Chapter 14
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"May balita na ba kayo kina Juday?" tanong ni Marisol habang abala sa pagbabalat ng nilagang mani na dala ni Isdalia dito sa tambayan namin. Sa bakery Shop ni Hopia.
Isinubo ni Marisol sa bibig ko ang binalatan niya saka muling nagbalat ng para naman sa kaniya.
"Wala. Kahit nga pangalan ni Juday ay hindi ko marinig sa bibig ng mga kamag-anak niya. Ewan ko ba sa dalawa nina Rumi, wala man lang paalam." Ingos na saad ni Moy habang nagsusulat ng kung ano sa dala-dala niyang notebook.
Nag-aalala na nga ako sa dalawa kong kaibigan na halos ilang buwan na naming hindi nakikita. Wala ni kahit anong balita kaming naririnig kaya hindi ko talaga maiwasan ang hindi mag-alala. Bibigyan ko talaga ng mag-asawang sampal ang dalawang yun 'pag nagpakita sila sa'min.
"Teka, maiba tayo," sabat ni Hopia saka tumingin sa direksyon ko. Napaangat kaagad ang isa kong kilay dahil mukhang sa'kin mapupunta ang usapan.
"Ano?" pinanlakihan ko siya ng mata, may halong pangbabanta.
"Moy, kumusta na lovelife mo?" tinaasan niya pa ako ng kilay bago tumingin sa katabi kong si Moy.
Naiirita kong kinuha ang isang pirasong mani bago iyon inasinta papunta kay Hopia. Sumapol iyon sa noo niya.
"Parang bata! Nag-aaksaya ka pa ng pagkain. Para talagang tanga 'to!" Inis niyang sigaw.
"Nakakainis kasi 'yang mukha mo!" Ani ko.
"Immature." nakangiwi niyang sabat.
"Spell mo nga," panghahamon ko.
Nagtawanan sina Mirasol habang patuloy ang pagkain. Imbis na sundin ang sinabi ko ay kumuha si Hopia ng mani at inasinta rin ako. Ramdam kong tumama iyon sa noo ko dahil huli na para umiwas pa.
"Tama na 'yan. Para kayong mga sira," saway ni Isdalia.
"Back to the topic. Ano Moy, ano'ng sagot mo sa tanong ni Hopia kanina?" tanong na may halong pang-aasar ni Mirasol.
Napangiwi si Moy at nagkibit balikat.
"Malay ko. Wala, tangina niyo," sagot niya.
Napataas na naman ang isa kong kilay habang matamang nakatingin kay Moy. Wala akong alam sa mga nangyayare sa mga kaibigan ko lately. Palagi na lang kasing si Ivan o hindi kaya ay yung mga tatlong biik ang nasa isip ko.
Ilang linggo ko rin na hindi nakita si Moy at nakausap. Mukhang nahuhuli na ako sa mga balita sa mga kaibigan ko ah?
"May lovelife ka na?" hindi ko matiis at nakitanong na rin ako.
Umismir si Hopia. "Uy, hindi alam porke't focus na focus sa kapitbahay niya," pang-aasar niya.
"Psh. Napakabobo mo," ismir kong singhal.
Muli kong binalingan si Moy pagkatapos kong matakpan ang bibig ni Hopia sa akmang pagsasalita.
"Kilala ko ba ang syota mo? Paano kayo nagkakilala? Saka kailan naging kayo?" sunod-sunod kong tanong.
"Hindi kami. Ano ba kayo!" namumula niyang sagot saka aligagang nagbalat ng isang mani.
Napataas ang kilay ko saka nanliit ang matang tumitig sa kaniya.
"Hay, iba na talaga kapag inlove. Wala ng time mangutang sa bakery shop ko. At dahil inlove na kayo, oras na para magbayad mga bakla," sita ni Hopia nagbubuklat sa maliit niyang notebook. Doon nakalista ang mga utang sa kaniya.
Una akong tumayo at nag-inat ng kamay.
"Ang dilim ng kalangitan, lintek naman oh, parang uulan pa yata. Uwi muna ako, may naiwan pa pala akong sinampay. Adios," hindi ko na pinasalita si Hopia nang umangat ang tingin niya sa'kin.
Kumaripas na ako ng takbo pauwi sa bahay.
"Kipay!"
***
Habang naglalakad pauwi ay may isang lalaki akong nakasalubong. Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa lalaki, pilit na inaaninag ang pamilyar niyang mukha. Hanggang sa lumiit nga ang distansiya namin.
"Wow, nice to see you again," nakangiti niyang bati. Napangiwi akong nakipagkamay sa kaniya.
Ano ngang pangalan nito?
"Your house must be around this area, right?" aniya.
"Huwag mo sanang masamain pero ano nga ulit ang pangalan mo?" hindi ko mapigilang tanong dahil hindi ko talaga maalala ang pangalan niya. Ito iyong lalaking bumili sa'kin ng ilang beses sa puwesto namin.
Ngumiti na naman siya. Mabuti na lang at hindi na-offend dahil hindi ko natandaan ang name niya.
"I'm Jayson Madrigal. 'Wag mo na sanang kalimutan for next time," tumawa siya. Nakingiti na lang ako nang pilit saka binawi ang kamay kong hawak-hawak pa rin niya.
Ang werdo ng isang 'to. Mukha siyang mabait na hindi. Ewan ko ba.
"Masaya akong makita ka ulit, Jayson. Una na nga pala ako," pagpapaalam ko nung medyo maasiwa ako sa uri ng tingin niya sa'kin.
Ang sarap takpan ng buo niyang mukha, lalo na ang mga mata niya. Napakawerdo at ang creepy sa pakiramdam.
"Yes, see you around," matamis siyang ngumiti habang inaayos ang laylayan ng kaniyang polo.
Wala sa sarili akong napatingin sa kamay niya. Mula sa kaniyang kanang kamay ay ang pamilyar na bagay na suot-suot niya. Kumunot ang noo ko at walang pasabi na hinawakan ang kamay niya.
"Sandali."
Bahagya siyang nagulat at napaatras.
"Woah, you're quite aggressive huh? I like that, just like the old times," natutuwa niyang komento sa naging galaw ko ngunit wala roon ang naging atensiyon ko.
Nakatitig ako sa suot niyang bracelet. Kamukhang-kamukha ng ginawa kong bracelet para sa katapid ko.
"Pa'nong suot mo 'to?" tumingala ako upang salubungin ang mga werdo niyang tingin sa'kin.
Sumeryoso naman ang mukha niya.
"Guess what, Kinleigh. Someone gave it to me. Ang bait niya, 'diba?" aniya na may mapaglarong ngisi sa labi.
Nagkasalubong lalo ang kilay ko. Pinagloloko ba ako ng isang 'to?
"Pinagloloko mo ba ako? Tangina, sino nagbigay sa'yo nito?" lumakas na ang boses ko at pabalyang binitawan ang kamay niya para kwelyuhan siya.
"Woah, easy, easy , lady. I'm not here to fight," natatawa niyang aniya. Mukhang pinaglalaruan lang ang mga nagiging reaksyon ko.
Ramdam ko ang galit na namumuo sa dibdib ko. Alam ko. Alam ko naman kung sino ang nagbigay ng bracelet sa kaniya. Hindi ako bobo para hindi ko mahulaan ang para pasaring niya. Ako ang gumawa ng bracelet na iyon kaya alam kong wala itong katulad.
Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sa kaniya? Sino ba siya sa buhay niya? Bakit hindi ko alam 'to?
Sumasakit na ang ulo ko habang nakikipagtitigan sa lalaking 'to. Ano nga ulit ang pangalan ng gagong 'to? Ang bait-bait ko pa naman sa kaniya kanina, amputa.
"Lady Kinleigh!" mabilis kong binitawan ang kwelyo nitong lalaki at saka lumingon kay Ivan.
Gwapong-gwapo ito sa suot niyang maroon na polo at sa pants na kulay beige. Iyon nga lang, mukhang galit ang Ivan niyo, esto ko pala. Akin lang 'to.
Mabilis at malalaki ang naging hakbang niya palapit sa pwesto namin. Pagkalapit na pagkalapit ay walang pasabi niya akong hinapit palayo sa lalaking 'to.
Bumunggo ako sa kaniya. Ang natural at mabango niyang amoy ay awtomatikong nanuot sa ilong ko. Nakatingin ako sa kaniya habang gulat na gulat sa ginawa niyang paghila sa'kin. Medyo sumakit ang braso ko dahil ang higpit nang pagkakahawak niya.
"Who's he?" aniya bago ako tinunguan para tingnan ang mukha ko. Bakit ba ang tangkad niya?
"Huh? Kakilala ko," wala sa sarili kong sagot. Nakakablanko ang amoy mo, putragis. Hindi na 'to healthy.
Kumunot naman ang noo niya. "I know. I mean, his name?"
"Justin." Panghuhula ko.
Sabay kaming napatingin ni Ivan nang biglang tumawa ang lalaki. Humawak pa ito sa panga niya habang naiiling na natatawa.
Humakbang ito palapit sa harapan ko. Hindi kaagad ako nakapagreact nang hawiin niya ang hibla ng buhok na humaharang sa pisnge ko.
Awtomatiko akong umatras kasabay nang paghawak ni Ivan sa kamay nitong lalaki. Sumasama na talaga sa paningin ko sa lalaking 'to.
"Don't touch her." Seryosong sabi ni Ivan. Ngumisi itong lalaki at nakipagtagisan ng tingin kay Ivan.
"I wonder how it feel to witness your life sufferring right infront of your own eyes? How does it feel to see your woman beg and cried her eyes out? Hmm," mula sa napakawerdong tingin ay napakawerdo rin ng mga pinagsasabi niya.
"What?" feeling ko malapit nang manuntok si Ivan. Kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya kahit nangangati na ang kamao kong suntukin sa panga ang isang 'to.
"Nothing. I'll just go ahead. See you around, Kinleigh. I might return this precious bracelet to you if we see each other again." Anito at kumindat.
"Werdo." Tangi kong sagot. Tumawa siya at lumakad na papalayo sa'min.
***
Halos isang oras na akong nakaupo dito sa matigas na sofa ni Ivan at halos isang oras na rin siyang nakatitig lang sa wooden tiles ng bahay niya.
Malapit ng mapanis ang laway ko. Wala naman talaga akong balak samahan siya pero nung mapansin kong nag-iba ang ekspresyon at mawalan ng emosyon ang kaniyang mukha ay bigla rin akong nag-alala sa kaniya.
Kaya ito ako't nilalamok na.
Akala ko ay ilang oras pa kami sa ganoong posisyon kaya lang bigla siyang tumayo at dumeritso sa kusina. Sumunod ako sa kaniya kasi nag-aalala nga ako, 'diba?
"Ayos ka lang ba? Parang pasan mo ang mundo sa istura mo ngayon," pasaring kong komento habang nakahalukipkip na nakatingin sa kaniya.
Inubos niya ang isang basong tubig bago ako nilingon.
"Nothing. May naalala lang ako na dapat hindi na alalahanin. What are you doing here, by the way?" kumunot ang noo niya't lumapit sa'kin.
Oras ko naman para kumunot ang noo sa harapan niya.
"Nandito ako kasi..." nag- aalala ako sa'yo.
Hindi ko magawang tapusin ang dapat kong isagot. Baka lumaki ang ulo ng isang 'to. Mahirap na. Hindi pa naman ako magpapa-easy to get.
"Kasi?" naiinip niyang tanong. Namewang pa sa harap ko.
"Kasi hinila mo ako rito." Pagsisinungaling ko.
"Talaga? Bakit?" aniya, takang-taka at hindi naniniwala.
"Aba malay ko sa'yo. Baka kasi gandang-ganda ka na naman sa'kin eh," nakaingos kong sagot. Hindi ko na siya hinintay magsalita nang makita kong ngumisi siya sa sinabi ko.
Bumalik ako sa sofa niyang matigas. Umupo ako at hinintay siyang lumapit sa'kin. Nakakaloko ang ngiti niya habang tumatango-tango.
"Palagi ka namang maganda sa'kin, lady Kinleigh. You're so beauti—" mahina niyang sabi habang unti-unting tinatawid ang distansiya ng mukha namin.
"—ful."
Napalunok ako at napakapit sa laylayan ng damit niya.
"A-Ano namang balak mo?" Punyeta. Bakit ba ako nabubulol?!
Sumeryoso ang mukha niya. Hindi ko magawang matukoy kung ano'ng iniisip niya ngayon. Nakatitig lang siya sa mata ko hanggang sa bumaba iyon sa labi ko.
"Can I kiss you?"
"Huh?" aligaga kong tanong.
"Yes?" aniya.
"Y-Yes." Nakakawala talaga ng kaastigan ang Ivan na 'to. Hindi na talaga siya healthy para sa'kin.
"Thank you for your approval." Bulong niya habang halos isang dangkal na lang ang layo niya sa'kin.
Bakit ba ang bagal niyang gumalaw? Nangangalay na ako sa kakatingala. Hindi naman sa impatient ako pero ang sakit na ng leeg ko.
Pero ayan na. Malapit na. Konti na lang.
Pumikit ako at hinintay na lumapit ang labi niya ngunit wala akong naramdam dahil sa isang malakas na ringtone.
"Damn. Istorbo." komento ni Ivan. Pagkamulat ko ay bumungad sa'kin ang nakangiting si Ivan habang may hawak-hawak na telepono sa kanang kamay.
Walang nagbago sa distansiya namin. Kinakapos pa rin ako ng hininga pero aaminin akong nababadtrip na ako sa posisyon namin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga kahit nakatingin sa'kin si Ivan.
"Hello. Gabriel speaking." aniya habang hinahaplos ang ibabang labi ko.
Nagtayuan ang balahibo sa katawan ko habang ginagawa niya iyon. Dahil sa tindi ng nararamdam ko ay mabilis kong iniwas ang mukha ko na kaagad niyang hinuli at ninakawan nang mabilis na halik.
Pagkatapos ay lumayo na siya para kausapin ang nasa kabilang linya.
"What happened?"
Iba ka talaga, Ivan. Ang sarap mo pa ring sampalin ng Durian.
***
End of Chapter 14 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro