha niya.
"Maglaro na lang kaya kayo? Kaysa mag-away away kayo sa TV. Hindi ba ang sabi ni Mami bawal kayo mag-away tatlo? Bakit nag-aaway kayo ngayon? O siya, maglaro na lang kayo sa labas. Walang pwedeng manuod ng TV ngayon," desisyon ko. Bumagsak ang balikat ni Cloud at napipilitang pinatay ang TV.
Pinanuod ko silang lumabas saka ako pumunta sa kusina. Pasado alas-nueve na ng umaga kaya medyo nagugutom na ako. Nakita kong may nakahaing pagkain sa lamesa nung makapasok ako sa kusina.
Kumuha lang ako ng hotdog at lumabas na ulit. Naabutan ko ang tatlong naglalaro sa labas.
Maliit akong nakangiti habang pinapanuod ang tatlo. Sina Nanay at Tatay muna ang nagbantay sa puwesto namin sa palengke at ako naman ang naiwan dito sa bahay.
Nakasalongbaba ako habang nakaupo sa upuang kahoy na ginawa ni Tatay sa labas ng bakuran namin. Saglit akong sumulyap sa bahay ni Ivan ngunit wala pa rin ang sasakyan niya, ibig sabihin ay wala pa rin ang lalaki.
Gusto ko siyang makausap. Marami akong katanungan sa isip. Katulad ng bakit mayroon siyang ganoong impormasyon. Ano'ng alam niya? Sino ba talaga siya?
"Mami, pupunta lang po kami kina Tinay!" napakurap at napatingin ako kay Cloud.
"Tinay?" tanong ko.
"Opo, iyong kaklase namin. Doon sila nakatira sa tabing bahay ni Tita Moy," anito.
Tumango ako. "Sige, basta huwag kayong malikot doon ah," bilin ko.
Nagtakbuhan na kaagad ang tatlo. Napailing ako at akmang papasok sa bahay nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Lumingon ako para tingnan ang paparating na si Ivan, sakay ng kaniyang e-bike.
Biglang umahon ang kakaibang emosyon sa dibdib ko.
Napakuyom ang kamao ko at lumapit sa kaniya. Nakalapit na ako sa kaniya nang maiparada niya ang motor. Pagkaalis ng helmet ay agad ko siyang sinampal.
Walang emosyon ang mata niyang nakatitig sa'kin. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon habang nakikipagtagisan ng tingin sa kaniya.
"Sino ka ba talaga?" mapait kong tanong. Ni hindi ko magawang pigilan ang luha sa aking mata.
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"I am, you shouldn't know," maikli niyang sagot.
Akma niya akong tatalikuran ngunit napigilan ko agad ang braso niya. Pakiramdam ko ay ibang Ivan ang kaharap ko ngayon.
"Bakit may ganito ka? Pakiusap, kahit ito lang ang sagutin mo ng totoo," nakikiusap kong sambit saka ko pinakita ang papel na napulot ko kagabi.
Nakita ko ang paglikot ng mata niya. Pakiramdam ko ay wala siyang balak sumagot. Naiinis kong sinuntok ang dibdib niya.
"Tangina naman, lahat na lang ba magsisinungaling sa'kin? Lahat na lang ba ipagkakait niyo sa'kin?" patuloy kong sinusuntok ang dibdib niya habang umiiyak. Hindi siya nag-abalang awatin ang kamay ko. Tinatanggap niya ang lahat ng bawat hampas ko. Hanggang sa ako na lang ang napagod.
"If I were you, Kinleigh, I would choose not to know everything," aniya, walang bahid ng kahit anong emosyon.
Napatitig ako sa kaniya. Wala na ang emosyon niya na lagi kong nakikita kapag nakatitig sa'kin. Wala na rin ang matatamis niyang ngiti habang kaharap ako.
Hindi ko mapigilang mapahikbi.
"Akala ko ba gusto mo ako?" nanunumbat kong tanong.
Malalim siyang nagbuntong hininga saka tumingin nang deritso sa'king mata.
"I lied. Hindi kita gusto. I will never like you, Kinleigh. You're not the woman I want," seryoso niyang aniya, walang kahirap-hirap. Habang ako ay nagimbal ang buong pagkatao.
"Sinungaling." Sambit ko.
Umiling siya at saglit na tumingala.
"Nilapitan kita dahil may kailangan ako sa'yo. All of it is just a part of my mission. I am a detective, Kinleigh. I am here to solve a murder case, which is your sister's case. You're just a part for my success on this case. I don't like you. Please, understand." aniya na nagpaguho sa katinuan ko.
Hindi ako makapagsalita. Tahimik lang akong lumuluha habang nakatingin sa mga mata niya.
Sinikap kong abutin ang kamay niya kahit nahihirapan ako.
"Ivan... gusto k-kita. Gustong-gusto kita."
***
End of Chapter 16 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro