Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Kinleigh Paloma Tigasin

***

Nakakawala talaga ng kaangasan ang lalaking 'to. Hamak ba namang sadyain ako rito sa palengke para lang ibigay ang napitas niyang gumamela malapit sa bakery shop ni Hopia.

Hindi ko alam kung anong itsura ko nang ilagay niya sa tainga ko ang bulaklak. Siguro mukha akong tangang nanlaki ang mata habang gulat na gulat sa ginawa niya.

Kasabay nang gulat ay ganoon din ang pagbilis nang pagtahip ng dibdib ko. Kahit ngayon na mataman itong nakangiti habang nakatitig sa buo kong mukha.

Naco-conscious na nga ako sa itsura ko. Pawisan at walang suklay ang buhok na basta ko na lang pinuyod.

"You look more beautiful with that flower, my lady Kinleigh," anas nito dahilan para mapakurap siya nang ilang beses. Inaasahan niya na ang mga papuri nito, kasi kapuri-puri naman talaga ang kagandahan niya. Iyon nga lang ay, bakit ang OA magreact ng internal organs niya sa simpleng salita ni Ivan.

Kahit ang kakaiba kong nararamdaman kapag naandiyan ang lalaki ay nagpapagulo ng isip ko. Kahit kailan ay walang sino mang lalaki nagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Tanging ang lalaking lang na ito, na kung tutuusi'y hindi ko naman siya lubos na kakilala.

Napaismid ako at itinago ang kakaibang nararamdaman. Nang makabawi ay mabilis kong inalis ang bulaklak sa tainga.

"Basta-basta mo na lang nilagay sa tainga ko! Pa'no kung may langgam pa?" kunwari ay inis na saad ko bago tinapon ang kawawang bulaklak sa basurahan.

Saglit na nabura ang munting ngiti sa labi ni Ivan sa ginawa ko ngunit ilang sandali lang ay muli itong ngumiti sa akin. Mukha siyang baliw.

"I'd already inspect that flower before giving it to you. No need to worry, lady Kinleigh," anito. Napalunok ako at mahinang tumikhim.

"Bakit ka nga pala nagpunta rito? 'Di ba, nagtuturo ka?" pag-iiba ko ng usapan.

"Well, I'm just a substitute teacher and the original teacher was already back. Besides, my job is not really teaching," aniya.

"Ano ba'ng talagang trabaho mo?" mabilis kong tanong.

"Ang trabaho ko ay isang sikreto pero kung gusto mong malaman, I will tell it to you at my home," nakangiti niyang sagot. Napangiwi ako at inirapan siya. Bakit kailangang sa bahay niya pa, kung puwede naman na rito na lang.

"Bahala ka. Hindi ako interesado. Alis na," pagtataboy ko. Mahina siyang natawa at sumusukong gumilid habang may kung anong kinukuha sa bulsa ng pantalon niya.

"Come at my home later. I will give this back to you," nanliit ang mata ko sa bagay na nasa palad niya. Nang masuri ko nang mabuti ay nanlaki ang mata ko.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Teka, bakit nasa kaniya 'yon.

"P-paanong—" hindi ko nagawang matapos ang itatanong ko dahil bigla na lang siyang tumalikod at nagalakad palayo.

"T-teka! Hoy, bakit nasa 'yo ang kuwintas ah?" Hindi niya ako nilingon. Napapadyak ako sa inis at sinamaan na lang ng tingin ang papalayo niyang likod.

Kaya pala hindi ko mahanap kahit ano'ng gawin kong paghalughog sa kuwarto at bahay dahil nasa kaniya pala. Pero bakit kaya nasa kaniya 'yon?

Hindi bale, pupunta na lang ako mamaya at ipapatikim ko sa kaniya ang kamao ko. Gagong 'yon.

"Kips, nakita mo sina Rumi at Juday?" napaangat ang tingin ko kay Marisol na bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Bakit ba?" tanong ko.

"Ilang linggo na kaya silang wala rito. Hindi mo man lang napapansin?" aniya.

"Talaga ba?" Ibig sabihin ilang linggo na ring nasasakop ng Ivan na 'yon ang utak ko na kahit ang mga kaibigan ko ay nakalimutan ko na. Hanep. Tinamaan na yata ng lintek.

"Baka naman nagbakasyon lang. Huwag kang OA, hindi bagay sa'yo."

"Ewan ko sa'yo, bahala ka r'yan. Alis na 'ko!" hindi pa ako nakakasagot ay nakatakbo na ito palayo. Nagkibit balikat na lang ako at muling bumalik sa paglilista ng mga benta.

***

Pasado alas-dose na ako ng tanghali nakasundo sa mga pamangkin ko. Pagkatapos ko silang masundo ay nagluto muna ako ng tanghalian namin bago ako naligo.

Naglinis din ako sa buong bahay at pagkatapos ay umidlip ako ng kaunti. Pero madilim na sa labas nang magising ako. Pupungas-pungas ang mata ko habang naglalakad palapit sa kuwarto ng tatlo. Nang makita ko na tulog na tulog pa ang lahat ay bumaba na ako para magluto naman ng hapunan at magsaing.

Saktong pagkatapos kong maghain ay ang siyang pagdating nina Tatay at Nanay. Magkakasalo kami kumain habang panay ang kuwentuhan. Sa sobrang dami ng kanilang kuwento, muntik ko pang makalimutan na kukunin ko nga pala ang matagal ng nawawala sa'kin na nasa kapitbahay lang pala.

"Punta lang ako sa kapitbahay, Nay," paalam ko habang inaayos ang buhok. Naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint sa labi. Ilang minuto ang lumipas bago ko narealized ang ginawa ko.

Tangina. Bakit kailangan pang nakapolbo at liptint, Kinleigh?! Mahina kong tinuktukan ang sarili.

"Pupunta ka rin naman pala roon ay maigi pa na dalhin mo ito sa kaniya," napalingon ako kay Nanay na may bibit na plastic bag.

Kumunot ang noo ko bago binuklat upang silipin kong ano'ng laman noon. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa magaling kong nanay.

"Nasaan ang para sa'kin?" untag ko.

"Akala ko ba hindi ka mahilig sa mangga?" tanong pabalik ng magaling kong ina.

Sumimangot ako. "Sinabi ko lang na hindi ako mahilig pero kumakain ako ng mangga, hayst," padabog akong lumabas ng bahay.

"Mas paborito pa yata nila itong guwapong kapitbahay na 'to kaysa sa'kin na anak nila. Lintek na 'yan," pabulong-bulong kong reklamo hanggang sa marating ko ang pinto ng kabilang bahay.

Malakas akong kumatok ng apat na beses. Wala pang isang minuto'y bumukas na ang pinto kasabay ng pagbungad ni Ivan na bumabalandra na naman ang katawan.

Napailing ako bago inabot ang plastic na hawak. Nagtataka niya iyong kinuha at tiningnan.

"Oh, mangoes."

Ngumuso ako bago nilahad ang kamay sa kaniya.

"Oh about the necklace, come inside," nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto habang matamang nakatingin sa'kin.

"Puwede bang ibigay mo na lang sa'kin? Dami mong dama, ayokong pumasok sa loob," mataray kong litanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay tinawanan pa. Nakakainis na.

"Let's eat this manggo before I give it to you," aniya. Naiinip ko siyang tiningnan sa mata. Hindi ba niya napapansin na pinagpapawisan na ako dahil sa nakabalandra niyang katawan.

"No, thanks. Ayoko ng mangg—ay puta! Ano ba?" inis ko siyang sininghalan at sinuntok dahil basta niya lang akong hinila papasok sa loob ng kaniyang bahay.

"Stay there. Ihahanda ko lang 'tong mangga." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Magaling na lalaki. Malapit ko na siyang sampalin ng durian kahit wala akong hawak.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya na may dala-dalang pinggan. Umingos ako bago umupo dahil hinila na naman niya ako.

Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa mga manggang hiniwa niya at talagang may isang tinidor pa. Ang arte naman nito kumain ng mangga.

"Bago ko pa makalimutan, here," inabot niya sa kamay ko ang kuwintas na matagal ko ng hinahanap.

"Paano ba 'to napunta sa'yo?"

"Kinuha ko sa'yo."

Kumunot ang noo ko, nagtataka.

"Paano?"

Tumusok muna siya ng isang hiwa ng mangga bago sumagot. "I took it when you were drunk."

"Bakit mo ba kinuha?" tanong ko ulit.

"I just want to make sure that it was safe and see if I can get an evidence with it," kibit balikat niyang sabi.

Nagkabuhol-buhol na yata ang pag-iintindi ko sa sinagot niya. Ang labo, mas malabo sa kanal.

"Hindi kita gets, bahala ka nga." Akma akong tatayo pero mabilis na naman niya akong pinigilan.

Masasampal ko na talaga 'to. Nababother na ako sa katawan niyang halos ilapit niya na sa mukha ko. Piste naman oh.

"Look, Kinleigh, gusto kita. I dunno when did I start liking you but one thing for sure that you are important to me, now. Siguro ginayuma mo ako kaya ganito ako kahit minsan lang kitang makausap at makita," tingnan mo, nangbintang pa.

"Dami mong ebas. Eh ako, itatanong mo ba kung gusto kita? Hindi. Iyon na ang sagot, okay?" umingos ako. Neknek niya, hindi ko sasabihin na may gusto rin ako, 'no. Ano siya diamond?

Tumayo na ako at inayos ang sarili. "Uuwi na ako. Salamat sa pagbalik kahit hindi ko nagets ang rason mo kung bakit mo 'to kinuha sa'kin," napapikit ako nang mariin nang hawakan niya ang kamay ko.

Lumingon ulit ako sa kaniya.

"Hindi mo man lang ba titikman ang mangga, it's sweet and delicious."

Napabuntong hininga ako at kinuha ang tinidor sa kamay niya. Kaso nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo at pagkuha ng tinidor sa kamay ko. Nagtataka ko siyang tiningnan habang kumukuha siya ng mangga.

"H-Hoy, huwag mong sabihin na gusto mo pa akong s-subuan?" pagsaway ko nang makaharap siya sa'kin.

"Yeah, I'll gonna feed you para malaman mo na masarap ang mangga," mahina niyang sabi. Napataas ang kilay ko at napalunok. Bakit ba ang lapit ng katawan niya sa'kin? Naiinitan na ako, puta.

"Malalaman ko pa rin naman na masarap kahit ako ang magsusubo para sa sarili k—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sinubo niya sa kaniyang bibig ang kinuhang mangga.

Buwesit na 'to, siya naman pala ang kakain. Pinakaba pa ako. Padabog ko muling kinuha ang tinidor sa kamay niya at akma na sana akong kukuha ng mangga nang hawakan niya ang magkabila kong balikat at sapilitang pinaharap sa kaniya.

"Bak—hmmm!"

Mabilis niyang nailapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Para akong kinuryente ng ilang milyong boltahe habang gumagalaw ang labi niya sa labi ko.

Naging blanko ang isip ko at napahawak na lang sa kamay niya. Mas lalo niyang diniin ang sarili sa'kin kasabay nang paglalim ng halik niya.

Nangilabot ang buo kong katawan nang maramdaman ang dila niya na tinulak ang mangga papunta sa'kin. Napamulat ako dahil doon.

Tuloy-tuloy ang paghalik niya habang nakadilat ako. Ilang sandali pa ay tumigil na siya at bahagyang lumayo.

"How did it taste? Masarap?" pabulong niyang tanong. Nanatili akong nakakapit sa mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Yung m-mangga?" kukurap-kurap kong tanong.

"Oo," nakangiti niyang tango.

"Hindi ko n-nalasahan," sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Really? You should taste it again," napatingin ako sa kaniya nang kunin niya ang plato at kumuha ng mangga.

Umaasa akong isusubo niya iyon muli sa kaniya pero inilapit niya sa bibig ko. Hindi naman sa dissapointed ako pero, tsk.

Kahit ayokong magpasubo ay kinain ko rin.

Ang lapit pa rin niya sa'kin. "Masarap?"

Napipilitan akong tumango para matapos na 'to. Tapos na ang panggugulat niya.

"Patikim ako," bago pa ako makasagot ay muli niyang sinunggaban ang labi ko.

Dahil sa gulat ay napaawang ang labi ko kaya mabilis niyang nalakbay ang buo kong bibig.

Hinihingal akong napatingin sa kaniya nang pakawalan niya ako.

"You're right masarap nga, lady Kinleigh..." mahina niyang anas bago muling hinalikan ang labi ko.

"Nakakailan ka na," reklamo ko sa gitna ng halikan namin.

"Ipaalala mong sasampalin kita ng durian bukas," banta ko habang patuloy pa rin kami sa halikan.

"Alright. I'll stop."

Stop daw pero mas lalong lumalim yung halik.

***

End of Chapter 11 | HakinNeja

A/N: Long time no updates! Been busy with my work and social life. Btw, hooe you enjoy this chapter;-)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro