Chapter 12
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nanatiling nakahawak ang mga kamay niya sa dalawang pisnge ko na tila ba'y nais pa niyang palalimin ang halik namin. Nauubusan na ako ng hininga pero parang walang balak na tumigil ang isang 'to. Kaya naman ako na mismo ang tumulak at lumayo sa kaniya.
"Taympers muna, ikamamatay ko 'yang halik mo e," huminga ako nang malalim bago siya tiningnan. Diretso ang tingin niya sa'kin habang dahan-dahan na pinupunasan ang mga labi niya.
Para akong tanga na natulala sa ginawa niya. Lintek. Bakit parang gusto ko ng take two?
"Bakit mo ba ako hinahalikan?" pagtatanong ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko.
Tipid siyang ngumiti at umupo para ubusin ang inihanda niyang mangga. Akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko.
"Because I can't hold it anymore. Your lips really tempting me these past few days," aniya bago malagkit na tumingin sa'kin.
Ngumiwi ako. "Ang sarap suntukim niyang mukha mo, alam mo? Sino ka para basta na lang humalik sa babae?" inis kong sambit.
"Yes, I did kissed you. But, you kissed me back, Lady Kinleigh, you already forgot?" aniya na naging dahilan nang pagkurap-kurap ko.
"Psh. Bahala ka nga, uuwi na 'ko!"
"Alright. See you tommorrow, pretty," kalmado niya sagot na siyang inirapan ko bago ko tuluyang nilisan ang bahay niya.
Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko at mabilis na ibinalot ang sarili sa kumot. Nagpapadyak ako habang kagat-kagat ang unan para sumigaw. Hinalikan niya ako! Naghalikan kami! Kanina lang 'yon! Kanina lang kasi hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa'kin.
Mas lalo yatang nagimbal ang kalamnan ko nang maalala kung paano niyang punasan ang labi sa harap ko. Napapikit ako nang mariin.
"Gustong-gusto ko na ba ang lalaking 'yon para maging ganito ang reaksyon ko sa kiss niya?" hindi ko makapaniwalang tanong sa sarili.
Bakit ko naman siya magugustuhan? Ano bang mayroon siya para magustuhan ko?
Masarap na labi.
Marahas akong napailing nang marinig ang boses na iyon sa loob ng isip ko.
"Tutulog na ako!" demanda ko sa sarili bago pumikit. Kaso saktong pagkapikit ko, lumitaw na naman ang imahe namin na naghahalikan kanina.
"No. Erase. Delete!" inis kong sambit habang nakapikit pa rin.
Nakailang minuto yata ang lumipas ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Wala akong nagawa kundi ang imulat muli ang mga mata. Malalim akong napabuntong hininga.
"Kasalanan 'to ni Ivan. Kasalanan niya 'tong lahat."
***
Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga paninda sa puwesto habang naghihintay na matapos ang buong maghapon para makauwi na ako. Marami-rami na rin ang bentahan namin ngayon kaya medyo good mood ako.
Nasa pagpapatas ako ng mga mangga nung may napansin akong bulto ng tao na tumapat sa puwesto ko. Kaagad akong ngumiti at tumunghay.
Kasabay nang pag-angat ng aking ulo ay siya namang paghampas ng hangin sa'kin dahilan para liparin nito at sayawin ang buhok ko.
Napatigil ako at saglit na napatulala sa lalaking nasa tapat ko.
"Hi, magkano ang isang kilong mangga?" ngumiti siya at dahil roon ay nagsilabasan ang dalawa niyang dimples sa pisnge.
"250 isang kilo," maagap kong sagot.
Tumango siya habang namimili ng mga mangga na nais niyang bilhin habang ako ay malayang natitingnan ang kabuuan ng mukha niya. Medyo pamilyar ang kaniyang boses pero ngayon ko lang talaga nakita sa buong buhay ko ang mukha niya.
Pero baka may kaboses lang siya kaya mukhang pamilyar ang boses niya. Imposible naman na kilala ko 'to.
"Here," inabot niya sa'kin lahat ng kaniyang napili. Mabilis akong kumilos at nilagay sa supot ang mga mangga.
Inabot ko at kinuha niya ang supot. Muli siyang ngumiti. "Salamat. By the way, mukhang nakita na kita noon?" aniya.
Napaangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Baka kamukha ko lang. Ngayon lang kita nakita. Bagong salta ka rito sa Barangay Talak?" tanong ko pabalik.
Marahan siyang tumango at umiling. Medyo magulo ang naging sagot niya dahilan para mangunot ang noo ko. Mukhang napansin niya ang kunot kong noo kaya mahina siyang natawa.
"What I mean is matagal na kaming nakatira ng family ko rito but I'd been in Canada for last 7 years so, kababalik ko lang," pagpapaliwanag niya. Tumango-tango ako sa paliwanag niya. Kaya naman pala.
"Salamat, pretty lady. How about your name, pwede kong malaman?" akma na siyang tatalikod ngunit muli akong hinarap.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Bawal ko bang malaman ang pangalan mo? At saka magigiging suki mo na ako starting from now on," nakangiti niyang ani.
"Kinleigh ang pangalan ko," maikli kong sagot.
"Alright, Kinleigh ako naman si Jayson Madrigal. Nice to meet you, pretty." Tuluyan na siyang umalis pagkatapos makuha ang pangalan ko. Saglit akong napailing at naisip na bumalik ulit sa pag-aayos ng paninda.
Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman kong may bagong dating na naman ng customer.
"Hey gorgeous, sino iyong lalaking bumili?" napatalon ako sa gulat kahit na inaasahan ko na darating siya ngayon.
Nasanay na yata ang lalaking 'to na sunduin ako kada hapon para samahan ako sa pagliligpit at pag-uwi. Natatandaan ko pa noong isang araw nung nagkita sila nila Nanay at Tatay. Basta niya akong hinila para akbayan at basta na lamang inanunsiyo na aakyat daw siya ng ligaw sa'kin ng walang permiso mula sa'kin.
Buong akala ko ay magagalit sina Nanay at Tatay dahil wala pa sa plano nila at plano ko na magkaroon ng nobyo. Ni hindi nga sumagi sa isip ko ang pumasok at tumanggap.
Pero nang sabihin niyang manliligaw siya ay wala na akong nagawa. Tanggihan ko man daw siya ay hindi siya titigil. So, ano pa'ng point kong suntukin ko siya't patigilin?
"Hey, you're spacing out again." Nakarimig ako ng pagpitik malapit sa mukha ko. Napatingin ako kay Ivan. Umingos ako't umirap sa kaniya.
"Ang aga mo naman. Mamaya pa ako maglilipit, inaayos ko lang 'to," ani ko.
Tumango-tango siya na para bang naiintindihan ang sinasabi ko.
"I know, sweetie. I just wanted to see you right now," nakangiti niyang aniya bago tuluyang pumasok sa puwesto namin.
Napaismir ako habang hinihintay siyang makalapit hanggang sa marahan niya akong hilahin mula sa paghapit sa'king baywang. Isang oversized tshirt at maong tokong ang suot ko habang may suot na belt bag.
Walang bumasag sa tinginan naming dalawa hanggang sa bigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa pisnge. Ni hindi ko nagawang itago ang ngiti sa labi ko. Lintik, kinikilig na naman ang Kipay niyo. Mwehehe.
"Bilis ng damoves mo ah," komento ko nang pakawalan niya na 'ko.
"I prefer kissing you in my house." Mabilis niyang sagot bago prenteng umupo. Saglit akong napailing bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gulay at prutas.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin kung ano'ng pinagkakaabalahan niya o kung ano'ng mayroon siyang trabaho. Hindi ko magawang itanong dahil pakiramdam ko'y wala pa siyang nais na sabihin sa'kin tungkol do'n.
Naiisip ko nga minsan na, paano ko nagawang magustuhan si Ivan na ang tanging alam ko lang sa kaniya ay ang kaniyang buong pangalan at ang dati niyang trabaho. Ni hindi ko nga nagawang makilala ng in person ang kapatid niyang babae.
"Thinking of me?" Ilang beses akong napakurap at saglit na tumingin sa kaniya. Kakatapos ko lang isara ang puwesto at kasalukuyan ko ng inaayos ang mga gamit ko.
"Sino ka naman para isipin ko? Pera ka ba?" ismir kong sagot na kaagad niyang tinawanan.
"How about a dinner on my house?" pag-iiba niya.
Sumimangot ako at umiling. Kailangan kong bantayan si Thunder ngayon buong magdamag dahil sa lagnat. Sa ngayon ay si Nanay ang nag-aalaga sa kaniya sa bahay pero kailangan niya rin ng pahinga kaya ako ang papalit sa kaniya mamaya pagkauwi ko.
"Pass. May gagawin ako sa bahay," sagot ko.
"Ano?"
"May sakit si Thunder. Kailangan kong alagaan yung bata, okay?"
"May maitutulong ba ako?"
"Ipagdasal mo na lang ang kalusugan niya at saka matulog ka ng maaga. Halatang-halata na lagi kang kulang sa tulog," suhestiyon ko habang itinuturo ang ilalim ng mga mata niya. Ngunit kahit na ganoon, guwapo pa rin ang hinayupak.
"Alright then, see you tomorrow my pretty babe," paalam niya nang tumapat na kami sa gate ng bahay. Mabilis siyang yumuko at inalis ang distansiya namin hanggang sa maramdaman ko ang mabilis na paglapat ng labi niya sa'kin.
Pagkatapos ay nanggigil na ginulo ang buhok ko. Matamis ang pagkakangiti ni gago habang nakatingin sa'kin.
"Pasok ka na," aniya. Hindi na ako nagsalita pa at sinunod na lang ang sinabi niya. Palagi na lang akong nawawalan ng mga sasabihin kapag umaatake ng ganoong galawan ang Ivan na 'to eh. Nawawala na ang kaangasan ng isang Kipay Tigasin.
***
Kinabukasan, maaga akong nagising at nagwalis sa harapan ng bahay namin. Habang abala ako sa pagsusunog ng mga dahon na aking naipon ay siya namang paglitaw ni Moy sa harap ng gate. May dala-dalang tupperware at halatang kagigising lang dahil sa magulo nitong ayos at buhaghag na buhok.
Napangiwi ako't napaubo nang malanghap ko ang usok na biglang hinangin papunta sa'kin.
"Pagkain ba 'yan?" untag ko nang mapagbuksan siya ng gate.
Sumimangot ito. "Ginataang tilipia 'yan, kahapon ko dapat ibibigay kaso nakalimutan ko. Nga pala, ano iyong nagsagap kong impormasyon na nililigawan ka ng kapitbahay mo?" aniya na parang imbestigador kung makatingin sa'kin.
"Saan ka naman ng nakasagap niyan?" tanong ko pabalik.
"Wala, riyan lang sa gilid-gilid. So, ano nga, totoo ba?" balewala niyang sagot at muling nangulit.
Wala na akong nagawa kun'di ang tumango habang ipit-ipit ng aking kili-kili ang walis tingting habang hawak-hawak ko ang tupperware na inabot ni Moy. Nakita ko kung paano namilog at namangha ang reaksyon ni Moy.
"Puta. May himala nga. Totoo ang sinabi ni Mommy Nora Aunor. Totoo ang himala! So, kayo na?"
"Tanga ka ba? Nangliligaw pa nga lang, 'di ba?" aburido kong sabi. Sarap talagang isama 'to sa sinusunog kong basura e.
Tiningnan niya ako na para bang isa ako sa mga pinakasinungaling na tao sa buong barangay Talak.
"Kahit na may kissing scene kagabing nangyare?"
"At nasagap mo rin ba 'yan sa gilid-gilid ha?"
"Hindi. Ako mismo ang nakasaksi sa karumaldumal na nangyare kagabi dito. Bebe Ivan mo na ba siya ngayon?" tanong niya habang nakapatong ang kamay sa gate at nakasalong babang nakatingin at naghihintay sa'kin.
"Hindi pa," maiklis kong sagot.
Naningkit ang mata niya.
"Hindi pa? So may balak kang gawin siyang bebe?"
Nagkibit balikat ako dahilan para hampasin niya ang noo ko.
"May itinatago ka pa lang kalandian sa katawan. Nagpustahan pa naman kami nina Isdalia at Hopia na matutuluyan kang maging tomboyshi e," nakangiwi niyang pag-amin.
Ako naman ngayon ang tumulak sa noo niya. "E, mga hayop pala kayo e!"
Tumatawa siyang humingi ng sorry pero mabilis din siyang sumeryoso.
"Nga pala, hindi naman sa sinisiraan ko ang soon to be bebe boy mo pero parang nakita ko siya sa police station kahapon na pumasok sa loob ng chief office. Ano bang trabaho niyang si Ivan, ha?" ani niya.
"Sa police station? Kailan?" Taka kong tanong.
"Noong isang araw lang. Muntik ko na ngang hindi makilala ang bebe boy mo, dahil naka-all black ang attire," sagot ni Moy.
Napatahimik at nawala ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa sinabi ni Moy. Paano kaya kung tanungin ko siya mamaya? Katotohanan ba ang isasagot niya sa'kin?
Hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay sa'yo ang tiwala't puso ko Ivan. Nakakalito. Ngunit bahala na.
***
End of Chapter 12 | HakinNeja
•First update for year 2023. Sana matapos ko na ito before summer starts❤ Btw, please enjoy ready and do votes and comment. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro