Chapter 10
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Kakatapos ko lang malinis ang buong bahay bago ko naalalang dadalhin ko pa pala ang itinabi kong minatamis na saging na saba sa bahay ni Ivan.
Sa totoo lang ay nagdadalawang isip talaga akong magdala sa bahay niya. Pero pakiramdam ko'y kailangan niya ang pagkain na 'to. Feeling ko kasi may pinagdaraanan siyang kinikimkim lang niya para sa sarili. Feeling concern na naman tayo, Kipay.
Habang papalapit sa bahay niya ay unti-unti akong kinakabahan. Hindi ko nga rin alam kung bakit, siguro ay dahil sa sinabi niya at nangyare kagabi.
Nang tumapat na ako sa pinto ay saglit akong tumigil para huminga nang malalim saka tuluyang kumatok. Nakailang beses na katok ako bago nabuksan ang pinto.
Pigil ko ang hininga nang tumambad sa'kin ang hubad niyang pang-itaas na katawan. Bahagya pang nanlaki ang mata ko at dalawang beses na napakurap.
"Lady Kinleigh, may sasabihin ka ba?" Kinaway niya ang kamay sa tapat ng mukha ko.
Napapahiya akong yumuko bago inabot ang tupperware na hawak-hawak. Kagat ko ang ibabang labi habang nakayuko at habang nakapikit nang mariin.
Inaakit niya ba 'ko gamit ang katawan niya?!
"Kinleigh, are you okay?" untag nito dahil nanatili akong nakayuko.
"Ha? Oo," mabilis kong sagot saka tumunghay at nagpeke ng ngiti sa harap niya.
Bahagyang nakakunot ang noo niya habang tinititigan ang buo kong mukha. Napataas ang sulok ng labi ko habang nakatitig sa noo niya.
Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ngayon, masyadong mahina ang tuhod ko para suportahan ang sarili. Bakit ba ang hilig niyang manitig? Tusukin ko kaya ang mata niya?
Malakas akong tumikhim at saglit na nag-iwas ng tingin bago ko inabot sa kaniya ang dala kong tupperware na naglalaman ng minatamis na saging na saba. Para akong kinuryente nang dumapo ang isang daliri niya sa kamay ko. Nagugulat akong napalayo sa kaniya.
"Okay ka lang ba, Lady Kinleigh? Your lips is pale," untag nito. Wala sa sarili akong napahawak sa labi bago napatingin sa kaniya.
"Anemic kasi ako," palusot ko. Gusto ko ng umalis pero ayaw makisama ng mga paa ko. Ano ba 'to? Malandi na ba ako nito? Ginayuma yata ako ng Ivan na 'to.
Tumango-tango siya sa sinabi ko bago marahang ngumiti. Nagkasalubong ang kilay ko nung lawakan niya ang pagkakabukas ng pinto.
"Come in," nakangiti niyang pagyayaya.
Isang ngiwing-ngiti ang namutawi sa labi ko habang nag-iisip ng puwedeng dahilan para tumanggi. Kaso wala na akong nagawa dahil siya na mismo ang humila sa'kin papasok sa loob ng bahay niya.
Kung iba siguro ang gumawa nito sa'kin, kanina pa nakatanggap ng sipa at suntok sa'kin. Pero dahil si Ivan na may kakaibang epekto ang gumawa ay para akong tuod na nagpatianod lang. Nakakahiya sa kaangasan kong pinagyayabang palagi sa plaza.
Pero alam kong wala akong gusto sa kaniya, medyo nakaka-awkward lang dahil kakaamin lang niya sa'kin noong isang araw tapos ito't nandito ako sa bahay niya. Kung makangiti at makipag-usap ay parang hindi nangyakap at umamin sa'kin.
Hindi ba dapat siya ang nahihiya at naa-awkward kasi siya yung umamin? Bakit parang baliktad?
***
Napahinga ako nang malalim habang nagpapatas ng mga gulay sa tindahan. Simpleng green tshirt at maong na tokong lang ang suot ko habang may belt bag na nakasabit sa baywang.
Matumal ang bentahan ngayon kaya medyo nabuburyong na ako. Maghapon pa naman akong magbabantay dahil umalis sina Nanay at Tatay para ipacheck ang tatlo na sabay-sabay nagkalagnat.
Pagkatapos kong maipatas ang mga gulay, pabagsak akong umupo sa monoblock at saka humalukipkip at pumikit. Kaso sakto rin naman na may dumating na customer.
"Ano po ang sa—" napatigil ako nang makita ko kung sino ang dumating.
Si gagong Vincent pala, kasama ang anak niyang walang ngipin.
Sumama kaagad ang timpla ng mukha ko at aburidong tumayo. "Ano'ng bibilhin niyo?" taas kilay kong tanong.
Napailing-iling si Vincent na para bang dismayado sa pinapakita kong ugali. Psh, ang kapal ng apog ng gunggong na 'to. Gripuhan ko kaya ang tagiliran niya. Kung masama lang talaga akong tao, baka matagal ko ng ginawa 'yon.
"Mabuti naman at nagagawa mong maging mabuting ama kahit may tatlo kang anak na tinanggihan?" sarkastiko kong sambit habang binabalot ang binili niyang prutas at gulay.
Marahas siyang napabuntong hininga bago humugot ng wallet sa bulsa.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi sa'kin ang triplets? Ni isang beses, walang nangyare sa'min ng kapatid mo. Nagtatanim ka ng galit sa'kin nang walang katuturan ang dahilan," aniya. Muntik ko nang ibato ang durian sa kaniya, mabuti na lang nakapagtimpi pa ako.
Mapang-asar akong ngumisi. "So, ibig sabihin, niloko ka ni ate at nakipagtalik sa iba habang kayo pa? Tangina mo pala e," taas kilay kong saad.
Kumukulo na ang dugo ko sa buwesit na 'to. Inis kong hinawi ang invisible bangs na mayro'n ako. This shit is getting in my nerves.
"Kinleigh, matagal ko ng kinalimutan ang ate mo, kinalimutan ko na rin kung niloko niya ba ako o hindi. May pamilya na ako, matanda ka na, maging akma sana ang ugali mo sa edad mo," mukha siyang nagtitimpi habang diretsong nakatingin sa'kin.
Napasinghal ako't napatingin sa anak niya.
"Sa susunod na makita ko ulit 'yang Tatay mo, mawawalan ka na ng Daddy," malademonyo akong ngumiti sa bata dahilan para mapatago ito sa likod ng kaniyang ama.
"Kinleigh!" malakas na sigaw ni Vincent. Taas kilay ko siyang binalingan.
Ikinuyom ko ang aking kamay habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kaniya.
"Kapag nakita ulit kita, hindi na ako magtitimping ihampas sa'yo ang durian na 'to," mariin kong wika. Saglit siyang napatingin sa durian na malapit bago muling tumingin sa'kin.
"Kahit ano'ng gawin kong paliwanag sa'yo, hindi mo pa rin naman maiintinidhan dahil sarado 'yang isip mo." Huli niyang sabi bago umalis. Nagkasalubong ang kilay ko habang nakasunod ang tingin sa kaniya.
Sarado ang isip? E kung 'yong bibig niya ang isarado ko? Psh.
Pasado alas-cinco na ako nakapagsarado ng tindahan at nakaalis. Dumeretso ako sa bakery shop ni Hopia para umutang ng tinapay at iyon ang kinakain ko habang naglalakad pauwi.
Pagkauwi ko, naabutan ko ang tatlong biik na nanunuod ng paborito nilang cartoons. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisnge bago hinanap si Nanay para itanong kung kumusta ang naging check up nila.
Sabi niya sa'kin, wala naman daw sakit ang tatlo, nilagnat lang daw dahil nagpaulan noong isang araw. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong wala naman palang problema sa mga pamangkin ko.
Umakyat na ako sa kuwarto ko para maglinis at magbihis. Nakatapis ang tuwalya sa buo kong katawan habang naghahanap ng pambahay na puwede kong maisuot. Habang abala ako sa paghahanap, bigla kong naramdaman na para bang may nanunuod sa'kin.
Nanlaki ang mata ko nang maalalang nakalimutan ko palang isarado ang bintana na nakatapat sa kuwarto ni Ivan. Bigla tuloy akong napalingon sa bintana. Bukas na bukas nga ang bintana ko pero iyong kay Ivan naman ang nakasarado. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at binilisan ang pagbibihis.
Hindi na ako nag-abala pang isarado ang bintana. Umikot-ikot ako sa buong kuwarto pagkatapos magbihis, nagbabasakaling mahanap ko iyong kuwintas na binigay ni ate Bea. Kaso kalahating oras na akong naghahanap pero wala talaga akong makita.
Pinunasan ko gamit ng kamay ang pawis na namuo sa noo at leeg ko habang papalapit sa bintana. Isasarado ko na kasi dumidilim na kaso bigla-biglang bumukas ang bintana sa kuwarto ni Ivan dahilan para mapatalon ako sa gulat.
Napahawak ako sa dibdib habang nakatingin sa nagtataka niyang mukha.
"Good evening. How's your day?" nakangiti niyang tanong nang mapagtantong ako ang nakikita niya. Iyan na naman tayo sa ngiting nakakapanghina ng tuhod e.
"Bakit mo tinatanong?" kunot-noo kong tanong pabalik. Kunwari walang epekto ang presensiya niya kasi nga maangas lang dapat ako.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sabi. Para na nga akong masisilaw sa puti ng mga ngipin niya e.
Tinawanan niya pa ako nang mahina. "I was just asking how was your day?" aniya.
"Bakit nga gusto mong malaman?" pag-uulit ko kasabay nang paghalukipkip dahil biglang humangin.
Napakamot siya sa batok at saglit na nag-iwas ng tingin.
"Because I like you, okay. That's why I asked you," sagot naman niya.
Pinigilan ko ang sariling ngumiti sa harap niya. Bakit parang lumundag ang puso ko sa sinabi niya? Teka nga, may gusto ba ako sa kaniya? Ey! Iling-iling. Imposible.
"Wala naman kakaibang nangyare bukod sa nagtinda ako sa palengke buong maghapon. Saka bakit ba nakahubad ka ng damit? Hindi ka ba nilalamig?" angil ko dahil nakabalandra kaya sa harap ko ang pandesal—abs niya. Buwesit, nagagaya ko tuloy ang mga sinasabi nina Maria at Rumi.
"Ayaw mo na bang tingnan?" tanong niya.
Napataas ang kilay ko at napaismid. Gagong 'to.
"Pinagsasabi mo r'yan? Ang dami-dami ko ng nakita na mga ganiyan sa palengke. Pare-parehas lang naman ang itsura niyan," tanggi ko kahit na kanina pa ako naiilang sa naka-exposed niyang katawan.
"Mas marami ba ang kanila?" tanong niya habang nagsusuot ng tshirt sa harap ko.
"Mas marami ang alin?" taka kong tanong pabalik.
Napatingin ako sa katawan niya nung walang habas niyang tinaas ang tshirt para ipakita na naman ang katawan niya.
"Do they have six pack abs, too?"
Napangiwi ako. "Aba malay ko. Hindi ko naman para bilangin ang abs nila."
Napangisi siya sabay sabing, "good girl."
***
End of Chapter 10 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro