Chapter 1
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Gara ng mata mo ah, hindi kumukurap habang nakatingin sa dibdib ko," puna ko sa manyakis na si Burnok. Tumawa at nagkagat labi lang ito sa sinabi ko. Parang hindi natakot sa seryoso at nagbababala kong boses.
Hindi siya natinag at ang kapal pa ng mukha para lumapit sa akin at walang sabi-sabing umakbay. Kinuyom ko ang kamay ko at pinalobo ang kaliwang pisnge gamit ang aking dila. Wala pang ilang segundo'y napatayo na si Burnok habang sapo-sapo ang kanan niyang pisnge.
Napangisi ako. "Tigas ulo ka rin, 'no?"
Sinamaan ko siya ng tingin at muling inambaan ng suntok dahilan para mapa-atras ito at mapailag habang ang braso'y nakaharang sa kaniyang mukha.
"Ha! Duwag ka rin pa lang gago ka eh. Lumayas ka nga sa paningin ko, tsupe!" pagtataboy ko saka muling umayos ng pagkakaupo.
Nandito ako ngayon sa bakery shop ni Hopia, tumatambay. Kakagaling ko lang sa palengke at mamaya pa naman ang uwian ng tatlo kaya naisipan kong tumambay muna rito at mangungutang na rin.
"Hanep ka talaga, Kips. Lakas mo pa rin manapak ng ganoong mukha," namamanghang komento ni Maria na kararating lang. Pawisan at amoy malansa. Mukhang kagagaling lang niya sa palengke. Nagtitinda rin kasi ng mga isda itong si Maria eh.
Mayabang kong pinagpagan ang kaliwang balikat at ngumisi sa kaniya.
"Hindi ka pa rin sanay sa lakas ko?" pagmamayabang kong sabi.
Naiiling na ngumiti si Maria bago tuluyang tumabi sa'kin. "Nasa'n si Hopia?" tanong nito.
Bago ako sumagot ay dumi-kuwatro muna ako, "nasa loob. Ayaw magpautang, ampota."
Masama talaga ang loob ko ngayon kay Hopia. Uutang sana ako ng isang putok dahil natakam ako nang makita ko iyon na naka-display pero nung sabihin kong uutangin ko'y bigla niyang inalis at itinago. Mabibigyan ko talaga siya ng pektus sa esophagus niya mamaya.
"Ang haba na yata ng listahan mo sa kan'ya, Kips. Bayad-bayad din 'pag may time!" pang-aasar pa ni Maria dahilan para mapa-ismid ako.
"Ulol. Mas mahaba 'yong lista mo kaysa sa'kin. Tanga," balik asar ko sa kaniya, na siyang tinawanan lang ng babae.
Ilang minuto pa kaming nag-asaran at chismisan ni Maria nang dumating Moy na may dala-dalang bilao. Nang makita niya kami'y saglit pa siyang tumigil upang kumuha ng kinakain namin na inutang namin sa bakery shop ni Hopia. Iyon lang ang ginawa ni Moy at umalis din.
Kasunod naman na dumating ay si Rumi. Nakabuntot sa kaniya si Burnok na sinamaan pa ako ng tingin habang sapo-sapo ang bahagi ng pisnge na nasuntok ko. Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.
"May buntot ka na naman pala, Rumi. Gusto mo ba putulin ko 'yan?"
Umismid si Rumi at saglit na nilingon ang lalaki na kaagad naman na ngumiti at inalis ang kamay sa pisnge.
"Kaya mo ba? Kanina pa 'yan sunod nang sunod sa'kin," aburidong wika ni Rumi saka kumuha ng tinapay na nasa gitna namin ni Maria.
"Minsan naaawa rin ako kay Burnok kasi palagi mo na lang nasusuntok ang mukha niya," sabi naman ni Maria na may tangan-tangan sa kaniyang bibig habang nakatingin kay Burnok at saglit na tumingin sa amin ni Rumi.
Pagkatapos ay nagkibit balikat siya. "Pero deserve naman niya," dugtong pa niya.
Kunwari akong nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. "Kinabahan ako sa'yo Maria! Akala ko tuluyan ka ng bumait," ma-emosyon kong sinapo ang dibdib ko.
Magkakasabay kaming tumawa nang padabog na tumalikod at umalis si Burnok. Nag-apir kaming tatlo habang pare-parehas na ngumunguya.
"Nakakatawa talaga maasar ang manyak na 'yon. Sarap sampalin ng esophagus niya," komento ko pa na mabilis na tinanawanan ng dalawa.
"Ako, kahit pasampal na lang sa cerebellum niya," ani naman ni Maria kasabay nang muling tawanan namin.
"Pero maiba tayo ng usapan. Hoy, Kips!" Napaubo ako nang dagukan ako ni Rumi. Saktong isusubo ko pa lang sana ang putok na tinapay. Natapon tuloy ang kawawang putok.
"Tangina naman Rumi, sa'min nakalista 'to eh!" naiinis kong singhal sa kaniya. Nagpeace sign lang ang gaga bago pinulot ang tinapay at basta na lang sinaksak sa bunganga ko.
Kaagad na umalingawngaw ang malakas na tawa ni Maria dahil sa nasaksihan at mabilis ko naman hineadlocked si Rumi bago pa siya makatakas sa'kin.
"Ack— 'di ako makahinga, Kips... ackk gago!" Pinalo-palo niya ang braso ko kaya binitiwan ko na siya. Baka umiyak pa eh.
Umubo muna si Rumi at binigyan pa ako nang isang malakas na sapok. Muntik pa nga akong mapasubsob kung hindi lang nahuli ni Maria ang kamay ko.
"Rumi naman!" sita ko.
"Teka, may ichi-chika nga kasi ako kaya pumunta ako rito eh! Kung saan-saan na umabot ang pinaggagawa natin eh!" iritable niyang malakas na sabi. Saglit pa siyang uminom ng tubig at huminga nang malalim.
"So ayon na nga, nakilala mo na ba 'yong bago niyong kapitbahay Kips?" tanong nito sa'kin. Bigla tuloy bumalik sa utak ko ang nangyari kagabi.
Iyong unti-unting pagdaloy ng patak ng tubig mula sa kaniyang buhok, papunta sa katawan niya'y malinaw na malinaw ko pang naalala ngayon.
Ito nga ang malaki kong ipinagtataka ngayon. Marami na akong nakitang may ganoong katawan, ang iba pa nga'y mas matigas ang matikas sa kaniya, pero sa hindi ko malamang dahilan ay kakaiba ang dating niya sa'kin.
Hindi ko alam, hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin ako sa sarili ko. Marami na rin akong nakitang mas guwapo pa sa kaniya pero bakit parang mas nangingibabaw ang pagkaguwapo niya para sa'kin?
Argh, hindi ko na alam. Mula pa kagabi ay ay gulong-gulo na ako dahil alam kong hindi ako nagkakagusto sa mga lalaki at kahit kailan ay hindi iyon mangyayare.
"KIPAY!"
"Ay lalaki!"
Magkasabay na nanlaki ang mata nina Maria at Rumi dahil sa sinigaw ko. Magkasabay din silang tumingin sa'kin nang may pagdududa sa mga mata nila.
"Ang aming Kips ba ay umiibig na?" tinaasan ako ng isang kilay ni Maria. Napangiwi ako habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ano ba kayo! Nagulat lang ako at saka kasi lalaki 'yong kapitbahay namin kaya 'yon ang nasabi ko," pagpapalusot ko na mukhang hindi nila pinaniniwalaan.
"Guwapo ba? May pandesal ba?" taas-baba ang kilay na tanong ni Rumi nang may nakakalokong ngisi sa mukha.
"Gusto niyong pandesal?" Tatlo kaming napalingon kay Hopia nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ni Rumi. May harina pa ang pisnge at buhok niya habang may pagtatanong sa mukhang nakatingin sa'min.
Tumaas ang kilay niya nung walang nagsalita sa aming tatlo. "Ano? Uutang ba kayo ng pandesal? Mayro'n akong iba't ibang flavor, ube, cheese at chocolate. Ano bibili ba o utang na naman?" tanong pa niya.
"Hopia?" Maria.
"Oh?"
"Balik ka na sa bakery shop mo. Bukas na lang kami bibili ng cheese pandesal mo," pekeng ngumiti si Maria.
Muling tumaas ang kilay ni Hopia bago niya kami tiningnan isa-isa. "Nagchichismisan kayo, 'no? Ano'ng narinig kong pandesal, iyon bang hilaw na kulay brown?"
Nagulat ako nang biglang pumalakpak si Rumi at idinuro si Hopia. "Tumpak, girl. You've got it right!"
***
Napatigil ako sa pagwawalis sa bakuran namin nang mapansin kong bukas ang pinto at mga bintana ng kapitbahay namin. Saglit kong iniwan ang walis na hawak at humakbang palapit sa bakod na palatandaan kung hanggang saan ang lupa namin.
Humaba ang ang leeg ko para lang masilip ang nasa loob ng bahay ngunit wala akong nakita kun'di ang sala at isang bouquet ng bulaklak.
"Mukhang mamahalin 'yong bulaklak ah," bulong ko sa sarili at wala sa sariling napatingin sa suot ko.
Isang malaking t-shirt na may print na mukha ni peppa pig ang suot ko ang ang bigay na jersey short ni Gani sa'kin. Basta ko lang din ipinuyod ang buhok ko nang magising ako kaninang alas-kuwatro ng madaling araw.
Alas-sais pa lang ng umaga pero maliwanag na ang buong kapiligiran. Linggo ngayon kaya rest day namin. Nakasanayan na kasi nina Nanay at Tatay na huwag magtinda sa arawng linggo dahil magsisimba kami at pahinga na rin.
Pero nakakapagtaka na halos lahat ng pinto at bintana ng kapitbahay namin ngayon ay nakabukas. Samantalang kahapon ay halos ayaw pasinagan ng sikat ng araw ang loob.
"Hoy, Kips! Anong ginagawa mo?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin na si Moy.
Nakapangalumbaba pa ito habang nakapatong ang dalawang siko sa taas ng gate namin na hanggang baywang lang ang taas. Mukhang kakagising lang ni gaga at dito agad dumeritso.
"Nakapagtoothbrush ka na ba?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya.
Tumaas ang kilay niya. "Importante pa ba 'yon?" aniya. Nagkibit balikat ako.
"Eh bakit ka ba nandito? Ang aga-aga pa," napakamot ako sa'king ulo at labag sa loob na lumapit sa kaniya.
"Naamoy ko kasi ang lutong arozz caldo ni Aling Kely. Hihingi sana ako, Kips," aniya at nagbeautiful eyes sa harap ko. Napangiwi ako't hindi makapaniwala sa nakikita at sa ginagawa niya.
"Itigil mo 'yan, masasapak kita, Moy."
Bigla siyang sumeryoso at tumingin sa likuran ko.
"Oy, 'yon ba 'yong kapitbahay niyo?! Akala ko ba lalaki?" sabi niya habang nakatitig sa bandang likuran ko.
Kumunot ang noo ko kasabay nang paglingon sa tinitingnan niya. "Pinagsasabi mo?"
"Ang ganda pala ng kapitbahay niyo, Kips. Mukhang diwata," papuri ni Moy sa babaeng nasa tapat ng pintuan ng kapitbahay namin.
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman iyon ang bagong kapitbahay namin. Lalaki 'yo eh, hindi babae.
"Oy, kumakaway," sinagi niya ang balikat ko nang makita kami nung babae at masayang kumaway sa'min.
Kumaway pabalik si Moy habang ako'y kunot-noong nakatingin sa kaniya. Bakit ang ganda niya? Sino ba 'yan?
"Teka, hihingi nga pala ako ng arroz caldo kayo ako narito," aniya nang maalala ang ipinunta rito. Siya na rin mismo ang nagbukas ng gate mula sa labas at basta nalang ako nilampasan papasok sa bahay.
Hindi ko naman maalis ang paningin ko sa babae. Tila ay pinagmamasdan at sinusuri niya ang buong lugar. Nang muling magtama ang tingin nami'y muli siyang ngumiti bago pumasok sa loob ng bahay.
Napakurap ako nang ilang beses saka ako nagmadaling pumasok sa bahay.
Naabutan ko si Moy sa lamesa at masayang kumakain, kadaldalan niya si Thunder at Sky sa hapag.
Dumeritso ako sa kusina kung saan naroon si Nanay. Naabutan ko siyang naglalagay ng arriz caldo sa isang tupperware. Napalingon siya sa'kin nang marinig ang yabag ko.
"Oh, tamang-tama Kinleigh. Dalhin mo nga itong arroz caldo sa kapitbahay natin," utos niya.
Lumapit ako at kinuha ang tupperware ngunit nanatili ako sa tabi niya. "Sino 'yong babae, Nay?"
"Aling babae?"
"Iyong magandang babae na nakita namin sa bahay ng bago nating kapitbahay," pagpapaliwanag ko.
Nang mapagtanto niya ang tinutukoy ko'y napatango siya't napangiti.
"Ay, oo nga pala. Asawa iyon nung pogi nating kapitbahay, anak."
***
End of Chapter 1 | HakinNeja
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro