Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Warning: Sensitive Language

Kinleigh Paloma Tigasin

***

Lumipas ang isang linggo na paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Palengke, bahay, palengke, bahay. Nakakasawa pero walang magagawa kasi kailangan maghanapbuhay para sa aking mga biik.

Hindi ko na rin pinapaduty sina Nanay at Tatay dahil alam kong pagod na sila kakatinda. Halos tatlong dekada na silang ganoon ang gawain kaya naman naisip ko na ako na lang ang magtitinda. Well, paminsan-minsan pinapalitan ako ni Tatay kapag niyaya ako nina Moy tumambay, pero ilang oras lang din naman yun.

Halos mag-iisang linggo na rin na MIA si Ivan. Missing in action. Katulad ng dati, hindi na naman siya nagpaalam o kahit man lang may mabanggit sa'kin.

Ayoko sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga sa kaniya kahit na ilang beses niyang ipagsabi na gusto niya 'ko. Pakiramdam ko ay hindi ganoon kalalim ang pagkakagusto niya sa'kin.

Naiisip ko nga minsan na ginusto niya lang ako kasi siguro ay dahil ako lang ang nakakausap niya rito sa barangay Talak. Well, may nakakausap siyang iba pero tanging ako pa lang ang babaeng nakakapasok sa bahay niya.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Ang bawat kilos niya, pakiramdam ko ay mas malalim pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya. Pero may nagsasabi rin sa'kin na huwag maniwala.

Huli na yata para pigilan ko ang sarili ko. Nahulog na 'ko sa kaniya. Wala ng bawian 'to.

"Palengke 'to, Kips." Napakurap ako at napalingon kay Moy. Nakalimutan ko na ang presensiya niya. Kapag kasi naiisip ko ang lalaking 'yon ay nakakalimutan ang paligid ko.

Hindi talaga siya healthy simula pa lang. Psh.

"Huh?" Untag ko. Napairap si Moy at akmang ibabato ang ampalaya sa'kin.

Mabilis ko siyang pinigilan. "Singkwenta 'yan. Papabayaran ko 'yan sa'yo!" Pagbabanta ko.

Binaba niya iyon nang labag sa loob bago muling umingos. Pagkatapos ay sabay kaming napatingin sa bagong customer. Napatayo kaagad si Moy nang makita ang isang guwapong lalaki. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Hoy," Tawag ko sa atensiyon niya. Tumingin siya sa'kin na magkasalubong ang kilay. Galit kaagad. Muli niyang nilingon ang lalaki.

Parang ako naman yata ang nawala sa presensiya niya dahil sa lalaking dumating.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" galit na tanong ni Moy. Napalipat ang tingin ko sa lalaki.

Sino kaya 'to? Bakit galit ang MoyMoy namin dito?

Nawala ang mga iniisip ko dahil sa live drama ni Moy sa harap ko. Napakamot sa batok ang lalaki habang nakatingin sa kaibigan ko.

Infairness, gwapo talaga ang isang 'to. Mukhang laging nagpapaalam kapag aalis. Amputa. Bakit ganyan naiisip mo Kipay?

"Let's talk. Let me explain my side, please," nahihiya ngunit nagmamakaawa nitong sabi.

Napa-woah ako nang walang tunog habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Wala na. Tapos na. Huli ka na. Hindi na ako maniniwala sa'yo," matigas na sabi ni Moy. Muli akong napa-woah habang naa-amaze sa kanila.

Anong kadramahan 'to?

Nawala ang pagka-amaze sa mukha nung makita kong bumagsak ang balikat ng lalaki at napayuko. Nakaramdam ako ng awa kahit wala akong alam sa pinag-uusapan nila. Mukhang may atraso siya kay Moy pero nakakaawa kasi ang gwapo niyang mukha.

"I just want to explain my side. Hindi ko naman ipinipilit na paniwalaan mo ako. Just please hear my explanation and I'll be gone," punong-puno ng lungkot ang mga mata niya habang nakikipagtitigan sa kaibigan ko.

Parang nasa intense part na sila. Kailangan ko yatang umalis, kaso paano kapag may customer ako?

"Sinabi ko ng—" Pinutol ko na ang dapat na sasabihin ni Moy kahit labag sa loob ko.

Gustuhin ko man na malaman ang lahat, kailangan ko pa ring maghanap buhay rito. Makikichismis na lang siguro ako mamaya sa kaniya.

"Moy, baka pwedeng sa ibang lugar niyo na ipagpatuloy ang usapan niyo. Hindi ako makakabenta kung dito kayo magsasagutan," reklamo ko. Nung mapatingin sa'kin ang lalaki ay tinanguan ko lang siya na parang kumpare ko siya.

Wala siyang reaksiyon. Parang walang nakita.

Inirapan ako ng kaibigan ko at padabog na umalis sa pwesto niya. Kaagad na sumunod ang lalaki sa kaniya. Sinundan ko sila ng tingin saka napailing-iling. Mukhang may problema rin ang MoyMoy namin sa lalaki.

Problema talaga ang mga lalaki. Stress akong nagbuntong hininga saka kumagat sa isang maliit na mansanas. Malutong ko iyong nginunguya nang may biglang  humablot ng mansanas sa kamay ko.

Sisinghalan ko na sana ang kumuha kaso biglang nawala ang tapang sa katawan ko. Nakangiti siyang ngumunguya habang nakatingin sa'kin. Ayan na naman ang nakakalunod niyang titig. Parang totoo.

"Hi. How are you, my lady?" aniya na parang hindi siya nawala nang isang linggo.

Walang emosyon akong tumitig sa kaniya. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Tumalikod ako at kunwari'y nag-ayos ng mga paninda.

"Galit ka ba?" humahabol niyang tanong habang patuloy akong tumatalikod sa bawat pagtatangka niyang paglapit sa'kin.

Hanggang mukhang nawalan na siya ng pasensiya. Ang kapal, siya pa talaga ang may ganang maging galit ngayon. Magkasalubong na ang kilay habang nakatingin sa'kin ng diretso.

"What's our problem, Kinleigh?" tanong niya. Nawala na iyong Lady, Kinleigh na lang.

Mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Bakit pati iyon at nakakainis pakinggan sa labi niya. Parang babaw ko namang tao nito.

"Hmm?" untag niya dahil nanatili akong tahimik.

Bumuntong hininga ako.

"Wala. Wala tayong problema. Baka ikaw mayroon?" pasaring kong sagot at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"What?" naguguluhan niyang tanong. Hinaklit na naman ang braso ko. Masakit dahil ang higpit na ng pagkakahawak niya.

"Ano ba'ng problema mo Ivan? Pumunta ka lang ba rito para makipag-away at basta na lang akong saktan ng pisikal? Bakit ka ba bumalik pa? Akala ko pa naman ay habangbuhay ka ng hindi babalik kasi wala namang paalam na naganap, 'diba? Eh, bakit nandito ka ngayon?" galit at puno ng sumbat kong sabi. Hindi ko mapigilan na makawala ang emosyon sa loob ko.

Ayoko nito. Nakakatakot.

Ang inis sa buo niyang mukha ay biglang naglaho. Tiningnan niya ako nang pagsusumamo.

"I'm sorry. Is just that I don't have enough time to talk to you. I'm so sorry Lady Kinleigh, I promise I won't do this again," maingat niyang sabi habang marahan na hinahaplos ang kamay ko.

Napataas ang sulok ng labi ko. "Huwag na. Huwag ka ng pagpaalam. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang nagyayare sa buhay mo," seryoso kong ani saka siya tinalikuran.

Alam kong hahabulin na naman niya 'ko kaya inunahan ko na siya.

"Umalis ka na. Please lang," walang emosyon kong utos nang hindi siya nililingon.

Rinig ko ang sunod-sunod na malalim niyang paghinga. Hanggang sa marinig ko ang palayo niyang yabag.

***

"Ba't gan'yan ang mukha n'yan? Parang sinampal ni mother earth," narinig kong tanong ni Hopia na siyang kadarating lang.

Nandito kami sa tambayan. Nagmumuni at nagkekwentuhan. Kanina pa akong tahimik at alam kong napapansin na nila ako. Nakapagtataka nga dahil walang nagtatanong hanggang ngayon.

"Walang nakakaalam. Tanungin mo nga, Hops. Parang totoo na ang problema nitong Kipay natin e," sagot naman ni Mirasol.

Napabuntong hininga ako at nilingon silang tatlo. Nag-iwas kaagad ng tingin sina Isdalia at Mirasol habang si Hopia naman ay lumapit sa'kin.

"Ano'ng meron? May problema ba? Pera?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at hinampas ang kamay niyang akmang hahaplos sa pisnge ko.

"Wala. Wala lang akong mood para makipag-usap ngayon," sagot ko at sumandal sa upuan.

Tinitigan niya 'ko bago tumango.

"Akala ko naman totoo na 'yang pag-eemote mo e," komento pa nito bago tumabi sa'kin. Napatawa ako saka siya binato ng butil ng mais na kinakain namin.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng mais. Pero hindi nagtagal ang pananahimik namin nang biglang magsalita si Isdalia at bigla akong hinampas sa balikat.

Napapiksi ako't sinamaan siya nang tingin. "Aray. Tangina naman!"

"Kips, iyong pogi mong neighbor 'yon, 'diba? Sundan mo!" kinikilig nitong sambit habang itinuturo ang direksyon ni Ivan. Naka-ebike ito habang papunta sa bahay niya.

"Bakit ko naman siya susundan?" singhal ko kay Isdalia.

"Why not? Akitin mo tapos huwag mo ng pakawalan. Tiba-tiba ka sa kapitbahay mong 'yan Kips," anito na parang ang dali-dali ng sinasabi niya.

"Eh bakit hindi ikaw ang mang-akit?" pasaring kong tanong.

Literal siyang napatigil at nanunuri akong tinitigan. "Papayag ka bang akitin siya?" naninigurado niyang tanong.

Napalunok ako. "O-oo naman."

Napataas ang kilay niya. Lumitaw sa tabi namin si Mirasol at tinuro ang mukha ko.

"Wala. Hindi valid. Nabubulol ka," anito.

"Tangina niyo. Makauwi na nga lang," tumayo ako at inirapan sila. Nakakabanas ang mga tingin nila sa'kin.

"Wala na talaga. Pikon na e," sambit ni Hopia. Nagtawanan silang tatlo habang paalis ako.

"T-back ang isuot mo ah, para sureball!" sigaw ni Isdalia.

Nanlalaki ang mata kong napalingon, humaglapak naman silang tatlo. Paniguradong namumula na ang buo kong mukha.

"Ang bibig mo!" sita ko. Kunwari nitong zinnipper ang bibig at nakipag-apir kina Mirasol at Hopia.

Napapunas ako sa invisible kong pawis sa noo at saka tumuloy sa pag-uwi. Habang naglalakad patawid sa bahay ni Ivan ay abala ito sa pag-lalagay ng helmet niya. Mukhang paalis na naman.

Pinanuod ko siyang sumakay at paandarin ang motor. Ni hindi man lang ako napansin.

Tutuloy na sana ako sa bahay namin nang may mapansin akong isang pirasong papel na nahulog sa kinatatatayuan kanina ni Ivan.

Lumingon muna ako sa magkabilang direksyon. Nung wala akong mapansin na tao ay dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng bakuran niya.

Nilapitan ko iyong papel na nakataob. Pinagpag ko muna bago ko tiningnan ang kabilang side. Nang makita ko ang nakasulat ay biglang nanigas ang buo kong katawan.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa papel dahilan para magusot ito.

Kisleigh Marie Tigasin and Joyce Cheng Rape and Murder Case.

***

End of Chapter 15 | HakinNeja

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro