Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

When the accident happened to me a few months ago, I was skeptical to go on full ride again. Napagawa ko rin naman iyong motor ko matapos ako bayaran no'ng naka aksidente sa akin. Nakipag areglo rin ako no'n dahil sila naman ang may kasalanan at may CCTV na nakahuli ng pangyayari. I was able to fix it, but I wasn't able to ride on it every day as usual.

I go to work on foot. Tinatanong pa ako ni Ankol kung bakit hindi ko na lang ibenta kung hindi ko na ginagamit masyado. I don't agree with what he said. I bought that motorbike from my own pocket. I've saved up for a few months just to have it. Hindi ako nanghingi sa magulang ko o kung ano man. It was the fruit of my labor and I wouldn't sell it in any circumstances.

Days going to work has been a routine for me, as all the things I do were just the same thing all over and over again. Hindi naman ako nagsasawa sa trabaho ko. I've been doing this job for the past few years and the fun part of having this job was being able to know new people.

Maybe, I'm still at that point na hinahanap-hanap ko pa rin ang pag-iikot sa isla. Those three weeks of travel changed a lot of things in my life.

For the past months, I have been checking out the website where Cory's articles were being published online. She has been writing great things about Palawan and all the experiences she had when touring around. I've been waiting for her to release her video project and see how they will come up with it.

Cory and I haven't been talking. Well, we never did ever since she left the island.

"Nakakainis iyong mga guest kanina, hindi marunong sumunod," angal ni Ankol. "Nakaiilang sabi na ako sa kanila na 'wag gagawin 'to kapag nasa ilalim na, may mga gumagawa pa rin talaga. Kung hindi lang ako nasa trabaho kanina, nasample-an ko na 'yon."

"O, kalma ka lang," aniko. "Hayaan mo na 'yong mga 'yon. Mga baguhan, e. Mga sabik."

"Iyon na nga, e. Wala pa silang experience. Mga nagmamagaling tapos kapag may naaksidente sa kanila tayo naman 'yong sisisihin? Kalokohan."

"Hayaan mo na." Tapik ko pa sa balikat niya. "Tapos na naman at mabuti't walang nangyaring masama. Kalma ka na. May pupuntahan ka ba mamaya?"

"May lakad ka ba?" tanong ni Ankol sa akin. 

"Wala naman."

"'Di ba nagyayaya si boss lumabas tayo mamaya? Nakalimutan mo na?"

Napasapo ako sa noo ko nang sabihin niya iyon. "Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Buti pinaalala mo. Uuwi na rin sana ako."

Natawa pa ito. "O, loko! Buti na lang nabanggit ko pa. Hindi ko alam kung anong ganap ni boss, pero malay mo may ishe-share siyang good news sa 'tin, 'no? Tataas na rate ng commission natin per guest."

"Asa ka naman." Ngisi ko pa. "Hindi iyon mangyayari. Mabuti nga niyaya pa tayo ni boss, e."

"Pero paano kung 'yon nga, 'no?"

Umiling ako. "Sige, umasa ka na lang. Masakit 'yan." Tiwanan ko na lang din naman siya.

Bumalik kami sa loob ng cabin at naabutan namin si boss. Tinawa niya kami para paalalahanan sa paglabas namin. We will be joined by the others too. Nagtulungan na lang din kami ni Ankol na mailigpit ang ilang equipments na nagamit ngayong araw. Matapos ayusin isa-isa at masigurado na nakaligpit ang mga ito ay naghintay na lang kami ni Ankol kay boss at iba naming kasamahan.

It was still a weekday, hindi gano'n karami ang guests na nagbo-book, but on the weekend, the number of guests fluctuates and we get overbooked so we have to squeeze everything into our schedule. 

Nang matapos ang araw at trabaho ay sumunod na kami kay boss paalis papunta sa kung saan man. Our boss treated us sa isang bistro dahil nitong nakaraan din ay marami-rami kaming guest, lalo nitong weekend lang. This isn't new to him. Kapag marami kaming nagiging guest, he would find some time to treat us. Parang it was his way to know that we're valued and so to keep doing our job better.

He just doesn't want to lose his best divers. They don't have any idea what happened to me back in El Nido. Hindi ko ikinuwento sa kanila. I thought it wouldn't make sense since I'm already back here. Baka mag-alala pa sila at pagbawalan pa ako sa ibang activity so I'll just keep it for myself.

When they asked for our orders, nagkayayaan pa na uminom din ngayong gabi. Tumanggi naman ako pero in the end ay inabutan pa rin nila ako ng isang bote ng beer. Hindi ko naman dala ang motor ko kaya pwede akong uminom.

"Douglas," tawag sa akin ng kasamahan ko. Tinanguan ko naman ito. "Kumusta na iyong nakasama mo maglibot ng Palawan? Balita namin ang dami niyong pinuntahan, a?"

Napangisi naman ako. "Sa Puerto, El Nido, saka sa Cuyo lang naman."

"Cuyo? 'Di ba, 'yon ang hometown mo? Vice Mayor pa rin ba tatay mo ro'n?"

Tumango ako. "Oo. Siya pa rin naman. At saka iyon ang huli naming pinuntahan bago kami bumalik dito sa Coron."

"Siguro lubos-lubos ang saya mo, 'no?"

Nagtawanan sila. "Sakto lang naman. Na-enjoy ko naman ang pag-island hopping namin."

"E, kumusta na kayo no'n?"

"Ng ano?" tanong ko.

"No'ng kasama mong babae," pagtukoy pa nito. "Nililigawan mo na ba o kayong dalawa na? Baka naman sundan mo na 'yon sa Maynila, a."

Napangisi naman ako. "Hindi, 'no. Walang ligawang nangyayari. Hindi ko iiwan trabaho ko rito."

"'Yan ang gusto ko kay Douglas," tugon ni boss. "O, bigyan pa ng isang bote ng beer 'yan!"

Agad akong umiling para tanggihan iyon. "Hindi, boss! Ayos lang! Okay lang ako sa isa."

"Hindi, sige na. Ngayon lang naman."

Hindi ko napigilan ang boss ko at nagtawag nga ng waiter at saglit lang ay inabutan na ako ng isang bote ng beer. Mukhang tatanghaliin ako ng gising bukas. Natatawa naman si Ankol sa akin.

"Kunin mo na 'tong isang beer kung gusto mo."

"Hindi! Libre sa 'yo ni boss 'yan, e. Ubusin mo na."

"Baliw ka talaga."

Saglit lang naman ay may tumatawag sa phone ko. Tiningnan ko kung kanino galing ito pero hindi ito naka-register sa contacts ko. Nag-excuse muna ako sa kanila at tumungo sa labas kung saan medyo tahimik saka ko sinagot ang unknown caller.

"Hello?" bungad ko.

"Hello? Is this Douglas Alejandria?" tanong nito. Ikipinagtaka ko naman na binanggit pa nito ang buo kong pangalan.

This doesn't sound like Hayley, Jonathan, my parents, or even my cousins, especially Cory! This sounds so strange to me but seemingly familiar.

"Hello? Yes, this is him, speaking," sagot ako.

I don't remember giving my phone number to anyone lately. Wala naman akong in-apply-an na trabaho para tawagan nila ako o sinalihang organization. I had a feeling na baka scammer lang 'tong isang 'to. Ngayong nakainom ako, lagot 'tong taong ito sa akin.

"Perfect! I'm so glad to talk to you..." he was so ecstatic and I'm getting more curious as to know why this person is calling me right now. 

"Wait, I'm sorry... who is this?"

"I'm sorry, Douglas! This is Danwell. Danny in short, more likely na mas kilala mo biglang frenny ni—"

"Cory," pagpapatuloy ko. "I see... this is wild. But good to hear you... bakit ka nga pala napatawag? Are you going to Palawan ba? We can help you book an activity here."

"I wish!" he said. "But I am calling you... uhm..."

"Hmm? Yes?"

"Bago ako magsimula, how are you muna? Are you good?"

"Yeah, I'm good... you?"

"I'm feeling fine! I'm sorry if I'm calling you so suddenly, ha? Pero buti sinagot mo ang tawag ko."

"Yeah, it's fine... kasama ko lang mga ka-trabaho ko, nasa labas kami."

"Oh my gosh, I did bother you!"

"No, it's okay." Ngisi ko pa. "So, what this call is for?"

Narinig ko naman ang paghugot niya nang malalim na hininga. "Would you be able to fly here sa Manila?"

"Huh? Para saan?"

"I'm not sure if nabanggit 'to sa 'yo before ni Cory, but she'll be attending an event sa isang orphanage kung saan siya lumaki. She'll bring me there and I'm inviting you to be there as well."

Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Danny, Cory hasn't been speaking to me ever since she left Palawan, so I don't think it would be a good idea for me to go there. She could be avoiding me."

"'Yan ang alam mo," aniya. "At times, nababanggit ka pa rin niya sa akin. Deny lang nang deny 'yon si Ate Girl sa akin, but I know she was still into you. May binigay ka bang pearl necklace sa kanya?"

"Uh, yes. I did."

"Suot-suot pa kaya niya," sagot nito. "O, 'di ba? She isn't over you yet. Gusto ko siya i-surprise and that event would be her birthday as well."

"Wow... kailan ba 'yan? Sorry, hindi ko alam."

"That's fine... that would be on Thursday na. Alam kong sobrang late na nito. Tuesday na ngayon at medyo expensive ang airfare kapag malapit na ang flight schedules. But I'll shoulder it, walang problema sa akin."

"Thanks for that, Danny... but I really don't know..."

"Aww," he said. "Sayang naman. But it would be really a good moment na rin to reconcile with Cory. Don't worry, I'll put this all on me. Do you want to see her ba?"

"I would love to."

"Do you want to talk to her?"

"Yeah."

"And come here in Manila," he said. "I know Cory would love to see you again. Kahit feeling ko ayaw ka niya pag-usapan minsan, she was thinking of you. Alam kong hindi naging maganda ang paghihiwalay niyo riyan sa Palawan. Well, she told me everything about it..."

"Yeah, that's fine..."

"What do you think?"

"Uh... I don't know... can you give me at least tonight to come up with a decision? I'm not sure if going to Manila would be a good thing for both of us. So, I had to think about it."

"Yes, please?" he said. "Think about it. Birthday niya rin. I think that would be a great surprise na rin for her."

"Yeah, I think so... but let me think of it, alright?"

"Okay... I'll get your decision tonight, ha?"

"Yeah, I will... I'll message you na lang."

"Thank you, Douglas!"

When I ended the call, napahugot ako nang malalim na hininga. I looked around and see people around, I'm just wondering how this decision would affect me in the long run.

Bumalik ako sa loob at muling sinamahan ang mga katrabaho ko.

"Ang tagal ng kausap mo ro'n, ha? Sino 'yon? Jowa mo?"

Umiling ako. "Ang kulit mo talaga. Wala ako no'n. That was just a friend of Cory."

"Oh, iyong nakasama mo?" Tumango naman ako. "Yes, siya nga. Bakit? Ano namang meron?"

"Apparently, he was inviting me na pumunta ng Maynila dahil birthday ni Cory."

"Pre! Iyon na ang chance mo!" aniya. "Perfect na 'yon sa 'yo! 'Wag mo nang sayangin."

"Hindi ko pa alam."

"Ba't hindi mo pa alam? Bakit pinag-iisipan mo pa ba?" tanong nito. "E, parang nitong mga nakaraang buwan, nagiging bukang bibig mo rin siya."

"E, paano namang hindi? Panay rin naman ang tanong niyo patungkol sa kanya."

Lumapit sa akin si Ankol at inakbayan ako. "Isipin mo na lang na isang magandang moment 'yon para sa inyong dalawa. Birthday pa niya. Kunin mo na 'yong chance na 'yon. Kung hindi mag-work out, e 'di balik ka rito, madali lang 'yon!"

"Akala mo lang madali."

"Basta kung ako sa 'yo, pupunta agad ako ro'n."

Hindi na ako nakipagtalo kay Ankol at buong gabi ay pinag-iisipan ko kung anong sasabihin ko kay Danny. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko. Nainom at naubos ko na ang dalawang beer na binigay sa akin ni boss, pero hindi pa rin ako tumutungtong sa isang desisyon.

My attention shifted to a direction where a young couple, possibly in their early twenties were having fun. I thought of us back in Coron, Puerto Princesa, and El Nido. Looking back on all the things we do, we really haven't got a closure.

If meeting her again would start a new beginning or close it on a different level, maybe it was really a good choice to do so.

I grabbed my phone and texted Danny.

To: Danny

Hey, Danny. Sige... I'll go with the plan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro